You are on page 1of 36

1

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan Del Sur National High School

Erica E. Ecoben, Angela B. Mira, Venus Valmoria, Kristina Dumogho, Cristine Boter, John
Marvin Frias, Mary Grace Rapiz, Aimajol Timtim, Xyrah Abo, Wawie Echinique,

Agusan del Sur National High School


San Francisco, Agusan del Sur
2
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga kailangan para sa

asigntura ng Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang proyektong

itoay pinamagatang Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan Del Sur National

High School ay inihanda at iniharap nina Erica Ecoben et al. ng Pangkat III ng Seksiyon Del

Pilar ng Kagawaran ng Senior High School, Agusan del Sur National High School.

______________________________________________________________________________

Tinatanggap bilang isan bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga

pangangailangan para sa asignaturang Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik.

_____________________________ ________________

SANDRO J. REBADIO, DSSE, LPT Petsa

Guro sa Makapilipinong Pananaliksik


3
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

PASASALAMAT

Nadama ng mga mananaliksik ang karangalan na kilalanin ang sumusunod na mga

indibidwal para sa pagtupad ng pananaliksik na ito na kung walang inspirasyon, pampatibay-

loob, karunungan, tulong at oras nagaling sa kanila, ang papel na ito ay hindi maisasakatuparan.

ANG DIYOS. Makapangyarihan-sa-lahat, ang mabait at maawain, ang pinagmumulan ng lahat

at para sa Kanyang walang hanggang pagpapala lalo na para sa kaloob na buhay, karunungan, at

mga ideya.

G. SANDRO J. REBADIO. Para sa kanyang pang-unawa at pag-gabay sa amin sa paggawa

nitong papel.

PAMILYA. Para sa kanilang suportang emosyonal at pinansyal.

MGA KASAMAHAN. Para sa kanilang tulong pang-kaalaman, pinanansyal, at emosyonal

upang matapos ang pananaliksik na ito


4
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

ABSTRAK

Ang papel na ito ay patungkol sa pagdedetermina ng mga programa ng Ecological Solid

Waste Management sa Agusan del Sur National High School. Sa patuloy paglala ng problema sa

basura partikular na sa solid waste sa ibat-ibang lugar, kinakailangan na mabigyan pansin ang

mga programang magiging solusyon dito. Ang paaralan Agusan del Sur National High School ay

gumawa ng mga programa para sa paglaban sa basura. Inalam naming ang mga programang ito

upang magbigay kaalaman patungkol sa tamang pamamahala sa basura at kung paano ito

ipinapatupad sa kabila ng mga hamon na kinhaharap ng mga miyembro ng organisasyon sa

pamamagitan ng pagsagawa ng pakikinayam sa mga miyembro ng organisasyon nagpapatupad

nito. Gusto din naming magbigay ng tulon sa pamamagitan ng mga basehan para sa pag-

iimplementa ng iba-ibang programa na makakalutas sa suliranin ng basura.

Keywords: Programa, Implementa, Solid Waste


5
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

TALAAN NG NILALAMAN

Abstrak
Talaan ng Nilalaman
Listahan ng mga Talahananyan
Listahan ng mga Grap at mga Pigura
Kabanata I:Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksiyon
Paglalahad ng Suliranin
Konseptuwal na Balangkas
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinasyon ng mga Terminolohiya
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kabanata III: Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Lokal at Respondente ng Pananaliksik
Instrumento ng Pananaliksik
Paraan ng Paglikom ng Datos
Paraan ng Pagssusuri ng Datos
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V: Lagom,Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
Apendiks
6
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksiyon

Ang basura ay isang pandaigdigang isyu. Isa ito sa pinakamalaking problemang

kinahaharap natin sa ngayon. Sa taong 2016, ang mga solid waste na nagkalat sa buong mundo

ay umabot na sa 2.01 bilyong tonelada ( The World Bank, 2018). Ang mga basurang ito ay may

malaking epekto sa kalusugan ng tao at sa patuloy na lumalalang polusyon sa kapaligiran. Ang

Global Waste Management Outlook, United Nations Environment Programme at International

Waste Management Association ay iilan lang sa mga programang nagsusumikap na mapuksa ang

problema sa basura sa buong mundo (Global Waste Management Outlook, 2018). Ang mga

programang ito ay tinitiyak,na sa taong 2020, matatamo na ng lahat ang sapat, ligtas at abot-

kayang serbisyo sa pagkolekta ng solid waste; huminto sa hindi mapigil na pagtatapon at

pagsunog kahit saan; at sa taong 2030 inaasahan nilang makamit ang mapanatili ang kapaligiran

at mahusay na pamamahala ng lahat basura partikular na mapanganib na mga basura (Wilson et

al., 2015). Ang waste management ay isa lang sa mga paraan na inaadbokasiya ng nasabing

programa para maputol na ang epekto nito sa aspekto ng lipunan at ekonomiya.

Sa Pilipinas, napakalaki din ng isyu ng basura. Pangkaraniwan na ang mga basang basura

at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy. Nagiging daan ito sa maruming

kapaligiran at sa pagdami ng problema sakalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi

ng masamang kalusugan(Marasigan, 2016). Sa katunayan maraming mga batas ang ipinatupad

upang maagapan ang patuloy na pagdami ng basura. Ang Republic Act 9003 o Ecological Solid

Waste Management Program ay tumutukoy sa sistematikong pangangasiwa ng mga aktibidad


7
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

para sa segregasyon, pag-iimbak, paglipat, pagproseso, at pagtatapon ng solidong basura at iba

pang mga gawain sa pamamahala na hindi pumipinsala sa kapaligiran (Ecological Solid Waste

Management Act, 2000). Ang programang ito ay naglalayon na mapuksa na ang problema sa

basura at naglalayon din na maturuan ang mga Pilipino sa tamang pangangasiwa at

pagsesegragate ng mga basura.Sa kabila ng lahat na ito, dumadanas pa din tayo ng mga

kalamidad at sakuna dahil na din sa mga taong walang pakialam na patuloy na pagtatapon ng

basura kahit saan.

Isa sa mga paaralan ng Agusan del Sur, ang Agusan del Sur National High School na

may populasyon na 8,000 na mga estudyante ang patuloy na lumalaban sa pagpuksa sa problema

sa basura. Ang paaralan na ito ay nagsagawa ng mga programa na pinamumunuan ng Eco-Saver

Club. Ang mga programang ito ay nag-aadbokasiya sa tamang segregasyon at pagtatapon ng

basura. Ito ay nagbibigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral pati na rin ang mga guro sa

mga gawain na makakatulong sa pagprotekta at pangangalaga sa inang kalikasan.

Sa patuloy na paglubha ng problema sa basura sa buong mundo nais naming pag-aralan

ang mga programa ng Ecological Solid Waste Management sa Agusan del Sur National High

School at malaman kung paano ito ipinapatupad. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

malalaman naming kung naging maganda ba ang resulta sa pagpapatupad ng mga programang

ito at magiging tulay din ito para sa mga interbensiyon sa pagpapaunlad ng mga programa. Ang

impormasyon na aming makakalap ay maari ding maging basehan ng mga programang maaring

ipatupad sa buong Pilipinas. Ang mga programang ito ay maari ding maging solusyon ng buong

mundo sa problema sa basura sa pamamagitan ng pagpapatupad at maayos na pamamalakad.


8
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawabilang pagtugon sa isang pangangailangang

makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at magpalaganap ng awareness sa

bawat indibidwal na may kinalaman sa isyung tinatalakay sa pag-aaral na ito. Nais nang pag-

aaral na ito na ,atuunan ng pansin ang suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating paaralan.

Sa pamamagitan ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madadagdagan pa ang mga malalaman

ng mga mambabasa ukol sa isyung ito.

Ang sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sa pag-aaral na ito:

1. Ano-ano ang mga Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan del Sur National

High School?

2. Paano ipinapatupad ang mga Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan del Sur

National High school?

Konseptuwal na Balangkas
Input Awtput
Proseso

Mga Programa ng Ecological


Solid Waste Management ng
Agusan del Sur National High
Mga kasapi ng Ecological School at paano ito
Solid Waste Pag-aanalisa ng datos ipinapatupad.
Program/Eco-Saver Club sa pamamagitan ng :
ng Agusan del A. Interbyu
SurNational High School
Mga Interbensyon para
mapaunlad pa ang mga
programa ng Ecological Solid
Waste Management sa
Agusan del Sur National High
School.
9
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang pag-aaral na ito ay hango sa Teorya ng Pamamahala ng Basura kung saan inaasahan na ang

pamamahala sa basura ay isang solusyon upang maiwasan ang pagdudulot ng basura sa anumang

pinsala sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. Ang tamang kahulugan ng basura ay mahalaga sa

pagtatayo ng napapanatiling agenda ng pangangasiwa ng basura.Ang dayagram na ipinapakita sa

itaas ay nagpapakita ng relasyon ng mga baryabol. Ang mga programa ng Ecological Solid

Waste Management na ipinapatupad sa Agusan del Sur National High School na aming

makakalap sa pamamagitan nang pagsagawa ng interbyu sa mga kasapi ng Eco-Saver Club ng

paaralan ay makakatulong sa pagsagawa ng interbensyon. Ang mga interbensiyon na ito ay

makakatulong sa pag-papaunlad pa ng mga programa upang mas mapaunlad din ang paaralan,

ang kapaligiran at pati narin ang kalusugan ng nakakarami.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakapagbenepisyo sa mga mag-aaral, mga guro, mga

miyembro ng Eco-Saver Club, paaralan, at iba pang mananaliksik.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakapag-ambag ng kaalaman patungkol sa mga programa

ng Ecological Solid Waste Management at kung paano ito ipinapatupad.

Mga Guro. Makakatulong ito sa upang ang mga guro ay makapagdisimina ng mga

impormasyon patungkol sa mga programa ng Ecological Solid Waste Management.Sila din ay

magiging gabay ng mga mag-aaral sa tamang pamamahala sa basura.

Mga miyembro bg Ecological Solid Waste Management Program/Eco Saver Club. Sila ay

mas magagabayan sa pang- kapaligiran na mga adbokasiya sa ating paaralan.


10
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Paaralan. Ang paaralan ay nakikinabang mula sa nasabing pag-aaral upang mapabuti ang

kapaligiran at mas mapaunlad pa ang mga program.

Iba pang mananaliksik. Ito ay kanilang magiging gabay kung magsasagawa sila ng panibagong

pananaliksik patungkol sa nasabing pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos sa mga programa ng

Ecological Solid Waste Management sa Agusan del Sur National High School. Ang pag-aaral ay

sumasaklaw sa mga miyembro ng Ecological Solid Waste Management Program/ Eco-Save

Program. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Mataas na Paaralan ng Agusan del Sur.

Depinasyon ng mga Terminolohiya

Ecological Solid Waste Management. Tumutukoy sa sistematikong pangangasiwa ng mga

gawain na nagbibigay ng segregasyon sa pinagmulan, ibinukod na transportasyon, imbakan,

paglilipat, pagproseso, paggamot, at pagtatapon ng solidong basura at lahat ng iba pang mga

gawain sa pamamahala ng basura na hindi pumipinsala sa kapaligiran.

Solid Waste. Ang mga solidong basura ay maaaring tinukoy bilang: ang mga walang silbi at

hindi kanais-nais na mga produkto sa solidong estado na nagmula sa mga gawain ng at itinapon

ng lipunan
11
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA II

Habang dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain, dumarami rin

ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa may kakulangan sa pondo,

pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at

nadadala sa hantungang tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at

kapaligiran(Marasigan,2015). Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid

wastes) at buo (solid wastes) na galing sa mga bahay at barangay na hindi wastong

pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid ng mga sakit na

nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw,

lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang

mga basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy. Nagiging daan ito

sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa kalusugan. Ang mga plastic na basura ay

isa pang sanhi ng masamang kalusugan. Ang plastic kapag nasusunog ay naglilikha ng usok na

maaaring ikakasira ng ozone layer na dahilan ng pag-init ng mundo. Ang solid waste ay ang mga

basura na naguudlot ng pagkasira ng kapaligiran. Ito ay ang mga plastik, papel, mga pagkaing

natira, mga kemikal at iba pa. Ang solid waste ay pwedeng makatulong sa atin sa pamamagitang

ng pagsegregate ng mga bagay na pwe-pwedeng pang gamitin. At pwede rin namang hindi

sapagkat ito ay nakakasira ng kalikasan lalo na sa mga tao (Japson 2015). Kaya lang naman may

problema sa solid ay marahil dahil sa ating mga tao. Tayo tayo lang naman ang nagproproduce

ng mga basura sa ating kapaligiran. Maraming basura sa paligid dahil isang sanhi lamang ang

meron ito; Walang iba kundi ang mga taong hindi marunong magtapon ng mga basura sa tamang

lugar at ang mga taong nagtatapon sa kung saan saan.


12
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang pagdami ng basura ay may malaking epekto sa ating pangkabuhayan at kalikasan.

Ito ay isang mabigat na paksapara sa mga mamamayan. Dulot ito ngmaling paraan ng pagtapon

ng basura. Makiisa po tayo sa pamamagitan ngtamang pagtapon ng basura para saepektibong

paggamit ng likas yaman atmalinis na siyudad . Ating isa-isip na ang koleksyon ng basura sa

bawat siyudad atlugar ay ibat-iba (Santos,2019). Ayon kay Edilberto Santos (2019) may

magandang maidudulot ang pagtapon ng basura sa wastong lalagyan nito. Ang wastong pagtapon

ng basura ay may kahalagahan, ito ay isang paraan ng pagtulong sakalikasan. Ito ay isang paraan

rin ng pagsira ng tirahan ng mga insektong nagdadala ng sakit. Paraan ng pagpigil ng pagkalat

ngkontaminasyon ng tubig na ginagamitng mga tao sa pagpaligo, paglaba atpang-inom. Isang

paraan ng paglikom ng pera mulasa paggawa ng pampataba ng lupa atpag”recycle”. Habang sa

artikulo ni Luis Marasigan ipinapakita niya ang masamang epekto ng maling pagtapon ng basura

ito ay nagdudulot nagdadala ng malubhang pagbabanta, yamang ang mga ito ay nag-fe-ferment

(kumakatas nang maasim) na lumilikha ng tamang kondisyon upang mamalagi at dumami ang

mga mikrobyo. Maaari ring maging dahilan ng mga panganib sa kalusugan. Ang magkasamang

pagtatapon ng mapanganib na basura mula sa industriya at mula sa mga tahanan ay

magiging sanhi ng pagkalantad ng mga tao sa panganib na dulot ng chemical at radioactive

materials. Ang pinabayaang basura ay pumipigil din sa pagdaloy ng tubig, at kinauuwian

sa mabahong tubig na nagiging lugar ng pagdami ng mga sakit. Ang pagtapon ng basura malapit

sa pinagkukunan ng tubig, tulad ng Balara at mga dam ay nagpaparumi rin sa tubig na naroon at

sa mga bukal sa ilalim ng lupa. Ang mga plantang nagsusunog ng mga basura hanggang maging

abo ang mga ito na umaandar nang hindi wasto ay nagiging dahilan ng polusyon sa

hangin. Ang mga tambakan naman ng basura, tulad ng Smokey Mountain at Payatas, na wala o

maling plano at hindi wastong pamamalakad, ay nagiging kaakit-akit sa lahat ng uri ng hayop at
13
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

kulisap na nagkakalat ng sakit. Impeksiyon. Maaaring magkaimpeksiyon ang balat o dugo mula

sa tuwirang paghawak, paghipo o pagdikit sa basura, at mula sa sugat na may impeksiyon.

Maaari ring magkaroon ng impeksiyon ang mga mata at paghinga galing sa alikabok, lalo na sa

landfill operations.

Dahil sa mga problema na naidudulot ng basura ang salitang SOLID WASTE

MANAGEMENT ay nabuo upang pigilan ang problemang kinakaharap. Ang solid waste

management ay ang terminong 'Pamamahala ng Basura' ay nangangahulugan na ang

pamamahala ng basura mula sa pagkakamit nito hanggang sa huling yugto ng pagtatapon.

Samakatuwid, tulad ng isang solong yunit na ito ay sumasaklaw mula mismo sa pagkolekta,

pagtatapon, recycling, kung saan ang mga proseso ng pagsubaybay at regulasyon, ayon sa

pagkakasunud-sunod ng, kasama ang mga legal na balangkas na nagbibigay-daan sa paglitaw ng

pamamahala ng basura (Reddy, 2016). Ang pangangasiwa ng basura o pag-aaksaya ng basura ay

ang lahat ng mga aktibidad at aksyon na kinakailangan upang pamahalaan ang basura mula sa

pagkakamit nito hanggang sa huling pagtatapon nito. May mga batas na angkop sa solid waste

management ito ay ang Solid Waste ng Estados Unidos - Batas sa Pagtapon ng Solid Waste ng

1965. Ito ay kumilos upang itaguyod ang mas mahusay na pamamahala ng mga solidong basura,

suportahan ang pagbawi ng mapagkukunan. Ang pagkilos na ito ay nakadirekta na ang US

Public Health Service (PHS) ay nagpapalaganap at nagpapatupad ng mga regulasyon para sa

pagkolekta ng solidong basura, transportasyon, recycling, at pagtatapon. Ang layunin ay upang

magbigay ng pinansiyal na tulong para sa mga estado upang mag-aral at bumuo ng mga solidong

plano sa pamamahala ng basura. Nagbibigay din ito ng suporta para sa pananaliksik at pag-unlad

ng mga pinabuting paraan ng solidong pamamahala (World Bank Group, 2016). Ang parehong

grupo ay nagpakita sa Resource Conservation and Recovery Act of 1976 (RCRA) ang batas na
14
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

ito ay makabuluhang kinakailangan para sa kontrol ng mga mapanganib na imbakan, paggamot

at pagtatapon. Kasama rin sa RCRA ang mga regulasyon ng pagtatatag upang kontrolin ang

pagtatapon ng solidong basura.

Sa Agusan del Sur National High School, isa sa mga paaralan ng Caraga Region ay isa sa

mga paaralan na may populasyon na humigit-kumulang sa 8,000 mag-aaral sa 2018. Sa

pamamagitan nito, ang mga basurang materyales ay nadaragdagan din. Ang Agusan del Sur

National High School ay lumikha ng isang programa, ang Programang Eco Saver na

pinamamahalaan ng isang organisasyon, Ang Eco Saver Club. Ang programang ito ay

nagtataguyod sa tamang pagtatapon ng basura at ang Eco Saver Club ay nagtataguyod ng

kamalayan sa lahat ng mga estudyante at guro hindi lamang sa Agusan del Sur National High

School kundi sa iba pang mga paaralan sa pamamagitan ng information drive. Ang paaralan at

ang Eco Saver Club ay bumuo at nagpapatupad ng mga patakaran na maaaring makatulong sa

mga mag-aaral na magkaroon ng kamalayan at protektahan ang kalikasan pati na rin ang

pagprotekta sa sarili at pinaka-mahalaga ang kamalayan ng RA 9003. Ang Batas sa Republika

No. 9003 na kilala bilang "Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na pinagtibay

noong Enero 26, 2001, ay naglalayong matugunan ang lumalaking problema sa solid wastes sa

bansa. Nagbibigay ito ng legal na balangkas para sa sistematikong, komprehensibo, at ekolohikal

na solidong programa sa pamamahala ng basura na dapat masiguro ang proteksyon sa kalusugan

ng publiko at sa kapaligiran. Nagbibigay din ito para sa kinakailangang mekanismo ng

institusyon sa paglikha ng na siyang mamamahala sa pagpapatupad ng mga plano sa

pamamahala ng solidong basura at magreseta ng mga patakaran pati na rin ang mga insentibo sa

may mga batas na may kaugnayan sa pamamahala ng basura.


15
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraan ng pananaliksik upang matugunan ang

lahat ng pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang mga instrumenting ginamit at ang

pamamaraan sa pagtipon ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nasa disenyong deskriptib-kwalitatib. Kwalitatib dahil ito ay

nakabase sa mga opinyon, at iba pang relatibong impormasyon na nagmula sa iba’t ibang tao na

may kaalaman patungkol sa aming paksa. Deskriptib sapagkat ang pananaliksik na ito ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga programa ng Ecological Solid

Waste Management sa Agusan del Sur National High School.

Respondante ng Pananaliksik

Ang mga tagatugon ng pananaliksik na ito ay mga miyembro, tagapayo, at mga

opisyalaes ng Eco-Saver Club ng Agusan del Sur National High School na namamahala sa

pagpapatupad ng mga programa ng Ecological Solid Waste Management.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga tanong para sa interbyu. Ang mga tanong

na ito ay ang mga mananaliksik mismo ang gumawa at ito din ay iniwasto ng aming guro na si

G. Sandro J. Rebadio.
16
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Paraan sa Paglikom ng Datos

Matapos masuri ang instrumento, humingi ang mga mananaliksik ng pahintulot sa mga

respondent kung maaari silang magkaroon ng isang personal na pakikipanayam sa kanila.

Pagkatapos naming payagan, ipapaliwanag namin sa kanila ang layunin ng pag-aaral na ito.

Pagkatapos ay isasagawa na namin sa ang pakikinayam habang nakadokumento ito sa

pamamagitan ng video at pag-record. Ang datos na maiipon ay mapapasailalim sa pagtatasa ng

datos at interpretasyon.

Paraan sa Pagsusuri ng mga Datos

Matapos maisagawa ang interbyu, pipisanin na mga mananaliksik ang lahat ng sagot at

impormasyon na magagamit namin. Susuriin namin ang bawat sagot at maghanap ng mga

pananaw at kahulugan. Pagkatapos ay ihahambing at ikumpara natin ang iba't ibang sagot at

hahanapan ng mga interpretasyon. Pagkatos ay ikokonekta namin ang lahat ng sagot sa isang

masining ng paraan.
17
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga resulta sa mga nalikom na datos sa pag-aaral.

Matutunghayan sa mga sumusunod na pahina ang mga kaukulang datos na maglalapat ng

kapamigatan sa isinagawang pag-aaral.

Ang sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sa pag-aaral na ito:

1. Ano-ano ang mga Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan del Sur National

High School?

2. Paano ipinapatupad ang mga Ecological Solid Waste Management Program ng Agusan del Sur

National High school?

Ang mga programa ng Ecological Solid Waste Management sa Agusan del Sur National

High School ay ipinatupad dahil sa lumalalang problema ng paaralan sa basura.Nabuo ito sa

layuning makatulong sa pagpepreserba ng kalikasan at masolusyunan ang patuloy na pagdami ng

basura. Naglalayon itong makatulong sa pagpapaunlad ng komunidad ng paaralan at madisiplina

ang bawat indibidwal. Ang mga programang ito ay pinangunahan ng guro na si Gng. Grace

Natad Alburo kung saan siya ngayon ang tagapayo ng Eco-Saver Club, ang administrasyon, mga

miyembro ng Eco-Saver Club ng Agusan del Sur National High School. Ayon sa presidente ng

organisasyon ng Eco-Saver Club na si G. Ryl Lyron Patayan, ang kabuuang populasyon ng

paaralan na umaabot na sa 7,186 na mag-aaral ay naging dahilan ng pagpalala ng basura dahil sa


18
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

kawalan ng kaalaman at disiplina. Kaya naipatupad ang mga programang ito upang mabigyan ng

kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang segregasyon ng basura para makaiwas ibat-ibang

polusyon. Ang mga sumusunod ay ang mga programa ng Ecological Solid Waste Management

sa Agusan del Sur National High School:

Cleanikasan sa Paaralan. Ang layunin ng programang ito ay panatilihing malinis at maayos

ang bawat silid-paaralan ng Agusan del Sur National High School. Ang mga kasapi ng Eco Saver

Club ay nagsasagawa ng checking o evaluation sa bawat classroom upang malaman kung

nasesegragate ba ng maayos ang basura at napapanatili bang malinis ang silid. Sa katapusan ng

buwan ay makakatanggap ng parangal ang napiling silid-aralan upang maging motibasyon sa

pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan.

Container Gardening & Edible Landscaping. Ang programang ito ay nagtataguyod sa

paggamit ng mga solid waste tulad ng containers na hindi na ginagamit sa pagtatanim ng mga

gulay at halaman. Ang mga gulay din na maaani ay ipinagbibili o ginagamit sa feeding program

ng paaralan. Ang silid-aralan na may pinakamalaking kita sa isang buong buwan ay binibigyan

din ng mga parangal.

Paper Sorter and Pet Bottle Collectors. Pinanukala ang paghihiwalay ng ibat-ibang uri ng

papel at ang paglalagay ng mga Bottle Collectors sa mga bahagi ng paaralan na madalas

makikita ang mga bote na tubig at iba pa para maiwasan ang pagkalat ng mga ito.

Green Bottle Program. Ang programang ito ay isinagawa upang makaiwas sa pagdami ng mga

bote ng tubig na karaniwan ay isang beses lang ginagamit at tinuturuan ang mga estudyante na

magdala ng kanilang sariling sisidlan ng tubig o eco bottle.


19
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Mr. and Ms. Cleanikasan. Isa itong paligsahan, kung saan ang mga solid waste material na

maaari pang marecycle ay ginagamit sa paggawa ng kasuotan ng mga kandidata. Naglalayon ito

na ipakita ang maaring kapakinabangan ng solidong basura.

No Segregation No Collection. Isang programa na nakapokus sa paghiwahiwalay o

pagsesegragate ng basura. Ang mga basurang nanggaling sa mga silid-aralan ay kailang i-tsek

kung tama ba ang pagsesegrate bago ilagay sa Material Recovery Facility. Pagnagkamali ay

ibabalik ito at maari ding mabigyan ng multa.

Material Recovery Facility. Ang isang pasilidad na tumatanggap, naghihiwalay at naghahanda

ng mga recyclable na materyales para sa pagmemerkado.

No to Single-Used Plastics. Ito ay kamakailan lang napatupad na programa kung saan

ipinagbabawal ang mga sigle-used plastic sa buong paaralan tulad ng plastic cups, straw,

cellophane at iba pa.

Parol Making Contest. Ginagamit ang mga solid waste na mapapakinabangan pa sa paggawa

ng parol. Pinipili ang mananalo at pinaparanglan

Linis Bayan. Ang Linis Bayan ay isang kampanyang paglilinis ng komunidad na naglalayong

muling ibalik ang natural na ganda ng kalikasan. Isinasagawa ito ng mga miyembro ng Eco-

Saver Club at iba pang mga boluntaryo.

Eco-Brick Making. Ang isang ecobrick ay gawa sa isang bote ng plastik o lalagyan na may

ibat-ibang basura ng plastic na naka-compress sa loob nito. Ang mga Ecobricks ay isang

napapanatiling paraan upang muling gamitin ang di-biodegradable na basura. Ang mga gawang

ecobrick ay ginagamit upang gumawa ng maraming mga bagay tulad ng mga kasangkapan, mga

pader at mga gusali.


20
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Wetland Clean-up and Mangroove Planting. Ang programang ito ay tumututok sa paglinis,

pagprotekta at pinahuhusay ang kalidad ng tubig at mga habitat ng wildlife. Nagtatanim din ng

mga mangroves upang maibalik ang mga yamang dagat.

Ang mga programang ito ay may prosesong pinagdaanan bago ang pagpapatupad. Una,

ang masusing pananaliksik tungo sa mga benepisyo ng programa, pang pagbuo ng rationale at

project proposal, presentasyon ng programan at mga layunin nito.Ito ang magsisilbing proposal

na aaprobahan ng principal. Susunod na dito ang mga lagda ng mga ng tagapayo, president at iba

pang miyembro. Pagkatapos masuri ng programang ipapatupad ay isasagawa ang Info-Drive para

sa pagkakalat ng impormasyon patungkol dito at sa huling bahagi ay ang pagpapatupad nito sa

buong paaralan.

Ang pondong ginagamit sa pagpapatupad ng mga programa ay nagmula sa pondo ng

paaralan ng Agusan del Sur National High School. Samakatuwid, ang mga programang ito ay

sinusuportahan ng Homeroom Parent-Teacher Association. Ayon sa Presidente ng organisasyon,

nagkakaroon ng pangongolekta ng P20 sa bawat mag-aaral upang may maipantustos sa mga

proyekto. May mga sponsor din ang mga programang ito dahil sa suportang ibinibigay ng

Department of Environment and Natural Resources.

Sa pagpapatupad ng mga programa ay mayroon ding kinahaharap ang mga miyembro na

mga problema. Ayon sa mga respondante, isa na dito ang mga estudyanteng hindi makaintindi at

mga pasaway. May mga pagkakataon din na binabatikos ang mga programa ng Ecologica Slid

Waste Mangement dahil hindi daw praktikal at nakakapagdagdag gawain. May mga tao ding

hindi sumusunod lalong lalo na ang pagtatapon ng basura kahit saan. Ngunit sa pangkalahatan ay

masasabing naging matagumpay ang mga programa dahil nakikita na natin ang pagkakaroon ng

disiplina sa sarili sa pagsesegragate ng basura. At dahil na din sa suporta ng DENR at ang


21
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

pagpupursige ng oraganisasyon, mga guro at mga estudyante higit ng gumanda at luminis ang

paaralan ng Agusan del Sur del Sur National High School.


22
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito tatalakay sa lagom, mga konklusyon at mga rekomendasyon.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay layong susuriin ang ibat-ibang mga programa ng Ecologcal Solid

Waste Management sa Agusan del Sur National High School.Ang pamamaraan ng pananaliksik

ay deskriptib at interbyu ang isinagawa sa pangangalap ng datos at impormasyon. Ang mga

respondente ay ang mga miyembro ng Eco-Save Club kung saan sila ang nangunguna

sapagpapatupad ng mga programa.Kabilang sa mga programang ito ay ang Cleanikasan sa

Paaralan, Container Gardening & Edible Landscaping, Paper Sorter and Pet Bottle Collectors,

Green Bottle Program, Mr. and Ms. Cleanikasan, No Segregation No Collection, Material

Recovery Facility, No to Single-Used Plastics, Parol Making Contest, Linis Bayan, Eco-Brick

Wetland Clean-up at Mangroove Planting. Isinagawa ang mga programang ito dahil sa patuloy

na pagdami ng mag-aaral sa paaralan ng Agusan del Sur na naging resulta din sa pagrami ng

basura sa paaralan.

Konklusyon

Batay sa nakolektang datos at pag-aanalisa nito, maaaring maibigay ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod na kongklusyon:

1. Ang mga programa ng Ecological Solid Waste Management ay isa lamang hakbang para

makatulong tayo sa kalikasan. . Maliwanag na ang mga tamang gawi sa pamamahala ng basura
23
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

sa tulong ng mga programang ito ay may malaking epekto sa likas na kapaligiran at nagiging

dahilan ng pag-unlad ng isang paaralan.

2. Napatunayan na may maitutulong ang Ecological Solid Waste Management sa pagbawas ng

polusyon at basura sa Agusan del Sur National High School.

3. Ang mga programang ito ay nakakatulong sa pagpapakita ng mga bagay mula sa basura na

maaring mapakinabangan at pagkakakitaan.

4. Napatunayan na sa pagtutulungan at pagkakaisa ng administrasyon, mga guro, mga miyembro

ng programa mga estudyante at magulang, mga boluntaryo at sa tulong ng Department of

Environment and Natural Resources ay nawakasan at nasolusyunan ang problema sa basura sa

paaralang Agusan del Sur National High School.

Rekomendasyon

Pagkatapos ng masusing pag-aaral, narito ang mga rekomendasyon:

1. Mas paliwigin at paigtingin pa ang mga programa sa pamamagitan ng pag-iimplementa ng

mga bagong programa na mas ikakaganda at ikauunlad ng paaralan.

2. Ang mga ganitong uri ng programa ay nangangailangang pagtuonan ng pansin upang patuloy

na maisagawa at hindi mahinto sa mga layunin.

3. Maaring maging basehan ang mga programang ito sa paggawa ng mga interbensiyon para sa

buong bansa para mapuksa na ang problema sa basura.


24
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

4. Magkaroon ng mga seminaryo at mga symposium para sa mga estudyante patungkol sa

tamang pamamahala ng basura upang mas mabigyan sila ng kaalaman kung gaano ito kahalaga

at kung paano ito nakakaapekto sa kalikasan.

SANGGUNIAN

http://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/6.ESWM-for-HH.pdf
The World Bank. (2018, September 20) Solid Waste Management.
http://www.worldbank.org/en/topic/urbandevelopment/brief/solid-waste-management
Global Waste Management
Otlook.(2018).https://www.unenvironment.org/resources/report/global-waste-management-
outlook
https://www.researchgate.net/publication/283085861_Global_Waste_Management_Outlook_
United_Nations_Environment_Programme_UNEP_and_International_Solid_Waste_Association
_ISWA
“Hoornweg, Daniel; Bhada-Tata, Perinaz. 2012. What a Waste : A Global Review of Solid
Waste Management. Urban development series;knowledge papers no. 15. World Bank,
Washington, DC. © World Bank. https://openknowledge.worldbank.org/handle/10986/17388
License: CC BY 3.0 IGO.”
Marasigan L. (2015). Kasamaang Naidudulot ng
Basura.http://seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Les
son/Lessons/kalusugan/kasamaang_naidudulot_ng_basura_n.htm. Kasamaang naidudulot ng
basura
25
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

APENDIKS

Republic of the Philippines


Depatment of Education
Caraga Administrative Region
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
March 13, 2019
Mahal naming Respondente,
Maligayang pagbati!
Ang inyong mga lingkod ay kasalukuyang nasa ika-11 na baitang at nag-aaral sa Agusan
del Sur National High School-Senior High School
Bilang bahagi sa mga pangangailangan sa Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik, kayo po ay napili naming tagatugon sa aming pamanahong papel tungkol
sa “Ang Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Programs sa Agusan del Sur
National High School”. Hinihingi po naming ang inyong tulong at kooperasyon sa pagsagot ng
tapat at malaya sa bawat katanungan. Ipinapangako po naming na ang inyong mga sagot ay
aming iingatan at hindi ipagkakalat.
Sa inyong malaking tulong at suporta, magiging malaking bahagi po kayo sa aming
pananaliksik.

Mga Mananaliksik,
Erica Ecoben et al.
26
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
27
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
28
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Angela B. Mira

Edad: 17

Kasarian: Babae

Tirahan: P-3, Barangay San Isidro, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon:

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: SanIsidro Central Elementary School

Elementarya: Jugo Chua Sr. Elementary School

Petsa ng Pagtatapos:

Junior High School: Agusan Del Sur National High school

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan Del Sur National High school

Trak, Strand at Espesyalisasyon: Academic Track , General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon: CAT


29
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Erica G. Ecoben

Edad: 17

Kasarian: Babae

Tirahan: P-5, Pisaan, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09488600861

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: Pisaan Elementary School: Model of Excellence

Elementarya: Pisaan Elementary School: Model of Excellence

Petsa ng Pagtatapos:

Junior High School: Agusan Del Sur National High school

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan Del Sur National High school

Trak, Strand at Espesyalisasyon: Academic Track , General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon: CAT, Eco Saver Club


30
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Kristina Mae O. Dumogho

Edad: 18

Kasarian: Babae

Tirahan: P-4, Barangay 5, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09102131667

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: Light and Life Christian Learning Center

Elementarya: San Francisco Pilot Central Elementary School

Petsa ng Pagtatapos:

Junior High School: Agusan Del Sur National High school

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan Del Sur National High school

Trak, Strand at Espesyalisasyon: Academic Track , General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon: CAT


31
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Venus L. Valmoria

Edad: 17

Kasarian: Babae

Tirahan: Purok 4B, Barangay 2, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09157087618

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: San Francisco Pilot Central Elementary School

Elementarya: San Francisco Pilot Central Elementary School

Petsa ng Pagtatapos:

Junior High School: Agusan del Sur National High School

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School-Senior High

Trak, Strand at Espesyalisasyon: General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:


32
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan:Aimajol B. Timtim

Edad: 18

Kasarian: Babae

Tirahan: P-1, Barangay Sta. Ana, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09387278561

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: Sta. Ana Elementary School

Elementarya: Sta. Ana Elementary School

Petsa ng Pagtatapos: 2013-2014

Junior High School: Agusan del Sur National High School

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School-Senior High

Trak, Strand at Espesyalisasyon: General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:


33
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Wawie G. Echinique

Edad: 21

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Barangay 4, San Francisco, Agusan del sur

Numero ng Celfon: 0963244238

Natamong Edukasyon:

Kindergarten:

Elementarya: Bunaguit Elementary School

Petsa ng Pagtatapos: 2011-2012

Junior High School:

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School

Trak, Strand at Espesyalisasyon: Academic, General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:


34
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Mary Grace S. Rapiz

Edad: 18

Kasarian: Babae

Tirahan: P-5, Hubang,San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09121399634

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: Teodoro B. Ong Yiu Memorial School

Elementarya: Boringot Elementary School

Petsa ng Pagtatapos: March 27, 2014

Junior High School: Agusan del Sur National High School

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School-Senior High

Trak, Strand at Espesyalisasyon: General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:


35
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Xyrah Shayne Abo

Edad: 18

Kasarian: Babae

Tirahan: P-11, Alegria, San Francisco, Agusan del Sur

Numero ng Celfon: 09383805228

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: Alegria Elementary School

Elementarya: Alegria Elementary School

Petsa ng Pagtatapos: March 27, 2014

Junior High School: Agusan del Sur National High School

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School-Senior High

Trak, Strand at Espesyalisasyon: General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:


36
ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM NG AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: Christine Mae T. Boter

Edad: 17

Kasarian: Babae

Tirahan: Tambis, Barobo, Surigao del Sur

Numero ng Celfon: 09100504673

Natamong Edukasyon:

Kindergarten: De Ocampo Trece Martires Elementary School

Elementarya: Dinuyan Elementary School

Petsa ng Pagtatapos: March 27, 2014

Junior High School: Agusan del Sur National High School

Petsa ng Pagtatapos:

Senior High School: Agusan del Sur National High School-Senior High

Trak, Strand at Espesyalisasyon: General Academic Strand

Mga Sinalihang Organisasyon:

You might also like