You are on page 1of 2

ACTIVITY SHEET (ESP 7)

Name of Learner: ________________________________Grade Level & Section: 7-ROSE


Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Module No.: 2
Title: Mga Kakayahan at Kilos
Learning Competency :
 Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)
sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa
pag-aasawa/pagpapamilya), at
 pagiging mabuti at mapanagutang tao (EsP7PS-Ib-1.3)

Learning Objective:
 Natutukoy ang mga nagbabago sa sarili panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
 Nakakagawa ng sanaysay sa mga pagbabago sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
 Naisasagawa ang Gawain ng may kaayusan, kalinisan at pagkamalikhain.
 Napapahalagahan ang wastong pangangalaga sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

A. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang
pahayag ay mali.
___________1. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata at
nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang
buhay.
___________2. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong talagang
gustong mangyari sa buhay mo.
___________3. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.
___________4. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin ang
dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
___________5.Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan at tungkulin.
___________6.Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila ang nakakaalam ng
tama bilang kasingedad.
___________7.Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapang ng tamang pamamahala at kilos.
___________8.Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong
kapalaran ang darating sa bawat isa.
___________9.Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kayang
tanggapin ang sariling kahinaan.
___________10.Maaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa emosyon at maging sa
pakikitungo sa kapwa.

B. Bilang isang nagdadalaga/ nagbibinata, paano mo aalagaan ang iyong sarili?

C. GAWAIN: Sa isang short bondpaper, gumawa ng sanaysay na sa iyong pananaw na nagbabago sa iyong
kilos, damdamin, at ugali ngayon na ikaw ay nasa pagdadalaga/pagbibinata. Lagyan ng desinyo upang
maipakita ang iyong pagkamalikhain sa pagawa ng Gawain.
RUBRICS:

Nilalaman – 5 points
Kalinisan sa paggawa – 5 points
Pagkamalikhain sa paggawa – 5 points

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This output is
entirely my own work. (or can be translated in Filipino/MTB as needed)
_______________________________ Date Submitted:______________________
Name and Signature of Learner

You might also like