You are on page 1of 23

POSISYONG

PAPEL
Na isinagawa nila:
Alinsonorin, Alfre Jane
Tumalis, Jessa
Lomoljo, Archie
Bongcales, Ivy
Kahulugan
• Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak
na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu;

• Naglalaman ito ng mga katwiran o


ebidensya para suportahan ang
paninindigan;
• Mahalagang bahagi rin nito ang
posisyon at mga katwiran ng kataliwas
o katunggaling panig.

• Isa o dalawang pahina lamang, upang


mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasa at
mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong
• Ang posisyong papel , kagaya ng
isang debate, ay naglalayong
maipakita ang katotohonan at
katibayan ng isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkakaibang
pananaw sa marami depende sa
persepsiyon ng mga tao.
LAYUNIN
• Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang
madla na ang pinaniniwalaan ay katanggaptanggap
at may katotohanan. Mahalagang maipakita at
mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit
ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong
pinaniniwalaan o pinaninindigan.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAKABULUHANG
SUMULAT NG POSISYONG PAPEL

SA PANIG NG MAY AKDA

* Nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel


upang mapalalim ang pagkaunawa niya sa isang tiyak na
isyu.

* Naipapakilala niya ang kanyang kredibilidad sa


komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.
 PARA SA LIPUNAN

Tumutulong ito para magkaroon ng


kamalayan ang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa
isang usaping panlipunan.

Nagagamit itong batayan ng mga tao


sa kanilang sariling pagtugon at
pagsangkot sa usapin.
Mga dapat isaalang-alang para sa mabisang
pangangatwiran

 Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid


 Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
Sapat na katwiran at katibayang makapagpatunay
Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at
katwiran upang makapanghikayat.
Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarunga, at bukas
na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na
katwiran.
Mga Mungkahing
Hakbang
sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
1. Tiyakin ang Paksa May dalawang posibleng paraan kung paano
nabubuo ang paksa ng posisyong papel. a) Ang posisyong papel ay
binubuo para sumangkot sa isang napapanahong usapin na
pinagtatalunan. b) Maaari din namang bumuo ng posisyong papel
bunsod ng isang napansing problema sa kagyat na kapaligiran o
lipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik Maaaring
magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng
opinyon sa mga taong my awtoridad sa paksa para
mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. Sikaping
maging bukas muna ang isip para makabuo ng
matalino at makatuwirang posisyon. Iwasan
munang kumiling sa isang panig na maaaring
humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw sa
usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga
katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang
matimbang ang dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel
ang mga katuwiran sa dalawang hanay para magkaroon ng biswal na
representasyon ng mga ito. Tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan
at kailangan pa ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa. Batay
sa paglilista at pagtitimbang, bumuo ng sariling paninindigan.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Maaring pagtuunan ang mga katuwiran para sa panig ng napiling
paninindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong
journal. Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinagtatalunan. Mahalagang ring gumamit ng mga ulat ng
ahensya ng pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan, at
magasin upang makapagtampok ng napapanahon na mga datos o
impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas Introduksyon – ipakilala ang paksa. Mga
Katuwiran ng Kabilang Panig – isa-isang ihanay dito ang mga
katuwiran ng kabilang panig.  – isa-isa namang ihanay ang sariling
mga katuwiran. Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran – dito
maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran.
Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat –
lugumin dito ang mga katuwiran. Muling Pagpapahayag ng
Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos – sa isa o dalawang
pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang
paninindigan.
6. Sulatin ang posisyong papel
Kailangang buo ang tiwaa at paninindigan.
Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-
paniwala ang mga sinabi sa posisyong papel.
Ipakita ang awtoridad sa usapin.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang iyong posisyong papel Maaaring magparami ng kopya at
ipamigay ito sa komunidad;
Ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao;
Ipalathala sa pahayagan;
Magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebesyon, radio, at iba pang
daluyan.
Maaari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming
mambabasa.
• Pormat ng Posisyong Papel
• Introduksyon
• Katawan
• Kongklusyon
• PANIMULA
• • Ilahad ang paksa • Magbigay ng maikling paunang paliwanag
tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pagusapan • Ipakilala
ang tesis ng posisyong papel o iyong Stand o posisyon tungkol sa isyu
• PAGLALAHAD NG COUNTER ARGUMENT
• • Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis • Ilahad ang mga
kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counter argument • Patunayang mali o walang katotohananang mga
counter arugument ng iyong inilahad • Magbigay ng mga patunay
para mapagtibay ang iyong giinawang panunuligsa
• PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN TUNGKOL
SA ISYU • Ipahayag o ilahad and unang punto ng iyong posisyon o
paliwanag
• • Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o
paliwanag
• • Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag
• KONGKLUSYON
• • Ilahad muli ang iyong argumento o tesis • Magbigay ng mga plano
ng gawain o plan of action na makakatulongsa pagpapabuti ng kaso o
isyu
• • Ang pinakamabisang at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng
posisyong papel ay sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa
ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtalakay sa mga magiging
implikasyon nito.
Paggamit ng Droga
ni: Princess Paclar
Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang gamot ay sinadya sa mundo na
gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay
sakit kapag inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na
sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang
masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito.
Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dudang ramdam
na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na
maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating lipunan. Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga
barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa
paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang
naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016).
Ayon rin sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay ang
mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o
paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.
Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na
sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan,
nakababawas ng suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay makatutong magnakaw,
magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng masama hanggang sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao.
Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o masama, magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.
Kongklusyon Ang posisyong papel ay humihikayat sa madla na ang paniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.
Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong ipaglalaban gamit ang mga ebedensyang magpapatotoo sa posisyong
paniniwalaan o papanigan.
Maraming
Salamat
po!

You might also like