You are on page 1of 3

EsP X Modyul 3

PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

KAHULUGAN NG KONSENSIYA
 isa sa mga kilos ng isip na nag – uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa
masamang dapat iwasan
 munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo o nag – uutos ng isang moral na
pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon(Clark, 1997)
 nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang mabuti nang may awtoridad at
nagmumula sa isang mataas na kapangyarihan
 natatanging kilos pangka – isipan, isang paghuhusga ng ating sariling katuwiran kung
saan nailalapat ng tao ang batas na naitanim sa puso mula sa kapanganakan
(Sto. Tomas de Aquino)
 kapangyarihang humusga kung papaano ilalapat ang pangkalahatang kaalaman sa
partikular na sitwasyon

ELEMENTO NG KONSENSIYA
1. Pagninilay
- na maunawaan ang masama at mabuti at paghatol sa gawain bilang tama
o mali, masama o mabuti
2. Pakiramdam
- obligasyong gawin ang mabuti

BAHAGI NG KONSENSIYA
(Felicidad Lipio, 2004)

1. Paghatol Moral
 kabutihan o kasamaan ng kilos

2. Obligasyong Moral
 gawin ang mabuti at iwasan ang masama

URI NG KONSENSIYA
1. Tamang Konsensiya
 lahat ng kaisipan at dahilan a kailangan sa paglalapat ng obhektibong
pamantayan ay naisakatuparan ng walang pagkakamali
 kung ang hinuhusgahan ay tama bilang tama at mali bilang mali
2. Maling Konsensiya
 ang hinuhusgahan ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang
prinsipyo sa maling paraan
 kung ang hinuhusgahan ay mali bilang tama at tama bilang mali
3. Tiyak na Konsensiya
 ang naghuhusga ay walang batayan upang pagduduhan ang tamang
paghuhusga
4. Di Tiyak na Konsensiya
 kung ang naghuhusga ay may pangamba na maaaring kabaligtaran ang naging
husga sa sitwasyon

Kilos
- bunga ng pagtimbang at pagpili kasama ng isip, kilos – loob at damdamin

Uri ng Kilos
1. Mabuti
 ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay tama
2. Masama
 taliwas sa
katotohanan ang taglay na kaalaman o hindi pa matatag ang paninindigan sa
mabuti
Kamangmangan
- kawalan ng kaalaman sa isang bagay na maaring dahilan upang di kilalanin
na masama ang kilos ng tao

URI NG KAMANGMANGAN
1. Kamangmangang Madaraig
o vincible ignorance
o maaaring malagpasan sa pamamagitan ng pag – aaral at pagsisikap
o nangyayari kung may pag – aalinlangan ang at hindi tiyak ang gagawin

Kaakibat na Tungkulin ng Tao:


 may tungkulin ang tao na alamin ang katotohanan
 kung di sigurado kung sapat na ang kaalaman, piliin ang mas ligtas na
paraan
 mapanganib ang padalos – dalos na kilos
 “mawala ang dangal ng konsensiya kapag ipinagwalang bahala ang
katotohanan at kabutihan” (Lipio, 2004,p.34)
2. Kamangmangang Di Madaraig
o invincible ignorance
o walang pamamaraan upang malampasan
o bumabawas o nagtatanggal pananagutan sa tao sa isang kilos o pasiya
 “mahalaga ang pananagutan na ituwid ang pagkakamali matapos
malaman ang katotohanan” (Lipio, 2004, p.33)

YUGTO SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA


1. Alamin at naisin ang mabuti
 nilikha ang tao na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo
 nilikha ang tao upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan
2. Pagkilatis sa partikular na kabutihan ng isang sitwasyon

Kaugnay na Gawain:
 Pag – aaral sa sitwasyon
 Pangangalap ng impormasyon
 Pagsangguni
 Paghatol ng Konsensiya
3. Paghatol sa mabuting pasiya at kilos
 paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos
 nagsisilbing “resolusyon” sa krisis na kinakaharap
4. Pagsusuri ng sarili/Pagninilay
 pagbabalik sa ginawang hatol upang matuto mula sa karanasan

Mga Maaaring Makaapekto sa Paghubog ng Konsensiya:


heredity
maturity
environment (external at internal)

Likas na Batas Moral


- pinakamataas na batayan ng kilos
- ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos
upang bigyang direksyon ang buhay ng tao
- nagbibigay kakayahan sa tao upang kilalanin ang mabuti sa masama

PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL


1. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
- hindi nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa pangangailangan
ng sitwasyon
- kinakailangan ang pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan
ng mabuti laban sa masama
2. Pag – unawa sa kalikasan ng tao:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang tao na
pangalagaan ang kanyang buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at
papag – aralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na
alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan

HAKBANG SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA


(Sr. Felicidad Lipio, 2004,p. 55 – 58)
1. Matapat at masusing isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan
- pagkilos ng may pananagutan, paggawa at pagpili ng mabuti sa lahat ng
pagkakataon

Mapanagutang Pagkilos:
a. Kilalanin at pagnilayan ang tunay na pagpapahalagan moral na
sangkot sa isang kilos
b. Suriin ang sariling hangarin
c. Unawain at pagnilayan ang karanasan at hamon sa buhay
d. Alamin at unawain ang pagtalakay sa napapanahong isyung moral at
implikasyon nito sa lipunan
2. Maglaan ng panahon para sa regular na panalangin

ANTAS NG PAGHUBOG NG KONSENSIYA


1. Likas na Pakiramdam at reaksyon
2. Super Ego

GABAY SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA


1. Mga taong may kaalaman at nagsasabuhay ng pagpapahalagang
moral
2. Sa simbahan at mga turo nito
3. Sa Diyos at Kanyang mga Salita

KINAKAILANGAN SA PAGHUBOG NG KONSENSIYA:


1. Isip
2. Kilos – loob
3. Puso
4. Kamay

You might also like