You are on page 1of 3

Eurika Nicole Beceos FILIPINO (Piling Larang-Akademik)

12 – Stem A (Bayanihan)

Unang Markahan-Modyul 5:

Estilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin

Pag-unawa sa Binasa

1. Sa paanong paraan makikita ang kagandahan ng iyong isinusulat?

 Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batayang simulain at pag sulat ng buong puso.

2. Ano ang mga dapat tandaan bago sumulat ng isang akademikong sulatin? Isa-isahin at ipaliwanag
batay sa iyong pagkakaunawa.

 Sa pagbuo ng kahit ano pa mang akademikong sulatin ay mahalagang malaman ang ilang estilo
at simulain sa pagsulat nito.

1. Maingat na Pagpaplano- Nangangailangan ng pagpaplano, maingat na pag-iisip at pag-aaral. Bilang


isang prosesong pangkaisipan, kailangan sa gawaing pagsulat ang maseselang gawain sa isipan.

2. Pag-aangkop sa mga Mambabasa- Marapat na iangkop sa pangangailangan ng mga mambabasa ang


isusulat.

3. Payak na pananalita at estilo- Ito naman ay depende sa kung sino ang mga mambabasa. Siguraduhin
lamang na mauunawaan nila ang iyong sinulat sa pamamagitan ng paggamit ng mga simple o payak na
pananalita at pahayag upang magkaroon ng lubos na pagkaunawa ang mga babasa ng iyong sulatin.

4. Kaisahan, kaugnayan at diin- Sa pagsulat ng akademikong sulatin, mahalagang may kaisahan (unity)
ang iyong isinusulat mula sa pamagat hanggang sa katapusan ng iyong sulatin upang malinaw na makita
ng mambabasa kung ano ang iyong ipinupunto sa iyong isinulat. Ang ugnayan (coherence) ay
mahalagang dapat na makita ng mga mambabasa lalo na sa paggamit ng mga salita at pangungusap.
Dapat na matumbok ng mambabasa ang pangunahing ideya sa iyong isunulat upang hindi sila
maguluhan sa iyong layunin. Panghuli, ang diin sa iyong isinusulat. Iniiwasan sa bahaging ito ang pagiging
mapalabok sa pagpapahayag o pagsasalaysay ng isang konsepto o

5. Yugto sa pagbuo ng Akademikong sulatin

a. Bago sumulat

b. Pagbuo ng unang draft


c. Pag-eedit at Pagrerebisa

d. Huli o Pinal na burador (draft)

e. Paglalathala/ pagpapalimbag

6. Pagsunod sa bahagi ng akademikong sulatin

a. Paksa at Tesis Bilang Panimula

b. Nilalalaman Bilang Katawan

c. Lagom at Kongklusyon Bilang Wakas

3. Marapat bang sundin ang yugto sa pagbuo ng akademikong sulatin? Bakit?

 Oo, Sapagkat magiging gabay mo ito bilang isang manunulat sa pagsisimula nila ng pagsulat ng
kahit anomang akademikong sulatin.

4. Ngayong nabatid mo na ang ilang halaga ng teknikal at estilo ng pagsulat ng akademikong sulatin, ano
ang naiisip mong paksa na gusto mong isulat? Bakit?

 Makabagong Teknolohiya: Malaking Tulong sa Panahon ng Pandemya

Dahil ang pag-usbong ng makabagong teknololohiya ay isang napakalaking bagay para sa bawat
indibidwal na nabubuhay sa mundong ito. Maraming magandang naiaambag ang teknolohiya sa
ating buhay.

5. Nararapat bang hindi maging maligoy ang iyong isinusulat? Bakit?

 Hindi dapat maging maligoy ang iyong sulat sapagkat dapat taglayin ng akademikong pagsulat na
ang mga datos at kaisipan ay nararapat na maging malinaw at organisado.

Pagyamanin

Organisado
ang mga ideya

Magkakaroon
Estilo at ng coherence Akademikong
teknikal sulatin

Magiging maayos
at magkakaroon
ng pagkakaisa

Maiintindihan ng
mga mambabasa
ang nais iparating
na imprormasyon
Isaisip

 Kapag nauunawaan mo ng lubos ang nararapat na estilo at teknikal sa pagsusulat ng


akademikong sulatin, o ang kahalagahan nito at ginamit mo ang kaalaman mo ukol dito
gayundin ang kasanayan mo sa pagsulat, Ikaw ay tunay na handa na magsulat ng isang
akademikong sulatin.

You might also like