You are on page 1of 4

Pangalan: ____________________________________________________ Score:

Grade IV – Aguinaldo Lagda ng Magulang: ________________


Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV
S.Y. 2022-2023

A. Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

_____1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang
maaari mong gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya. C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito
B. Pababayaan ko na la mang siya. D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
_____2. Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin mo ba
siya?
A. Oo, para magkapera kami. C. Hindi, dahil masama itong gawain.
B. Oo, dahil kailangan namin ito. D. Hindi, para walang maging problema.
_____3. Ano ang maaari mong gawin kung nakita mong inaaway ng kapitbahay ninyo ang iyong
kapatid?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Papaluin ko siya ng kahoy.
C. Pababayaan ko silang mag-away.
D. Tutulungan ko ang kapatid ko at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginawa.
_____4. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
A. Hindi ka magiging masaya. C. Magiging marami ang iyong kaaway.
B. Magiging magaan ang loob mo. D. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.

_____5. Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang-aralin sa ESP na gumawa ng pangako tungkol sa
pagsasabi ng katotohan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay na nakabasag ka ng salamin?
A. Oo, para magalit siya. C. Hindi, kasi ito ay nakakahiya.
B. Oo, dahil ito ang tama. D. Hindi, kasi tutuksuhin ako ng aking mga kaklase.
_____6. Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?
A. Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya.
B. Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya.
C. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo.
D. Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa upuan.
_____7. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong sasabihin
tungkol sa pagsasabi ng katotohanan?
A. Ang pagsasabi ng katotohan ay nakakabigat ng loob.
B. Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
C. Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
D. Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magandang bunga sa pagsasamahan.
_____8. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong magsabi ng katotohanan?
A. Para mapagalitan ng mga magulang
B. Dahil ito ay sinabi ng aming mga kaibigan
C. Para tumaas ang aking grado sa susunod na markahan
D. Upang maging magandang modelo sa aking mga kamag-aral
_____9. Narinig mo sa iyong kaklase na abot dalawampu’t isang libong tao na ang nagpositibo sa
COVID-19. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para masigurado mo na totoo ang
balita?
A. Tatanungin ko ang aming guro kung totoo ang balita.
B. Makipag-away ako sa kaniya na hindi totoo ang balitang sinabi niya.
C. Makikinig ako sa radyo o telebisyon para masigurado ang tamang impormasyon.
D. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para basahin kung nakasulat ang balita tungkol sa
COVID-19.
_____10. Sa pagsuri ng balita dapat nanggaling ito sa lehitimong pinagmulan. Alin sa mga
sumusunod ang lehitimong pinagkukunan ng balita?
A. pahayagan C. Facebook page ng artista
B. payo ng kaibigan D. balita galing sa kapitbahay
_____11. Kung ikaw ay nagsusuri ng impormasyon, ano ang dapat mong isaalang-alang?
A. Susuriin ko ang pinagmulan ng balita.
B. Maniniwala agad ako sa balitang narinig.
C. Magsasawalang kibo na lang ako sa mga balita.
D. Ipasusuri ko sa nakababata kong kapatid ang balita.
_____12. Narinig mong pinagsasalitaan ng hindi maganda ng inyong mga kaklase ang iyong matalik
na kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
A. Isusumbong ko sila sa aking kaibigan.
B. Hindi ko sila papakialaman kasi buhay nila iyan.
C. Papakiusapan ko sila na tigilan na nila ang kanilang ginagawa.
D. Makikisali ako sa kanilang usapan para magiging masaya kami.
_____13. Mahilig magkalat ng balitang walang katotohanan ang iyong kaibigan. Kung ipagpapatuloy
niya ang ugaling ito, ano ang posibleng mangyayari sa kaniya?
A. Yayaman siya. C. Hahangaan siya ng karamihan
B. Magkakaroon siya ng kaaway.. D. Mapapamahal siya sa ibang tao.
_____14. Tumawag ang iyong kaklase na kanselado ang inyong klase dahil malakas ang hangin at
ulan sa inyong lugar. Ano ang maaari mong gawin para makompirma na totoo ang sinabi niya sa
iyo?
A. Hindi ko na ito itatanong kung totoo o hindi
B. Tatanungin ko ang aking mga magulang kung tama ang sinabi ng aking kaklase.
C. Itatanong ko sa iba pang kaklase kung talaga ngang may pasok kami o wala.
D. Pupunta ako sa aming kapitbahay at makikinig ako sa kanilang usapan tungkol sa pagkansela
ng klase.
_____15. Habang nanonood ka ng isang balita sa telebisyon ay biglang ibinalita na mayroong
paparating na bagyo sa susunod na linggo. Sinabi mo ito sa iyong nanay at tinanong ka niya kung
saan mo ito nakalap na impormasyon. Ano ang iyong sasabihin para maniwala siya sa iyo?
A. Pababayaan ko na lang ang tanong niya sa akin.
B. Tatalikod na lang ako para walang maraming tanong.
C. Sasabihin kong nakita ko na ibinalita sa telebisyon.
D. Magagalit ako sa kaniya dahil ayaw niyang maniwala sa akin.
_____16. Alin sa mga sumusunod ang may magandang balita?
A. Presyo ng LPG, tataas
B. Singil sa kuryente, bababa
C. Pataas nang pataas ang namamatay sa sakit dahil sa virus
D. Ilang mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa lindol
_____17. Sinabihan ka ng iyong kaklase na wala ang inyong guro dahil ibinalita sa telebisyon na
mayroong pagpupulong ang lahat ng mga guro. Ano ang iyong maaaring gawin para maniwala sa
sinasabi niya?
A. Hindi ito papansinin.
B. Sasabihin sa mga magulang.
C. Tatanungin ang mga kapitbahay.
D. Tatawagan ang guro at tatanungin kung totoo o hindi.
_____18. Bakit dapat suriin ang mga balitang nakita sa telebisyon?
A. Para malaman kung ito ay tunay at totoo b
B Para hindi magkakaintindihan ang lahat
C. Upang maibalita na mali ang impormasyon
D. Upang paniwalaan ito kahit hindi totoo ang balita
_____19. Ang malalimang pag-unawa sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-iisip kung tama
ang ang mga ito ay tinatawag na _____
A. pagninilay B. paniniwala C. pagsang-ayon D. pagtatanong
_____20. Masasabing ang mga impormasyong nagmumula sa radyo, diyaryo, telebisyon at social
networking sites ay
A. tama, sapagkat masusing sinuri ang mga ito
B. mali, sapagkat hindi kapani-paniwala
C. tama, sapagkat madali lang makakuha ng impormasyon dito
D. maaaring tama o mali, kailangan mong pagnilayan muna
_____21. Ang mga sumusunod ay kilos na nagpapakita ng pagninilay ng katotohanan, MALIBAN sa
_____
A. pag-iisip kung tama ang impormasyong ibinigay
B. paghahanap ng iba pang ulat upang paghambingin
C. agarang pagsang-ayon sa unang marinig o mabasa
D. pagtatanong sa mga kinauukulan o eksperto
_____22. Ang nagpapakita ng pagninilay ng katotohanan ay si _____
A. Monet, ikini-kuwento niya agad sa iba ang nabalitaan
B. Joy, marami siyang sinasangguni o tinatanong
C. Harry, agad siyang kumikilos ayon sa narinig
D. Jumar, wala siyang kahit anong pinaniniwalaan
_____23. Ang mabuting maidudulot ng pagninilay mo ng katotohanan ay ang ____
A. pagkakaroon ng mga dagdag na kaalaman
B. pagkakatuklas ng katotohanan
C. pagkakaroon ng tamang pasya at kilos
D. lahat ng nabanggit
_____24. Upang malaman ang katotohanan sa napakaraming impormasyon, mahalagang ikaw ay
maging
A. mapanuri B. mapagduda C. mabilis D. mapaniwalain
_____25. Ang mga sumusunod ay mas makabubuting pagkunan ng tamang impormasyon,
MALIBAN sa
A. radyo o telebisyon B. kinauukulan C. pahayagan D. kapitbahay
_____26. Ang pagiging mapanuring bata ay naipakikita ni _____
A. Neil, na naniniwala sa kung anong sabihin ng kalaro
B. Jay, na nakikinig ng balita sa radyo at nanonood sa TV
C. Andrea, na hindi pinapansin ang mga nangyayari
D. Princess, na nagtatanong sa kaniyang kapitbahay
_____27. Gusto na ni Max na lumabas ng bahay dahil ilang buwan na niya itong hindi nagagawa.
Tinawag niya ang kalaro at sinabi nitong ligtas na raw lumabas. Nagalaro na siya Ang kanyang
ginawa ay _____
A. tama, dahil wala ng COVID-19 sa paligid
B. tama, dahil sinabi na ng kalaro na pwede na
C. mali, dahil hindi tama ang kanyang kinonsulta
D. mali, dahil hindi na dapat siya nagtanong pa
_____28. Ang mabuting maidudulot ng pagiging mapanuri ay _____
A. pagkakaroon ng kalituhan
B. pagkatiyak ng tamang impormasyon
C. paggawa ng wastong pasya at kilos
D. B at C
_____29. Narinig mo sa radyo na may bagong kaso ng COVID-19 sa inyong lugar? Ano ang dapat
mong gawin?
A. Magpapanic ako.
B. Itutuloy ko ang aking paglalakwatsa.
C. Ipagkakalat ko sa ibang tao ang narinig na balita.
D. Alamin ko muna kung totoo ang nasabing balita.
_____30. Nais ni Rosa na bumyahe papunta sa Isulan, ngunit narinig niya sa radyo ang mga
patakaran sa lugar bago makatungo rito. Ano ang dapat gawin ni Rosa?
A. Magpost sa facebook ng kanyang galit.
B. Makipag-away sa taong naglahad ng balita.
C. Magtanong sa pulisya ng mga requirements sa pagpasok sa lugar.
D. Maghanap ng makapangyarihang tao upang makapasok.
_____31. Ikaw ay nakarinig ng balita sa radyo tungkol sa pagsara ng istasyon ng telebisyon. Ano
ang iyong gagawin?
A. Tutukuyin ko ang dahilan ng pagsara.
B. Ipagkakalat ko ang impormasyong narinig.
C. Tatawanan ko ang nangyaring pagsara nito.
D. Magpo-post ako ng di kanais-nais na comment sa facebook.
_____32. Nabanggit mo sa iyong ina ang narinig mo tungkol sa gamut na nagpapagaling sa COVID-
19 at hindi siya naniniwala sa iyo. Bakit ganoon ang reaksyon ng iyong ina?
A. Walang pakialam ang ina mo sa iyo.
B. Hindi kapani-paniwala ang iyong kuwento.
C. Abala sa trabaho ang iyong ina at wala siyang oras na makinig.
D. Kailangan ng iyong ina ng wastong pagsisiyasat tungkol sa balitang iyong napakinggan.

_____33. Saan ka dapat makakuha ng responsableng balita?


A. tsismis galing sa kakilala sa facebook
B. sa awtorisadong balita mula sa telebisyon
C. narinig sa kapitbahay sa inyong barangay
D. ibinahagi sa social media ng isang komentarista
_____34. Ano ang tungkulin ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie
Televion Review and Classifictaion Board para sa manonood?
A. Nagbibigay ng negatibong babala sa mga manonood.
B. Nagtatag ng limitadong pamamahayag sa telebisyon.
C. Tagapagtanggol sa mga nagbabatikos sa pamahalaan.
D. Responsable sa pagbibigay ng regulasyon sa telebisyon at pelikulang napapanood.
_____35. Paano mo maipakikita ang pagiging bukas na isipan sa mga balitang napapanood sa
telebisyon tungkol sa sakit na COVID- 19?
A. Magbahagi ng sariling opinyon sa iba.
B. Maging balisa sa balitang nakalap sa radyo, social media.
C. Magsaliksik at magsuri ng pinagmulan ng balita bago maniwala.
D. Maniwala kaagad sa mga balitang nabasa kahit alam na hindi ito totoo.
_____36. May eksenang di kagiliw-giliw kayong napapanood sa telebisyon kasama ang inyong
nakababatang kapatid. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagwalang bahala at patuloy na manood.
B. Tawagin ang mga kasambahay at magtanong-tanong.
C. Magtawanan at magsigawan kasama ang nakababatang kapatid.
D. Ililipat sa ibang estasyon na may palabas na para sa lahat ng manonood.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa patlang kung
ano ang tamang gawin sa sitwasyon.

37.Sinabihan ng kaklase mong si Marlo na huwag mong kakaibiganin si Marie sapagkat hindi
maganda ang kaniyang pag-uugali. Ano ang iyong gagawin?

__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

38. Hindi nagustuhan ni Norma ang pag-uugali ng kaklse ninyong si Rey kaya ipinagsasabi niya ito
sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

39. Ipinagsasabi ni Kasyo sa ibang tao ang pagtatalo ng magkapatid na Lino at Tony. Ano ang iyong
gagawin?
__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

40. Mahilig makipagkuwentuhan sina Reycil at Rebecca tungkol sa buhay ng ibang tao. Ano ang
iyong gagawin?
__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

BILUGAN ANG IYONG NARAMDAMAN SA PAGSUSULIT.

Mahusay!

Inihanda ni:

MELANIE S. BAUTISTA
Guro III

You might also like