You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 7 | UNANG MARKAHAN LQ#

1
Long QUIZ #1 | modULe 1
Name: ________________________________ Section: ________________ Date: ______________

Panuto: Isulat ang SAGOT sa inyong kwaderno o kahit anong malinis na papel. Kuhanan
ito ng litrato at I-send via private message (pm) sa inyong ESP Teacher. Siguraduhin na
malinaw ang pagkakakuha, at may pangalan at section.

I. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan. Kung


mali naman, isulat ang WASTONG SAGOT kapalit ng mga salitang may salungguhit.
Halimbawa:
TAMA 1. Ang puberty ay kadalasan ring tinatawag na age of “confusion.”
DR. JOSE P. RIZAL 2. Isa sa mga pinaka hindi malilimutang linya ni Ma’am Kim, ang mga
katagang “Kabataan ang pag-asa ng bayan.”

_____1. Huwag kang mahiyang ipakita sa iba ang tunay mong pagkatao.
_____2. Nararapat na lagyan ng hangganan ang kakayahan ng bawat isa batay
lamang sa kanyang katangiang biyolohikal.
_____3. Panatilihing bukas ang komunikasyon.
_____4. Sa yugto ng katandaan, kinakailangang matutong linangin ang kakayahan sa
maingat na pagpapasya.
_____5. Mahihirapan ka na makipag-ugnayan at tanggapin ang kahinaan ng ibang tao
kung hindi mo kayang tanggapin at mahalin ang iyong sarili.
_____6. Ang pagmamahal ang isa sa mga bagay na nagpapasimula ng relasyon at sya
ring nagpapatibay rito.
_____7. Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at
halaga ng buhay.
_____8. Sa kasalukuyang yugto ng iyong buhay, ituon mo muna ang iyong pansin sa
iyong hinahangaan upang makamit ang iyong mga pangarap at mithiin.
_____9. Ang pakikipag-chat online sa panahon ng kabataan ay isa sa mga tunay na
humahasa sa kakayahang makipag-ugnayan ng isang tao.
_____10. Ganap lamang na matatamo ang kakayahan sa pag-aasawa at
pag-papamilya sa iyong pagtungtong sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata.
_____11. Mahalagang isaalang-alang ang iyong sariling kakayahan, mga kalakasan, at
kagustuhan sa iyong pagpili ng kurso o propesyon mo sa hinaharap.
_____12. Bilang mga kabataang nakikitaan ng mga palatandaan ng pagtanda,
mayroon nang mga inaasahang kilos at kakayahan mula sa inyo.
_____13. Noong unang panahon, ang mga kababaihan lamang ang pinapayagang
makapasok sa mga paaralan upang makapag-aral at mamuno sa hinaharap.
_____14. Mahalagang sumangguni sa mga nakatatanda o awtoridad na higit na may
alam sa mabuting pamumuhay sa mga pasyang gagawin.
_____15. Nararapat lamang na tanggapin ang mga pagbabagong pisikal sapagkat ito
ay normal na pinagdaraanan ng lahat ng kabataan.

II. Tukuyin kung anong uri ng aspeto ng pag-unlad ang tinutukoy sa bawat
pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Panlipunan B. Pangkaisipan C. Pandamdamin D. Moral

1. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.


2. Dumadalang ang pangangailanganng makasama ang pamilya.
3. Madalas na nag-aalala sa kanyang pisikal na anyo, marka sa klase at
pangangatawan.
4. Alam kung ano ang tama at mali.
5. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.
6. Nagiging mapag-isa sa tahanan.
7. Lumalayo sa magulang, naniniwalang makaluma ang magulang.
8. Nahihilig sa pagbabasa.
9. Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto.
10. Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o
pagmamahal.
III. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng 3-5 pangungusap.

1. Bakit kadalasang tinatawag ang puberty bilang “yugto ng kalituhan” o “age of


confusion”?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan mo maipapakita na maging mga kabataan man, kagaya mo ay
may kakayahan nang maging “role model” o “influencer” sa mga tanong nakapaligid sa
iyo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Page 2 of 2
End | Cheating is a personal foul. Be honest with your answers, EsP na nga ‘to e, kung san lahat ng ‘sml,” may
points. Hehe | Further instructions for submission are posted in our group page.

You might also like