You are on page 1of 22

ALAMIN

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa
bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing
inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao?
Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang
tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa
araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.

52
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

Markahan: Unang Linggo: 5 th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mo

53
Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang gamit ng wika sa lipunan. Ang mga


kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga
gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga gamit ng wika sa


lipunan. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman,
at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

a. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay


halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan (F11WG-le-85)
b. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit
ng wika sa lipunan ( F11EP-le-31 )

54
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong


dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo
ang paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa
iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

55
IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

56
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipilian.
Isulat lamang ang titik na katumbas ng wastong sagot sa hiwalay na
papel o notbuk.

1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa


unahan
a. anapora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi

2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa


hulihan
a. kohesyong gramatikal b. anaphora
c. pamanahon d.katapora

3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang


bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language

4. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?


a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita

5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong


gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika

57
6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng
pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori

7. Itinuro mo sa kanya kung ano’ng ruta ng dyip ang kanyang sasakyan, kung saan
siya bababa at kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.


a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya
ng maiinom.
a.Instrumental b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos


sa Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo
sa tagumpay.
a. Interaksiyon b.Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hingil sa parating na malakas na


bagyo.
a. Representatibo b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresenta bilang isang bank teller.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.


a. Interaksiyon b. Personal
c. Hueristiko d. Regulatori

58
ARALIN 5

Iba’t Ibang Gamit ng Wika sa Lipunan

14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang pagkabahala
sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.
a. Representatibo b. Personal
c. Hueristiko d. Regulator

15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y


nagbatian ng Hi at Hello!
a. Instrumental b. Personal
Sa nakaraang aralin natutunan mong ang paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o
natatangi lamang sa tao.Makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop ang magiging malikhain ng wika.
Sa araling ito ay naglalayong ipadama sa iyo kung gaano kaimportante ang
pagkakaroon ng abilidad na magamit ang wika tungo sa pakikipag-ugnayan.

59
YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

B. SURIIN

Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference)

Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nagpapatungkol sa


mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga
salita.

60
HALIMBAWA
Para sa lugar/ bagay/hayop:
Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na
nakain ko, matapos ang ilang buwan.
Sa Luneta tayo unang nagkita , dito kita unang nakilala.

Para sa tao / hayop: sila, siya, tayo, kanila, kaniya


Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa
magkakapatid.
Ang pamilya nilang Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila
ang condominium na tinitirahan natin ngayon.

Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa


dalawa na nagpapatungkol sa iba’t ibang bagay:

1. Anapora 2. Katapora

Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang


pangalan sa unahan.
Halimbawa:
Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang
makausap.

Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng


iyong anak.
Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay
mahusay.

Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa


pinalitang pangalan sa hulihan.

61
Halimbawa:
Siya’y hindi karapat – dapat na magtaglay ng aking apelyido , si
Pedring ay kahiya-hiya!
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?

Gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay –


halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan upang maging malinaw ang
paguugnayan. Tiyaking ang cohesive device na gagamitin ay angkop upang maayos
na mabuo ang pangungusap.

Gawain 1

Panuto: A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Batay sa nabuong paliwanag
hinggil sa mga gamit ng wika sa lipunan, ano ang nakita mong kahalagahan sa
paggamit ng mga cohesive devices sa pagbubuo ng pahayag?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. Bakit mahalagang gamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at


pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan. (F11EP-le-31 )

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

62
C. PAGYAMANIN

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan


Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan.
Mahalaga ang mga tungkuling ito sa pakikipag-ugnayan. Nakatala sa ibaba ng mga
graphic clip ang gamit ng wika sa lipunan.

PANG - INSTRUMENTAL NA GAMIT

Katangian ng Pang instrumental:


Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakikiusap,
pagtatanong, at pag-uutos

Paraang Pasalita Paraang Pasulat

Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos Liham pangangalakal

PANG - INTERAKSYUNAL

Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita Pasulat

Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan


Pangungumusta, pag-anyayang Imbitasyon sa
isang
kumain, pagtanggap ng bisita sa okasyon(kaarawan, anibersaryo,
programa sa
bahay, pagpapalitan ng biro at iba
paaralan)
marami pang iba

PAMPERSONAL

Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

Pasalita Pasulat

Pormal o di pormal na talakayan, Editoryal o Pangulong Tudling , Liham sa


debate o pagtatalo Patnugot, Pagsulat ng Suring-basa,
Suring Pelikula o anumang
DulangPantanghalan

63
PANGHUERISTIKO

Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.

Pasalita Pasulat

Pagtatanong, Pananaliksik, Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at


at pakikipanayam Disertisyon

REPRESENTASYONAL

Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o


sagisag

Pasalita Pasulat

Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig Mga Anunsyo, Patalastas, at Paalala


sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o
Paligid
PANG-IMAHINASYON

Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa


wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kanyang
damdamin.

Pasalita Pasulat

Pagbigkas ng Tula, Paggganap sa Pagsulat ng akdang Pampanitikan


Teatro

PANREGULATORI NA GAMIT

Katangian: Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba

Pasalita Pasulat

Pagbibigay ng Resipe, direksiyon sa isang lugar,


panuto/direksiyon,Paalaala panuto sa pasusulit at paggawa ng
isang bagay, tuntunin sa batas na
ipinapatupad

- Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


64
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016)
Ngayon ay alam mo na ang iba’t ibang gamit ng wika batay sa pag-aaral ni
M.A.K. Halliday at Roman Jakobson, tiyak na iba na ang persepsyon mo sa wika.
Hindi lamang ito instrumento sa araw - araw na pakikipag –ugnayan kundi isang daan
sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Ilapat ang naunawaang kahulugan ng gamit ng
wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat kung Panregulatori,
Panginteraksyunal, Pampersonal, Pangheuristiko, Representasyonal, at
Pangimahinasyon ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.

1. Pagpapahayag ng pananaw o damdamin ukol sa mga pangyayari sa isang

pelikula.

__________________________________________________

2. Paggawa ng sarbey ukol sa pinakaninanais na trabaho o hanapbuhay.

__________________________________________________

3. Pinaalalahanan ng ina ang anak na huwag magpagabi sa pag-uwi.

__________________________________________________

4. Pag-uulat sa klase ukol sa BOL(Bangsamoro Organic Law).

__________________________________________________

65
5. Paggawa ng liham pagtatanong tungo sa pamunuan ng unibersidad/kolehiyo
ukol sa paraan ng pagkuha ng libreng edukasyon na programa sa paaralan.
__________________________________________________

6. Paggamit ng “Po” at “Opo” habang kinakausap ang mas nakatatanda.


__________________________________________________

7. Pakikisuyo sa pagpapabili ng gamut sa parmasiya.


__________________________________________________

8. Pagbibigay paalala ukol sa mga dapat gawin at tandaan sa lakbay-aral.


__________________________________________________

9. Pagsulat ng tesis.
__________________________________________________

10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano makatutulong sa magulang


kahit nag-aaral pa.
__________________________________________________

11. Pagbuo ng kanta.


__________________________________________________

12. Paggawa ng resipe ng isang pagkaing pinoy.


__________________________________________________

13. Pagpapaalala ng tatay na dapat matutong mamili ng magiging kaibigan.


__________________________________________________

14. Pangungumbinse sa panauhin na tikman ang inihandang pagkain ng pamilya.


__________________________________________________

15. Paglikha ng tauhang kakaiba ang hitsura sa kuwentong isusulat.


__________________________________________________

66
D. ISAGAWA

Ikaw ba ay kabilang sa maraming kabataang nahuhumaling at minu


minutong nagba-browse sa internet gamit ang kanilang cellphone?
Tanggap na ng marami na ang cellphone ay kailangan na ngayon sa
pamumuhay ng mga tao. Hayag na rin sa marami ang mabuti at
masamang dulot nito. Subukin mong gamitin ang wika sa pamamagitan
ng social

media sa pakikipag-ugnayan.

Gawain 3

Panuto: Panoorin ang video sa Youtube na America’s Got Talent

WOW Marcelito Pomoy “The Prayer “.

Isulat ang iyong naramdaman o reaksiyon habang pinapanood ang video. Sa ilalim
nito ay isulat kung bakit ito ang iyong napili. (F11EP-le-31)
Buod ng Video:

20

67
Tungkulin ng Wika: Batay sa naibahagi mong damdamin o reaksiyon, anong
tungkulin ng wika ang ipinakita o ginampanan ng performans ni Marcelito
Pomoy?

Paliwanag:

68
Ngayon ay napatunayan mo na sa iyong sarili na tunay ngang
mahalaga ang kaalaman ukol sa gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan. Sa ayaw at sa gusto mo, tungkulin ng wika na ikaw ay
pagalawin upang makipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo sa
araw-araw na pamumuhay. Magig ing daan ito upang mapaunlad mo ang
iyong sarili sa iba’t ibang larangan na nais mong tahakin sa buhay. May mga
pagkakataong kinakailangan mong kumalinga sa kapwa na dumaranas ng
kalungkutan at ang husay mo sa paggamit ng wika ang siyang maging
kaagapay m o upang mapahinahon ang kanyang damdamin.

Ayon kay Jocson ( 2016-pp90), ang wika ay nakabatay sa ating kultura ,


saan man tayo paparoon ay lagi nating bitbit ang kaalaman na ito at maaari
pang maimpluwensyahan mula sa iba pang kultura.

Magaling!Binabati kita! Maayos mong natapos ang ikalimang


modyul.

69
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat pangungusap.

1. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa


unahan

a. anaphora b. katapora

c. kohesyong gramatikal d.pananggi

2. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa hulihan

a. kohesyong gramatikal b. anaphora

c. pamanahon d.katapora

3. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.

a. wika b. text message

c. social media d. sign language

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon, lalong mahalaga ang wikang pambansa?

a. kausap ang ina sa telepono

b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan

c. naliligaw ng daan

d. nanonood ng balita

5. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya, anong wika ang iyong


gagamitin ?

a. Lingua Franca b. Wikang Filipino

c. Wikang Ingles d.Unang Wika

6. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng pulis.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

7. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang jeep na sasakyan n’ya kung saan s’ya bababa at
kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa istasyon ng pulis.

a. Interaksiyon b. Personal

70
c. Hueristiko d. Regulatori

8. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

9. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya ng
maiinom.

a.Instrumental b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

10. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa


Araullo College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa
tagumpay.

a. Interaksiyon b.Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hingil sa parating na malakas na bagyo.

a. Representatibo b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

12. Sumulat si Tess sa Metrobank upang magpresinta bilang isang bank teller.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Hueristiko d. Regulator

13. Iniulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.

a. Interaksiyon b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

14. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang pagkabahala sa
pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.

a. Representatibo b. Personal

c. Hueristiko d. Regulatori

15. Nagkasalubong ang magkaibigang Noreen at Hershey sa hallway at sila’y nagbatian ng


Hi at Hello!

a. Instrumental b. Personal

c. Hueristiko d. Regulator

71
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Bernales, Rolando A., Garcia, Lakandufil, C.,Abesamis Norma, R., Villanueva, Joey
M., Cabrera , Honorato I. Jr., Jara, Regina G.,at Ornos Petra S.
Komunikasyon sa Makabagong Panahon. # 6 Baltazar St. Pacheco
Village, Balubaran , Valenzuela City :Mutya Publishing House Inc.2002.
Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan B.Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.856 Nicanor Reyes Sr. St
Sampaloc, Manila:Rex Bookstore, Inc. 2016

B. Websites

https://www.google.com/search?q=language+and+community+clip+art&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiM9LnExsHpAhVTI6YKHZZpBywQ_AUoAXoECA
wQAw&biw=1482&bih=657#imgrc=MFRXJXL18dblUM

https://www.google.com/search?q=picture+gamit+ng+wika+sa+lipunan&sxsrf=ALeKk01hjPk
5rh0rBYNmCIShziJVlC36FQ:1591323612653&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=3SekkFuvia99M%
253A%252C6CUf2hIVzDco3M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTnio-
NAmBeWZlcGN3SWEpR_5sMNA&sa=X&ved=2ahUKEwiLmJ61zunpAhWPxYsBHe3PBtAQ9QE
wAXoECAkQIA#imgrc=3S-ekkFuvia99M:

https://www.youtube.com/watch?v=hcgvYr2nlrk (Marcelito Pomoy)

72
73

You might also like