You are on page 1of 2

GUIPOS NATIONAL HIGH SCHOOL

Guipos, Zamboanga del Sur

Pangalan: _____________________________________Taon/Pangkat: __________________ Iskor: __________


Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan - Worksheet 4
Mga Paghahanda Ko para sa Pipiliing Kurso
MELC Code: EsP9PK-IVb-13.4.
Gawain 1
Panuto: Mula sa mga talata ng deskripsyon ng mga interes at hilig. Pumili ng tatlong (3) deskripyon
na angkop sa iyong sariling hilig, ugali at interes. Isulat ang letra ng napiling deskripsyon sa loob
ng kahon sa ibaba na magkasunod-sunod ayon sa pagkaka-angkop at pagkakatugma nito sa iyong
sarili.
Deskripsiyon
A Mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang mga kamay o kasangkapan
kaysa makihalubilo sa mga tao
B May mataas na impluwensiya ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Ganitong
interes ay mas gustong magtrabaho mag-isa, mayaman sa ideya at malikhain sa
kakayahan.
C Mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak sa
isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte,
pagsulat at iba pa.
D Palakaibigan, popular, at responsable. Gusto ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao,
madalas interesado sa talakayan, mahilig magturo, magsalita, manggamot, tumulong.
E Mapanghikayat, mahusay mangumbinsi, pagkamit ng inaasahan o target goals. Madalas
masigla, nagunguna at may pagkusa at minsan madaling mawala ang pagtitimpi
F Mataas ang interes ditto ay naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon. Mailalarawan
bilang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon. Maayos ang mga datos at organisado ang
record

Mga Tugma sa Aking Interes, Ugali at Hilig


Letra
1. Pinakaangkop sa
aking hilig
2. Pangalawang Tugma
sa aking hilig
3. Pangatlong Tugma sa
aking hilig

Mahalagang matukoy mo ang iyong mga interes/hilig, kasanayan (skills), talento, mga
pagpapahalaga at mithiin sa buhay sa pagpili mo ng iyong kukuning kurso at strand sa Senior
High School na magiging hakbang sa iyong minimithing kurso. Mai-uugnay ang mga pansariling
salik sa pagpili ng kurso, akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong paghahanda
para sa paghahanapbuhay. Ang pagbububuo ng sariling pagpapasya ay batay sa obhetibong
pagsusuri ng pansariling salik.
Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa pagpili, maaarin kang
pumili ng kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports) na gusto mo sa ngayon na
angkop sa iyong kakayahan at interes sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong panahon.
Mahalagang makabuo ka ng mga hakbang at paghahanda para makamit ang iyong kursong napili
maaring ito ay hakbang o paghahanda na pangmadalian (short-term) at pangmatagalan (long-term).
Ano man ang iyong pipiliin na kurso dapat positibo ka na ito ay matutupad ayon sa itinakda mong
panahon na mangyayari ito. Mahalaga din na magkaroon ka ng alternatibo o iba pang paraan kung
sakasakaling ang mga naihanda mong mga hakbang ay hindi magtatagumpay. Importante din na
matutukoy mo ang mga mahahalagang tao tao na magiging gabay mo at makakatulung sa iyong
pagkamit sa iyong napiling kurso.
Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal – bokasyonal ay
ilan lamang sa gabay tungo sa maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-
aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High. Kaya, ngayon pa lamang mula sa iyong kakayahang
mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong
pagpili o pagpapasya. Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang kurso para sa Baitang 11,
makakamit mo ang tunay na layunin nito:
 Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na
maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito kundi
ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang
talento, kasanayan at interes ang iyong puhunan.
 Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang
produktibong manggagawa ay masasabing isang “asset” ng kanyang kompanya o
institusyong na kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at
adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.
 Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan
ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa
takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon at maayos na
pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung ang isang mag-aaral
na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na taglayin mo ang mga
kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga magagaling
na manggagawa ng ating bansa.

Gawain 2
Panuto: Pagnilayan at sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon.
Ano ang pangarap ko na Ano ang kukunin ko na strand Ano ang mga hakbang at
propesyon o trabaho? sa Grade 11 na hakbang para paghahanda na aking gagawin
sa pangarap ko na propesyon o sa aking sarili upang makamit
trabaho? ko ang aking pangarap na
propesyon?

You might also like