You are on page 1of 7

BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bunawan, Agusan del Sur


Edukasyon Sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan

Ikaapat Linggo

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:___________________
Guro: ISABELO III DE ASIS ALFEREZ Iskor: ___________________
Contact number: 09389112278

Antas ng Pagpapahalaga

I. Kasanayang Pampagkatuto at koda:

 Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay


gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao. EsP7PB-IIId-10.3
 Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga
pagpapahalaga. EsP7PBIIId-10.4

II. Panimula (Susing Konsepto):

Antas ng Pagpapahalaga

Mula sa pag-aaral ni Tong-Keun Min ng limang katangian ng pagpapahalaga o A Study on the


Hierarchy of Values sumulat si Max Scheler ng pag-aaral upang mas maunawaan kung ano ang
pamantayan sa pagpapasiya sa mga antas nito.

Limang Katangian ng Pagpapahalaga o A Study on the Hierarchy of Values

1. Timelessness or Ability to Endure mas tumatagal ang pagpapahalaga kung ihahambing sa mas
mababang pagpapahalaga. Halimbawa, ang paggastos ng pera upang ipambili ng laptop para sa
iyong pag-aaral ay mas mataas kaysa sa ipambili mo ng sapatos. Mas maraming matututuhan
kung ikaw ay bibili ng laptop kaysa sa kasiyahan ng pisikal na katawan dahil sa sapatos.

2. Indivisibility mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga kahit dumarami ang
nagtataglay nito. Halimbawa, ang salaping mayroon ka, kapag ito ay iyong ibinahagi lumiliit ang
halagang naiiwan sayo ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi mababawasan kahit
ibahagi mo pa ito sa iba.

3. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang pagpapahalaga.
Halimbawa, mas ninais ng iyong ama na magtrabaho sa ibang bansa upang masustentuhan ang
inyong panganagilangan at upang ikaw ay makapagtapos ng pag-aaral, tinitiis niya ang lungkot,
pangungulila at pagod dahil para sa kanya mas mataas na pagpapahalaga ang makapagtapos ng
pag-aaral ang kanyang anak.

4. Depth of Satisfaction mas malalim ang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng pagpapahalaga.


Halimbawa, ikaw ay nahihilig sa mga gawaing pansimbahan kaya mas minabuti mong sumama sa
prayer meeting kaysa sa pagsama sa iyong mga kaibigan sa mall.

5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa organismong
nakararamdam nito. Halimbawa, si Ana ay isang pipi na nakapagtapos ng pag-aaral na may
mataas na karangalan hindi naging hadlang sa kanya ang kanyang kapansanan. Ang pagnanais
niyang magtagumpay sa kanyang larangan ay higit na mataas kaysa sa kanyang pisikal na
kapansanan.

Ayon kay Max Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang
pagpapahalaga kapalit ng iba pang pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng
1|Page
kilos ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan.
Ang paggawa ng mabuti ay nangangahulugan lamang ng pagnanais na piliin ang pinakamataas na
pagpapahalaga laban sa masama. Ayon kay Dr. Manuel hindi dapat kalimutan ang layunin ng
pagpapahalaga. Maaaring hindi naisin ng isang tao na matugunan ang isang pagpapahalaga ngunit hindi
nito kailanman mababago ang pagpapahalaga lalo na ang nasa mas mataas na antas.

III. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Isaayos ang mga letra upang makuha ang wastong sagot.. Isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay itinuturing pinakamababang antas sa kadahilanang. DANPAMMAD AN GAPAAPPLAGAHA
2. Ito ay ang pagpapahalagang may kinalaman sa kung paano mapapbuti ang kalagayan ng buhay ng
isang tao. AMPHAYBU AN GAPAAPPLAGAHA
3. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang pang kabutihan, hindi lamang sa sarili
kundi pati na rin sa nakararami. SIIRIPALTW AN GAPAAPPLAGAHA
4. Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas. NALBA AN GAPAAPPLAGAHA

Gawain 2

Panuto: Pumili sa dalawang gawain ang iyong nais at ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat sa sagutang
papel.

Maghugas ng pinggan Gumamit ng cellphone

Mag sagot ng modyul Mag facebook

Gawain 3

Panuto: Magbigay ng limang (5) pagpapahalaga sa iyong buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata. Sagutin
ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel.
1. Kung papipiliin ka ng dalawa sa iyong inilista, ano ito at bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2|Page
2. Sa iyong palagay tama ba ang iyong ginawang pagpapasiya sa pagpili ng pahahalagahan?
Ipaliwanag
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang matutuhan ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang mamili ng tamang
pahahalagahan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

IV. Pangwakas

Gawain 4:

Panuto: Magbigay ng limang (5) pagpapahalaga sa iyong buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata batay sa
katangian ng pagpapahalaga..

V. Rubric
Rubrik

10 8 5

Nilalaman Malinaw na naipakita Hindi gaanong malinaw na Malabo ang mensahe ng


ang mensahe. naipakita ang mensahe. islogan.

Pagkamalikhain Maganda at angkop Hindi gaanong maganda Hindi malinaw ang


3|Page
ang mga disenyong at angkop ang mga pagkakasulat ng mga titik.
ginawa sa pagsulat ng disenyong ginawa sa
mga titik. pagsulat ng mga titik.
Kaugnayan sa May malaking Hindi gaanog nakaugnay Kaunti lang ang kaugnayan
Paksa kaugnayan sa paksa ang sa paksa ang ng islogan sa paksa.
ang islogan. islogan.

VI. Sanggunian
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-edukasyon-sapagpapakatao-q3-q4.html

4|Page
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bunawan, Agusan del Sur
Edukasyon Sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan

IKALAAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:___________________
Guro: ISABELO III D. ALFEREZ Iskor: ___________________
Contact number: 09389112278

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang pinaka-angkop na sagot at isulat
ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ang pinakamataas na uri ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler.


a. Banal b. Ispirit c. Pambuhay d. Pandamdam
2. Siya ang nagsulat ng hirarkiya ng pagpapahalaga.
a. Dexter Sy b. Manuel Dy c. Max Scheler d. Thomas De Aquino
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng banal na pagpapahalaga?
a. Pagbili ng luho
b. Pagdarasal
c. Pagkain ng masusustansyang pagkain at pag- eehersisyo
d. Pagtulong sa kapwa
4. Piliin sa mga sumusunod ang pinakamababang uri ng pagpapahalaga.
a. Banal b. Ispiritwal c. Pambuhay d. Pandamdam
5. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan.
a. Banal b. Ispiritwal c. Pambuhay d. Pandamdam
6. Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil___________.
a. Ang puso ng tao ang hindi dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at isip ang nararapat
pairailan
b. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan
samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.
c. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi nauunawaan
ng isip.
d. Lahat ng nabanggit
7. Si Darwin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pagaasawa. Dahil sa ganitong
kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na may
kakayahan sa buhay. Kung kayat hindi na sya nag hanap ng trabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang
gumala kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni
Darwin?
a. Banal d. Ispiritwal c. Pambuhay d. Pandamdam
8. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad
ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos
b. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng
isang bata ang mga halaga
c. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang
sarili
d. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at
paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak
9. Mas malalimang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
a. Mali b. Pwedeng tama pwedeng mali c. Tama d. Wala sa nabanggit
10. Ibinahagi mo ang mga bagay na meron ka gayundin ang iyong karunungan. Ito ay halimbawa ng
Indivisibility.
a. Mali b. Pwedeng tama pwedeng mali c. Tama d. Wala sa nabanggit
5|Page
11. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pasalinsalin nito sa napakaraming
henerasyon.
a. Depth of satisfaction
b. Indivisibility
c. Timelessness or ability to endure
d. Wala sa nabanggit
12. Para sa edukasyon ng konsensya ng isang bata mahalaga ang bahaging maaaring gampanan ng mga
magulang at ng mga guro. Ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang gampanan
para sa mga kabataan maliban sa________.
a. Maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuuan, sino man ang mga ito
b. Maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan
upang ito ay maitama
c. Maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao.
d. Matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ninanais o
hinahangad
13. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung:
a. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang paghuhusga sa mga prinsipyong etikal
b. Sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama
c. A at B
d. Wala sa nabanggit
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa konsensya?
a. Dahil sa konsensya nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon.
b. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip.
c. Ito ay matuloy at natural na nahuhubog batay sae dad at karanasan ng tao.
d. Kung nahubog ang tao na gamitin ang kanyang tamang konsensya, napalalakas nito ang
kakayahan ng tao na makabuo ng moral na paghuhusga.
15. Sa paanong paraan mapananatili ang moral na integridad ng isang tao?
a. Kung isasaloob ang mga katotohanang unibersal at halagang moral
b. Kung laging pananaigin ang maingat na paghuhusga ng konsensya at pagsasabuhay ng mga
birtud
c. Kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at kabutihan
d. Lahat ng nabanggit

6|Page
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
San Teodoro, Bunawan, Agusan del Sur

TABLE OF SPECIFICATION
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

      Easy 60% Average 30% Difficult 10%


# of TOTAL
Leaning Competencies/Objectives minutes Percentage Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating

Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga


at ang mga halimbawa ng mga ito. EsP7PB-IIIc- 1, 2, 4, 5, 7 3 6, 7
10.1 300 50
Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga
batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max
Scheler. EsP7PB-IIIc10.2
Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga
batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay 11 9, 10 12,13, 14, 15 8 8
gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating 300
pagkatao. EsP7PB-IIId-10.3 50
Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na
hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang
mga pagpapahalaga. EsP7PBIIId-10.4
TOTAL 600 100% 6 3 5 1 15

Prepared by: Checked/Verified by:


ISABELO III D. ALFEREZ ROSIL J. ARILA
Guro sa ESP Instructional Supervisor

7|Page

You might also like