You are on page 1of 3

MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY AYON KAY DINTY

MOORE (2013)

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang


makahanap ng paksang isusulat.

Halimbawa kung nasa probinsya ka, maaaring humanap ng isang


sakahan o linangan na nagmamanupaktyur ng gatas o keso. Kung nasa
urban, maaari mong maging karanasan ang ingay ng Maynila sa gabi o
kung may espesyal na pagdiriwang.

2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw


lamang.

Kailangang malalim at malawak ang pagdanas sa karanasan sa isang


lugar upang maging malalim din ang insight na maaaring ibigay sa
sanaysay.

3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.

Malaki ang adbentahe kung nauunawaan at nagagamit mo ang wika ng


lokalidad, kung hindi naman ay maaaring makipagkaibigan sa isang lokal
na nakakaunawa ng Filipino o Ingles upang lubos na maunawaan ang
paraan ng pamumuhay sa isang lugar.
4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.

Ang simpleng paglalarawan ay nagbibigay ng mabigat na insight, basta’t


nasasapol ng isang manunulat ang tamang anggulo. Huwag piliting
isulat ang mga madalas nang nakikita sa postcard ng mga turista.

5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.

Kung habang naglalakbay ay nabiktima ka ng pagnanakaw o panloloko,


isulat mo kung ano ang nararamdaman mo tungkol dito.

6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na


binisita matitikman at pag-aralang lutuin ito.
Maaaring magpaturo sa mga lokal na makikilala sa lugar para sa
layuning ito.

7. Sa halip na sa mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang


maliit na pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan
at isulat ang kapayakan ng pananampalataya rito.

Ito ang hindi madalas nababasa sa mga aklat at iba pang babasahin,
kung kaya ito ang magandang maging paksa ng isang Lakbay-Sanaysay.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.

Ibang-iba ang kakalabasan ng isang Lakbay-sanaysay na isinulat ng isang


guro, sa isinulat ng isang mag aaral.

You might also like