You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Schools Division of Laguna
SAN BENITO ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


QUARTER 2
Name: ____________________________________ Date: __________________
Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Basahin ng maayos ang sumusunod na tanong.Piliin ang tamang sagot.

1-15 PAGIGING RESPONSIBLE SA KAPWA

1. Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan.Ano ang gagawin mo?
a. Hayaan na lang sila. b. Tulungan kung ano man ang kailangan nila.
c. Sabihin sa mga kapitbahay. d. Isumbong sa pulis.
2. Ang taong may malasakit ay _______________ ng Diyos.
a. kinalulugdan b. kinatatakutan c. pinababayaan d. kinukamusta
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
a. Tulungan ang nasalanta ng bagyo. b. Suntukin ang kaaway.
c. Huwag bigyan ng pagkain d. Pabayaan ang mga nangangailangan
4. Laging isaisip at __________ ang pagmamalasakit sa kapwa.
a. iwanan b. ihiwalay c. iligtas d. isapuso
5. Nakita mong nakikipag-away ang iyong kapatid na lalaki sa loob ng paaralan. Ano ang gagawin mo?
a. Suntukin ang kapatid b. suntukin ang kaaway ng kapatid mo.
c. Awatin ang dalawang nag-aaway at kausapin d. Isumbong sa Principal
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
a. Nakakita kayo ng pitaka ng iyong kaklase at hindi ninyo ibinalik.
b. Napansin ninyong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase at hinayaan niyo lang
c. Nagluto si Nanay ng pagkain at binigyan niya ang inyong kapitbahay
d. Nahuli mong hindi pumasok sa paaralan ang iyong kaklase.Hiyaan mo lang siyang gumala.
7. Nakita mong nagwawalis ng silid-aralan ang iyong guro.Ano ang gagawin mo?
a. Kunin ang walis at ipagpatuloy ang paglilinis. b. Hayaan na lamang
c. Iwasan na hindi ka niya makita. d. Sabihin sa iyong kaklase
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a.”Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli,peronsana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
c. Sana sa susunod hindi kana huli sa usapan natin,”
d. “Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo.?
9. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa arili na mas matalino siya kaysa ibang tao.
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
10. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________
a. Kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba.
b. Kanilang pagtanaw na utang –na-loob
c. Kakayahan nilang makiramdam
d. Kanilang pagiging emosyunal sa pakikisangkot
11. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya sa pagsusulit.
Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
12. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na magtatapos siya ng pag-aaral
kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano ang gagawin
mo para maabot ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
13. Paano mo tutuparin ang isang pangako?
A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.
14. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
15. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa iyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
16. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math.
Ipinangako niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay pero hindi bumalik ang
kaibigan mo.
Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan.
B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang
oras na pinag-usapan.
17. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang
relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.

18. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng palabas sa Makati Circuit. Nakatakda kayong
magkita-kita sa hintayan ng traysikel malapit sa inyong paaralan sa ganap na ika 5:00 ng hapon . Hindi
dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa Makati Circuit. Ano ang magiging
reaksyon mo?
A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman
tungkol doon.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong pagkatao.
C. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
D. Aawayin ko sila.
19. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong proyekto. Ano
ang sasabihin mo?
A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan.
B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.
20. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang kaklaseng
matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito. Tatanggapin mo ba ang
pinapagawa sa iyo?
A. hindi nararapat
B. Depende kung may panahon
C. Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit
D. Oo, upang makatulong sa aming kaklase

21-30 PAGPAPAKITA NG RESPOSABLE SA KAPWA

21. Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ara dahil ito ay mataba.Tinatawag niya itong “piggy
piggy,oink.”Ano ang gagawin mo?
a. Ipagbigay-alam sa guro b. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
c. Huwag pansinin d. Isumbong sa pulis
22. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan.Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa away b. Suntukin ang dalawang nag-aaway
c. Sabihin sa guro ang iyong nakita d. Huwag makialam sa away nila
23. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo.Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Tingnan na lamang ang batang umiiyak b. Sabihin sa iyong mga magulang.
c. Hayaan na lamang ang bata d. Bahala siya sa buhay niya
24. May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi makalakad ng
maayos.Wala kang kasama.Ano ang gagawin mo para makatulong?
a. Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko
b. Wala akong balak na tulungan siya
c. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad
d. Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak
25. PInagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay. Dahil nahuli
nila itong namitas ng bulaklak.Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa
iyong kapitbahay?
a. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam
b. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin
c. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay
d. Ayokong makialam,problema nila yun
26. Nakita mong nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?
a. Tignan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibaliK ito sa may ari.
b. Magkunwaring hindi mo ito Nakita
c. Ibalik ito kaagad sa may ari.
d. Kung ito ay may laman na pera kunin ito at ipambili ng kahit ano,at itapon na ang
pitaka sa basurahan
27. Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Nagpapahiram siya sa iyo ng inyong
kwaderno, ano ang dapat mong gawin?
a. Ipahiram ito sa kaklase
b. Sabihing nawala ang iyong kwaderno
c. Magkunwaring lumiban ka din sa klase
d. Magkunwari kang walang narinig
28. Hindi sinasadyang nabasag ni Lina ang plorera ng kanyang guro, kaagad niya itong inamin na siya ang
nakabasag ng plorera. Si Lina ay isang batang ____
a. Iyakin b.Mayabang c.Sinungaling d.Matapat o nagsasabi ng totoo
29. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong kaibigan?
a. Sabihin sa iba ang kapintasan ng kaibigan.
b.Pintasin ang kaibigan dahil sa kanyang kapintasan
c. Ipagkalat ang kanyang kapintasan
d. Sabihin ito ng maayos o sa magandang paraan sa kaibigan.
30. May kaibigan ka may kapintasan na siya ay medyo nag-iiba ng amoy, ano ang dapat mong gawin bilang
kaibigan?
a. Sabihin ng maayos na medyo nag-iiba na ang kanyang amoy at kailangan na niyang gumamit ng
deodorant
b. Iwasan ang kaibigan
c. Pagtawanan ang kaibigan
d. Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba
31.Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian nang magbigay ng aguinaldo ang mag asawang mayaman na
sina G at Gng.Ramirez sa mga pulubing nakikita sa lansangan.Sa iyong palagay,tama baa ng kanilang
ginagawa?
A.Hindi,ang Pasko ay para lamang sa mga may kaya at kilalang tao
B. Hindi,sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang dapat sa araw ng Pasko ginagawa kundi
kahit ano pang araw.
C. Oo dahil pasko naman
D. Oo,para naman makita ng tao na sila ay matulungin
32.Nakita mo si Ludegario na habang pauwi ng bahay ay tumatakbo.Nadapa siya.Nagkaroon siya ng maliit
na gasgas sa tuhod.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Dalhin siya sa ospital
B. Hindi siya papansinin
C. Pagtawanan siya
D. Tutulungan siyang linisin at gamutin ang sugat kahit maliit lamang ito

33-39 PAGIGING MATAPAT


33. Nahuli mo si Berto na kinukuha niya ang mga bote ng softdrinks na nasa tindahan ni Aling Iska,
Binebenta ito niya sa Junk Shop nina Mang Roldan, Anong gagawin mo?
a. Isusumbong ko ito kina Aling Iska at Mang Roldan
b. Sasabihan ko si Berto na bigyan ako ng balato.
c. Hindi ko isusumbong baka masaktan pa ako.
d. Isusumbong ko upang makahingi ng pabuya.
34. Kung nakakita ka ng mandurukot sa loob ng Mall kanino mo ito ipagbibigay-alam?
a. Sa gwardiya ng Mall b. Sa Barangay
c. Sa ibang mga tao d. Hindi ko ito ipagpapa-alam
35. Nag-ikot ang Barangay patrol sa inyong lugar at ipinagtatanong kung may kaguluhan sa inyong lugar.
Itinatanggi ito ng mga naunang pinagtanungan. Ano ang gagawin mo?
a. Mag- maang maangan c. Magsasawalang kibo
b. Sasabihin ang katotohanan d. Itatanggi ang pangyayari
36. Nabasag mo ang plorera na nasa mesa ng iyong guro habang ikaw ay naglilinis. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Itago ang nabasag na plorera.
b. Umuwi sa bahay at magtago.
c. Sabihin sa guro ang totoo.
d. Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.
37. Mabait at mayaman si Ana. Gusto mo siyang maging kaibigan. Paano mo ito gagawin?
a. Magpanggap na mayaman.
b. Magpakabait kapag kasama si Ana.
c. Magpakabait at sikaping yumaman.
d. Magpakabait at magpakatotoo.
38. Nakita mong kinuha ni Pedro ang laruan ni Tita. Itinago niya ito sa kanyang bag. Umiiyak na
naghahanap si Tita ng nalaman niya ito. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Pagtakpan ang ginawa ni Pedro.
b. Bigyan ng bagong laruan si Tita.
c. Sabihin kay Pedro na ibalik ang laruan.
d. Pag-awayin ang dalawa.
39. Nagkakawanggawa ang simbahang iyong kinabibilangan. Habang namimigay kayo ng tulong, napansin
mong may mga taong hindi ninyo kasama sa pananampalataya na pumipila. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Paalisin sila.
b. Hikayating lumipat sila sa inyong simbahang kinabibilangan.
c. Bigyan pa rin sila ng tulong.
d. Hindi sila pansinin.
40. Paano ka makakatulong sa iyong kaklaseng mabagal bumasa?
a. Kutyain sila.
b. Ipaalam sa buong paaralan ang kanilang kahinaan.
c. Hikayating magbasa ang iyong kaklase at tulungan sa kanilang kahinaan.
d. Hikayatin silang lumipat sa ibang paaralan.

41-50 PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA IDEYA O SUHESSYON NG KAPWA

41. Hinikayat ng inyong guro na mag-aambag ng mga lumang damit para sa nasalanta ng bagyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Ibigay ang mga punit mong damit.
b. Sabihin sa Nanay na magbigay ng mga damit.
c. Baliwalain ang sinabi ng guro.
d. Magpabili sa Nanay ng mga magagandang damit upang purihin ng guro.
42. Naglalaro kayo ng taguan ng iyong mga kapatid sa inyong bakuran. Napansin mong natutulog ang
iyong kapitbahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Ipagpapatuloy ang paglalaro at pagsigaw.
b. Palitan ang inyong laro na hindi mag-iingay.
c. Humanap pa ng ibang kalaro.
d. Katukin at gisingin ang inyong kapitbahay.
43. May isang taong naninigarilyo sa dyip na inyong sinasakyan. Napansin mong hinihika ang isang
pasahero dahil sa usok ng sigarilyo. Paano mo siya matulungan?
a. Kausapin ang taong naninigarilyo na itigil muna ang kanyang paninigarilyo.
b. Pababain ang matandang hinihika.
c. Sabihan ang nagmamaneho ng dyip nabilisan ang takbo.
d. Pabayaan ang matandang magtiis sa usok.

44. Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.nagkataong hindi ka
katoliko.Ano ang nararapat mog gawin?
A. Hindi ka sasali ngunit igagalang moa ng pananampalataya nila
B. Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C. Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D. Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
45. Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya sa
pagsimba.Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa
iyong pinapanood na pelikula.Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B. Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upan magkaroon pareho sila ng
konsentrasyon
C. Sisigawan siya at palalayasin
D. Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses
46. Kasama mo sa pag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay nakita mong
naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong
gawin.
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating na sa bahay
maglaro
47. Matalik na kaibigan ni Rex si Jec.Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,nais ni Rex na
desisyon lamang niya ang dapat masunod.Bilang kaibigan,paano papayuhan ni Jeric si Rex?
A. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
B. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng Gawain
C. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D. Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat
48. Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-aaral sa
kabilang pangkat.Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang silang mag –away
B. Huwag silang pansinin
C. Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D. Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa kapwa.
49. Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid.Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na gastusin at walang
hanapbuhay ang iyong mga magulang.Dahil dito , nais na ng mga kapatid mon a huminto na sa pag–
aaral.Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B. Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C. Hahayaan ko na lamang silang huminto sap ag-aaral
D. Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-aral.
50.Kaibigan mong matalik si Jose at batid mo ang kanyang mga suliranin sa mga magulang.Binalak niyang
maglayas.Bilang isang matapat na kaibigan ,paano mo siya papayuhan?
A. Alam mong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan mo
B. Isusumbong mo siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong mo siya sa kanyang mga magulang
D. Sasang-ayunan mo siya sa kanyang binabalak
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
Schools Division of LAGUNA
SAN BENITO ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
QUARTER 2

TOTAL NO. OF
EDUKASYON SA
SUBJECT INSTRUCTION 40
PAGPAPAKATAO
DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 6 50
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

REMEMBERING

UNDERSTANDING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING
LEARNING Actual Total
COMPETENCIES Instruc Weight No.
(Include Codes if tion (%) of
Available) (Days) Items

               
4. Naipakikita ang
kahalagahan ng pagiging 1,2,
1 8 20% 10 9,10 4,5,7 8
responsable sa kapwa: 3,6
EsP6P- IIa-c– 30
12,
4.1 pangako o
20% 10 14 13, 15,
2 pinagkasunduan; 8 11
17- 16
EsP6P- IIa-c– 30
20
23-
21,
4.2 pagpapanatili ng mabuting 20% 27, 36
10 22,
pakikipagkaibigan; 8 20% 28,30, 29, 31, ,3
3 33,
4.3 pagiging matapat 8 10 32, 7,
34,
EsP6P- IIa-c– 30 38, 40
35
39
41-
5. Nakapagpapakita ng
20% 44, 45
paggalang sa ideya o 10
4 8 47, 48 ,4
suhestyon ng kapwa
49, 6
EsP6P- IId-i31
50
  TOTAL 40 100% 50 4 5 26 9 6 0
1. C 22. C 43. A
2. A 23. B 44. A
3. A 24. A 45. B
4. D 25. A 46. D
5. C 26. C 47. A
6. C 27. A 48. D
7. A 28. D 49. B
8. B 29. D 50. A
9. C 30. A
10. D 31. B
11. D 32. D
12. D 33. A
13. D 34. A
14. D 35. B
15. B 36. C
16. D 37. D
17. A 38. C
18. A 39. C
19. B 40. C
20. D 41. B
21. A 42. B

You might also like