You are on page 1of 2

ARALIN 1: MATAAS NA TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

“Ang Taong Matalino ay Mabuti at ang Mabuting Tao ay Matalino”

Ang tao ay nilikha ng Diyos bilang kakaibang nilalang, may kapangyarihan siyang

nagmula sa Diyos ang isip at kilos-loob. Ito ay maaaring gamitin ng tao upang maunawaan at

kumilos ayon sa huling layon. Ang pinakamataas na layunin ng isip at kilos-loob ay ang

pinakadakilang katotohanan at kabutihan .... ang Diyos. (Castro et al; 2010)

ISIP AT KILOS- LOOB - ang kambal na kapangyarihan nagpapabukod tangi sa tao.

• isip - ay para sa pag- unawa at pag-alam ng katotohanan.


• kilos- loob - ay pagkilos tungo sa kabutihan.

Nasa kalikasan ng isip ang mag-isip, sumuri at mangalap ng iba’t-ibang kaalaman, upang magpasya ng tama at mabuti
subalit kung minsan ang tao ay pinipili parin mali o paggawa ng masama dahil mas madali itong gawin o nasisiyahan siya
sa magiging resulta nito sa pagkakataong ito. Dapat palakasin ng tao ang kanyang kilos-loob sa pamamagitan ng wastong
paghuhubog nito.

KAPANGYARIHAN NG ISIP

1. Nilikha ang tao bilang isang rasyonal (makatwiran) na nilalang.


2. Ang isip ng tao ay may kamalayan, may kakayahang umunawa, tumanggap ng impormasyon, sumuri, tumuklas
at magbigay ng kahulugan.
3. Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon, ito rin ay sumusuri..Ang pang-unawa ng tao ay
nakakatulong sa kanyang paghatol at pagpapasya sa pamamagitan ng pagkukumpara at pagsuri sa mga
impormasyong tinatanggap ng kanyang isip.
4. May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga impormasyong nakalap niya upang
magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat.
5. May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali.

KAPANGYARIHAN NG KILOS-LOOB

1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct) bagkus dahil sa kangyang kilos-loob.
2. Dahil sa kanyang kilos-loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan gaya ng pagdidisiplina sa sarili.
3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos-loob ay ang malayang pumipili.
4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos-loob ang nag-uudyok na piliin ang mabuti o masama
ayon sa pag-unawa ng isip nito. (Babor; 1999)
5. Nasa kalikasan ng kilos-loob ang pagpili ng mabuti. (Punsalan; 2019)
KAKAYAHAN NG ISIP AT KILOS-LOOB

AYON SA AKLAT NI GLENN MAY DALAWANG PAKULTAD O KAPANGYARIHAN NG KAPASIDAD SA PAGKILOS ANG
KALULUWA NG TAO:

1. Pangkaalamang pakultad (KNOWING FACULTY) – Isip


2. Pagkagustong pakultad (CHOOSING FACULTY) – Kilos-loob

MGA TUNGKULIN NG ISIP AT KILOS-LOOB:

1. Paunlarin at gamitin ang isip.


2. Ang isip ay pinauunlad ng kaalaman at katotohanan tungo sa kaganapan nito.
3. Maging makatwirang nilalang.
4. Makamit ang kanyang huling layon batay sa likas na batas.
5. Ang kaganapan ng kilos-loob ay ang paghahanap sa kabutihan.

You might also like