You are on page 1of 20

Pasasalamat

Nais ipaabot ng mga mananaliksik ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga

sumusunod na mga indibidwal para sa kanilang di matatawarang ambag upang mas

mapaganda pa ang pananaliksik na ito.

Kay Gng. Marilou Matilla, sa pagbibigay ng oportunidad sa aming grupo na

maipamalas ang aming kakayahan sa paglikha ng pananaliksik na makatutulong hindi lamang

sa Barangay Buenavista III upang masolusyunan ang kanilang suliranin sa basura, kundi pati

na rin sa karunungan ng bansa at maging instrumento upang tuluyan nang mabigyan ng

matatag na solusyon ang lumalalang problema ng bansa patungkol sa basura.

Sa aming mga magulang, na hindi nagsasawang umunawa at sumuporta sa aming

pag-aaral at magbigay ng suportang pinansyal upang matagumpay naming matapos ang

pananaliksik na ito.

Sa aming mga kanya-kanyang inspirasyon, na patuloy na nagiging dahilan ng aming

kagustuhang magpatuloy at pagsumikapang mabigyan ng kalinawan ang mga katanungan sa

pananaliksik na ito.

Sa aming mga respondente, na nagbahagi ng kanilang karunungan upang bigyan kami

ng tamang impormasyon kaugnay sa suliranin ng kanilang barangay sa basura.

Higit sa lahat ay sa Panginoon, sa kanyang walang sawang pag-ibig at pagbibigay ng

karunungan sa bawat isa upang magawa at matapos ang pananaliksik na ito.

Magiging nakapaimposible na matapos ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa

mga tumulong at hindi nag-atubiling magbahagi ng kanilang karunungan sa pagpapaunlad at

pagpapaganda ng pananaliksik na ito. Walang pagsidlan ang aming kaligayahan dahil sa

1
walang sawang pagsuporta na natanggap nang aming grupo para bigyan kami ng katatagan

ng kaisipan at damdamin upang hindi sumuko sa pananaliksik na ito.

2
Introduksyon

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng Layunin, Kahalagahan, Saklaw

at Limitasyon, Depinisyon ng mga Terminolohiya, Balangkas na Konseptwal at Theoretical

Framework ng pag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon hindi na bago ang kaliwa’t kanang balita patungkol sa

pagsalanta ng malalakas na bagyo at kalamidad lalo na sa Plipinas na malapit sa karagatang

pasipiko na kadalasang dinaraanan ng bagyo. Sa kadahilanang ito mas lalo pang tumitindi

ang suliranin dahil sa lumolobong problema ng bansa kaugnay ng napakataas na bilang ng

basura.

Mahalagang malaman ng bawat mamamayan ang kinakaharap na suliranin ng

bansang Pilipinas patungkol sa patuloy na pagtaas ng bilang ng basura sa bansa. Hangad

lamang ng pag-aaral na ito na mabigyan ng pansin ang kaalamang patungkol sa tamang

segregasyon ng mga basura. Nais rin ng pananaliksik na ito na maipakita ang kahalagahan ng

pagiging aktibo ng bawat sa mga napapanahong isyu kagaya na lamng ng suliranin sa basura

ng bansa.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag aaral na may pamagat na, Kwalitatibong Pananaliksik Patungkol sa

Problema ng Tamang Pagtatapon at Pagaayos ng mga Basura sa Barangay Buenavista III

General Trias, Cavite, ay naglalayon na malaman ang iba’t ibang kadahilanan ng problema

sa tamang pagtatapon at pagaayos ng basura sa General Trias. Naglalayon itong alamin kung

3
ano ang solusyong ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Buenavista III upang tugunan ang

problema sa basura at kung paano ito nakakaapekto sa mamayan bilang mga indibidwal.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga kakulangan sa pasilidad ay napakalaking suliranin ng bansa, ito ay maaaring

magdulot ng iba’t ibang sakuna at kalamidad. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay

nakapagdadagdag ng kaalaman sa komunidad na maari nilang magamit sa mga susunod pang

pananaliksik.

Para sa mga mamamayan ng Barangay Buenavista – upang matulungan silang

malaman ang paraan ng pagpapanatili ng maayos na paraan ng pag-aayos ng basura na

mabibigay din sa kanila ng kanilang mga opisyal gamit ang pag-aaral na ito.

Para sa mga opisyal ng barangay – upang matulungan silang matugunan ang

problema nila sa tamang pagsasaayos ng kanilang mga basura.

Para sa mga susunod pang mananaliksik – upang malaman at maliwanagan sa

suliranin na kinakaharap ng bansa at upang makakalap ng datos na maaaring gamitan sa

pagpapatibay ng kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw at limitasyon ng pagaaral na ito ay nakatuon lamang sa mamamayan ng

Barangay Buenavista III General Trias, Cavite. Tatalakayin lamang nito ang sanhi ng

suliranin sa basura at kung ano ang aksyon na ginagawa ng lokal na pamahalaan upang

4
matugunan ito at kung ano ang ginagawang pakikipagtulungan ng mamamayan upang

maresolba ang problema.

Ang mga napiling respondante ng pag-aaral na ito ay mga opisyal at mamamayan ng

Barangay Buenavista III General Trias, Cavite. Dahil sila ang may kakayanang sagutin ang

aming mga inihandang katanungan patungkol sa suliranin ng kanilang lugar at mga solusyong

ginagawa para dito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Proseso – proseso ng tamang pagaayos ng basura mula sa unang hakbang hanggang

sa huling hakbang na kinakailangan.

Solid Waste - ay kahit na anong kalat, basura, o ano pa mang dumi na

nangangailangan pa ng proseso bago tuluyang maayos.

Waste Management – ay ang mga aksyon na kailangan upang maisaayos ang mga

basura mula sa una nitong pagdadaanan hanggang sa pinakahuling proseso.

Waste Segregation – pag hihiwalay ng mga basura sa basa at tuyo; nabubulok at di

nabubulok; mga maaari pang mapakinabangan at mga kailangan nang itapon; at marami pang

iba

5
Balangkas na Konseptwal

Di-malayang Baryabol
Malayang Baryabol

 Hindi pakikipagtulungan ng
 Problema sa basura
mga mamamayan sa
pagresolba ng problema sa
basura.
 Kapabayaan mga mga nag-
aalaga ng aso na nagiging
sanhi ng pagkalat ng basura.
 Kakulangan sa pasilidad at
kagamitan sa tamang
pagkuha ng mga basura sa
barangay
 Kakulangan sa
implementasyon ng
Programa upang matugunan
ang suliranin

Teyoretikal na Balangkas

Ang tamang pagtatapon at pag sasa-ayos ng basura ay nakakatulong sa

pamumuhay ng mga tao sa maraming aspeto; Kalusugan, kabuhayan at kalinisan. Sa patuloy

na paglaki ng lumalalang problema sa basura, ang mga susunod na henerasyon ay magdurusa

sa kapabayaan ng mga tao. Kaya naman, inilunsad ng United Nation Environment

Programme (UNEP, 2010), ang programa na tutulong upang maging maayos, organisado at

maso-solusyonan ang problema sa basura. Ang Green Economy, ay layon na matugunan ang

lumalalang problema ng basura sa buong mundo, ito ay para narin maiwasan ang Green

House Gas (GHG) emission at ang epekto nito sa kalikasan at tao.

Ang bansang Pilipinas ay isa sa maituturing na bansang may malalang problema sa

basura at dahil rito, ay ipinatupad ang isang batas na magpapanatili ng kaayusan at

6
organisayon ng mga basura. Ang R.A 9003 ay isang batas na naglalayon sulosyunan ang

problema sa basura ng Pilipinas. Ito ay naglalayon na mabigyan ng tamang patutunguhan ang

mabasura at ito ay magamit muli sa pamamagitan ng pag re-resiklo.

7
Suliranin at Kaligiran

Patuloy na lumalala ang problema sa basura ang Pilipinas. Maraming basura ang

hindi naaasikaso at hindi nabibigyan ng tamang aksyon. Una na rito ang kawalan ng pasilidad

at mga gamit upang maisaayos ang mga ito, kagaya na lamang ng mga truck na naghahakot

sa mga basura. Tinataya na sa buong Pilipinas ay may siyamnaraan at siyamnapu’t isang

pasilidad (991) sa buong bansa, at dalawa lamang dito ang sa Metro Manila. Meron ding

bilang ng tambakan na tinatayang nasa apatnapu’t lima ang bilang (45). Kung pagbabasehan

ang bilang na ito, makikitang napakaliit nito para sa lumalagong populasyon ng Pilipinas.

Base sa sipi ni Ferdinand Tesado Abocejo patungkol sa waste management ng Lahug,

Cebu City, napakarami ng mga gawain ng tao ang nagpapalala sa patuloy na pagdami ng mga

basura. Ang mga basurang ito ay tiyak na magdudulot ng mas malalaking problema sa tao at

tuluyang pagkasira ng kalikasan kung hindi magagawan ng paraan at maaksyunan.

Isa ang Barangay Buenavista III General Trias, Cavite sa halos lahat ng barangay sa

bansa na malaki ang problema sa basura. Nagpapatunay lamang ito na patuloy ang paglawak

ng ating suliranin kaugnay ng usaping ito. Marapat lamang itong pagtuunan ng pansin dahil

na rin sa malaking banta nito sa ating likas na yaman kung saan tayo kumukuha ng ating

ikabubuhay.

Paglalahad ng Suliranin

Kasabay ng pag-unlad ng Barangay Buenavista III sa syudad ng General Trias, Cavite

ay patuloy din ang paglago ng suliranin ukol sa basura kung kaya naman ang mga

8
mananaliksik ay nagpasyang gawin ang pananaliksik na ito upang sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang ginagawang aksyon ng Barangay Buenavista III upang masolusyunan ang

problema sa basura?

2. Ano ang naging epekto ng suliranin sa basura ng mga mamamayan ng Barangay

Buenavista III?

9
Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo ng pananaliksik na ginamit ng mga

mananaliksik, mga kalahok ng pag-aaral at instrumentong ginamit sa pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong disensyo sa pananaliksik, kung

saan ito ay nakatuon sa paglalarawan ng mga katangian ng populasyon at sa pagtuklas ng

relasyon ng iba't ibang katangian nito. Ito rin ay naglalarawan ng katayuan ng isang tao,

lugar, at pangyayari.

Ang pag-aaral na ito ay sinusuri ang isyu patungkol sa suliranin sa basura ng Barangay

Buenavista III General Trias Cavite.

Mga Kalahok

Ang mga piniling kalahok sa pananaliksik ay ang mga opisyal at mga

mamamayan ng Barangay Buenavista III General Trias Cavite.

Ang mga kalahok ay may kabuoang bilang na (5) lima, (3) tatlo sa mga opisyal

at (2) dalawa naman sa mga mamamayan. Samakatuwid, mas madami ang lokal na opisyal

ang kalahok sapagkat sila ang may mga pangunahing kaalaman patungkol sa isyung

kinakaharap ng Barangay Buenavista III General Trias Cavite.

10
Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos ay

ang panayam. Ang mga kalahok ay hiningian ng kani-kanilang opinion patungkol sa isyung

kinakaharap ng Barangay Buenavista III General Trias Cavite.

11
Resulta at Dikusyon

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay tumatalakay sa mga naging resulta ng ginawang

panayam sa mga kalahok nito.

Resulta ng panayam

Unang kalahok ng Pananaliksik: Boyet Gadwena (Barangay Kagawad)

1. Ano ang pangunahing Problema ng inyong barangay?

"Ang number one na hindi namin masulusyunan ng ayos ay ang basura..."

2. Ano ang ginagawa nyong solusyon upang matugunan ang problemang ito?

"May kadalangan ang koleksyon ng basura... ang problema ay yung ating panghakot"

3. Paano ito nakakaapekto sa iyo bilang isang indibidwal?

“Syempre nakikita naming na… Minsan kase hindi maialis sa isang kapitbahay na kulang sa

pansin sa basura, minsan inilalagay sa isang lalagyan, ang problema ay kinakalkal ng aso.”

Ikalawang kalahok ng Pananaliksik: Rowena Dominguez (Barangay Staff)

1. Ano ang pangunahing Problema ng inyong barangay?

“Una... unang pakaraniwang problema una yung sa basura... siguro hindi lang tong

barangay na to kundi pati ang lahat ng barangay ng Gentri yan ang pangunahing basura”

2. Ano ang ginagawa nyong solusyon upang matugunan ang problemang ito?

12
“Sa ganong problema sinisikap ng aming kapitan na magkaroon ng solusyon yon... yun nga

inumpisahan na nila, yung proper segregation, kung makikita nyo dun sa bandang ilaya,

meron dong MRF, so yun yung proper disposal ng mga basura na bakal, nakalagay don mga

plastik, hindi nabubulok... so doon pwedeng maglagay yung mga kabarangay namin ng mga

basurang ganon para at the same time yung mga basura na nabubulok inimplement na kung

maaari kanya-kanya nalang na disposal... number one na sinasabi ni kapitan ibaon nalang

yun sa mga lupa-lupa para yung ating city hall dun sa malabon ay konti nalang ang

kukuhaning basura at doon malelessen din yung pagbabayad ng ating mayor ng mga truck

na kumukuha so yunyung iimplement ni kapitan.”

3. Paano ito nakakaapekto sa iyo bilang isang indibidwal?

“Burden... burden sa amin, dahil syempre bilang nandito sa barangay kapag nakita mong

ganyan ang ating kapaligiran, parang mabigat sa loob nandon tuloy yung eagerness mo

tuloy na talagang gawin mo yung solusyon.. at sayo magmumula yung solusyon para yung

mga kabarangay mo ay sumunod sayo”

Ikatlong kalahok ng Pananaliksik: Nanet Alcantara (Barangay Treasurer)

1. Ano ang pangunahing Problema ng inyong barangay?

“una basura, waste segragation almost one percent lang tumutugon doon sa aming

programa na magsegregate ng basura kase aayaw nila ng may basura sa loob ng bahay

pero sa labas doon nila tinatambak.”

13
2. Ano ang ginagawa nyong solusyon upang matugunan ang problemang ito?

“So ang solusyon doon patuloy kaming nagpapamonitor sa aming mga street sweper kung

nasa ayos bang lalagyan yung mga basura nila kase once na yan nilagay mo lang jan sa

isang sulok lalo na nakaalpas ang aso kukolkulin yan, walang kwenta, nandon yung although

naglinis sila madumi pa rin kapag naikalat yan ng mga aso.”

3. Paano ito nakakaapekto sa iyo bilang isang indibidwal?

“Syempre bilang kasapi ng barangay nadidissapint kami kase may ganitong klase problema

sa ming barangay, kaya mas lalo pa naming pinag iigihan yung paggawa ng paraan para

matugunan yung problema”

Ikaapat na kalahok ng Pananaliksik: Crispin Mantillas (Negosyante)

1. Ano ang pangunahing Problema ng inyong barangay?

“Basura... pinaka pangunahin ngang problema eh yung sa basura.”

2. Ano ang ginagawa nyong solusyon upang matugunan ang problemang ito?

“Ang ginagawa nga nilang basura ay yung pagsesegregate ng basura yung paggagawa nila

ng MRM”

3. Paano ito nakakaapekto sa iyo bilang isang indibidwal?

“Syempre kapag hindi nasesegregate yung mga kalat at tulad nung mga aso ikinakalat nila sa

gabi”

Ikalimang Kalahok ng Pananaliksik: Joliza Teodoro (Negosyante)

1. Ano ang pangunahing Problema ng inyong barangay?

14
“Naku ang pinaka problema dito ay yung sa basura kase ang tagal manguha ng basura eh

naiipon yung basura kinukulang yung basurahan namin tapos kinakalkal pa ng mga aso.”

2. Ano ang ginagawa nyong solusyon upang matugunan ang problemang ito?

“Nagtatapon nalang kami sa ibang lugar para lang na dispose yung mga basura namin kase

kapag nandito bumabaho lang lalo tapos ikinakalat lang din ng aso kapag gabi.”

3. Paano ito nakakaapekto sa iyo bilang isang indibidwal?

“Syempre naiinis ako kase namamaho kami dito imbis na makukuha na nila agad eh isang

beses lang sa isang lingo manguha tapos ikinakalat pa ng aso .”

Diskusyon

Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik galing sa mga kalahok,

lumalabas na pangunahing suliranin ng Barangay Buenavista III, General Trias Cavite ang

problema sa basura. Sinasabing hindi agad ito maresolba dahil narin sa kakulangan ng truck

na mangunguha sa mga basura ng mamamayan sa barangay. Isa ring itunuturong dahilan ng

patuloy na paglala ng problema ay ang hindi pakikiisa ng mamamayan sa mga programang

ipinapatupad ng barangay upang masolusyunan ito. Isa sa mga solusyong ginagawa ng

pamahalaang lokal ng Buenavista III ay ang pagtatatag ng MRM kung saan pinaghihiwalay

ang mga plastik at di nabubulok. Ngunit sa kasamaang palad isang posyeto lamang ng

mamamayan ang tumutugon sa panukalang ito. Sinasabi rin na kakaumpisa pa lamang ng

panukala kung kaya iilang lugar pa lamang sa barangay ang nalalagyan ng MRM. Malaki na

ang nagiging negatibong epekto nito sa mamamayan dahil bukod sa masangsang na amoy ng

mga nabubulok na basura ay pinagmumulan din ito ng alitan sa mga magkakapit bahay.

15
Buod, Konlusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalamang ng Buod, Konklusyon at Rekomendasyon ng ginawang

pag-aaral.

Buod

Ang pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik patungkol sa Pananaliksik na

may pamagat na Kwalitatibong Pananaliksik Patungkol sa Tamang Pagtatapon at

Pagsasaayos ng mga Basura sa Barangay Buenevista III General Trias Cavite ay naglalayon

na patuloy na maisaayos at matugunan ang suliranin sa lugar kaugnay nito. Batay sa mga

impormasyong nakuha, ang suliraning ito ay dahilan na rin ng malaking populasyon sa lugar,

hindi pakiiisa ng mga miyembro sa mga proyektong pang barangay at hindi pagtugon o

pagsunod sa mga patakaran ukol sa mga basura. Ang problemang ito ay binibigyang diin ng

mga opisyales dahil ito ay ang pinaka nangunguna sa lahat ng suliranin ng lugar. Ang

pagbibigay nila ng alternibong solusyon tulad ng waste segregation ay nakakatulong upang

mas mapalago at mapaunlad pa ang baranggay.

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng waste segregation o pag hiwa hiwalay ng mga basura sa

nabubulok at di nabubulok ay pamaraan ng baranggay upang mabawasan at maiwasan ang

sobrang pagkalat ng basura sa lugar. Nagkaroon rin ng mga regulasyon tungkol sa mga

basura upang mas matutukan nila ang suliraning ito. Sa kabilang banda, ito ay nagsisilbing

instrumento ng bawat isa at nagiging gabay na rin ng mga mamayan upang mas matutunan at

maisagawa ang tamang pamamaraan ng pagtatapon ng basura. Ang ganitong suliranin ay

hindi dapat pinagsasawalang bahala ng bawat isa. Kinakailangan ito ng agarang solusyon

16
sapagkat bawat mamamayan ng lugar ay maaaring maranasan ang masamang epektong dulot

nito.

Rekomendasyon

Matapos ang pag aaral nais ng mga mananaliksik na magbigay ng rekomendasyon

para sa mga mamamayan ng baranggay upang sa ganun ay makatulong at makapagbigay ng

ilang solusyon. Una pagkakaroon ng mas maayos na segregasyon ng basura at madalas na

pagkulekta nito sa itinakdang araw. Pangalawa, pagkakaroon ng sapat na tapunan ng mga

basura sa labas ng bahay kung saan hundi ito makakalat ng mga hindi nakataling aso.

Pangatlo, pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga panghakot o truck na magdadala ng mga

basura sa tamang tapunan, at panghuli matuto na pakinabangan ang ilang mga basura.

Halimbawa pag recycle at pagbuo ng mga ibang materyales na kailangan ng lugar. Sa

ganitong pamamaraan ay matutulungan na natin ang ating sarili, ang kalikasan at ang

baranggay.

Para naman sa mga susunod na mga mananaliksik ng kaparehong paksa pinapayo na

magkaroon ng mas malinaw at mas kongkretong talaan ng mga katanungan na susuporta sa

mga katanungan na layong sagutin ng pananaliksik.

17
Mga Kaugnay na Dokumento

Boyet Gadwena

(Barangay Kagawad)

Rowena Dominguez

(Barangay Staff)

18
Nanet Alcantara

(Barangay Treasurer)

Crispin Mantillas

(Negosyante)

19
Reperensya

Abocejo, Salvador & Vivar (2015, December) Village-Level Solid Waste

Management in Lahug, Cebu City, Philippines. Retrieved From:

https://www.researchgate.net/publication/31950 2638_Village-

Level_Solid_Waste_Management_in_Lahug_Cebu_City_Philippines

Castillo & Otoma (2013) Status of Solid Waste Management in the Philippines.

Retrieved from: https://www.jstage.jst.go.jp/article/jsmcwm/24/0/24_677/_pdf/-

char/ja?fbclid=IwAR0H0 fFxws06yLfTESifE0-

A8rzv2vPetajubgEdgTw5MW_Xyts4NDNawp8

Srivastava, Samir K. (2007) Green supply-chain management: A state-of-the-art literature

review. Retrieved from:

https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/30664721/ Green_supply-

chain_management.A_state-oftheart_literaturereview.2007.Srivastava.

.pdf?AWSAccessKeyId=AKIAIWOWYYGZ2Y53UL3A&Expires=1544233948&Si

gna ture=3hXaosYVm3AFFP0HZGE1gQ%2BaG58%3D&response-content-

disposition=inline%3B%20filename%3DGreen_supply_chain_management_a_state_

of.p df

20

You might also like