You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

SAINT VINCENT INSTITUTE – Maribojoc


6336 Poblacion, Maribojoc, Bohol, Philippines
Email : svi.maribojoc@yahoo.com
VISION : A premier Science and Technology university for the formation of a world class and virtuous human resource for sustainable development in Bohol and the country.
MISSION : BISU is committed to provide quality higher education in the arts and sciences, as well as in the professional and technological fields; undertake research and development, and extension services for the sustainable development of Bohol and the country.
GOALS : To address the needs of the strategic sectors, BISU shall:

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ____________________________


Taon at Seksyon: _________________________________________ Iskor: ___________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 7
Unang Markahan
Modyul Blg. 2
Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo?


Ang paglinang sa mga angkop naa inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay nakatutulong sa pagbuo ng malusog
na pagkakakilanlan sa paghahanda sa susunod naa yugto ng buhay upang
maging mabuti at mapanagutang indibidwal.
Bakit mahalagang malinang ang mga kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata? Tuklasin mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa
modyul na ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan


mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

A. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paglinang ng mga angkop na


inaasahang kakayahan at kilos.
B. Naisasagawa ang mga hakbang na maibibigay sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang
mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7 kahit hindi ka makapasok sa
paaralan nang dahil sa pandemya. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa
mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.


2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.
4. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-
alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong.
Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling
pagkatato sa lahat ng mga gawain.
5. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan.
6. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit
nahihirapan.

Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na


panimulang pagsubok.
Handa Ka na Ba?

A. Lagyan ng tsek (√ ) kung sumasang-ayon ka sa nakasaad sa pangungusap at


ekis ( X ) kung hindi ka sumasang-ayon.
After going through this module, you are expected to:
_______1. Ang buhay ng kabataan ay punong-puno ng kulay at saya.
_______2. Nagaganap
estimate the lengthang
of amaraming pagbabago sa sarili gaya ng pagiging sensitibo
given object;
sa panahon
use the appropriate instrument ng kabataan.
to measure the length, weight,
volume, temperature, time and angle;
find an equal measure for a given metric measure; and,
change one unit to another unit of measurement.
| Saint Vincent Institute MATH-7
_______3. Ang panahon ng kabataan ay isang paghahanda sa magandang
kinabukasan.
_______4. Unti-unting magbabago ang pakikitungo ng kabataan sa kanilang mga
magulang sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata.
_______5. Mas marami ang oras ng kabataan sa kanilang barkada kaysa sa kanilang
pamilya
_______6. Kailangang maglaan ng panahon ang isang nagdadalaga o nagbibinata na
linangin ang pagbabagong nagaganap sa kanyang sarili.
_______7. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, kailangang maging mapanagutan ang
isang tao sa lahat ng kanyang kilos.
_______8. Kailangang magkaroon ng tiwala sa sarili ang isang nagdadalaga o
naagbibinata.
_______9. Huwag magtiwala sa ibang tao.
_______10. Balewalain ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga o pagbibinata.

ALAM MO BA?
May tatlong mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
 Nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat
yugto ng buhay.
 Nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita upang
gawin niya ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.
 Malilinang ang kakayahang iakma ang kaniyang sarili sa mga bagong sitwasyon.
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11). Ang mga ito ay ang
mga sumusunod:
1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa
mga kasing edad
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala
sa mga ito
4. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
6. paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal

Pagsasanay:

Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata?

SAGOT:

ALAM MO BA? | Saint Vincent Institute MATH-7


Ang adolescence ay isang yugto sa buhay ng tao kung saan maraming
pagbabagong nagaganap tulad ng pisikal na aspeto kung saan ay nagbabago ang
hubog ng katawan, nagkakaroon ng masel ang mga lalaki, nagsisimula ang pagregla o
menstruation sa mga babae at nocturnal emission sa mga lalaki, at tumutubo ang
buhok sa maseselang bahagi ng katawan.
Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan, malimit na pamamalagi sa piling ng
barkada, at ang unti-unting pagbabago sa pakikitungo sa mga magulang ay ilan lamang
sa mga pagbabago sa sosyal na aspekto.
Sa emosyonal na aspekto ay mayroon ding mga pagbabago tulad ng
pagkakaroon ng crush at ang pakikitungo sa pamilya, mga kaibigan, at sa mga taong
nakapaligid sa kanya lalo na sa opposite sex.
Ang adolescence ay ang panahon kung saan maraming pagbabagong
nagaganap sa kabataan, at ito rin ang panahon kung saan sila ay nagkakaroon ng
malawak na karanasan. Ito ay nag uumpisa sa edad na 12 hanggang 18 taong gulang.
Sa yugtong ito, ang isang pagdadalaga o binate ay kailangang maabot ang
social norms o ang pamantayan ng lipunang kanyang kinabibilangan, subalit hindi dapat
na ipagwalang- bahala ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang tao. Kailangan pa rin
niyang bigyan ng halaga ang kanyang sariling pagkatao.
Ang ilang Teoryang kailangang tandaan sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata:
1. Biolohikal na Teorya – ito ay nagsasaad ng pagbabago sa pisikal na nayo
kalakip ang pagbabago sa pagkilos o pag-uugali.
2. Teorya ng Pangkapaligirang Pagkatuto (Environmental Learning Theory)-
karugtong ng panibagong yugto kung saan ang kapangyarihan at impluwensiya
ng kapaligiran ay unti-unting nababago o naaapektuhan ang pag-uugali ng isang
tao.
3. Teorya ng Pakikipag-ugnayan (Interactionist Theory)- ito ang pagtatapos ng
yugtong pagkabata tungo sa yugtong pagdadalaga o pagbibinata kung saan ang
mga kakayahan at kilos ay dapat na malinang.
 Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing edad.
 Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
 Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa
lipunan.
 Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.

Pagsasanay:

a. Gumawa ng “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na


Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o
Pagbibinata”, gamit ang pormat sa ibaba.
b. Magbigay ng tig-limang hakbang na angkop sa pglinang ng inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata na planong gagawin sa loob ng isang linggo.
c. Lagyan ng tsek (√) ang bawat araw kung nagawa ang itinakdang gawain at ekis
(x) kung hindi. Kailangang mayroong nakahanandang mga patunay ng
pagsasabuhay. Pagkatapos ng isang linggo, bilangin ang lahat ng tsek at isulat
ito sa kolum ng “Kabuuan”. Kunin ang porsyento ng iyong pagtupad sa bawat
gawaing inilista mo. Gamiting gabay ang nasa unang bilang sa talahanayan sa
ibaba.

| Saint Vincent Institute MATH-7


Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na Inaasahang Kakayahan
at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata

Mga Paraan ng Paglinang L M M H B S L Kabu- Por-


uan syento
a. Pagtatamo ng bago at ganap na
pakikipagugnayan (more mature relations) sa
mga kasingedad
Hal. Tutularan lamang ang mabuting ginagawa ng mga √ √ √ √ x √ √ 6 86%
kasingedad.
1.
2.
3.
4.
5.
b. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
1.
2.
3.
4.
5.
c. Pagtanggap ng tungkulin sa lipunan na angkop sa
babae at lalaki
1.
2.
3.
4.
5.
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang
paguugali sa pakikipagkapwa
1.
2.
3.
4.
5.
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng
maingat na pasiya
1.
2.
3.
4.
5.

| Saint Vincent Institute MATH-7


Gaano Ka Natuto?
Bakit mahalagang malinang ang mga kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalag o pagbibinata?

SAGOT:

“Don’t stop when you are tired. Stop when you are done.”

| Saint Vincent Institute MATH-7

You might also like