You are on page 1of 1

CHRISTINE V.

SAJULGA 12 ABM 2 ADMIRABLE

LAKBAY SANAYSAY

“ ANG AKING MASAYANG PAGLALAKBAY”

Ang paglalakbayay isa sa mga gusto ko dahil ito ay nagbibigay sa atin ng daan uoang mas
makilala pa ang mga lugar sa kanilang angking kagandahan.

Isa sa mga lugar na aking napuntahan ay ang lugar ng Mati City.Hindi naman talga pamamasyal
ang pakay namin doon kundi para sa gaganaping programa ng aming simbahan na gaganapin sa
lugar na’to.Simula sa Valencia pauntang Mati ay mahabahaba talaga ang biyahe aabutin ng walong
oras bago makarating doon. Habang kami ay nakasakay ng bus ay nalalagpasan namin ang mga lugar
na may tagalay na kagandahan na nakakawala sa sakit ng pwet sa kakaupo. Makalipas ang ilang oras
ng biyahe ay sa wakas nakarating narin kami sa aming destinasyon at mayroon pang nalalabing oras
bago idadaos ang programa kaya naman hindi na namin ito sinayang. Ang oras na natitira ay ginugol
namin sa pagpunta sa isa sa kanilang mga beach ang” Dahican beach” na talaga naman may taglay
na kagandahan at may mala-asul na tubig na may kasama pang mga naglalakihang alon.hindi na
namin sinayang ang pagkakataon at inaayos na namin ang aming mga gamit at ginawa itong parang
nagpipiknik lng sa harap ng malinaw na tubig pagkatapos nito ay tumamapisaw na kami sa tubig at
pilit inakayang tagpuin ang naglalakinhang hampas ng alon.Napakasaya ng araw na iyon na tila ba
limot mo kahit sandali ang mga problema.Pagkatapos naming mamasyal sa beach na iyon ay bumalik
na kami sa lugar na pagdaraosan nga aming programa. Kinabukasan ay ginanap na ang pagtitipon at
programa ng aming simbahan at doon ay nagkaroon ng pakikinig sa salita ng Diyos at may mga
palaro. Matapos ang lahat na kaganapang ito ay bumyahe na kami pabalik sa Valencia at habanag
palabas ng mati city ay may isang atraksong nakakagaw na pansin sa lahat ng dumadaan at ito ang
ipinagmamalaki nilang atraksyon na tinanatawa na “Sleeping Dinosaur”. Dahil gusto naming makita
ito ay bumababa kami at nagpakuha ng litrato sa mga bundok na nagmimistulang natutulog na
dinosaur , napakaganda at para bang gusto kong dito na lang nakatutok pero hndi puwede kasi
malayo-layo pa ang aming biyahe kaya matapos nito ay nagpatuloy na kami.

Ang araw na iyon ay araw kung saan pilit pinapakita ng Diyos ang kagandahan ng kanyang
likha at bilang isang tao na naninirahan lng dito sa mundo ay ating pahalagahan ito. Buksan ang mga
mata at bigyang pansin ang ganda ng ating paligid. Ito rin ay ngalalayong ipakita sa ating mga pilipino
na bago pumunta sa ibang bansa ay ikutin muna ang ating bansang kinlakhan.

You might also like