You are on page 1of 17

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao

1
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos- loob

2
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan, Modyul 1: Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos- loob
Unang Edisyon, 2020

Isinaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipa sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang malang pahintulot sa Kagawaran..

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Carol T. Reyes


Language and Social Content: Joel Valdez
Alexander Geronimo
Windy Serrano
Irene Salvador
Technical Aspect: Alexander Barasi
Cherry Grace Amin
Alexander Geronimo
Consultants: Ruby B. Maur
Marites L. Llanes
Alfredo B. Gumaru Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Schools Division of


Cauayan City- Region 02
Office Address: Barangay Turayong, Cauayan City, Isabela
Telephone Nos.: (078) 652- 1614
Email Address: cauayancity@deped.gov.ph

3
Alamin
Sa nakaraang modyul na iyong pinag-aralan, natutunan mo ang iba’t ibang
tungkulin ng isang kabataan, at nasagot mo din ang isang katanungang “Sino
ako?” Ang hamon na ito sa iyong buhay ay hindi madali. Ngunit mahalaga ito na
iyong matutunan ng sa gayo’y mas lalong pang mahubog ang iyong kaalaman
tungkol sa iyong sarili.

Ang susunod na ating tatalakayin ay tungkol sa isip at kilos-loob ng tao.


Bakit sinasabing ang katangiang ito ang siyang nagpapabukod-tangi sa tao? Bakit
itinuturing na ang pagsunod sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ay
maghahatid sa tao sa kanyang kaganapan bilang tao? Gamitin natin ang ating isip
at kilos-loob. Handa ka na ba?

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at


kilos-loob.

Pamantayang Pagganap : Nakagagawa ng angkop na pagpapasiya tungo sa


katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa sumusunod;

a. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


(EsP7PS-IIa-5.1)
b. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2)

4
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang pinaka-
angkop na sagot at isulat ang titik sa iyong dyornal notbuk.

1. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay

a. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.

b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasim perpekto ng Maylikha.

c. Mali, dahil hindi nagpapahinga ang isip.

d. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anomang gusto niya.

2. Nahuli ng kanyang guro si Rolly na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa


oras ng pagsusulit. Nang ipatawag ng guro si Rolly ay palaging nagmamatuwid na
nararapat sisihin ang kanyang kaibigan. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy
na pangungulit at panunumbat. Ang kahihinatnan ng kilos ni Rolly ay

a. Nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.

b. Nakabatay sa kakayahan ng kapwa na tanggapin ang pagkakamali.

c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng

kilos para sa kanyang sarili.

d. Lahat ng pagpipiliang pahayag sa a, b at c.

3. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng isip maliban sa

a. mag-alaala c. isakatuparan ang pinili

b. mangatwiran d. umunawa sa kahulugan ng buhay

4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a. mag-isip c. magpasya

b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay

5. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa

a. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.

b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

c. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.

d. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran.

5
6. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang sumusunod ay tatlong mahahalagang sangkap
ng tao maliban sa

a. damdamin c. kamay o katawan

b. isip d. puso

7. Ano ang tunguhin ng isip ng tao?

a. kabutihan c. karangalan

b. katotohanan d. kalayaan

8. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang

a. kabutihan c. karangalan

b. katotohanan d. kalayaan

9. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob ng tao?

a. umunawa c. pandama

b. ugnayan d. kumilos o gumawa

10. Paano mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.

b. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.

c. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.

d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng


karanasan.

6
Aralin
GAMIT AT TUNGUHIN NG KILOS-
1 LOOB

Balikan
Noong nakaraang aralin ay iyong natutunan ang tungkol sa mga hilig at talento.
Ngayon, subukin natin kung ano ang iyong natutunan.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Anu-ano ang sampung larangan ng hilig?

2. Magbigay ng tig-iisang halimbawa sa sampung larangan ng.

Tuklasin

Gawain 1: “Suri-Sitwasyon”

Panuto: Sa pagpapatuloy ng ating aralin, basahin ng mabuti ang sitwasyon sa


ibaba at sagutin ang mga tanong . Isulat ang sagot sa sagutang papel.

May sakit ang nanay,ni Pedro at kailagang kailangan niya ng pera para
maipagamot kaniyang ina. Dinala siya sa pagamutan ngunit hinihingan siya ng
malaking halaga para gamutin ang kaniyang ina. Naghanap siya ng tutulong sa
kanya at habang naglalakad si pedro ay nakita niyang nahulog ang wallet ng isang
lalaki sa isang sakayan malapit sa kanya. Naglalaman ito ng pera na may
kalakihan, naisip niyang isauli ito ngunit iniisip niyang magagamit niya ito para sa
pagpapagamot ng kanyang ina. Itinago ito ni pedro at dali dali siyang pumunta sa
pagamutan para ibigay ang pera ng sa gayo’y tatanggapin nila ang kanyang ina.

1. Nagpapakita ba ng wastong paggamit ng isip, puso at kilos-loob ang ginawa ng


tauhan sa kwento? Oo o Hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Kung ikaw si Pedro sa kwento, ano ang hakbang na gagawin mo?

7
Suriin
Simula pa lang, karangalan na ng tao na nakikibahagi siya sa karunungan
ng Diyos dahil itinuturing ang tao na ”kawangis ng Diyos”, ibig sabihin ang tao ay
binigyan ng kakayahan na makaalam at magpasya nang malaya. Ang
kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang
pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso, at ang kamay o katawan.

Isip. Ito ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa (essence or meaning) at
buod (summary) ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan(intellect), katwiran (reason),
intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya
(conscience)atintelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa
bawat pagkakataon.

https://www.google.com/search?q=isip% 20clipart&

Puso. Isang maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng


tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama,


panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang
karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Mahalagang
bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upangipahayag sa
kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang
nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan
sa ating kapwa.

https://www.google.com/search?q=hands+clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved

8
Ngayon naman, mahalagang malaman ng tao kung ano ang gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob. Ito ay makakatulong din sa iyo bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata para mahubog ang iyong kakayanan na gumamawa ng
tama at makabuluhang desisyon sa pagharap ng mga hamon sa buhay.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba:


Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumilos o gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan. Patuloy


ang kanyang pagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
katotohanan na natutuklasan. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito
kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan.
Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay kusang naakit sa
mabuti at lumalayo sa masama. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ito
ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Kaya, naiimpluwensyahan ng
isip ang kilos-loob dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi
niya alam o nauunawaan. Ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos
tungo sa kaganapan ng tao.
Halimbawa:
“Nakita mo na ang tamang tawiran ay malayo pa sa iyong kinaroroonan.
Nagmamadali kang makapasok sa paaralan. Mayroong mas malapit na tawiran
ngunit mayroong nakalagay na "bawal tumawid". Sa paggamit ng isip at kilos -
loob, mas pipiliin mo na dumaan sa pedestrian lane kaysa tumawid na lamang sa
pinakamalapit na tawiran na hindi naman tama.”

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.


Ngunit hindi lahat na mabuti ay magkakapareho ng uri kaya, nakasalalay sa tao
na pag-aralan at alamin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin.
Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at
paunlarin upang gawing ganap ang kakayahang ito.

9
Pagyamanin

Gawain 2: “Tama o Mali”


Panuto: Isulat ang salitang “Tama” kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan sa tamang paggamit ng isip at kilos loob, at “Mali” naman kung ito ay
hindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos loob dahil hindi nito nanaisin ang
isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan.
2. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang katotohanan.
3. Ang isip ng tao ay kasing perpekto ng Maylikha.
4. Sa pamamagitan ng isip , ang tao ay naghahanap ng katotohanan.
5. Ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos tungo sa kaganapan
ng tao.
6. Ang puso ang siyang nakakaramdam ng lahat ng nangyayari sa ating buhay.
7. Ang kilos loob ang siyang ginagamit na instrumeto sa pakikipagkapwa tao.
8. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban.

10
Isaisip

Gawain 3: “Aral ko … Isaisip ko!”

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan nang pagpupuno ng mga


nawawalang salita sa loob ng graphic organizer. Piliin ang mga sagot sa bilohaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano ang gamit ng isip at kilos loob?

Ang gamit ng

Isip Kilos-loob

1. 2.

Ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob?

Ang tunguhin ng

Isip Kilos-loob

3. 4.

11
Samakatuwid ang isip at kilos loob ay dapat 5. ____________ , 6. ______________,
7.___________ .

Pag-unawa, sanayin , katotohanan,

gawing ganap, kabutihan,


katotohanan, paunlarin, kumilos o
gumawa

Isagawa

Gawain 4: “Iguhit Mo”


Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, kailangan alam natin kung paano
maipapakita ang tamang paggamit ng isip, puso at kamay o katawan.

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng tamang paggamit ng isip,


puso at kamay o katawan.

Narito ang mga kraytirya kung saan pagbabasehan ang inyong grado sa paggawa
nito.

Di- Katanggap-
Kahanga-hanga Pagtatangka
Kraytirya Pangkaraniwan tanggap
(3) (1)
(4) (2)
Angkop na
angkop at
May kaugnayan May maliit na Walang
Paksa eksakto ang
sa paksa kaugnayan kaugnayan
kaugnayan sa
paksa
Gumagamit ng
Gumagamit ng
maraming Makulay
kulay at iilang
kulay at subalit hindi
Pagkamalikhain kagamitan na Hindi makulay
kagamitan na tiyak ang
may kaugnayan
may kaugnayan kaugnayan
sa paksa
sa paksa
Makapukaw Pansinin
Kalididad ng interes at Makatawag ngunit di Di makapukaw
ginawa tumitimo sa pansin makapukaw ng interes
isipan isipan
Maganda, Ginawa ng
Inapura ang
malinis at Malinis at apurahan
kalinisan pagkagawa at
kahanga hanga kaaya-aya ngunit di
marumi
ang pagkagawa marumi

12
Iskalang Pagmamarka:
4: 100 – Di – pangkaraniwan
3: 90 – Kahanga –hanga
2: 80 – Katanggap – tanggap
1: 70 – Pagtatangka

Tayahin
Upang masukat ang iyong kaalaman, handa kana bang tayahin ang iyong pag
unawa tungkol sa isip at kilos-loob? Kung handa kana, suriin ang mga panuto sa
ibaba.
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot gamit
ang titik lamang sa inyong sagutang papel.
1. Paano mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
b. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
c. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan.
2. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang
a. kabutihan c. karangalan
b. katotohanan d. kalayaan
3. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob ng tao?
a. umunawa c. pandama
b. ugnayan d. kumilos o gumawa
4. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang sumusunod ay tatlong mahahalagang sangkap
ng tao maliban sa
a. damdamin c. kamay o katawan
b. isip d. puso
5. Ano ang tunguhin ng isip ng tao?
a. kabutihan c. karangalan
b. katotohanan d. kalayaan
6. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa
a. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.
d. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran.

13
7. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
8. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa
a. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.
d. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran
9. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasim perpekto ng Maylikha.
c. Mali, dahil hindi nagpapahinga ang isip.
d. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anomang gusto niya.
10. Nahuli ng kanyang guro si Rolly na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa
oras ng pagsusulit. Nang ipatawag ng guro si Rolly ay palaging nagmamatuwid na
nararapat sisihin ang kanyang kaibigan. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy
na pangungulit at panunumbat. Ang kahihinatnan ng kilos ni Rolly ay
a. Nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Nakabatay sa kakayahan ng kapwa na tanggapin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng pagpipiliang pahayag sa a, b at c.

Karagdagang Gawain
Gawain 5: “Karanasan Mo! Ibahagi Mo!”
Panuto: Mag bahagi ng iyong karanasan kung saan nagamit mo ng tama ang iyong
isip at kilos-loobGamit ang pormat sa ibaba.Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Birtud ng : Karanasang Maibabahagi

ISIP

KILOS-LOOB

14
Rubrik sa Pagwawasto ng sagot

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos) (5 puintos)

Kaangkupan sa Napakahusay at Mahusay ngunit Hindi angkop sa


konsepto angkop sa hindi masyadong nasabing mga
konsepto angkop sa konsepto
konsepto

Malinaw na Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw


nailahad ang pagkakalahad at pagkakalahad at ang
karanasan batay angkop sa angkop sa pagkakalahad at
sa konsepto konsepto konsepto hindi angkop sa
konsepto

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakato, Grade 7 Learner’s Material

Angeles, Loida. “ISIP AT KILOS LOOB:” Prezi.com, prezi.com/_b8umwkys006/isip


-at-kilos-loob/. Accessed June 17, 2020. Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=isip%20clipart Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=hands+clipart&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved
Retrieved December 1, 2020

17

You might also like