You are on page 1of 2

“NOLI ME TANGERE: ISANG MALALIMANG

REBYU SA AKDA”

Ang “Noli Me Tangere” ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na inilathala noong
taong 1887, na kung saan ang bansang Pilipinas ay napapasailalim pa nang pamumuno ng mga
mga espanyol. Hindi maikakaila ang pagiging gahaman ng mga espanyol sa mga panahong sila
ang namamalakad at namamahala nang ating bansa, na siyang sinasabing nanging pangunahing
inspirasyon kung bakit isinulat at inilathala ni Dr. Jose P. Rizal ang nobelang “Noli ME Tangere”.
Sa orihinal na nobela, espanyol ang wikang ginamit ni Rizal. Kung kaya’t, pili lamang ang
nakakabasa nito noong panahong ito ay nailathala. Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang
naisalin-wika ang nobela, na naging dahilan upang ito’y mabasa ng karamihan. Isinulat ang
nobelang “Noli Me Tangre” sa adhikaing mamulat ang mga mata at mabuksan ang kamalayan ng
mga Filipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaang espanyol at ng simbahang katoliko - kaya
ay hindi maitatanggi na malaking ang naging ambag ng nobelang ito sa pagkamit ng kalayaan ng
Pilpinas at sa pagpukaw nang damdaming Filipino.
Ang nobela ay pinagbidahan ng binatang si Juan Crisostomo Ibarra na pinag-aral ng
amang si Don Rafael sa isang paaralan sa Eueopa. Halos mahigit pitong taon bago makauwi si
Pilipinas si Ibarra, kung kaya’t sinalubong siya ng isang salu-salo na kung saan mayroong mga
matutunog na pangalan ang naging imbitado. Si Ibarra ay may kasintahang nagngangalang Maria
Clara. Matapos niyang puntahan ang kasintahan, nagtungo siya kay Tinyente Guevarra, na kung
saan nadiskubre niyang ang ama na si Don Rafael ay patay na matapos itong maakusahang
erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal. Ikinulong ito dahil sa
kasalanang hindi niya ginawa, at sa loob ng kulongan siya’y nagkasakit na naging dahilan ng
kanayang pagkamatay. Subalit sa kabila ng nangayari sa kanyang ama, hindi nag-isip si Ibarra
ng paghihiganti. Bagkos, mas pinili niyang ipagpatuloy ang adhikain ng kaniyang at siya’y
nagpatayo ng paaralan. Pero sa kabila ng kaniyang kabutihan, tulad ng kaniyang ama,
pinagbintangan si Ibarra ng isang kasalanang hindi niya kailanman ginawa, dahilan para siya ay
tugisin at magtago. Marami pang kagimbal-kimbal nakaganapan sa nobela kung ito’y iyong
babasahin ng buo.
Mapapansin din sa nobela ang pagiging wala hustisya at pagiging gahaman ng
pamamalakad ng mga espanyol sa Pilipinas at sa mga Filipino. Una, kung matatandaan, si Don
Rafael na ama Ibarra, siya’y namatay dahil sa isang kasalanang hindi niya kalianman ginawa.
Kung may hustisya at maayos pamamalakad ng mga espanyol sa Pilipinas at sa mga Filipino,
hindi na mamamatay si Don Rafael sa loob ng kulungan. Pangalawa, si Ibarra ay nagpatayo ng
isang paaralan alinsunod sa adhikain ng kaniyang ama - ito ay isang napakabuting gawa. Subalit,
dahil sa isang personal na interes, pinagbintangan at tinugis si Ibarra sa kasalanang hindi niya
ginawa. Ilan lamang yan sa mga kawalang hustisyang pangyayari sa ilalim ng pamumuno mga
espanyol at ng simabahan.
Ang nobelang “Noli Me Tangere” ay naging isang lantarang representasyon ng
kalagayang ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga espanyol at ng simabahan. Makikita at
mapapansin na ang mga karakter at mga pangyayari sa nobela ay napapanahon at tuwirang
pamilyar. Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ang mga Filipino ng masidhing damdamin
na nagdulot ng paghahangad ng kalayaan mula sa kamay ng mga espanyol. Tunay ngang hindi
lamang masining ang nobelang ito kundi mapamukaw ng damdamin din.
Sa madaling salita, naging matagumpay ang layunin ng nobelang “Noli Me Tangre” na
isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Nakamit nito ang adhikaing mamulat ang mga mata at mabuksan
ang kamalayan ng mga Filipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaang espanyol at ng
simbahang katoliko sa Pilipinas. Hindi masasayang oras mo sa nobelang ito. Samakat’wid,
magkakaroon ka ng pagbabalik tanaw ng ating kasaysayan at mas lalo mong mamahalin ang
ating pagka PILIPINO.

You might also like