You are on page 1of 5

PANUKALANG PROYEKTO - PILING LARANG

Etcobañez, Magpayo, Mammuad, Mapa,


Sta. Rosa, Mondejar, Olinares

I. Pamagat ng Proyekto

“IPON, TAPON, AKSYON” - Panukalang proyekto para sa pagpapabuti ng


kapaligiran ng ACNSTHS.

II. Proponents
1. Etcobañez, Hannah Joy R.
Email Address: etcobanez.hannahjoy@gmail.com
CP Number: 0961-440-4433
2. Magpayo, Maria Angelica Louise M.
Email Address: magpayo.mariaangelicalouise@gmail.com
CP Number: 0994-840-4481
3. Mammuad, Marelle D.
Email Address: mammuad.marelle@gmail.com
CP Number: 0919-725-2777
4. Mapa, Franchezka Suijen D.
Email Address: mapa.franchezkasuijen@gmail.com
CP Number: 0945-752-2774
5. Sta. Rosa, Rizza Mae T.
Email Address: sta.rosa.rizza@gmail.com
CP Number: 0992-601-8420
6. Mondejar, Jhon Kenneth R.
Email Address: mondejar.jhonkenneth@gmail.com
CP Number: 0906-547-2531
7. Olinares, Ardy Josh T.
Email Address: olinaresardyjosh@gmail.com
CP Number: 0961-869-7414

III. Kategorya ng Proyekto

Ang gawaing ito ay isang seminar na lalahukan ng lahat ng mga estudyante


ng ACNSTHS. May aspeto rin itong pagbibigay ng donasyon kung saan maaaring
magbigay ng mga donasyon ang mga estudyante, guro, o kaya naman ang mga
magulang pagkatapos ng seminar. Ang seminar ay libre lamang, at walang
kailangan ibigay ang mga estudyante upang makilahok.

IV. Petsa at Lugar


Gaganapin ang seminar sa ika-28 ng Abril, 2023. Napili ang petsang ito
sapagkat ang araw na ito ay Biyernes. Ang seminar ay gaganapin sa covered court
ng ACNSTHS, at ito ay magtatagal mula 10:00 AM - 12:00 PM para sa mga
mag-aaral ng Junior High School (JHS), at 2:00 PM - 4:00 PM naman para sa mga
mag-aaral ng Senior High School (SHS).

V. Rasyonal

Ang problema sa basura ay masasabing isang pandaigdigang suliranin.


Sinasabi na ang kapaligiran ay repleksiyon kung paano ito alagaan at pangasiwaan
ng mga taong gumagamit at nakikinabang dito. Ayon sa datos ng Department of
Environment and National Resources, umabot ng mahigit 2000 trak na may capacity
load na 20 tonelada ang nahahakot sa buong bansa kada araw. Sa halos 42,000 na
barangay sa buong bansa, 70 percent ay wala pang pang Material Recovery Facility
at maayos na segregasyon ng basura kung kaya't ang mga basura ay itinatapon
lamang sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. Buhat nito, patuloy ang pagtaas ng
problema natin patungkol sa basura.

Sa ating paaralan, ang ating pagtutulungan patungkol sa tamang


paghihiwa-hiwalay ng basura ay lubhang makatutulong upang maiwasan ang
matinding dulot nitong problema sa atin. Ang problema sa basura ay masasabing
pangunahing sanhi ng polusyon at iba't ibang pangunahing sakit kung kaya't
napakahalahang ito ay masolusyunan. Sa pamamagitan lamang ng simpleng
pagtatapon ng tamang basura sa tamang basurahan at paghihiwalay nito,
maipapakita natin ang ating kamalayan ay pakikisangkot tungkol sa pangangalaga
ng ating kapaligiran.

Ang pinakapangunahing layunin ng proyektong ito ay makalikom ng pondo


upang masuportahan ang iba't ibang aktibidad na nais gawin ng paaralan tulad na
lamang ng pagsuporta sa mga proyekto ng mga samahan ng paaralan. Bilang
karagdagan, ang proyektong ito ay makatutulong sa pagpapabuti ng
paghihiwa-hiwalay o segregasyon ng mga basura sa ACNSTHS na siyang isa sa
pangunahing problema ng paaralan. Bukod sa kaalaman kung paano tamang
magtapon ng basura, layunin din ng pangunahing proyektong ito na maipakita ang
kahalagahan ng pagiging aktibo ng mga mag-aaral patungkol sa napapanahong isyu
patungkol sa basura. Magkakaroon rin ang mga estudyante ng kamalayan at
kaalaman tungkol sa responsibilidad na kailangan nilang gawin bilang mga
miyembro ng paaralan.

VI. Deskripsyon ng Proyekto


Ang ating paaralan ay mayroong limang building, ngunit kung mapapansin
natin ay dalawa lang ang ating basurahang makikita. Bilang isang mamamayang
Pilipino at estudyante mahalaga ang ating pagiging makakalikasan, kaya naman ay
importante na alam natin ang tamang pagtapon sa basura at tamang paghihiwalay
ng mga basura. At kung susuriin natin ang kapaligiran, mapapansin na hindi ito
ganon kalinis at minsan ay may mga basurang nakakalat lalo na sa loob ng
silid-aralan ng mga building. Ang proyektong ito ay makatutulong sa pagpapanatili
ng kalinisan ng paaralan.

Sisimulan ng aming grupo ang proyektong ito sa pag-oorganisa


ng isang seminar tungkol sa tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura, kung paano
natin ito mapapakinabangan muli, at kahalagahan ng pagtatapon sa tamang
basurahan at tamang paghihiwalay ng mga uri ng basura sa ating kapaligiran. Sa
dulong parte ng seminar na magaganap ay magkakaroon ng donation portion kung
saan ay manghihikayat ang aming grupo upang makatulong ang aming mga kapwa
estudyante para sa kalinisan ng paaralan. Ang donasyon na matatanggap ng aming
grupo ay gagamitin pambili ng mga basurahan na ilalagay sa bawat palapag ng mga
building sa ACNSTHS. Ang pagbili ng mga basurahan ay paunti-unti lamang at hindi
isang bagsakan dahil ang perang gagamitin ay manggagaling lang din sa mga
basura na nakolekta at ibinenta sa mga junk shop na mula sa mga itinapon ng mga
estudyante sa mga basurahan na galing sa proyektong ito.

Patuloy ang pagkolekta ng mga basura na galing sa paunti-unting pagbili


ng basurahan hanggang sa makumpleto na ang bilang ng basurahan sa paaralan
o magkaroon na ng sariling basurahan ang bawat palapag ng mga building ng
paaralan. Gayunpaman, hindi magtatapos ang panukalang proyekto sa puntong
ito, dahil mula rito, ang mga susunod na maiipon mula sa pangongolekta ng
basura ay gagamitin ng mga mag-aaral na nag-organisa ng proyekto sa pagbili
ng suplay ng trash bags o lalagyan ng basura na gagamitin sa mga pagdiriwang
o selebrasyon na gaganapin sa paaralan. Dagdag pa rito, ang labis na pera na
nagmula sa pangongolekta ay iipunin din at ibibigay ng mga proponents sa paaralan
upang makatulong sa preparasyon ng mga susunod na kaganapan o selebrasyon sa
paaralan. Ang dahilan ng pag-iipon ng suplay ng basurahan ay nakaugat sa layunin
ng mga mag-aaral na solusyunan ang isa sa mga nananaig na suliranin ng
paaralan— ang gabundok na basurang naiipon sa dalawang basurahan ng paaralan
sa tuwing may selebrasyon na ipinagdiriwang sa loob ng kampus. Sa
pangkalahatan, ang tanda ng pagtatapos ng proyektong ito ay ang kumpletong dami
ng basurahan sa paaralan at ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng lalagyan ng
basura na gagamitin sa mga pagdiriwang.

VII. Badyet
Ang gawaing ito ay mangangailangan ng kaukulang badyet upang
maisakatuparan ang planong paghihiwalay ng mga basura sa ACNSTHS. Sa
proyektong ito, tinatayang gugugol ito ng kabuuang halagang Php 3,990.00. Ang
paunang badyet ay manggagaling mula sa mga donasyon sa gagawing seminar at
ang mga nalikom ay ilalaan para sa pagbili ng mga paunang trash bins. Matapos na
makalikom ng mga kalakal at maibenta, dito naman kukunin ang badyet para sa
pagkumpleto ng pagbili mga basurahan sa bawat building ng ACNSTHS. Kapag
matagumpay na maisagawa ang gawain, dito na kukunin ang naipong pondo para
masuportahan ang iba't ibang aktibidad sa paaralan at masuportahan ang mga
proyekto ng iba't ibang samahan ng paaralan.

Kagamitan Presyo (Kagamitan) Kabuuang Presyo

Trash bins 90.00 3,960.00

Trash bags 15.00 30.00

Kabuoan 3,990.00

VIII. Pakinabang

Ang proyektong ito ay makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral, maging


ang mga guro at mga non-teaching personnel. Makakatulong ito upang magkaroon
ng kaalaman ang komunidad ng AnSci tungkol sa tamang paghiwa-hiwalay ng
basura: nabubulok, hindi nabubulok, mapanganib, at maaaring maresiklo, at ang
mga maaaring maging dulot ng hindi dito pagsunod. Sa pamamagitan nito,
magkaroon ng tamang paglalagyan ng basura sa bawat palapag ng bawat building,
kaya naman mapananatili ang kaayusan at kalinisan ng ACNSTHS.

VIII. Konklusyon
Ang panukalang proyektong ito ay nakapokus lamang sa pangangalaga ng
kapaligiran ng Antipolo City National Science and Technology High School partikular
na ang paghihiwa-hiwalay ng mga basura na siyang makatutulong upang mapanatili
ang kalinisan ng paaralan.Ang proyektong ito ay simple ngunit malaki ang
maitutulong sa pagsugpo ng isa sa mga pangunahing isyu ng paaralan, ang mga
basura. Sa katapusan ng proyektong ito ay inaasahan ng mga taong
tagapagtaguyod ng proyektong ito na magkakaroon ng sapat na kaalaman ang
bawat mag-aaral tungkol sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagpapanatili ng
kalinisan ng paaralan. Gayundin, inaasahan ng mga proponent na magtataglay ang
mga estudyante at iba pang kasali sa seminar na sila ay mas magiging
responsableng mag-aaral patungkol sa pangangalaga ng kapaligiran ng pag-aaral.
Inaasahan din na ang pondong malilikom ay lubhang makatutulong sa
pagsasakatuparan ng iba't ibang aktibidad ng paaralan at iba't ibang proyekto ng
iba't ibang samahan ng paaralan.

You might also like