You are on page 1of 31

Paggamit ng Isip

at Kilos-loob
Tungo sa
Katotohanan

Rosella M. Hernandez
Sa pagtatapos ng araling ito,
inaasahang
– a) natutukoy mo ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob,
– b) nakikilala mo ang iyong mga kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga
ito,
– c) napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal.
– d) nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
GAWAIN 3: CROSSWORD PUZZLE
Sagot:
– Naniniwala ka ba na lahat ay nangangarap ng
masaya, payapa, ligtas at magandang buhay?
Tao man o hayop ay nagnanais na sila ay nasa
mabuting kalagayan ngunit hindi ito madali.
Kailangang mamili at magdesisyon nang tama
upang makarating sa ninanais na
patutunguhan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sagutin ang mga tanong:

– 1. Sino o alin sa dalawa (Larawan A at B) ang may kakayahang


pumili o magdesisyon?
– 2. Anong wala sa nasa larawan na hindi mo napili sa Tanong 1
upang makapili o magdesisyon at makarating sa tamang
patutunguhan?
– 3. Anong mayroon sa nasa larawan na napili mo sa Tanong 1
upang makapili o magdesisyon at makarating sa tamang
patutunguhan?
– Kung ikaw ang nasa kalagayan ng isa sa mga
nasa Larawan A, aling daan ang pipiliin mo?
Bakit mo ito gusto at paano ka
makararating sa patutunguhang iyong
napili?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

– 1. Alin sa dalawa ang iyong napiling patutunguhan:


a. magandang buhay; b. mahirap na buhay?
– 2. Anong naging batayan mo sa iyong pasya?
– 3. Ano ano ang mga kailangan mong gawin upang
makarating sa iyong patutunguhan?
– Ayon naman kay Sto. Tomas de Aquino, may
dalawang dimensiyon ang tao: materyal at
ispiritwal.
– Ang pagkakaroon ng ganitong katangian ng
tao ay nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba
pang mga nilalang.
Materyal na Kalikasan ng Tao

– Ang katawan ang pangunahing sangkap sa materyal na kalikasan ng tao.


Ito ang biyolohikal na katangian ng tao na nag-aasam ng kaginhawahan at
ng patuloy na pagpapanatili nito (Punzalan, Gonzales, Marte, & Nicolas,
2019). Ang katawan ang itinuturing na tulay ng kalooban ng isang tao
patungo sa daigdig (Mencias, n.d.), ang nagsasagawa ng mga pisikal na
gawain ng tao, at kumikilos sa pamamagitan ng pandamdam at emosyon
(Punzalan, Gonzales, Marte, & Nicolas, 2019).
Ispiritwal na Kalikasan ng Tao
– Sa lahat ng nilalang na may buhay sa daigdig, ang tao lamang ang mayroong
ispiritwal na kalikasan. Sinabi ni Hornedo na ang katawan ay nakasasagabal
sa pag-iisip ng tao, kung kaya’t kinakailangan na may ispirito upang supilin
ito. Dahil sa pagkakaroon ng ispirito, nagkakaroon din ng isip at kamalayan
ng tao (Mencias, n.d.). Ang kamalayan ay ang pagkakaroon ng malay-tao at
ang nilalaman nito. Ito ang nagbibigay ng kakayahang umunawa ng mga
kaalaman, gumusto at umayaw, at magpasya kung alin ang mabuti at
masama.
Isip
– Ang isip ay tinatawag na intellect sa Ingles. Pinalalawak at
inihahatid sa isip ang mga impormasyong nakalap upang
magkaroon ito ng malalim na kahulugan. Gagana lamang ang
isip kung nalinang na ang pandamdam ng tao (De Torre, 1980,
nabanggit sa Brizuela, et. al, 2015). Ginagamit ng tao ang isip
upang umunawa ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan nito,
nagkakaroon siya ng kakayahang maging kritikal at mapanuri
upang mapaunlad ang sariling buhay, maging ng buhay ng
kanyang kapuwa.
Kapangyarihan ng Isip
– 1. Nilikha ang tao bilang isang rasyonal (makatwiran) na nilalang.
– 2. Ang isip ng tao ay may kamalayan, may kakayahang umunawa, tumanggap ng
impormasyon, sumuri, tumuklas at magbigay ng kahulugan.
– 3. Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon, ito rin ay
sumusuri. Ang pang-unawa ng tao ay nakakatulong sa kanyang paghatol at
pagpapasya sa pamamagitan ng pagkukumpara at pagsuri sa mga
impormasyong tinatanggap ng kanyang isip.
– 4. May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga
impormasyong nakalap niya upang magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat.
– 5. May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali.
Kilos-Loob
– Binigyang-kahulugan ni Sto. Tomas ang kilos-loob bilang rational
appetency o makatwirang pagkagusto. Ito ay naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama, at nag-uudyok na piliin kung alin ang mabuti.
– Ang kilos-loob o will ay umaasa at nagpapasya batay sa mga
nakalap na impormasyon at sa ginagawang paghuhusga ng isip.
Ang bahaging ito ng ispiritwal na kalikasan ng tao ay isa pang
katangian na nagpapatingkad ng pagiging bukod-tangi ng tao sa
ibang nilalang.
Kapangyarihan ng Kilos-loob
– 1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct)
bagkus dahil sa kangyang kilos-loob.
– 2. Dahil sa kanyang kilos-loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan
gaya ng pag didisiplina sa sarili.
– 3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos-loob ay ang malayang pumipili.
– 4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos-loob ang nag-
uudyok na piliin ang mabuti o masama ayon sa pag-unawa ng isip nito.
(Babor; 1999)
– 5. Nasa kalikasan ng kilos-loob ang pagpili ng mabuti. (Punsalan; 2019)
Masasabing ang pag-iisip at pagkilos ay tama
kung ito ay:

 naayon sa batas ng Diyos at ng tao


 makatarungan
 maipagmamalaki sa lahat
 ang pinaka-tamang gawin
 nabuo gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
Isip at Kilos-loob
– 1. Ang isip at kilos- loob ang kambal na kapangyarihan nagpapabukod tangi sa tao.
– 2. Ang isip ay para sa pag- unawa at pag-alam ng katotohanan.
– 3. Ang kilos- loob ay pagkilos tungo sa kabutihan.
– 4. Ang tunay na karunungan ay ang paghahanap ng katotohanan.
– 5. Upang makamit ang kasukdulang taas ng isip, kinakailangan itong hubugin ng wasto
gayun din ang kilos-loob.
– 6. Nasa kalikasan ng isip ang mag-isip, sumuri at mangalap ng iba’t-ibang kaalaman,
upang magpasya ng tama at mabuti subalit kung minsan ang tao ay pinipili parin mali o
paggawa ng masama dahil mas madali itong gawin o nasisiyahan siya sa magiging
resulta nito sa pagkakataong ito. Dapat palakasin ng tao ang kanyang kilos-loob sa
pamamagitan ng wastong paghuhubog nito.
Kakayahan ng Isip at Kilos-loob
Mga halimbawa ng paghubog ng isip at kilos-loob

– a. Pagkilala sa katotohanan
– b. Makatuwirang paraan ng pagtuklas ng suliranin.
– c. Pagmamahal sa Diyos at kapwa
– d. Pagpapatatag ng kaalaman tungo sa moralidad
– e. Pagiging responsable at mapanagutan (Punsalan et. al:2019)
Tandaan:
Ang tao ay nilikha ng Diyos bilang kakaibang
nilalang, may kapangyarihan siyang nagmula
sa Diyos ang isip at kilos-loob. Ito ay
maaaring gamitin ng tao upang maunawaan at
kumilos ayon sa huling layon. Ang
pinakamataas na layunin ng isip at kilos-loob
ay ang pinakadakilang katotohanan at
kabutihan …. ang Diyos. (Castro et al; 2010)
– Ang karunungan ay hindi lamang para sa sariling kapakinabangan, bagkus
ito rin ay paraan para sa tamang pagkilos. Ang karunungan ay pinatitingkad
ng pag-alam sa katotohanan.
– Ang pagkilos ay karugtong ng kaalaman ng tao, gumagawa ang tao ng tama
dahil alam niyang ito ay tama. Ang kilos-loob ay pinatitingkad sa
paghahanap ng kabutihan at ang paggawa ng mabuti ang kanyang huling
layon. Ang kilos-loob ay laging naghahangad ng kabutihan na nagmumula sa
katotohanan tungo sa paglilingkod at pagmamahal, ang Diyos (ang huling
layon ng tao). Ayon sa Banal na Aklat ang ginagawa mo sa kapwa mo ay
ginagawa mo rin sa Diyos.
– May kapangyarihan ang isip at kilos-loob subalit meron
din itong tungkuling dapat gampanan sa pag-abot sa
pinakadakilang katotohanan at kabutihan, ito ay ang
pagmamahal.
– Ayon sa aklat ni Glenn may dalawang pakultad o
kapangyarihan ng kapasidad sa pagkilos ang kaluluwa ng
tao:
– 1. Pangkaalamang pakultad (knowing faculty) – Isip
– 2. Pagkagustong pakultad (choosing faculty) – Kilos-loob
Mga Tungkulin ng Isip at Kilos-loob
– 1. Paunlarin at gamitin ang isip.
– 2. Ang isip ay pinauunlad ng kaalaman at katotohanan tungo sa
kaganapan nito.
– 3. Maging makatwirang nilalang.
– 4. Makamit ang kanyang huling layon batay sa likas na batas.
– 5. Ang kaganapan ng kilos-loob ay ang paghahanap sa
kabutihan.
GAWAIN 4: KOMPLETUHIN!
Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will
ayon sa tunguhin nito.
–Paano mo masasabi na ikaw ay
natatanging nilikha sa wangis ng
Diyos?
GAWAIN 5: TAYAHIN ANG IYONG PAG-
UNAWA
PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

– 1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.


– 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba
dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
– 3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-
uunawa.
– 4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng
kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
– 5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
Gawaing-bahay:Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 6 sa pahina 13. Pag-isipan at ibahagi ang iyong mga kilos o gawain na may kinalaman sa
paggamit ng isip at kilos-loob. Alin sa mga ito ang ipagpapatuloy, babaguhin at ihihinto mo tulad ng sa traffic lights o ilaw trapiko? Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

You might also like