You are on page 1of 5

Rizal National High School

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Unang Markahan

ACTIVITY SHEET # 1

PANGALAN:________________________________________________________SKOR: _____________
BAITANG AT SEK.: _______________________________________ PETSA: ____________

PANUTO: Basahin at unawain ang nilalaman ng paksa at sagutin ang mga kasunod na
gawain.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

a. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP -


Ia-1.1)
b. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP -Ia-1.2)

MODULE 1: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

PANIMULA:

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang
obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang
tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao
ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa
masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na
katayuang ito.

KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO

I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty)-Dahil sa panlabas na pandama at


dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

A. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang-


amoy, at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng
direktang ugnayan sa reyalidad.

Mga halimbawa:
a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid
b. pang-amoy- ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango
o iba pang amoy sa ating paligid
c. panlasa- dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain
d. pandinig- tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang klaseng tunog sa
paligid

B. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.


Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at
nakapag
uunawa.

Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final


exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong mag-aral dahil
gusto mong makapasa sa pagsusulit.

1
o Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan
Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa
Pagpapakatao na ipapasa bukas.
o Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating
ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo.
o Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumadaan sa katwiran.
Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang
naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo.

Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at material na kalikasan ng tao gamit ang tsart na:
ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal Panlabas na Pandama
Emosyon
(Katawan) Panloob na Pandama
Ispiritwal
Isip Kilos-loob
(Kaluluwa, Rasyonal)

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa
kaniyang pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama,
nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang
siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.
ISIP KILOS-LOOB

Kakayahan a. may kakayahang magnilay o a. Pumili, magpasiya at


magmuni-muni isakatuparan ang pinili
b. nakauunawa b. Naaakit sa mabuti at
c. may kakayahang Mag- lumalayo sa masama
abstraksiyon
d. makabubuo ng kahulugan at
kabuluhan ang bagay
Gamit at a. humanap ng impormasiyon a. Malayang pumili ng
b. umisip at magnilay sa mga gustong isipin o gawin
Tunguhin
layunin at kahulugan ng b. Umasam maghanap.
impormasiyon Mawili, humilig sa
c. sumuri at alamin ang dahilan ng anumang nauunawaan
pangyayari ng isip
alamin ang mabuti at masama, c. Maging mapanagutan
tama at mali, at ang katotohanan sa pagpili ng aksiyong
makabubuti sa lahat

May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang
na may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop –
ito ay ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang
magparami. Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Tayo rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na
magpasiya at isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo
natatangi at naiiba sa iba pang nilikhang may buhay.
Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may
ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”.

Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito.

2
TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)
Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isakilos (to act)
Hangarin/Layunin(Purpose) Malaman (to know) Pumili (to choose)
Kaganapan ng tao Ang katotohanan (truth) Kabutihan (goodness)
Highest Human Fulfillment Karunungan(wisdom) Kabutihan bilang
upang umunawa birtud (virtue)
Pag-ibig (love)

Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa


mundo. Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na
batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-
iisip at akmang kilos-loob.

GAWAIN 1: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

A. PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na


pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa patlang
bago ang bilang.

__________1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa


masama.
__________2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang
pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
__________3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at
nakapag-uunawa.
__________4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
__________5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy
at panlasa.

B. PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin
ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagot sa patlang bago ang
bilang.

HANAY A HANAY B
______ 6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan
nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct
______ 7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama
karanasan at tumugon nang hindi d. memorya
dumadaan sa katwiran e. imahinasyon
______ 8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na pandama
sa isip at palawakin ito
______ 9. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan
_____ 10. ito ang paningin, pandinig, pang-
amoy, at panlasa

3
GAWAIN 2: SURIIN MO!

I. PANUTO: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto


tungkol sa isip at kilos-loob.
4. Ang katotohanan (truth) 5.

Highest Human 6. Kabutihan bilang birtud


Fulfillment (virtue)
Pag-ibig (love)

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)


1. Mag-isip (to think) 2.

Hangarin/Layunin 3. Pumili (to choose)


(Purpose)

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ano ang pinagana sa
bawat sitwasyon. Kung ISIP ang pinagana, ang UTAK . Kung KILOS- LOOB ang pinagana, isulat
naman ang PUSO. Ilagay ang sagot sa mga patlang.

___________1. Binasa at inintinding mabuti ni Marianne ang kanilang takdang aralin sa Math.
___________2. Nalaman ni Philian mula sa Facebook na nangangailangan ang mga frontliners ng
mga face masks at Personal Protective Equipments (PPEs). Kung kaya’t ibinili niya
ng mga facemasksat PPEs ang kaniyang ipon para ibigay sa mga frontliners sa
Baguio General Hospital.
___________3. Dahil sa banta ng COVID 19, nagsaliksik si Maynard ng mga karagdagang kaalaman
hinggil sa pandemic upang masiguro niya ang kaniyang kaligtasan. Mula sa mga
sitwasyong nasagutan, aking napagtanto na
___________4. Naantig ang damdamin ni Fely noong napanood niya ang kuwento ng mga duktor at
nurses na nagkakasakit dahil sa COVID 19 kung kaya’t hinimok niya ang kaniyang
mga kaibigan na gumawa ng mga personal na liham at ibigay sa mga duktor at
nurses sa siyudad ng Baguio.
___________5. Nakita ni William na nahihirapan sa pagbubuhat ng mga pinamalengke ang isang
matandang babae. Alam niyang mayroong panukalang social distancing sa mga
pampublikong lugar subali’t mas pinili pa rin niyang lapitan ang matanda at
tulungan ito sa pagbubuhat ng mga pinamili.
___________ 6. May mga balitang kumakalat sa social media na ang COVID 19 ay isang biochemical
weapon na sinadyang ipakalat sa buong mundo upang mabawasan ang populasyon
ng mga tao. Hindi ito pinaniwalaan ni Mandy bagkus naghanap siya ng mga
karagdaang impormasiyon at hinimok niya ang mga kaklaseng maging
mapagmanuri sa mga posts na nakikita sa social media.
___________ 7. Kahit may banta ng COVID 19 hindi ito alintana ng mga frontliners na mas pinipili
pa ring pumasok sa trabaho at magsilbi sa bayan.
___________ 8. Binasang mabuti ni Gretchen ang anunsiyo sa Facebook hinggil sa tamang
paghuhugas ng kamay upang mapuksa ang COVID
___________ 9. Nagboluntaryo si Williard sa kanilang barangay sa Middle Rock Quarry bilang taga
empake ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga pamilyang apektado ng
Enhanced Community Quarantine.
___________ 10. Nagsaliksik si Melinda ng mga iba’t ibang paraan ng pagpapalakas ng resistensiya
sa katawan upang hindi madaling kapitan ng anumang sakit.

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (Modyul para sa Mag-aaral); at


https://drive.google.com/drive/folders/1o9foVRc0gJuJI3pRlpmjdrvRL6dZxwY
Inihanda Ni:
ANDREA L. BALANG

You might also like