You are on page 1of 4

BUENASHER LEARNING ACADEMY INC.

Km.39 Cityland Ave., Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan

ESP 7
Name: _________________________________________ Level and Section: Grade 7
Time: 10:00 – 11:00 7A Quarter / Week: Fourt / Week 1-3
11:00 – 12:00 7B

LEARNING ACTIVITY SHEET


References: LILOK 7
Marie Grace Gomez Phd.

Basahin ang pag-uusap ng mga kabataan sa larawan.

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod:

1. Iba’t iba ang mga motibasyon o dahilan nila sa pagpili ng kurso o negosyong
tatahakin. Itala mo ang mga salik na nabanggit dito.

a. Halimbawa - D. Hilig o interes


b.
c.
d.
2. Nakaiimpluwensya ba ang mga kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at hilig o
interes sa iyong pagkakamit ng mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
3. Makatutulong ba ang kaalaman sa iyong mga kakayahan,
kahinaan, pagpapahalaga at hilig o interes sa pagkakamit ng mithiin sa buhay? Ipaliwanag.

4. Bukod sa mga pansariling salik mayroon pa bang ibang mga salik na dapat isaalang-alang
sa pagpili ng kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo? Anu-ano ang
mga ito?

Ang pagkakaroon natin ng interés o pagkahilig sa isang gawain ay nababatay sa ating mga
pagpapahalaga. Maraming mga pakahulugan (interpretations) sa pagpapahalaga. Ayon kay
Esteban (1989), maaaring pangkatin sa dalawa ang mga ito:

1. Nagmula sa labas ng sarili o batay sa “absolute moral values” kung saan ay nasasakop at
napapailalim ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon saan man siya naroon. Maibibilang dito ang
mga kahulugan batay sa relihiyon, ang ayon sa propesyonal na mga guro at ang ayon sa mga
etikong prinsipyo.

2. Nagmumula sa loob ng sarili o “behavioral values” na maaaring batay o ayon sa pananaw at mga
karanasan ng tao o batay sa kolektibong pananaw ng pangkat kultural. Maibibilang dito ang
pakahulugan ng mga sosyolohista, sikolohista at mga “career counselor” at ilang pilosopo o nag-
aaral nito.

“GOAL SETTING AND ACTION PLANNING CHART”


Panuto: Hindi isang bahagi lamang ng buhay ang dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng mga
mithiin at pagbabalangkas ng plano sa pagtatamo ng pangarap sa buhay. Lahat ng aspeto ng
buhay ay dapat na mabigyang tuon. Gamit ang Goal Setting and Action Planning Chart ay
isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa pagbubuo ng karera o negosyo. Katapat nito ay
itala ang mga hakbangin na isasagawa upang makamit ang mithiin. Gayon din ang gawin
para sa Pag-aaral, Pamilya at Personal (Pangkatawan, Pangkaisipan, at pang-ispiritwal). Ang
panahong itatakda ay dapat na hindi bababa sa anim na buwan. Inaasahang magagamit dito
ang mga natutuhan tungkol sa sarili sa mga naunang gawain at ang naging resulta ng
naunang Force Field Analysis. Itala sa journal ang mga magiging katuparan o
accomplishments sa mga itinakdang mithiin at kaugnay na mga hakbang sa pagkakamit nito.
Gayondin itala ang mga magiging kahirapan o balakid sa pagtatamo ng mithiin at ang mga
gagawing alternatibong hakbang pamalit dito
Prepared By:/Inihanda ni:

Ms. Elle Cruz


Subject Teacher

“You can do all things through Christ who strengthens you” ♥

You might also like