You are on page 1of 11

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
7
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter III – Linggo 6
Mithiin at mga Personal na Salik

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 6: Mithiin at mga Personal na Salik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Maureen May M. Aguilar


Pangnilalamang Patnugot: Glenda T. Tan
Editor ng Wika: Vilma R. Cabansag
Tagawasto: Luz L. Javarez
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS-EsP
Tagaguhit: Lucille Magnetico
Tagalapat: Lucille Magnetico
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian I
Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon
Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mithiin at mga Personal na Salik

MELC: Naipaliliwanag na mahalaga ang


a. pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at
matupad ang mga pangarap
b. pagtutugma ng mga personal na salik at mga kailanganin (requirements) sa
pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyonal, sining o isports,
negosyo o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o
hanapbuhay, maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa
c. pag-aaral ay naglilinang ng mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga
kakayahang makatutulong, sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay,
negosyo o hanapbuhay (EsP7PB-IVb-13.3)

Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga


minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action
Planning Chart (EsP7PB-IVb-13.4)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang layunin ng mithiin at ang mga paraan upang makamit ito.
2. Naipaliliwanag ang mga personal na salik at mga kakailanganin
(requirements) sa pinaplanong kurso o hanapbuhay.
3. Nakakagawa ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing kursong
akademiko o hanapbuhay.

Subukin Natin
Panuto: : Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa nakalaang patlang.

________1. Ang pinakatunguhin o pinakapakay na nais mong marating sa hinaharap ay


tinatawag na ___________________.
A. hilig B. mithiin C. panaginip D. pantasya

________ 2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga mithiin para sa iyong
paaralan?
A. Magkaroon ng kapayapaan sa loob ng paaralan.
B. Manatili ang kaayusan at kalinisan ng silid –aralan.
C. Maisaayos ang pakikipag-ugnayan sa mga kamag-aral.
D. Maipatupad ang batas ng tama para sa kabutihan ng mamamayan.

1
_________ 3.Alin sa sumusunod ang angkop na layunin ng mithiin?
A. Ito ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya.
B. Ito ay nakatutulong sa paghubog ng pananampalataya.
C. Ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa buong pamilya.
D. Ito ang nais mong mangyari para sa iyong mga kaibigan.

_________4. Ang sumusunod ay panloob na salik na makatutulong sa pagpili ng kurso o


hanap-buhay maliban sa isa.
B. Kakayahan B.Mithiin C. Panaginip D. Hilig o interest

_________5. Nais ni Xyza na maging doctor, alin ang hindi niya nararapat na gagawin bilang
paghahanda?
A. Tapusin ang pag-aaral
B. Palagiang sumali sa mga beauty contests
C. Kumuha ng kursong medisina
D. Magboluntaryo sa health centers

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Ang goal o mithiin ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o
puntahan sa hinaharap.

Ating balikan ang naging aralin noong nakaraang linggo. Natatandaan mo pa ba ang
kahulugan ng pangarap at ang mga paglalarawan ng tao na may taglay nito?
Ngayon ay ating alamin ang mithiin, layunin nito, at ang mga paraan upang
makamit ito. Atin ding matututunan ang mga personal na salik na makatutulong sa
pinaplanong kurso o hanapbuhay sa hinaharap.
Ating sasagutin ang tanong na bakit mahalaga ang pagtatakda ng malinaw at
makatotohanang mithiin?
(Pinagkunan: Manuel L. Dy et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Pasig City:
Department of Education, 2015, 209-213.)

Ang Mithiin at ang mga Hakbang sa Pagtatakda nito


Ang mithiin ay ang nais mong mangyari sa iyong buhay balang araw. Ito ang
magbibigay ng direksyon sa iyong buhay. Kaya mahalaga ang pagiging mapanagutan sa
pagpili ng iyong mithiin. Kailangang isaalang-alang ang kahihinatnan nito para sa iyong
sarili at sa iyong kapuwa.
Sa pagtatakda ng mithiin mahalagang isaalang-alang ang mga pamantayan sa
pagbuo ng mahusay na mithiin. SMARTA (Sta. Maria, 2006)
1. S – pecific (Tiyak)
Isang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na
gagawin. Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihin na “Nais kong maging isang
doktor,” kundi, “Tatapusin ko ang mga pangangailangang pag-aaral para kursong
pre-med at medisina sa Pamantasan ng Sto. Tomas labinlimang taon mula
ngayon.”

2
2. M- easurable (Nasusukat)
Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin ang ating pagsulong sa
pagtatamo ng mithiin at natutukoy kung kailan ito nakamit na. Halimbawa: Kung
alam natin ang mga pangangailangan (course requirements) sa kursong medisina,
malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan pang tapusin.
3. A - ttainable (Naabot/Makatotohanan)
Ang isang mahusay na mithiin ay makatotohanan o posibleng maabot ngunit
mapanghamon.
4. R- elevant (Angkop o Makabuluhan)
Ang mithiing ating itinatakda ay karaniwang siyang ating inaakala na
makapagbibigay sa atin ng kasiyahan o makapupuno sa ating pangangailangan.
Mas mahusay ang mithiin kung ito ay pinag-isipan at ginawa nang may hinahon.
5. T- ime-bound (May itinakdang panahon)
Nararapat lamang na may takdang panahon ang pagkakamit o pagkatupad ng
mithiin upang hindi masayang ang ating pagsusumikap sa mga bagay na maaring
walang patutunguhan o katiyakan.
6. A - ction oriented (May angkop o kaakibat na pagkilos)
Sa pagsusulat ng mithiin nararapat na ito ay gumagamit ng salitang kilos na
tunay na may kakayahang maisakatuparan

Ang mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Karera o Negosyo


Mahalaga sa pagpili ng akmang kurso o negosyo ang pagkilala sa sariling mga
kakayahan, interés o hilig, pagpapahalaga at mithiin.

❖ Kakayahan – Likas ang talento at kakayahan ngunit kailangan itong sanayin.


Natuklasan sa isang pag-aaral na kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang
maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan. Ang pagtatagumpay sa
anomang larangan ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay. Wika nga sa Ingles
“Practice makes perfect”.
❖ Interes o hilig- Mahalaga na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo
ng inspirasyon at motibasyon na lampasan o higitan pa ang ating natural na
kakayahan.
❖ Pagpapahalaga- Para sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay siyang nagiging
dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-
hanga o kapaki-pakinabang.
❖ Mithiin- Ang mithiin ay ang nais mong mangyari sa iyong buhay balang araw. Ito ang
magbibigay ng direksyon sa iyong buhay.

GOAL SETTING AND ACTION PLANNING


Sa pagpaplano ng kurso o negosyo ay dapat ding isinasaalang-alang ang iba pang
bahagi o aspekto ng buhay ng isang kabataan.
Gamit ang Goal Setting and Action Planning Chart ay isulat ang iyong itinakdang
mithiin para sa pagbubuo ng kurso o negosyo. Katapat nito ay itala ang mga hakbangin
na isasagawa upang makamit ang mithiin.
Halimbawa:

Mithiin Balangkas ng mga


Hakbangin (Action Plan)
1. Sa minimithing kurso -Magtatapos ng pag-aaral
- Criminology o Pagpupulis -Sanayin ang sarili sa mga trainings

2. Sa Pag-aaral - Maging masipag sa pag-aaral


- Makatapos sa tamang panahon -Gawin ang mga school requirements

3. Sa pamilya - Sumunod sa mga magulang


- Masaya at nagmamahalan - Mahalin at tulungan ang mga kapatid

4. Sa sarili - Magsanay
- Paunlarin ang talento at kakayahan 3 - Makilahok sa mga pagsasanay
Ang isang matagumpay na tao ay karaniwang may mga tiyak na mga
pagpapahalaga na pinagbabatayan ng kilos at pasya.
Ang pagkakaroon ng malinaw at makatotohanang mithiin ay magsisilbing gabay sa
pagkakaroon ng tamang pgpapasya na siyang magdudulot ng pagkakarron ng tamang
direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto:Piliin ang mga salita sa loob ng kahon na tumutukoy at
naglalarawan sa mga panloob na salik Isulat ang letra ng angkop na sagot
sa nakalaang patlang bago ang bilang.

A. Kakayahan C. Pagpapahalaga
B. Interes o Hilig D. Mithiin

______ 1. Nagsisilbing inspirasyon o motibasyon na abutin ang mga pangarap at mithiisa


buhay
______ 2. Likas sa tao ngunit kailangang sanayin at paunlarin.
______ 3. Ito ay ang nais mong mangyari sa iyong buhay balang araw.
______ 4. siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais,
kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Ito rin ay mga motibo upang
piliin ang isang hakbangin o pasya
______ 5. Hinuhubog ang kakayahan ng tao na piliiin ang tama o mali.

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap na nasa bawat bilang
upang mabuo ang mga salitang nasa kaliwang bahagi at isulat sa patlang
ang tamang salita.

NOUBD-EIMT=_____________1. Ito ay ang haba o tamang panahon na ilalaan


upang matupad ang iyong mithiin.
UUSNAKTA=________________2. Sapat ba ang kakayahan na taglay upang makamit
ang mithiin?
NABOATA=__________________3. Ang isang mithiin ay dapat na makatotohanan at
mapanghamon.
POKNGA=___________________4. Ang kilos o layunin ay tugma sa iyong hilig.
AKTIY=______________________5. Ikaw ay nakasisiguro na ito ang nais mong
mangyari sa iyong buhay.

Bakit mahalaga ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin?

4
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Pagtugmain ang mga angkop na katangian na nasa loob ng kahon sa
mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang kurso. Ilagay sa maliit ng kahon ang
letra na iyong sagot.

A. Matapang B. Mahilig o masarap magluto


C. Malikhain D. Maalaga at Mapagpasensya
E. Magaling sa Math

1. 1. 2. 3.

4. 5.

5
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga kilos na nasa loob ng kahon. Piliin at isulat sa
mga patlang ang mga kilos na makatutulong sa pag-abot ng mithiin na
nabanggit.

Mithiin:“Makapagtapos ng
pag-aaal sa High school”

1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. __________________________
5. __________________________

Mayroon ka pa bang naiisip na ibang hakbang upang maisakatuparan ang


mithiing nabanggit sa itaas?

Ang Aking Natutuhan


Panuto:
Kumpletuhin ang graphic organizer. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng ulap.

PAGPAPASYA MITHIIN

DIREKSYON GABAY
PANGARAP

6
Tamang 4. _________
sa buhay.
Ang pagtatakda Tamang
Ng malinaw at 3._____________
Makatotohanang 2.___________ Matupad ang mga
1. ________________
5. _________________

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat sa patlang bago ang bilang ang titik
ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem.

________1. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa


hinaharap.
A. Pangarap C. Pantasya
B. Mithiin D. Panaginip

________ 2. Si Hannah ay sigurado na sa kanyang kukuning kurso sa kolehiyo at ito ay ang


Criminology. Anong pamantayan ang angkp dito?
A. Naaabot (Attainable) C. Angkop(Releveant)
B. Nasusukat(Measurable) D. Tiyak(Specific)
_________ 3. Kung ikaw ay may mga pagpapahalagang tulad ng pagiging pasensyosa,
malinis, maayos at masayahin . Anu-anong trabaho o negosyo ang angkop sa
iyo?
A. Nurse, Pilot, Police C. Technician, Electrician, Firemen
B. Nurse, Teacher, Pediatrician D. Accountant, Engineer, Accountant

_________ 4. Alin ang pinakamabuting hakbang na maaari mong gawin sa pagtatakda ng


iyong mithiin?
A. Ipagpasa-Diyos ang mga itinakdang mithiin.
B. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.
C. Sabihin ang mga itinakdang mithiin sa iyong mga kaibigan.
D. Isulat at ilagay ito sa ilalim ng iyong unan.

_________ 5. . Si Jerome ay mahilig sa mga bagay na may kaugnayan sa sasakyan. Anong


kurso sa kolehiyo ang akma para sa kanya?
A. Business Management C. Technical-Vocational
B. Infrmation Technology D. Education

7
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. B 2. D 3. A 4. C 5. B

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1. B 2. A 3. D 4. C 5. C

Gawain 2
1. Time-bound 2. Nasusukat 3. Naaabot 4. Angkop 5. Tiyak

Ating Pagyamanin

Gawain 1
1. B 2. A 3. D 4. C 5. C

Gawain 2 (in any order)


1. Sumagot ng modyul sa tamang oras
2. Kumain ng wasto
3. Sumunod sa mga patakaran
4. Umiwas sa masamang impluwensya ng barkada
5. Isagawa ng maayos ang mga performance tasks

Ang Aking Natutuhan


1. Mithiin 2. gabay 3.pagpapasya 4.direksyon 5. pangarap

Ating Tayahin
1. B 2. D 3. B 4. A 5.

Sanggunian
Aklat

Dy, Manuel B., Sheryll T. Gayola, Marivic R. Leano, Mary Jean B. Brizuela, at Ellanore G. Querijero,
Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City: Department of Education.2015.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like