You are on page 1of 20

TAYUTAY

• Tayutay o sa wikang English ay figure of


speech, ay ang mga salitang ginagamit upang
gawing makulay, matalinghaga, kaakit-akit at
mabisa ang isang pahayag.
• Ito rin ay ginagamit upang maging mabisa,
masining at kawili wili ang paglalarawan
MGA URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad(Simile) Paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan
ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis
ng, animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa : A. Siya ay katulad ng kandilang unti-
unting nauupos.
B. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin
2. Pagwawangis(Metaphor) Isang tuwirang
paghahambing na hindi ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.
 Halimbawa : A. Ang ina ni Joshua ay bituing
tanglaw niya sa landas ng buhay.
B. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.
3. Pagtatao(Personification) -Nagsasalin ng
talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na
walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
Halimbawa : A. Lumuluha ang liham na
natanggap ni Carlo.
B. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
4. Eksaherasyon (Hyperbole) Lubhang pinalalabis
ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Halimbawa : A. Nabiyak ang kanyang dibdib sa
tindi ng dalamhati.
B. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil
sa ingay.
5. Paguyam(Sarcasm) Ito ay mga pananalitang
nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring
pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may
bahid na pag-uyam.
Halimbawa : A. Kay kinis ng mukha mong butas-butas
sa kapipisil mo ng mga taghiyawat.
B. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi
matulog maghapon.
6. Paglilipat-wika Ito ay gumagamit ng pang-uri
upang bigyang paglalarawan ang bagay.
Halimbawa : A. Ang matalinong pluma ni Rizal
ang nagbigay sa atin ng kalayaan.
B. Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay
kumanlong ng mga sugatan.
7.Paglilipat-saklaw(Synecdoche) Ito ay
pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
upang tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa : A. Hiningi ni Carl ang kamay ng
dalaga.
B. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-
aararo.
8.Pagtawag (Apostrophe) Ito ay pakikipag-
usap sa karaniwang bagay na para bang
nakikipag- usap sa isang buhay na tao.
Halimbawa : A. O, tukso layuan mo ako. B.
Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa
mga problema.
9. Tanong Retorikal Isang pahayag na anyong
patanong na hindi naman nangangailangan ng
sagot.
Halimbawa : A. Hanggang kailan ba masusupil ang
kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot? B.
Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng
kahirapan ang ating bayan?
10. Pagpapalit- tawag(Metonymy)
Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng
bagay na magkaugnay.
Halimbawa: A. Dapat nating igalang ang putting
buhok.
B. Si Haring Garen ang nagmana ng korona.
11. Pagdaramdam Nagsasaad ito ng
pangkaraniwang damdamin.
Halimbawa : A. Kailan lamang ay sumasayaw ka
sa kaligayahan at punong- puno ng buhay,ngayon
ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng
dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.
12. Tambisan(Antithesis) Pagtatabi ng mga hagap na
nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong
mapatingkad na lalo ang mga salita.
Halimbawa : Siya ay isang taong sala sa init,sala sa
lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot
sa mayaman at nayayamot din sa mangmang,isang
nakalilitong nilalang.
13. Paghihimig(Onomatopoeia) Naipahihiwatig dito
ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng
mga salita.
 Halimbawa : A. Dumagundong ang malakas na kulog
na sinun dan ng pagguhit ng matatalim na kidlat
B. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na
kargamento mula sa trak.
14. Pag-uulit(Alliteration) ito ay ang pag-uulit ng mga salita o
parirala upang bigyang-diin ang isang pahayag.
Halimbawa : A.Malaya na ang Pilipinas! Malaya laban sa mga
umaalipusta. Malaya na sa Kadenang gumagapos.
B. Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang
hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling
lumabas sa lumang gusaing mahabang panahon ding naging
bilangguan ng kanyang yayat na katawan.
15. Pagtanggi(Litotes) Gumagamit ang pagpapahayag ng
salitang “hindi” upang maipahiwatig ang lalong makahulugang
pagsangayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Halimbawa : A. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit
ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik
niyang kaibigan.
B. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang
kasintahan.
16. Salantunay(Paradox) Pagpapahayag ng isang
katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng
sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o
dinig.
Halimbawa : A.“Kapagka ang tao sapul na ay
tamad” B. “Madaling tahakin landas ng pag-
unlad”
17. Pangitain(Vision imagery) Naglalarawan sa
mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o
nakikita sa nagsasalita.
 Halimbawa : A.“ Sa sinapupunan ng konde Adolfo
B. “Aking natatanaw si Laurang sinta ko”
18. Paghahalintulad(Analogy) Tambalan ng
pagtutulad; ipinahahayag ng paghahalitulad ng
magkatulad ng isang kaugnayan.
Halimbawa: A.“Ang tingin ng paruparo sa
bulaklak
B.“Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad”

You might also like