You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO

SA WASTONG PAGTAPON AT PAGHIHIWALAY NG


MGA BASURA

Deque, Leah Mae S.


Barangay Pulong Matong,
Ronquillo Village
General Tinio, Nueva Ecija
Ika- 18 ng Octubre, 2023
Haba ng Panahong gugulin: Isang Lingo

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang General Tinio National Senior High School.


Problema ng paaralan ang hindi maayos na paghihiwalay ng mga
basura at kawalang ng disiplina sa mga estudyante. Bagama’t may
mga basurahan sa paaralan, ay nakukulangan ng disiplina ang mga
estudyanteng itapon ang mga basura nila sa angkop na lagayan.

Dahil dito, nangangailangan ang paaralan ng isang seminar


ukol sa wastong pagtapon at paghihiwalay ng mga basura.
Naglalahad din dito ang mga rason kung bakit kailangan nating
paghihiwalay ng ating mga basura. Kaagapay din nito ang wastong
paraan ng pag-segregate ng ating mga basura at kung paano natin
ito madedecompose. Sa huling parte ng seminar, ang lahat ng
dumalo ay mabibigyan ng tatlong basurahan kada seksyon ng baiting
na maaari nilang gamitin.

II. Layunin

Layuning nito ang pagbibigay ng impormasyon sa mga


estudyante upang magsilbing disiplina para sa kanilang sarili ang
pagtapon ng basura sa tamang lagayan. Makakatulong din ito sa
pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan, sarili at lalo na sa klima.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (isang lingo)


2. Pagpulong ng mga guro tungkol sa gaganaping seminar
(isang araw)
3. Paghahanap ng mga propesyunal na maaaring maging
tagapagsalita sa seminar na gagawin (isang lingo)
4. Pag-oorganisa ng mga gagawin sa seminar at ang
pag-anunsyo nito sa mga estudyante ng paaralan.
IV. Badyet

Aytem Kabuuan Halaga


Trashbin 15 1,650
Poster 5 500
Kabuuang Halaga 2,150

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang

Ang proyektong gagawin ay makakatulong sa pagmementena ng


kalinisan sa paaralan. Hindi lang ang paaralan ang may benepisyo
sa proyektong ito sapagkat ang pagtapon ng wasto ng mga basura
ay nakakatulong para maisalba ang mundo.

Makikinabang ang lahat ng nasa paaralan upang maiwasan ang


pagkakasakit na dulot nito. Ang wastong pagtapon ng basura ay
napakalahaga upang maging malinis ang ating kapaligiran. Ang mga
mabibigyan din ng kagamitan ay makikinabang sapagkat kanila itrong
magagamit upang may paglalagyan ng mga basura.

You might also like