You are on page 1of 10

Department of Education

Edukasyon sa
Pagpapakatao 10
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
Unang Markahan- Unang Linggo

Jonathan C. Jalac
Manunulat

Katherine S. Canlas
Nirebisa

Dr. Florentina D. Pedrigala


Tagasuri

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat na kasama ka sa isipan.
Magsisilbi itong gabay upang maipamalas mo ang pag-unawa sa mga konsepto
tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-
loob sa paglilingkod/pagmamahal.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
1.2 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng


wastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kilos-loob?
A. Makatwirang pagpuna.
B. Pagsasaisip ng mga gawain.
C. Pag-unawa sa partikular na sitwasyon.
D. Pagkontrol sa emosyon kung kailangan
2.Mahilig si Rona sa tsokolate ngunit siya ay nagkasakit ng diabetes kaya’t
maingat na siya sa pagpili ng kinakain kahit gusto niya ito. Bakit may kakayahan
si Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng isip?
A. Pagpapasiya ng malaya
B. Pagbibigay ng katuwiran
C. Paggawa ng Kabutihan.
D. Pagtupad sa mga pangarap.
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip C. maghusga
B. makaunawa D. mangatwiran
5. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon
B. kamalayan sa sarili
C. pagmamalasakit
D. pagmamahal

2
6. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong
kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang
paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong
pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
B. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
C. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
7. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o
mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip
B. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
C. Mali, dahil magkahiwalay ang isip at kakayanang pandama
D. Mali, dahil may kakayanan ang isip na salain ang impormasyong inihatid
dito
8. Ano ang tunguhin ng kilos-loob?
A. pagmamahal C. Hustisya
B. pagbibigay D. Respeto
9. Ito ang tunguhin ng isip.
A. Pagmamahal C. Pakikinig
B. Pagtulong D. Katotohanan
10.“Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-
samang hinahanap ito
B. ang katotohanan ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. may kasama ako na makakita sa katotohanan
D. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

Sa modyul na ito babalikan mong muli ang taglay mong kakayahan bilang
tao upang matugunan mo ang hamon ng pagpapakatao. Paano mo nga ba gagamitin
ang kakayahan na itinuturing pa ngang isang kapangyarihan? Tuklasin mo ang
mahalagang perlas ng karunungang inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy ng iyong
pag-aaral ng modyul na ito. Inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:
Paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao?
Ngayong nasa ikasampung baitang ka na, naaalala mo pa ba ang mga
natutuhan mong mga mahahalagang konsepto sa mga modyul na iyong pinag-
aralan?
Noong nasa ikapitong taon ka pa lamang tinalakay doon ang modyul 5 kung
saan natutuhan mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob; nakatulong ba ito
upang makapagpasya ka ng tama at makagawa ng kabutihan para sa mga naisin

3
mo sa buhay at sa iyong kapuwa? Ating tunghayan ngayon kung gaano mo
naunawaan ang iyong mga natutunan.

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect) at Kilos–loob (Will)

Hango mula sa batayang aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10, isinasaad


dito na “tinawag na obra maestro ng Diyos ang tao dahil nilikha siyang kawangis ng
Diyos”. Ang pagiging kawangis ng tao sa Diyos ay nagangahulugang may katangian
ang tao na tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang
mag-isip, pumili at gumusto.

Ayon kay Santo Tomas ng Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at


materyal na kalikasan. (E. Esteban,1990, ph. 48)
1.Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) ay dahil sa kanyang
panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa,
naghuhusga, at nangangatwiran.
2.Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) ay dahil sa mg emosyon at
kilos-loob. Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sa ibaba:

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao Kalikasan ng Tao


Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pagkagustong Pakultad
Pakultad
Materyal (Katawan) Panlabas na Pandama Emosyon
Panloob na Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(kaluluwa)(rasyonal)
Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa
kanyang pandama.
Sa pamamagitan ng panlabas na pandama- ang paningin, pandinig,
pandama, pang-amoy, at panlasa , nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa
reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang
makaalam.

Panloob na pandama
Kamalayan – Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapag-bubuod at nakapag
uunawa.
Memorya – Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan
Imahinasyon – Kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito.
Instinct – Kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran.
Kakayahan ng isip
1.Magnilay o magmuni-muni, dito nauunawaan nito ang kanyang nauunawaan, o
kakayahang pag isipan ang sarili (gawing obheto ang sarili) Dahil dito kaya niyang
pigilin ang sarili, ang udyok ng damdamin at pagnanasa. (Dy)

4
2.Kakayahang kumuha ng Buod o Esensya ng sa mga particular na ua umiiral
(magabstraksyon) (Scheler). Dahil sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo
ng kahulugan at kabuluhan ng bagay (man is a meaning maker).
Ayon kay Dy, nahuhulog ang mga bagay sa isang kahulugan o katotohanan
at humihingi sa tao na maging saksi, maging tapat sa katotohanan. Samakatuwid,
ang tao ay may kakayahang magbigay kahulugan at maghanap ng katotohanan na
siyang tunguhin nito.
3. Ang katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan ng mga
katoto.”(Dy,2012). Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita sa katotohanan. Ang
katotohananng dapat makitaay ang mayroon o ang nandiyan na kailangang
lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong
naghahanap nito. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensihan ang kilos-loob

Kilos –loob
Ano nga ba ang kahulugan ng kilos-loob? Sa sa bawat segundo ng ating
buhay, ginagamit natin ang kilos-loob. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakataon
na piliin ang nais nating isipin at gawin. Halimbawa, kaya iyan ang pinili mong gawin
at kaya iyan ang nais mo na kaining pagkain, dahil iyan ang iyong kilos-loob o
kalooban.

Samakatuwid, ang kilos-loob ng tao ang nag-uudyok upang mag-isip at


kumilos. Ngunit hindi lahat ng nais ng tao dahil sa kilos-loob ay gagawin niya,
sapagkat may isip na nagbibigay ng liwanag upang piliin niya ang mas makabubuti
hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging para sa iba.
(Hango mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul 2)

Basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang si Buknoy at Tikboy.


Tunghayan mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya
sa pagsusulit o hindi. Sagutan ang gawain matapos basahin

Buknoy:

Sa klase natin Ang tanong ko Alam ko hindi pero ganun din


kanina, nag-iisip kasi sa sarili ko, ako magiging naman kung
ako kung alin ba ang masaya kung bagsak ang
mangongopya dapat? hindi grado.
ba ako o hindi. Gawin ang tama pinagpaguran
at bumagsak, o ang tagumpay,
gawin ang mali
at pumasa?.

5
Tikboy:

Pero sino ba ang na maaari niyang


hindi nandaraya? balewalain ang
Halos karamihan alituntuning ito.
hung hindi man Pero,
lahat ay nag- makatuwrian ba
aakala itong dahilan para
mangopya?

Tikboy
Buknoy:

Pero sa ibang
Iniisip ko, hindi binibigyan ko
tao, mas
naman malaking lang na
mahalaga ang
bagay ang katuwiran ang
tagumpay kaysa
pangongopya, di takot kong
prinsipyo.
ba? Wala naman harapin ang
taong kahihinatnan ng
masasaktan…o hindi ko
siguro nga… pagbabalik-aral.

Buknoy: Tikboy:

Yan nga ang Eh… ano ang Wala, hanggang


dahilan kaya ginawa mo? sa matapos ang
magulo ang
oras kaya
buhay diba?
Dilemma talaga, ipinasa ko na
pumipili ka sa ang aking output
dalawang bagay na blanko.
na hindi kaaya-
aya.

6
Tikboy: Buknoy:

Hindi lang kasi


tama ang Kung sabagay,
mangopya sa ang makilala ang
asignaturang moral na isyu ay
ESP isa nang
tagumpay

Hinango at isinalin mula sa aklat ni Astorga, C. Living the Faith Option: Christian Morality. Christian
Life Education Series. FNB Educational, Inc.
Pag-aralan ang mga argumento na ibinigay ni Buknoy at Tikboy sa unang hanay at
ang salungat na argumento sa ikalawang hanay. Ibigay ang iyong reaksiyon sa
ikatlong hanay. Sagutan ang mga tanong pagkatapos nito.
Unang Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
Walang kasiyahan sa Walang kasiyahan sa tagumpay
pagkakaroon ng bagsak na na hindi pinaghirapan ____________
grado. ____________
Ikalawang Argumento Salungat na Argumento
Pero sino nga ba ang hindi Pero, makatuwiran ba itong ____________
nandaraya? Halos karamihan dahilan upang mangopya? ____________
kung hindi man lahat, ay ____________
nagaakala na maaari nilang
balewalain ang alituntuning ito
Ikatlong Argumento Salungat na Argumento ____________
Maliit na bagay lang ang Marahil binibigyan ko lang ng ____________
pangongopya. Wala naman katuwiran ang takot ko harapin ____________
taong nasasaktan. ang kahihinatnan ng hindi ko ____________
pagbalik-aral ng leksiyon.
Ikaapat na Argumento Salungat na Argumento ____________
Para sa ibang tao, mas Iyan nga ang dahilan kaya ____________
mahalaga ang tagumpay kaysa magulo ang buhay diba? ____________
sa prinsipyo.
Mga Tanong:
1. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip?
2. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong pangangatuwirang ibinigay sa reaksiyon?
Paano nito maapektuhan ang iyong kilos-loob?

7
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao lamang? Bakit?
4. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba? Ipaliwanag.
5. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan? Pangatwiranan.

Ang ating ISIP ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri,


mag-alaala, umunawa ng kahulugan ng mga bagay at higit sa lahat, may kakayahan
itong matuklasan at tunguhin ang katotohanan.
Ang KILOS-LOOB ay makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay mula sa
paghuhusga ng isip at sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos loob. Ang isip
ang nagbibigay ng liwanag ng katotohanan upang piliin niya ang mas makabubuti
hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging para sa kapuwa.

Ang kakayahan ng ating isip na maging makatuwiran ang nagtutulak sa atin


upang maging makatarungan sa ating kapuwa, na minimum ng pagmamahal.

Samakatuwid, ang ating ISIP ay laging nanaisin na matuklasan at tunguhin


ang katotohanan na magtutulak sa ating KILOS-LOOB upang magmahal at
maglingkod sa kapuwa.

Panuto: Gumawa ng sa isang poster na naglalarawan ng mataas na tunguhin ng


isip at kilos-loob. Gawin ito sa isang short bond paper.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng


wastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1.Bakit may kakayahan si Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang
damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili

8
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
2. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon
B. kamalayan sa sarili
C. pagmamalasakit
D. pagmamahal
3. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong
kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang
paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong
pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
B. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
C. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kilos-loob?
A. Makatwirang pagpuna.
B. Pagsasaisip ng mga gawain.
C. Pag-unawa sa partikular na sitwasyon.
D. Pagkontrol sa emosyon kung kailangan
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng isip?
A. Pagpapasiya ng malaya
B. Pagbibigay ng katuwiran
C. Paggawa ng Kabutihan.
D. Pagtupad sa mga pangarap.
6. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip
B. makaunawa
C. maghusga
D. mangatwiran
7.Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o
mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip
B. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
C. Mali, dahil magkahiwalay ang isip at kakayanang pandama
D. Mali, dahil may kakayanan ang isip na salain ang impormasyong inihatid
dito
8.“Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-
samang hinahanap ito
B. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. may kasama ako na makakita sa katotohanan
D. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
9. Ano ang tunguhin ng kilos-loob?

9
A. pagmamahal C. Hustisya
B. pagbibigay D. Respeto
10. Ito ang tunguhin ng isip.
A. Pagmamahal C. Pakikinig
B. Pagtulong D. Katotohanan

Susi ng Pagwawasto

Rubric para sa paggawa ng poster

Unang Pagsubok

1. B
2. B
3. B
4. B
5. B
6. B
7. A
8. A
9. D
10. C

Rubric para sa Gawain


Kraytirya 3 2 1
Kaalaman/ -Malalim ang pag- -Katamtaman -Mababaw ang pag-
Pang-unawa unawa sa ang lalim ng pag- unawa sa
sitwasyon na unawa sa sitwasyon na
binibigyang sitwasyon na binibigyang Pangwakas
reaksiyon binibigyang reaksiyon
-Nakaangkla sa reaksiyon - Walang na Pagsusulit
moral na batayan - May pinagbatayan ang
ang ibinigay na pinagbatayan ibinigay na 1. B
reaksiyon ang ibinigay na reaksiyon 2. B
reaksiyon 3. B
Gamit ng isip at Ipinakita ang Ipinakita ang Hindi masyadong 4. B
kilos-loob mataas na gamit at gamit at nabigyang pokus
tunguhin ng isip at tunguhin ng isip ang gamit at
5. B
kilos-loob at kilos-loob tunguhin ng isip at 6. B
kilos-loob 7. A
Organisasyon Maayos at malinaw Hindi gaanong May kalabuan ang 8. C
ang pagkakabuo at maayos at pagkakabuo at 9. A
pagkakalahad ng malinaw ang pagkakalahad ng
reaksiyon pagkakabuo at reaksiyon
10. D
pagkakalahad ng
reaksiyon
Bilang ng Nabigyan ng Nabigyan ng Nabigyan ng
reaksiyong reaksiyon ang 4 na reaksiyon ang 3 reaksiyon ang 2
naibigay argumentong argumentong argumentong
inilahad inilahad inilahad

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa
Mag-aaral pahina 21-40

10

You might also like