You are on page 1of 6

(Tekstong Argumentatibo)

Hindi maipagkakailang maraming Pilipino ang hindi nakakatikim ng edukasyon o kaya‟y


ang iba‟y hindi na nagpapatuloy sa kolehiyo dala ng kahirapan sa buhay. Kaya naman nasiyahan
sila nang linagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang Republic Act 10931 o Universal Access to
Quality Tertiary Education Act. Maraming mahihirap na estudyante ang makakapagpatuloy sa
pag-aaral sa kolehiyo at magkakaroon nang magandang kinabukasan. Ang tanong, saan sila
kukuha ng pondo para dito? O baka naman isa na naman itong batas na mapupunta sa wala‟t
nakasulat na lamang at ang pondong gugugulin ay mapupunta sa kanilang bulsa?

Sa panahong lubog sa krisis ang bansa, dapat maging makilatis ang mga mamamayan sa
mga pangil ng mga ipinapasang mandato tulad na lamang ng libreng matrikula sa mga mag-aaral
ng State Universities and Colleges (SUC) sa ilalim ng batas na ito. Nagbunyi ang mga pangkat
na matagal nang nagsusulong upang maisabatas ang panukalang ito datapuwat hindi maitago ang
agam-agam ng iilan hinggil sa epekto nito sa kaban ng bayan. Malinaw na bukod sa pagiging
usapin ng pribilehiyo, isa itong mahabang diskusyon ng “sustainability.”

Ayon sa batas na ito, mabibiyayaan ang mga mahihirap na mag-aaral sa pamamagitan ng


pag-aalis ng mga bayarin tulad ng “library fees, computer fees, laboratory fees, school ID fees,
athletic fees, admission fees, development fees, guidance fees, handbook fees, entrance fees,
registration fees, medical and dental fees, cultural and other similar or related fees,” bukod sa
mismong matrikula. Para ito sa kahit sinong mag-aaral na o papasok pa lamang sa mga SUC
matapos ang pagsasabatas.

Gaano man kaakit-akit ang batas na ito, dapat isaalang-alang na hindi lahat ng mag-aaral
sa sekondarya o high school ay pinapalad na makapasa sa mga SUC. Ayon sa probisyon ng batas
na ito, makakamit lamang ng mga mag-aaral ang pribilehiyo ng libreng matrikula sa mga SUC
kung nakapasa sila sa entrance examination nito at pasado sa mga requirements ng paaralang
saklaw ng mandato. Kung gayon, hindi garantisadong masasakop ng batas ang lahat ng
mahihirap na Filipinong mag-aaral.

Mataas ang pinangangalagaang pamantayan ng mga SUC kung kaya‟t piling-pili at


salang-sala ang mga tinatanggap nilang mag-aaral. Sa taunang University of the Philippines
College Admission Test, 15-17 porsyento lamang sa mga kumukuha ng pagsusulit ang
natatanggap base sa score na makakalap sa apat na bahagi nito. Idadagdag pa ito sa weighted
average ng isang mag-aaral sa tatlong taon niya sa sekondarya. Maaari ring maging basehan ng
admission ang katayuan sa buhay o lugar na pinagmulan ng aplikante subalit kung ganito ang
pangkalahatang sistema, malinaw na nakaaapekto sa pagkakatanggap sa kolehiyo ang kalidad ng
edukasiyon sa sekondarya. Kung gayon, dahil maraming maliliit at malalayong paaralang hindi
nababantayan ang kalidad ng pagtuturo, mas lalong numinipis ang bahagdan ng mga
benepisyaryo ng RA 10931.

Pinabulaanan din ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang batas na ito sapagkat hindi
pa tiyak kung saan huhugutin ng pamahalaan sa butas na bulsa ng bayan ang pantustos dito.
Wika niya, maaaring umabot sa 100 bilyon ang gastusin. Wala ring alokasyon para rito sa budget
sa susunod na taon at malabong sumapat ang walong bilyong budget ng Commission on Higher
Education ngayong taon upang sustentuhan ito.

Nasusukat taon-taon ang alokasyon ng pambansang budget sa bawat kagawaran at


ahensya ng pamahalaan. Kung ipagpapatuloy ang mandato ng libreng matrikula, ibig ba nitong
sabihin ay kailangang kaltasan ang ibang sektor? Kung gayon, hindi ba ito makasasama sa
ekonomiya?

Sa inilabas na pahayag ng UP School of Economics Student Council ukol sa usapin,


idiniin na napakaliit na bahagdan lamang ng mga mahihirap ang nag-aaral sa mga SUC. “SUCs
cater to all income levels with bulk from the middle class. Therefore, it would be an erroneous
generalization to say that making tertiary education free would absolutely guarantee higher
chances for the poorest of the poor to avail of education in SUCs.”

Maaaring puro‟t dakila ang ugat ng panukalang libreng matrikula subalit hindi dapat
ipagpasawalang-bahala ang pangmatagalang epekto nito. Masasabing kung mamadiliin ang mga
proyektong tulad nito, maaaring magahol sa pagkukunang-yaman ang bansa at maisakripisyo ang
ibang adhikain.

Ang edukasyon ay para sa lahat at isang unibersal na karapatang pantao ang pagkatuto.
Maaaring maraming matulungan sa kasalukuyan ang RA 10931 subalit karapatan din ng susunod
na henerasyon ang makinabang dito nang buong-buo at hindi lamang makita bilang isang
marupok at mapusok na konsepto.

Akda ni:
Hearty Joyce Villalobos Grade 11 ABM – Silang
Ibalik sa Nagpadala
(Tekstong Naratibo)

Ako si Harti, nakatira sa isang subdibisyong may iba't ibang klase ng


mamamayan. May magkakaibang personalidad at sa araw-araw kong
pamumuhay, sila'y aking pinagtitiisan. Tulad na lamang ng aking kapitbahay
na si Jash, isa sa mga nakakainis na wannabe sa YouTube, isang "vlogger"
daw. May pagaka-weirdo at tila hindi normal ang kaniyang kinikilos pati na rin
ang pag-iisip. Sa mga taon, minsan ko nang nasaksihan ang kaniyang pag-ubo
ng kanela, habang nakaupo sa talukbong ng kanyang kotse at dahan-dahan
itong umaandar sa kalsada. Hanggang sa nilublob niya ang sarili sa
maligamgam na tubig, habang nagsisigawan ng "epic win" o "epic fail" sa harap
ng vlogging camera. Ganyang klaseng pangyayari ang parati kong
nasasaksihan, gagawin niya ang lahat upang makakuha ng maraming views,
maging viral, at sumikat sa social media. Napailing nalang ako habang
tinititigan ko siyang kinakausap naman ngayon ang aso ng isa ko pang
kapitbahay na si Alelie habang ang kamera'y nakatutok sa kaniya.

Isang araw, kumatok siya sa aking pintuan, sinabi niya na aalis siya ng
ilang linggo, at ibinilin sa akin na ako ang mag-aasikaso sa mga mensahe sa
kaniyang mailbox at sa mga bagay na ipapadala sa kaniyang bahay. Sa una,
nagdadalawang isip ako baka isa lang ito sa mga pakulo niya pero tinanggap
ko nalang ang hiling niya sapagkat nasisiyahan naman ako dahil di ako
makakasaksi ng mga kahangalan sa ilang linggo. Mawawala rin ang
pangambang aking nararamdaman sa tuwing pinapanood ko siyang gumagawa
ng mga kalokohan at sa bawat stunts na ginagawa niya ay baka siya'y
magkamali at may mangyaring hindi mabuti sa kaniya.

Ang mga bagay ay normal naman para sa unang ilang araw.


Nakatanggap siya ng ilang mga singil, mga spam messages, at isang birthday
card. Isang gabi, noong ako'y nakauwi sa bahay, naaninag ko ang isang kahon
sa harap ng balkonahe ni Jash at nabasa ko ang mga naglalakihang mga titik
na nakasulat sa kahon, "Ibalik sa Nagpadala."

Wala akong magagawa kundi kupkopin muna ang kahon pansamantala.


Nang subukan kong buhatin ang pakete, nangatog ang aking mga kamay dahil
sa bigat nito. Higit akong nahirapan nang itawid ko ito sa kalsada patungo sa
aking bahay. Aking napagtanto na walang paraan na madadala ko ito sa
hagdanan at sa aking pintuan. Napagpasiyahan kong iwan nalang 'to sa aking
garahe. Ngunit ang problema, ang pinto ng garahe ay mahirap buksan. Kung
pwede nga lang iwan ko nalang ang kotse ko sa kalsada upang hindi ko na
kailangang labanan ang pinto ng garahe tuwing umaga't gabi. Nagbubukas
lamang ito kapag nakailang palo at sipa na ako dito sapagkat awtomatik. Pilit
kong binubuksan ang pinto't pinagsisipa. Di ko naman mabitaw-bitawan ang
kahon sa aking mga kamay. Alam niyo naman siguro yung pakiramdam na
kung kailan naging kumportable na sa iyong mga kamay ang isang bagay ay di
mo na ito bibitawan. Tulad ng pakete na aking bitbit ngayon, kung bibitawan
ko ito, hindi ko alam kung kaya ko pa bang buhatin ito sa susunod na
pagkakataon.
MILLENIAL POWER:

(Tekstong Prosidyural)

Bilang isang kabataan sa henerasyon ngayon, hindi na bago sa akin ang paggamit ng
social media. Ilang taon na ang ginugol ko sa internet, ilang mga social media accounts na ang
mayroon ako, nariyan ang Facebook, Twitter, Tumblr, at iba pa. Sa paglipas ng panahon,
natutunan ko na rin ang paggawa ng aking sariling website. Maganda ang website sapagkat
mas organisado ito hindi katulad ng ibang social networking sites, at may kalayaan ka sa
pagdisenyo ng iyong pofile. Atsaka mas pormal din ito lalo na kung nais mong magbahagi ng
ilang mga impormasyon tungkol sa iyo at kapag dumating na ang araw na propesyunal ka na.

Hindi katulad noon, mas madali na ang paggawa ng website ngayon dahil nariyan na
ang mga „instant‟ applications na tutulong sa iyo gaya ng wix, jimdo, godaddy at marami pang
iba, hindi mo na kailangang dumaan sa proseso ng napakahabang html. Ginagamit ko ang
Jimdo Website Builder sapagkat mas madali itong masundan. Subalit noong una, nalilito rin ako
at tila inabot ako ng ilang oras sa paggawa. Nang kalaunan ay natuto din ako. At ngayon, nais
kong ibahagi sa inyo ang mga hakbang sa paggawa ng personal website sa pinakamadaling
paaraan.

Unang Hakbang: Gamit ang browser, pumunta


sa www.jimdo.com at i-click ang „Sign Up.‟

Ikalawang Hakbang: I-click ang „Personal‟ at


pumili ng template na gusto mong gamitin.

Ikatlong Hakbang: Pagkatapos mong pumili ng


template, mag-sign up gamit ang iyong e-mail
account. Pwede ding magsign-up gamit ang
facebook o google.

Ikaapat na Hakbang: Piliin ang „website.‟


Ikalimang hakbang: I-click ang „Personal‟
at „Let‟s Go.‟

Ikaanim na hakbang: Piliin ang „Free.‟

Ikapitong hakbang: Pumili ng pangalan ng


iyong domain ayon sa iyong kagustuhan at i-
click ang „Check Availability.‟ Kapag available
ang napiling pangalan, i-click na ang „Create a
Free Website.‟

Ikawalong hakbang: Pagkatapos


ang ilang minuto, pwede mo nang
i-edit ang iyong website ayon sa
iyong kagustuhan.

Pwede mong ibahin ang iyong logo, maglagay ng header text, background, ayusing ang
mga text, at ng kung ano-ano pa. Maglagay ka din ng impormasyon tungkol sa iyo at mga
larawan ng iyong interes.
Pwede ka ding maglagay ng contact form na nakadirekta sa iyong e-mail.

Pwedeng i-link ang iyong blog. At marami ka pang pwedeng ilagay na gusto mo.

At iyan! Ang proseso ng paggawa ng aking personal website. Sana‟y nakatulong sa iyo
ito at maaari ka na ding gumawa ng sa iyo. Sa una, mahihirapan ka sa pag-edit at pagdisensyo
ng iyong website, pero kalaunan ay matututunan mo rin tulad ko.

Ni: Hearty Joyce Villalobos

You might also like