You are on page 1of 7

BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bunawan, Agusan del Sur


Edukasyon Sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

Ikalimang na Linggo

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:___________________
Guro: ISABELO III DE ASIS ALFEREZ Iskor: ___________________
Contact number: 09389112278

I. Pamagat: Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng Kursong Akademiko o


Teknikal-Bokasyonal o Negosyo

II. Kasanayang Pampagkatuto at koda:

 EsP7PS-Ie-3.1Natutukoy ang kaugnayan sa pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng kursong akademiko,


teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
 EsP7PS-Ie-3.2Nasusuri ang sariling hilig ayon sa larangan at tuon nito.

III. Panimula (Susing Konsepto):

Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-


Bokasyonal o Negosyo
Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na: “Mahalin mo ang iyong ginagawa at
gawin ang mga bagay na iyong minamahal”. Naniniwala ka ba sa mensaheng ito? Kaya mo bang
gumawa ng isang bagay
sa loob ng isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi gaanong nakaramdam ng
pagod?

Tingnan mo ang mga larawan at basahin ang kanilang pag-uusap ukol sa mga kurso o bokasyon na
gusto nila.

Sa pagtatakda ng mithiin mahalagang isaalang -alang ang mga pamantayan sa pagbuo ng


mahusay na mithiin.

1. Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na gagawin.


Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihing “Nais kong maging isang doktor”, kundi, “Tatapusin ko
ang mga pangangailangan sa pag-aaral para sa kursong medisina”.
2. Kung masusukat ang mithiin, masubaybayan natin ang ating pagsulong sa pagkakamit ng mithiin
at matutukoy kung kailan ito makakamit.
Halimbawa: Kung alam natin ang mga pangangailangan sa kursong medisina, malalaman mo
kung ano-ano ang natapos mo at ang kailangan pang tapusin.
3. Ang pagkuha sa kursong medisina ay mahirap kung kapos sa pera ang pamilya kaya
kinakailangang maghanapbuhay upang suportahan ang sariling pag-aaral.
4. Dapat mangingibabaw ang sariling kakayahan at interes sa pagpili ng kurso na hindi
naiimpluwensyahan ng iba.
5. Maglaan ng sapat na oras sa pag-aaral upang makamit ang mithiin sa buhay.

IV. Mga Gawain

Gawain 1 Obj. 3. Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as
well as other higher-order thinking skills

Panuto: Sagutin ang sumusunod mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ano ang iyong pangarap sa buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

2. Bakit ito ang pinili mo?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

3. Ano – ano ang iyong gagawin upang makamit ang iyong pangarap?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

4. Sino – sino ang makatutulong sa iyo sa pagkamit nito?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

5. Paano mo malalampasan ang mga hadlang sa pagkamit nito?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

Gawain 2 Obj. 2. Ensured the positive use of ICT to facilitate the teaching and learning process

Panuto: Humanap ng malaapit na kaklase at sabay na gawin ang Gawain. Ibahagi sa isat-isa ang
natutunan. Basahin at unawain ang mga kurso na pwedeng kunin sa kolehiyo. Maari mo itong basahin sa
mga katalogo, o sa internet gamit ang link https://www.youtube.com/watch?v=DaGps6lzQfQ Pagkatapos
ay sagutin ang mga tanong.
Nasiyahan ka ba sa mga iyong nabasa? Ngayon naman sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong kurso ang nais mong kunin?


2. Sa palagay mo, angkop ba ang kursong ito sa iyo?
3. Sapat ba ang kakayahan mo upang mapagtagumpayan ang kursong ito?
4. Sino-sino ang mga taong nakaimpluwensya sa iyo sa pagpili ng kursong ito?

Gawain 3 Obj. 4. Established a learner centered culture by using teaching strategies that respond to
their linguistic, cultural, socioeconomic and religious backgrounds
Panuto: Pumili ng isang Gawain lamang.

Gawain
1 Para sa mga may kakayahang gumamit ng Internet magsaliksik ng isang tula tungkol sa
Pangarap ng isang bata.. Ipost ito sa facebook gamit ang #BNHSESP7Q1WEEK5.
2 Para sa walang kakayahang gumamit ng internet gumuhit ng isang larawan na kung saan
naipapakita kung paano makatutulong ang iyong kurso o negosyo sa iyong Pamilya,
Pamayanan, Relihiyon.
3 Sumulat ng isang sanaysay kung paano nakaaapekto ang iyong hilig sa pagpili ng kursong
akademiko o teknikal - bokasyonal o negosyo. (Para sa IP’s community). Gamitin ang
nakasanayang dayalekto (Halimbawa: Manobo, Ilocano, Waray at iba pa).

PANGKALAHATANG RUBRIK PARA SA GAWAIN

Kaukulang Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon
Puntos Puntos

Nilalaman(Content) Angkop sa hinihinging gawain 15

Mekaniks(Mechanics) Tamang ispeling, bantas at iba pa. 10

Pagkamalikhain Nagpapakita ng pagkamalikhain sa


pamamagitan ng paggamit ng kulay, 5
(Creativity) desenyo at iba pang art materials

Kaayusan/Kalinisan
Maayos at malinis ang awtput 5
(Neatness/Organization)
Kabuuan 35

V. Pangwakas

Gawain 4:

Batay sa iyong nabasa, ano ang natutuhan mo tungkol Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa
Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal - Bokasyonal o Negosyo?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

VI. Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material pp. 60 – 80
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bunawan, Agusan del Sur
Edukasyon Sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

IKAAPAT LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:___________________
Guro: ISABELO III D. ALFEREZ Iskor: ___________________
Contact number: 09389112278

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang pinaka-angkop na sagot at isulat
ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na isang kalakasang intelektwal?


a. Kakayahan b. Regalo c. Talent d. Talion
2. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
a. Moral b. Pandamdamin c. Pangkaisipan d. Panlipunan
3. Ito ay kalakasan upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng musika o sining. Tinataglay ito
ng tao ang kanyang talino o kakayahang mag-isip.
a. Hilig b. Kakayahan c. Mithiin d. Pagpapahalaga
4. Mahalaga na tayo ay may__________ sa larangang pinasok.
a. Basbas ng magulang b. Interes o hilig c. Kaalaman d. Pera na pantustos
5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa talinong Existential?
a. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
b. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
c. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
d. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
6. Ang “Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa “ay isa sa mga palatandaan ng pag-unlad sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Sa anong aspekto ito nakapaloob?
a. Moral b. Pandamdamin c. Pangkaisipan d. Panlipunan
7. Ano ang ugnayan ng hilig sa pagpili ng mga kursong akademiko/ bokasyonal?
a. Magtutulak sa pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa
hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.
d. Lahat ng nabanggit
8. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ___________.
a. Nababasa sa mga libro
b. Nakabatay sa sinasabi ng iba
c. Namamana sa magulang at mga ninuno
d. Natutunan at napapaunlad
9. Anong talino ang nangingibabaw sa isang tao na magaling sumayaw?
a. Bodily/Kinesthetic b. Intrapersonal c. Verbal/Linguistic d. Visual/ Spatial
10. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa___________.
a. ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay
b. ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay
c. ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip
d. ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang
kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip
11. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-
edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa
kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang
pangkat na labas sa kanyang pamilya
12. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
a. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig
b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig
d. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at pandamdamin.
13. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi naman ito makaagaw
ng atensyon.
b. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
c. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
d. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
14. Ang mga sumusunod ay mga gawain o paniniwala na magpapaunlad sa iyong angking talento at
kakayahan maliban sa ____________.
a. ang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at tamang pagsasanay
b. hindi na mahalaga na tayo ay may interes o hilig sa larangang pinasok
c. kailangang sumubok muli ng ibang larangan upang magtagumpay
d. sa pagpapaunlad ng likas na talento at kakayahan ay kailangan ang masusi at tamang pagsasanay
15. Sa murang edad ni Jun ay nakitaan na ng kanyang mga magulang na mayroon syang talento sa pag
awit ngunit sa kanyang pagsubok sa pagsali sa mga paligsahan, ay hindi sya nagtagumpay. Ano ang
dapat gawin ni Jun?
a. Dapat na siya ay magkaroon ng tamang pagsasanay at ipagpatuloy ang pagsali sa mga paligsahan
sa pag-awit hanggang sa sya ay magtagumpay.
b. Huwag nang ipagpatuloy ang pagsali sa mga paligsahan
c. Huwag nang umawit muli
d. Patuloy sa pagsali kahit walang ensayo
BUNAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
San Teodoro, Bunawan, Agusan del Sur

TABLE OF SPECIFICATION

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

UNANG MARKAHAN: IKAAPAT LAGUMANG PAGSUSULIT


Easy 60% Average 30% Difficult 10%
TOTAL
Learning # of Percentage Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating
Competencies/Objectives minutes
EsP7PS-Ia-1.1 Natutukoy ang
mga pagbabago sa kanyang 2 6 11
150 25% 3
sarili mula sa gulang na 8 o 9 (1) (1) (1)
hanggang sa kasalukuyan.
EsP7PS-Ic-2.1 Natutukoy ang 150 25% 1, 9 5 10 4
kanyang mga talento at (2) (1) (1)
kakayahan.
EsP7PS-Id-2.4 Naisasagawa ang
mga gawaing angkop sa 4 8 14 13 15
150 25% 5
pagpapaunlad sa sariling talento (1) (1) (1) (1) (1)
at kakayahan.
EsP7PS-If-3.3 Naipaliliwanag na
ang pagpapaunlad ng mga hilig
ay nakatutulong sa pagtupad ng
mga tungkulin, paghahanda 3 7 12 3
tungo sa pagpili ng propesyon,
150 25% (1) (1) (1)
kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa
kapwa at paglilingkod sa
mamamayan.
TOTAL 600 100% 5 4 1 4 1 15

Prepared by: Checked/Verified by:


ISABELO III D. ALFEREZ MARICEL P. POMOY
Guro sa EsP Instructional Supervisor
7|Page

You might also like