You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
LAGUMANG PAGSUSULIT 1

Pangalan: ____________________________ Guro: ______________________


Baitang at Pangkat: ____________________ Petsa: ______________________

I. Isulat sa patlang ang salitang PANGAKO kung ang pahayag ay nagsasabi ng kahalagahan ng pagtupad sa pangako,
mabuting pakikipagkaibigan at pagiging matapat at ang salitang NAPAKO kung hindi.

_____________1. Ang mga simpleng bagay na ipinangako sa kaibigan ay maaaring hindi tuparin lalo na kung hindi rin
naman niya tinutupad ang ipinapangako niya sa iyo.
_____________2. Taos pusong humingi ng paumanhin kapag ang pangakong binitawan ay hindi natupad sapagkat
mayroong hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit , aksidente o biglaang personal na problema sa pamilya o
paaralan.
_____________3.Tanda ng pagkakaroon ng mabuting pagkatao o karakter ang pagtupad sa pangako o
pinagkasunduan.
_____________4. Hindi kailanman mababawasan ang tiwala ng tao sa kaniyang kapwa kahit hindi nito tuparin ang
kaniyang pangako.
_____________5. Sikaping tuparin ang ipinangako o pinagkasunduan sapagkat ito ay larawan ng katapatan hindi lamang
sa kapwa maging sa sarili.

II. Iguhit ang kung ang mga gawain ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan,
pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan at pagiging matapat at kung hindi.

_____6. Dumadating sa petsa at oras na napagkasunduan.


_____7. Pinagdududahan ang lahat ng ibinabalita ng kaibigan.
_____8.Sinasabi ang tunay na pangyayari.
_____9. Ginagawa ang mga gawaing ipinangakong gagawin.
_____10 Nakikipag-away sa mga kaibigang may naiibang paniniwala.
_____11. Nag-iisip nang mabuti bago nagbibigay ng pangako.
_____12. Hindi nagtitiwala sa nakakasalamuhang tao.
_____13. Humihingi ng paumanhin kapag ang pangako ay hindi natupad dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
_____14 Pinagtataguan ang taong inutangan kapag naniningil na ito.
_____15. Nagsasabi ng mga salitang makasasakit sa damdamin ng kapamilya, kaibigan at kapwa.

III. Isulat ang SANG-AYON sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtupad sa pangako,
mabuting pakikipagkaibigan at pagiging matapat at HINDI SANG-AYON kung hindi.

___________________16. Gumising nang maaga si Dale upang maghanda sa pagpasok sa paaralan dahil nangako siya
sa kaniyang guro na hindi na siya mahuhuli sa klase.
___________________17. Napananatili nina Rilly at Gillly ang kanilang mabuting pagkakaibigan sapagkat tinutupad nila
ang anumang pangakong binitawan sa isa’t isa.
___________________18. Hindi tinupad ni Arya ang pangako niya kay Yetty na sasama sa silid-aklatan upang mag-aral
ng kanilang leksyon dahil mabait at maunawain naman ang kaniyang kaibigan.
______________ ____19. Pinagtaguan ni Kelly ang kaniyang mga kaibigan pagkatapos niyang manalo sa paligsahan sa
pagkanta dahil ayaw niyang mabawasan ang natanggap na premyo kahit nangako siyang ililibre ang mga kaibigan kapag
nanalo siya.
__________________20. Hindi muna nagbayad ng utang si Lira kay Mira dahil may nakita siyang magandang aklat at
binili niya ito.
IKALAWANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
LAGUMANG PAGSUSULIT 2

I. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang inilalahad sa bawat pangungusap ay nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa
bawat salitang binibitawan at MALI kung hindi.
_____________1. Ang hindi pagtupad sa pangako ay larawan ng iyong katapatan sa iyong kapwa.
_____________2. Laging isipin na “Ang Pangako ay Pangako”.
_____________3. Maghanda sa mga hindi inaasahang pangyayari na maaaring maging hadlang sa iyong ibinigay na
pangako.
_____________4. Mag-isip muna nang mabuti bago magbigay ng pangako.
_____________5.Laging pag-isipan na bawat pangakong ibinibigay sa iba ay kontrata din sa iyong sarili.

II. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga gawain ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtupad sa pangako at ekis
(X) kung hindi.
__________6. Pinag-iisipan muna nang mabuti ni Jose bago siya magbigay ng pangako.
__________7. Sa limang bagay na ipinangako ni Samantha, tatlo lang ang kaniyang tinupad.
__________8. Ibinibigay ni Rhian ang kaniyang buong makakaya upang matupad ang pangakong kaniyang binitawan.
__________9. Laging iniisip ni Yuna ang magiging resulta kapag hindi siya tumupad sa kaniyang ipinangako.
__________10. Sumusunod si Reymark sa kaniyang magulang at sa mga alintuntunin sa paaralan.
III. Hanapin sa puzzle ang 5 salita na nagpapakita ng pagiging responsable sa kapwa. Isulat ang sagot sa patlang.

P A G T U P A D
B M M A S B G L
T A A P E L I V
S M S A V A D E
T A U T E C L T
W M N A N K E T
I O U M T P R I
C O R A E I E W
E X I O E N D A
Z Y N A N K V L
M A B U T I L A
11.________________ 12._______________13.____________________
14.____________________15.____________________

IV. Isulat sa patlang ang salitang OPO kung ang pahayag ay nagsasabi ng kahalagahan ng pagtupad sa pangako,
mabuting pakikipagkaibigan at pagiging matapat at ang salitang HINDI PO kung hindi.
_____________16. Ang pagtupad sa pangako o pinagkasunduan ay tanda ng pagiging responsableng tao sapagkat
ginagawa niya ang kaniyang sinasabi.
_____________17. Maituturing na “May Isang Salita” ang taong tumutupad sa kaniyang ipinangako o pinagkasunduan.
_____________18. Ang nararapat na tumutupad lamang sa kanilang pangako ay ang mga nakatatanda sapagkat mas
marami na silang karanasan.
_____________19. Ang pagbibigay ng pangako sa isang tao ay may katumbas na pananagutan.
_____________20. Dapat na mag-isip muna nang ilang ulit bago magbigay ng pangako sapagkat ang pagtupad sa
pangako ay tanda ng pagpapanatili ng mabuting ugnayan o pakikipagkaibigan.
IKALAWANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Lagumang Pagsusulit Bilang 3

I. PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na nagsasabi ng wastong gawi, ekis (x) naman ang hindi.
_____1. Kawalan ng paggalang sa ideya ng iba.
_____2. Pagkakaiba-iba ng mga pananaw.
_____3. Sobrang laki ng tiwala sa sariling palagay na siya ay tama.
_____4. Sanay na lagi siyang pinagbibigyan dahil siya ay matampuhin pag hindi pinaniniwalaan.
_____5. Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba.
_____6. Pagkamahinahon sa pagbibigay ng sariling palagay o suhestiyon.
_____7. Pamimilit na siya ang laging tama.
_____8. May isipang umuunawa at pusong nagsasaalang-alang sa damdamin ng iba.
_____9. Pumapanig sa suhestiyon ng kaibigan kahit mali.
_____10. Sa tama lang ang pamantayan.

II. PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasabi ng pag respeto sa
suhestiyon ng kapwa, malungkot nman kung hindi.
_________1.Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o
makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
_________2.Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa
pakikipag-usap, huwag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging isaalang-alang ay ang mararamdaman
ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.
_________3. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinion na makakasakit ng damdamin ng ibang tao.
_________4. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang mas makabubuti, maging tiyak at
sigurado lamang bago isagawa ito.
_________5. Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat,
pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon
ng konklusyon.
_________6. Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap, sa
kagustuhan ng iba.
_________7. Ipagpilitan ang sariling opinyon upang mas maging maganda ang proyektong gagawin.
_________8. Huwag nang humingi ng opinyon sa mga kasamahan dahil tatagal lang ang usapan.
_________9. Tanungin ang mga kasamahan kung gusto ba nila ang iyong suhestiyon.
_________10. Pinagbobotohan ang mga bagay na gagawin o batas na dapat ipatupad .
IKALAWANG MARKAHAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 4

Pangalan: _____________________________ Pangkat: ____________________


Guro: _________________________________ Petsa: ______________________

I. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Itiman ang TAMA kung nagpapakita ng paggalang sa
suhestiyon ng kapwa at MALI kung ito ay hindi nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon.

1. Ang hindi pagsang-ayon ng hindi nailalahad ang mga dahilan ay


nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.
TAMA MALI
2. Kailangang isipin na hindi lahat ng tao ay may magkakatulad na opinyon.
TAMA MALI
3. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng ibang tao ay ang pag-unawa nang mabuti.
TAMA MALI
4. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng opinyon o mungkahi ay nagpapakita ng paggalang.
TAMA MALI
5. Maaaring magtanong sa kausap upang mabigyang linaw ang ibang bagay o mas maunawaan ang kaniyang
inilalahad na opinyon.
TAMA MALI
II.Basahin ang talata sa ibaba. Pillin ang angkop na salita na makikita sa loob ng kahon upang mapunan ang mga
patlang.
Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang (6) __________. Makikilala natin kung alin ang tamang ideya/opinion sa
pamamagitan ng (7) ____________, kung alin sa mga ito ang makakabuti para sa nakararami. Kaniya-kaniyang (8)
______________, (9)______________ at (10) ____________. Subalit dapat nating tandaan na ano mang ideya/opinyon
ng bawat isa ay dapat (11) _________ at (12)___________ upang hindi pagmulan ng anumang kaguluhan. (13)”
_____________” ang dapat itanim sa ating puso at damdamin upang matanggap natin ang ideya/opinyon ng kapwa natin.
At sikaping alamin ang saloobin ng bawat isa upang makapagbigay ng tama at mabuting ideya para sa nakararami.

pag-iisip ideya kahusayan isaalang-alang

Kaalaman karunungan igalang respeto

III: Lagyan ng ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa opinion o suhestiyon at kung hindi nagpapakita
ng paggalang.
_____ 14. Iniiwasan ni Tom ang mga kaibigang nagbigay puna sa kaniyang gawa.
_____ 15. Pinagtawanan si Sean ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
_____ 16. Masusing pinakinggan ni Patricia ang mga ideya ng kaniyang kapangkat.
_____ 17. Hinihikayat ni Yvonne ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.
_____ 18. Isinaalang-alang nila Miguel ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang magaganap sa
kanilang lugar.
_____ 19. Lumapit sina Jona sa kaniyang dating guro upang humingi ng ideya sa gagawin nilang programa para sa
kanilang punong guro.
_____ 20. Sumama ang loob ni Charles nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang proyekto sa
Araling Panlipunan.

You might also like