You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

7
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter I – Linggo 2
Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I– Linggo 2: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Cathy G. Arceo


Pangnilalamang Patnugot: Glenda B. Arguelles, Shirley F. Lilang EPS-EsP
Lucille F. Magnetico
Editor ng Wika: Luz L. Javarez
Tagawasto: Luz L. Javarez
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS-EsP
Tagaguhit: Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Cathy G. Arceo, Lucille F. Magnetico

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrer M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurelio

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 2
Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos
sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

MELC: Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata ay nakatutulong
sa:

a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili,


b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas
(phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence): (paghahanda
sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya, at
pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal), at pagiging
mabuti at mapanagutang tao, at
c. pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak,
kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ng midya at
bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging
mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
(EsP7PSIb-1.3)

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.
(EsP7PS-Ib-1.4)

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon


ng pagdadalaga at pagbibinata.
2. Naipapaliwanag na ang paglinang sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos ay
makakatulong sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, maging handa sa kinabukasan at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
3. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng walong inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa nakalaang patlang.

____ 1. Ang pagdadalaga/pagbibinata ay tinatawag sa wikang Ingles na adolescence ay


hango sa salitang Latin na adolescere na ang ibig sabihin ay ____________.
A. pag-unlad B. pagyabong
C. pagyamanin D. paglago tungo sa matyuridad

____ 2. Ano ang mabubuo sa sarili sa pakikipag-ugnayan sa iba?


A. Pagkakakilanlan B. Pagmamahal C. Pananalig D.Pagtitiwala

1
____ 3. Ang sumusunod ay mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
B. Pagnanais na mapanatili ang pisikal na kaayusan sa harap ng iba
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan mga kasing edad

____ 4. Alin sa mga sumusunod ang maaring mapaunlad sa iyong sarili sa pakikilahok sa
mga gawaing panlipunan?
A. Tiwala sa sarili C. Talento at kakayahan
B. Pagpapahalaga sa sarili D. Lahat ng nabanggit

____ 5. Ang sumusunod ay mga layunin ng pagtatakda ng mga inaasahang kakayahan at


kilos sa bawat yugto ng buhay ng tao MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Upang magsilbing pangganyak o motibasyon.
B. Upang magsilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan.
C. Upang may pamantayan ng pag-unlad ng nagdadalaga/nagbibinata.
D. Upang matukoy kung ano ang mga pagbabagong magaganap sa sarili sa bawat
yugto ng buhay.

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Adolescere – nangangahulugan na “lumaki” o “lumago tungo sa maturidad”
Identity o pagkakakilanlan – ito ay tumutukoy sa malinaw na pagkilala sa sarili
bilang natatanging indibidwal.

Sa nagdaang aralin, naunawaan mo ang mga palatandaan ng pag-unlad ng isang


nagdadalaga o nagbibinata. Sa pagkakataong ito, aalamin naman natin kung anu-ano
ang inaasahang kakayahan at kilos na kasabay ng pagbabagong ito.

ANG WALONG INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG


PAGDADALAGA O PAGBIBINATA
Ang pagdadalaga/pagbibinata ay yugto sa buhay ng isang indibidwal na kung saan
napakaraming pagbabagong nagaganap sa kanyang sarili sa aspetong pisikal, emosyonal,
mental at sosyal sa loob lamang ng maiksing panahon. Kung kaya’t tinawag ito sa wikang
Ingles na adolescence na hango sa salitang Latin na adolescere na ang kahulugan ay
“lumaki” o “lumago tungo sa maturidad” (Hurlock, 1982, p.222). Itinuturing itong isang
napaka-kritikal na yugto sa buhay ng isang tao sapagkat ito ang pundasyon ng pagiging
an. adult o matured na indibidwal.
isang

Ayon kay Havighurts may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang
sa isang nagdadalaga/nagbibinata upang mabuo ang kanyang pagkakakilanlan sa sarili.
Ito ay ang mga sumusunod:

2
1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad.
Ang pagkakaroon ng kaibigan ay mahalaga sa tulad mong nagdadalaga/nagbibinata. Sa
pakikipag-ugnayan sa iba, unti-unti mong mabubuo ang iyong pagkakakilanlan sa labas
ng pamilya at higit na mapauunlad ang kakayahang makisalamuha sa iba.

2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki


Ang pakikilahok sa mga gawaing panlipunan ay makatutulong upang umunlad ang
iyong tiwala at pagpapahalaga sa sarili. Maliban dito mas napauunlad mo rin ang iyong
mga talento at kakayahan. Ang pakikilahok sa gawain sa komunidad ay paggawa ng mga
bagay na sa palagay mo ay nararapat mong gawin bilang isang indibidwal na kasapi nito
at hindi dahil ipinag-uutos ito ng batas. Ito ay kusang loob na pagtungon sa
pangangailangan ng pamayanan

3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa


mga ito
Inaasahan na sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ang isang indibidwal ay
makararanas ng maraming pagbabago sa kanyang sarili ngunit kung kailan nagsisimula
ng pagbabagong ito ay nagkakaiba-iba. Ito ang panahon na kung saan mabilis ang
inyong paglaki kung kaya’t marapat lamang na makamit ang tamang nutrisyon upang
matamo ang ganap na paglaki at pag-unlad.

4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa


Ang isang nagdadalaga/nagbibinata na tulad mo ay marapat na makibahagi sa mga
gawain sa paaralan, komunidad o sa simbahan. Sa pamamagitan nito mahuhubog sa
iyo ang pagkakaroon ng empatiya, pagmamalasakit, simpatiya, respeto sa iba,
kakayahang mamuno, maayos na komunikasyon at iba pang katangian ng isang
responsableng mamamayan.

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya


Ang maingat na pagpapasya ay isang proseso na kung saan malinaw na nakikilala o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Marapat din na bigyan
ng sapat na panahon ang mga pasyang gagawin at laging hingin ang paggabay ng mga
magulang, nakakatanda at Poong Maykapal.

6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay


Ayon sa RA 7658 (Prohibiting the Employment of Children Below 15 Years of Age in
Public and Private Undertakings) hindi pa pinapahintulutan ang mga kabataan na nasa
edad 15 pababa na maghanapbuhay. Kung kaya’t nararapat na maihanda mo muna ang
iyong sarili sa paghahanapbuhay sa hinaharap sa pamamagitan ng pagtukoy at
pagpapaunlad ng iyong mga talento, hilig, kalakasan, at pagpapahalaga; paglahok sa
iba’t ibang gawain sa paaralan (extra curricular activities) o sa pamayanan; at
pagpaplano sa kukuning track sa Senior High School at kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal sa hinaharap. Maari na sumangguni sa inyong Guidance Counselor o guro
tungkol sa bagay na ito.

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya


Ang kawalan ng malinaw na pag-unawa sa usaping sekswalidad at pag-aasawa ay
maaring magresulta sa maagang pagbubuntis o pag-aasawa. Kung kaya’t ituon mo muna
ang iyong panahon sa iyong pag-aaral upang makamit ang iyong pangarap sa buhay.

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal


Ang isang nagdadalaga/nagbibinata na tulad mo ay bumubuo ng sarili niyang mga
paniniwala, pamantayang asal at idolohiya na magsisilbing gabay ng kanyang mga kilos
at paniniwala.

3
Ang mga nabanggit na inaasahang kakayahan at kilos ng nagdadalaga o nagbibinata
ay makatutulong sa iyo upang: una, magabayan ka kung ano ang inaasahan sa iyo ng
lipunan; pangalawa, ito ay magsisilbing pangganyak o motibasyon mo upang
maisakatuparan kung ano ang inaasahan sa iyo ng lipunan; at pangatlo, nakatutulong ito
upang malaman mo kung ano ang mga pagbabagong magaganap sa iyo sa yugto na ito ng
iyong buhay.

Ang pinakamahalaga, kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa iyong sarili at sa


iyong mga kakayahan. Mahalaga ito upang mapagtagumpayan mo ang anumang hamon
na iyong kakaharapin sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata. Makatutulong sa iyo ang
sumusunod:
a. hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan;
b. huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon;
c. palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip; at
d. isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili; huwag palaging umasa
sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay.

(Pinagkunan: Manuel L. Dy et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Pasig City:


Department of Education, 2013, 15-24.)

4
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung anong Inaasahang Kakayahan at Kilos (developmental task)
napapabilang ang mga paglalarawan sa ibaba. Pumili buhat sa kahon ng iyong sagot
at isulat ang titik nito sa patlang bago ang bilang.

a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga


kasing edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa
mga ito
d. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
g. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
h. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal

____ 1. Pakikilahok sa Career Guidance Week ng paaralan upang magabayan sa pagpili


ng karera sa hinaharap.
____ 2. Pagkakaroon ng mga malalapit na kaibigan na napagsasabihan ng sekreto.
____ 3. Pangunguna sa mga youth volunteers na namamahagi ng relief goods sa mga
kabarangay na nawalan ng kabuhayan dahil sa sakuna.
____ 4. Pagtanggap sa kapuwa bilang sila at ang tunay nilang pagkatao.
____ 5. Pagbuo ng sariling mga paniniwala, pamantayang asal at idolohiya na
magsisiblbing gabay ng kilos at paniniwala

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ano ang inaasahan na kakayahan at kilos ang nasa
larawan. Kumuha ng sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang katapat ng
larawan.

Pagbabago paghahapbuhay kasing-edad maingat


Pag-aasawa pagpapasya pagpapamilya katawan

1. Paghahanda sa _____________________

2. Kakayahang makagawa ng na _____________, _______________

3. Paghahanda sa at ________________ , ___________________

4. Pagtanggap ng sa _________________ , ____________________

5. Pakikipag-ugnayan sa mga ___________________

Matatandaan mo na ba kung anu-ano ang mga inaasahang kakayahan


at kilos sa isang nagdadalaga o nagbibinata na tulad mo?

5
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Ang mga pangungusap sa ibaba ay naglalarawan ng mga kakayahan at kilos
ng isang nagdadalaga o nagbibinata na tulad mo. Tukuyin kung ano ang maaring
maitulong nito sa iyong paglago o pag-unlad. Pumili buhat sa kahon ng sagot.

A. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili D. Pagiging mapanagutang tao


B. Kahandaan sa pagpapamilya E. Pagkakaroon ng mabuting asal
C. Paghahanda sa kinabukasan

_____1. Sinisikap mong magampanan ang mga tungkulin o responsibilidad na inaatang


sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata.

_____2. Nauunawaan mo na ang pag-aasawa at pagpapamilya ay nangangailangan ng


kahandaan sa aspetong pisikal, emosyonal, sikolohikal at pinansyal.
_____3. Patuloy mong isinasabuhay ang mga pangaral ng iyong mga magulang, mga
nakakatanda at mga guro.
_____4.Naniniwala ka sa iyong mga kakayahan at talento at patuloy mo itong
pinauunlad.
_____5. Sa kabila ng kahirapang dulot ng pandemya, patuloy kang nagsusumikap
makapagtapos ng pag-aaral.

Gawain 2
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Piliin kung alin ang nagpapakita ng
iyong magiging hakbang sa pagpapa-unlad ng iyong kakayahan at kilos bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata. Kulayan ang mga napili mong larawan.

Ano ang maaari mo pang gawin upang mapaunlad ang iyong


kakayahan at kilos bilang isang nagdadalaga at nagbibinata?

6
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Dugtungan ang mga pangungusap sa ibaba upang mailarawan


ang isang nagdadalaga/nagbibinata na tulad mo. Pumili mula sa kahon
ng mga salita.

kritikal kakayahan pagkakakilanlan


pundasyon pag-unlad

Ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay isang (1) ___________ na yugto


sa buhay ng tao. Ito ang (2) __________ sa pagtatamo ng maturidad. Ito rin ang panahon
ng pagbubuo ng iyong (3) ______________ at panahon para mapatunayan ang iyong
(4) ___________. Sa panahong ito ay may walong inaasahang kakayahan at kilos mula
sa inyo na nararapat mong malinang upang maging ganap ang inyong (5) ____________.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa nakalaang patlang.

_____ 1. Ang pagbuo ng pagkakakilanlan o identity ay nangangahulugan na:


A. pakiramdam na hindi nag-iisa.
B. pagpapakita ng mga kakayahan bilang indibidwal.
C. pagbuo ng malinaw na pagkilala sa sarili bilang natatanging indibidwal.
D. pagkadama ng pangtanggap ng kapwa ano pa man ang katayuan sa buhay.

_____ 2. Ang pakikilahok sa mga gawain sa paaralan at maging sa pamayanan ay


pagpapaunlad ng anong inaasahang kakayahan ng isang
nagdadalaga/nagbibinata?
A. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
B. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
C. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

_____3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa kapwa?


A. Paglahok sa mga kawang-gawa
B. Pagtulong sa mga nangangailangan
C. Pagtataguyod ng katarungang panlipunan
D. Pagnanais na makilala sa mga naitulong sa iba

7
_____4.Ang sumusunod ay mga hakbang upang mapaghandaan ng isang
nagdadalaga/nagbibinata ang paghahanapbuhay sa hinaharap MALIBAN sa isa,
alin dito?
A. Alamin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan, kahinaan at pagpapahalaga.
B. Sumangguni sa mga propesyunal o mga indibidwal na matagumpay sa kanilang
hanapbuhay o negosyo.
C. Hayaan ang iyong mga magulang na magplano sa kung ano ang nababagay sa
iyong track o kurso.
D. Magkaroon ng pagplano sa kukuning track sa Senior High School at kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal sa hinaharap.

_____ 5 .Ang pagkakaroon ng kasintahan habang nasa hayskul ay isa sa mga paraan upang
maihanda ang sarili sa pag-aasawa. Ang pangungusap na ito ay _________.
A. tama, sapagkat sa pagkakaroon ng kasintahan lamang matutunan ang tamang
pakikipagrelasyon
B. tama, sapagkat ang pakikipagkasintahan ay normal na nagaganap sa buhay
ng isang nagdadalaga/nagbibinata
C. mali, sapagkat hindi pa handa ang isang nagdadalaga/nagbibinata sa
pakikipagrelasyon
D. mali, sapagkat nag-aaral pa sila

8
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. D 2. A 3. B 4. D 5. B

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1. F 2. A 3. B 4. D 5. H

Gawain 2
1. paghahanapbuhay 2. maingat, pagpapasya 3. pag-aasawa, pagpapamilya
4. pagbabago, katawan 5. kasing-edad

Ating Pagyamanin
Gawain 1
1. D 2. B 3. E 4. A 5. C

Gawain 2
Ang mga larawang dapat na may kulay ay ang sumusunod:
1. 2. 5.

Ang Aking Natutuhan


1. Kritikal 2. Pundasyon 3. Pagkakakilanlan 4. Kakayahan 5. Pag-unlad

Ating Tayahin
1. C 2. A 3. D 4. C 5. C

Sanggunian
Aklat

Dy, Manuel B., Gayola, Sheryll T., Leaño, Marivic R., Brizuela, Mary Jean B., at
Querijero, Ellanore G., Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City: Department of
Education.2015.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like