You are on page 1of 3

"Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob"

INAASAHANG PAGKATUTO
 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa


ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.

“Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos”


1. Ang tao ay may mga “katangiang” tulad ng katangiang taglay ng
Diyos.
2. Ang mga tao ay may kakayahang mag-isip, pumili, at gumusto.
3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa Mabuti at
masama.
4. Ang mga tao ay kakayahang gumawa ng malayang pagpili

Santo Tomas de Aquino- “ang tao ay binubuo ng ispiritwal at material na


kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao”.
1. Pangkaalamang Pakultad (knowing faculty)
2. Pangkagustong Pakultad (Appetitive faculty)

Pangkaalamang Pakultad (knowing faculty)- Dahil sa panlabas at panloob na


pandama, at dahil din sa isip, kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at
nangangatuwiran.
a. Panlabas na pandama- ito ay paningin, pandinig, pang-amoy, at
panlasa. Ang mga ito ay nangiging dahilan upang ang tao ay
magkakaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.
b. Panloob na pandama- ito ay mga kamalayan, memorya, imahinasyon
at instinct.
1. Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, naka pagbubuod
at nakapag-uunawa.
2. Memorya- kakayahang kilalanin at alaahanin ang nakalipas na
pangyayari o karanasan.
3. Imahinasyon- kakayahang lumikha na larawan sa isip at palawakin
ito.
4. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at
tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
Pangkagustong Pakultad (Appetitive faculty)- Dahil sa mga emosyon at dahil
sa kilod loob, ang tao ay may kakayahang gumusto.
a. Emosyon- tinataglay natin bilang tao at napipili natin kung ano ang
ating gust imaging emosyon.
b. Kilos-loob (will)- Ito ay kapangyarihan na gumawa ng pasya o pumili
ng mga bagay na gusto mong gawin.

May tatlong kakayahan na nagkakapareho ssa hayop at sa tao ayon kay


Robert Edward Brenan:
1. Pandamdam (senses)
2. Pagkagusto (appetite)
3. Paggalaw (locomotion)
Bagamat magkatulad ang tao at hayop sa kakayahang ito ngunit magkaiba
ang paraan nila ng paggamit nito. Ang mga hayop ay ginagamit ang mga
kakayahang nabanggit at kumilos para pangalagaan o protektahan ang
sarili.

Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil sa may matalas


siyang pakultad o kakayahan upang kilanin ang bagay na nakikita, tunog o
kaka’y amoy sa kanilang paligid lalo na kung may kinalaman sa kanilang
buhay.
Dito naiiba ang tao sa hayop bukod sa pandama, ang tao ay may isip hindi
lamang upang makaalam, kundi upang makaunawa at humusga

ANG GAMIT NG ISIP


a. Mag-isip
b. Umalam ng diwa at buod ng isang bagay.
c. Maghusga
d. Mangatwiran
e. Mag-research
f. Mag-alala, umalala
g. Umunawa ng kahulugan ng bagay.
h. Tuklasin ang katotohanan.

TUNGUHIN NG ISIP
a. Katotohanan
b. Kakayahang magnilay o magmuni-muni
c. Kakayahang mag-abstraksiyon

GAMIT NG KILOS-LOOB
a. Makatuwirang pagkagusto
 Naayon sa batas ng Diyos at ng tao
 Makatarungan
 Maipagmalaki sa lahat
 Ang pinaka-tamang gawin
 Nabuo gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
TUNGUHIN NG KILOS-LOOB
a. Pagmamahal
b. Umiral ng pagmamahal
c. Kakayahang mag-abstraksiyon

Paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao?


Gamitin sa ISIP upang tuklasin ang KATOTOHANAN at ang KILOS-LOOB para
buuin ang kanyang pagkatao sa pamagitan ng PAGMAMAHAL at
PAGLILINGKOD sa kaniyang kapuwa.

You might also like