You are on page 1of 3

Isip at Kilos – Loob

Isip:
 Ang isip ay ang kakayahang alamin ang buod at diwa ng mga bagay
at mag – isip. (1)
 Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, sumuri,
umalala, at unawain ang kahulugan ng mga bagay – bagay. 
 Kaya naman ang isip ay binibigyan ng iba’t ibang katawagang gaya
ng katalinuhan o intellect, katwiran o reason, intelektwal na
kamalayan o intellectual consciousness at intelektwal na memorya
o intellectual memory base sa kung paano ito ginamit  sa bawat
pagkakataon.

GAMIT NG ISIP

 Ang gamit ng isip ay upang umunawa. (2)


 Sa pamamagitan ng isip natututong kilalalin ng tao ang masama at
mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang kabuluhang mga
bagay. 
 Sa pamamagitan din ng isip napagtatanto ng tao ang kanyang mga
kahinaan at kakulangan. 
 Ang isip ang naghahanap ng katotohanan sa pamamagitan ng patuloy
na pananaliksik.

TUNGUHIN NG ISIP
 Ang tunguhin ng isip ay katotohanan. (3)
 Ang katotohanan ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na
pananaliksik gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga pandama
ng tao tulad ng paningin, pandinig, pang – amoy, panlasa, at
pandama.

Kilos – Loob:
 (4)Ang kilos – loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili , at
isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino,
ang kilos – loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational
appetency dahil ito ay isang pakultad o faculty na nalulugod sa
mabuti at umiiwas sa masama. 
 Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Samakatuwid,
naiimpluwensyahan ng isip ang kilos – loob. Dahil sa kilos – loob,
maaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti.  

GAMIT NG KILOS-LOOB

 Ang gamit ng kilos – loob ay upang kumilos o gumawa. (5)


 Kapag ginagamit ng tao ang kanyang kapangyarihang pumili at
gumawa ng tama, ipinapakita lamang niya ang kanyang mapanagutan
o responsableng pagkilos.

TUNGUHIN NG KILOS-LOOB
 Ang tunguhin ng kilos – loob ay kabutihan. (6)
 Sapagkat ang kilos – loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang
tanging tunguhin nito ay ang kabutihan.
 Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan, ito ay pagpapakita lamang
ng responsible o mapanagutang pagkilos.

Tandaan:

1. Ang isip at kilos – loob ay magiging ganap lamang kung ang tao ay
magsasanay at patuloy na pauunlarin ang mga ito.
2. Kapag napangalagaan ng tao ang kanyang isip at kilos – loob, hindi
magkakaroon ng pagkakataon na masira ang layunin kumbakit ang mga ito ay
ipinagkaloob sa tao.
3. Mabuti para sa tao ang maging matalino ngunit hindi ito ang batayan ng
pagiging mabuti. Ganunpaman, ito ay dapat na ginagamit upang:
4. paunlarin ang pagkatao
5. maglingkod sa kapwa
6. makibahagi o maglingkod sa pamayanan
7. Likas na natatangi ang tao dahil sa kanyang kakayahang mag – isip at
kumilos ayon sa kanyang kalikasan ang magpakatao.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong o
pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang katangiang nagpabukod-tangi sa tao.

A. Isip at kilos-loob C. Kakayahan at ugali


B. Isip at talino D. Talino at galling

2. Ang isip ay ______ ng tao upang magsuri at tumuklas.

A. biyaya C. kapangyarihan
B. galing D. karunungan

3. Ang ____ ay bunga ng paghubog sa pag-alam ng katotohanan.

A. kaalaman C. kaisipan
B. kabutihan D. karunungan

4. Ang pag-alam sa _______ ay nasa kalikasan ng tao.

A. kabutihan C. katotohan
B. kakayahan D. kayamanan

5. Ang pagmamasid, pag-alam, pagsuri at obhetibong pagtataya ay mga paraan


para sa ______.

A. kapangyarihan C. karunungan
B. kakayahan D. pagpili ng mabuti

You might also like