You are on page 1of 13

POSISYONG

PAPEL
Iszh
Ito ay salaysay na Nilalathala ang mga Ang balangkas nito ay
naglalahad ng kuro-kuro posisyong papel sa mula sa pinakapayak tulad
hinggil sa isang paksa at akademya, sa pulitika, sa ng isang liham sa patnugot
karaniwang isinusulat ng batas at iba pang dominyo. hanggang sa pinaka-
may-akda o natukoy na komplikadong tulad ng
entidad, gaya ng isang isang akademikong
partido pulitikal. posisyong papel.

Ano ang Posisyong Papel?


Nagbibigay daan ito sa Pinagtitibay ng isang
Ginagamit din ito ng mga akademya upang talakayin
malalaking organisayon dokumento ang mga kuro-
ang mga umuusbong na kuro o mga posisyong
upang isapubliko ang paksa nang walang
kanilang mga opisyal na iniharap gamit ang
eksperimentasyon at ebidensya mula sa malawak
pananaw at ng kanilang orihinal na pananaliksik na
mga mungkahi at obhektibong talakayan ng
karaniwang makikita sa vnaturang paksa.
akademikong pagsulat.
Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong Papel:

1.Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang


istatistikal, petsa at mga kaganapan.

2.Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang


sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi.

3. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon.


Pumili ng isang isyu kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng
opinyon at kung saan ito ay maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng
masaklaw na paraan ng pangangatwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu
kung saan mo na binuo ang isang opinyon. Gayunman, nangangailangan
ang pagsulat na ito ng isang kritikal na pagsusuri.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
(Malayang Salin sa Filipino ng “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming)

1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes


Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong
paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat
ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Mas malawak
din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga
katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong
ideya.

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik


Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit
upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit
tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu)
ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap
ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at
gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa
iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel.
Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw.
Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga
kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.
Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na posisyon,
ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga
ito.
Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga
punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang
bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay.

4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan


Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa iyong
opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta
sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos.

Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor,
abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng
pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa.
5. Lumikha ng Balangkas

Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:

Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad
na mga kontra-argumento.
Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel,
ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging matatag
sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang iyong mga punto at
patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya.

➢ Bago ang pagsusulat ng iyong posisyong papel, tukuyin at maingat na limitahan ang iyong isyu. Ang
mga isyung panlipunan ay mahirap unawain at may maraming mga solusyon. Paiksiin ang paksa ng
iyong papel sa paraang madaling pamahalaan.
Saliksikin nang lubusan ang iyong isyu. Komunsulta sa mga eksperto at kumuha ng mga
pangunahing dokumento. Isaalang-alang ang pagiging posible, kabisaat at pulitikal o sosyal na
kapaligiran kapag sinusuri ang mga posibleng solusyon at aksyon.
Mga Bahagi ng Posisyong Papel:
Panimula Katawan Konklusyon

Dapat malinaw na Ito ay maaaring maglaman ng Dapat ibinubuod nito


makilala ang ilang mga talata. Ang bawat talata ay ang mga pangunahing
dapat nagpapakita ng isang ideya o
pagpapakilala, ang mga pangunahing konsepto na naglilinaw ng konsepto at ideya at
isyu at estado ng posisyon isang bahagi ng pahayag sa posisyon at pinatitibay ito nang walang
ng may-akda. Ito ay dapat ito ay sinusuportahan ng mga ebidensya pag-uulit, ang
na nakasulat sa isang o katotohanan.Ang mga katibayan ay pagpapakilala o katawan
maaaring maging pangunahing
paraan na nakakakuha ng ng papel.
pinagkunan ng sipi, statistical data, mga
pansin sa mambabasa. panayam sa mga eksperto, at hindi Ito ay maaaring
Dito dapat malinaw mapag-aalinlanganang petsa o mga magsama ng mga
ang pagkakakilanlan ng kaganapan. iminungkahing aksyon at
mga isyu at Ang mga katibayan ay dapat ding mga posibleng solusyon.
humantong sa pasaklaw na
pagpapahayag ng pangangatuwiran patungo sa
posisyon. pangunahing konsepto o ideya na
ipinakita sa talata. Ang katawan ay
maaaring magsimula sa ilang mga
saligang impormasyon at dapat isama
ang isang talakayan ng magkabilang
panig ng isyu.
1. Ang pandaigdigang pagbabago ng
Ilang paksang klima ba ay ginawa ng tao?
maaaring 2. Epektibo ba ang parusang
pagtuunan ng kamatayan?
3. Makatarungan ba ang proseso ng
pansin: ating halalan?
4. Nailalayo ba ng curfew ang mga
kabataan sa kapahamakan?
5. Hindi ba napipigilan ang pandaraya?
6. Masyado ba tayong umaasa sa teknolohiya?
7. Kailangan bang mahinto na ang
paninigarilyo?
8. Mapanganib ba ang paggamit ng cellphone?
9. Ang pagpapatupad ba ng batas sa paggamit
ng kamera ay isang panghihimasok sa privacy?
10. Ang mga marahas na video games ba ay
maaaring maging sanhi ng mga problema sa
pag-uugali ng isang tao.
Halimbawa ng Posisyong Papel:

❖ Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino,


Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles Bilang
Pangunahing Eikang Panturo Sentro ng Wikang
Filipino Unibersidad ng Pilipinas - Diliman

❖ Parusang Kamatayan
Parusang Kamatayan
ni: Cristine Joy Cabuga

Usaping may kinalaman sa parusang kamatayan ay bakit hindi mamatay matay?


makakatulong ba sa isang bansa ang ganitong uri ng parusa o ito ay mas makakasama at
makakalala? mayroon nga ba itong magandang naidudulot sa bansa kapag napasiyahang
ibalik ito?

Ang parusang kamatayan ay isang mainit na usapin lalo na dito sa pilipinas. maraming
mga Pilipinong tumututol at sumasang-ayon dito at isa na lamang ako sa libo-libong Pilipinong
di sumasang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ano nga ba ang parusang
kamatayan o death penalty?. Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang
parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa
ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder,
qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Ano nga ba ang aking mga
dahilan kung bakit ako tumututol laban sa death penalty?.
Unang dahilan, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas. hinihimok
ng Simbahang katoliko na labanan ang death penalty sa Pilipinas sapagkat ito’y hindi naaayon
sa bibliya at batas ng Diyos. Ayon kay Pope Francis ang santo papang tinitingalaan ng mga
katoliko. Ang pagbibitay ay dapat tutulan sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitay ay walang
moral na kalalagyan sa mga turong katoliko (O’ Connell, 2016). Ang death penalty ay pagkitil
ng buhay ng tao at ang buhay ay pinahahalagahan ng mga katoliko at ng Simbahang Katoliko.

Pangalawa, hindi ito magandang dahilan upang mabawasan ang kriminalidad ng isang
bansa sapagkat ng dahil dito nawawalan na ng tamang hatol para sa nagkasala at makamtan
ang hustisya. Ang nagkasala ay nararapat lamang mahatulan batay sa kanyang nagawang
pagkakasala ngunit hindi dahilan ang pagpatay upang makamtan ang hustisya. Mawawala ang
kalidad ng batas at hustisya ng isang bansa kung ang tanging paraan lamang upang
makamtan ito ay ang pagpatay.

Pangatlo, ang isang nagkasala ay may karapatang mag bago ayon nga sa isang
kialalang kasabihan ang tao ay nagbabago, hayaan natin silang pagbayaran ang kanilang
nagawang kasalanan sa patas at maayos na pamamaraan di natin kailangan gumamit ng
dahas upang makamtan ang hustisyang nais makamit.
Para sa akin di rin naman biro ang makulong sa isang seldang masikip, mainit at malayo
sa pamilya sapat na sigurong sila’y maghirap sa kanilang ginawa upang mapagbayaran ito.
Ang mga nagkakasala at nagkakamali ay marapat lamang na sila ay magdusa at magbayad
upang sila’y matuto sa kasalanang kanilang ginawa huwag nating hayaang mabahiran ng
dugo ang kamay ng ating batas.

Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa maykapal wala tayong karapatang kumuha
nito maliban sa kanya. Hayaan na natin ang Diyos ang mag bigay ng parusa na ginawa niya
dito sa lupa sapagkat naniniwala akong hindi dito sa lupa ang huling hatol kundi sa kanya.
Kaya sikapin nating malabanan ang parusang kamatayan dito sa ating bansa sapagkat hindi
ito ang sagot sa hustisya. Pinahayag ng CBCP na, “Ang buhay ng bawat tao ay galing sa
Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay
walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang
may-ari nito.”
Resources:

- aklat sa Filipino sa Piling Larang


- How to write a Position Paper by Grace Fleming
- https://www.veritas846.ph/manindigan-laban-sa-parusang-kamatayan/

You might also like