You are on page 1of 22

PERSIPSYON SA PAGLAKI NG BAYARIN SA KURYENTE NG MGA

PILING KONSYUMER NG BARANGAY ALFONSO XIII, QUEZON,


PALAWAN

Isang pananaliksik na ihinaharap sa

Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (TVL)

Quezon National High School

Quezon, Palawan

Nina:

Said, Mohammad Rehan B.

Continedo, Jeward E.

Grade 11 EIM-HYDROGEN

Pebrero 2019
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat an gaming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal,

tanggapan at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay

na suporta, tulong at kontrybusyon upang maisagawa ang pag-aaral na ito

Unang-una, sa aming mga respondent na tumugon sa aming mga katanungan,

paglalaan ng oras upang maibahagi ang mahalagang impormasyon at kaalaman na aming

nagamit sa aming buong pananaliksik

Pangalawa, ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang guro sa

Komunikasyon at Pananaliksik na si Ma’am Relita Vicencio sa kanyang walang tigil na

suporta, paggabay, at pag-unawa sa amin habang isinasagawa naming ang pananaliksik at

lalong lalo na sa pagbahagi ng inyong kaalaman ukol ditto.

Gayundin, ang mananaliksik ay nagpapasalamat sa kanilang mga kaibigan at

kaklase sa kanilang tiyaga, paggabay, sa ibinigay na oras at sa kanialng kontribusyon,

tulong at suporta na ipinamalas upang maisakatuparan ang ‘research proposal’ na ito

Sa aming magulang na tumulong at umintindi sa amin sa panahong abala kami sa

paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbigay ng moral at pinansyal na suporta,

pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Higit sa lahat, ang mananaliksik ay nagpapasalamat sa Diyos na nagbahagi ng

kaalaman, kasagutan, at patnubay sa pagbuo ng papel na ito.

Ang lahat ng ito ay may malaking parte sa likod ng pagkakabuo at tagumpay ng

‘research proposal’ na ito na kung hindi dahil sa inyo ay hindi maisasagawa ta matatapos

ng maayos sa loob ng maikling panahon.

Muli , kami ay nagpapasalamat…

J.E.C

M.R.B.S
PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay buong puso at pagmamahal na aming inihahamdog sa

mga taong tumulong, gumabay, at naging bahagi ng pag-aaral na ito upang

magtagumpay na maisagawa ang pag-aaral na ito;

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng galang at katalinuhan upang maayos

na maisakatuparan ang pag-aaral na ito;

Sa aming mga magulang na sina Joan E. Continedo at Jerald Continedo at Amer

Said at Salma M. Baltao- Said na walang sawang sumusuporta sa aming pananaliksik;

Sa aming guro na si Mrs. Relita E. Vicencio na gumabay sa amin sa pagsulat ng

pananaliksik na ito
KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran nito

A. PANIMULA

Ang elektrisidad ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa

presensya at daloy ng kargang kuryente at pangunahing pangangailangan.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Elektrisisdad)

Ang elektrisidad ay isa sa pinakamahalagang bagay sa pang-araw-araw na

pamumuhay sa panahon ngayon. Ditto kinukuha ang enerhiya na ginagamit upang

paganahin ang iba’t-ibang kagamitan na kumakailangan ng kuryente o elektrisisdad

upang gumana.

Mula sa ating pagsilang, ay may mga pangunahing pangangailangan na ang

bawat indibidwal upang mabuhay, ito ay ang tirahan, pagkain, at kasuotan. Pero sa

paglipas ng panahon ay nag-iiba ang paraan ng ating pamumuhay.

Sa panahon ngayon, isa sa importante sa mga pangangailangan ng tao ay ang

kuryente. Hindi magiging kompleto ang isang bahay kung walang kuryente. Sa pag-

usbong ng mga makabagong teknolohiya, mas lalong kinakailangan ng elektrisidad

upang magamit ang mga teknolohiya. Katulad ng paggamit ng mga gadget, hindi ito

magagamit kung walang kuryente, sa pagluluto, at sa mga gamit na makakatulong upang

lalong bumilis ang trabaho ng isang tao.

Sa kabila ng lahat ng mga naglalabasang mga makabagong teknolohiya,

lumalaki ang demand ng elektrisisdad sa bawat tahanan ng isang pamilya dahil hindi

magagamit ang mga teknolohiya na ito kung walang elektrisisdad


Kasunod ng paglaki ng demand, lumalaki rin ang bilang ng pagkonsumo ng

kuryente at nagiging dahilan ng kakulangan ng suplay ng elektrisisdad at ito ay magiging

dahilan ng pagtaas ng kanilang bayarin sa kuryente.

Ang mga konsyumer ay nakakaranaas ng problemang pinansyal dahil sa patuloy

na pagtaas ng kanilang bayarin sa kuryente. May ilang mga dahilan kung bakit tumataas

ang bayarin sa kuryente, ilan dito ay ang sobra o magdamagang paggamit ng mga

appliances, hindi pag-unplug ng mga nakasaksak na appliances, dami ng populasyon ng

isang bahay o dami ng gumagamit ng kuryente sa isang bahay, at dulot ng pagtaas ng

temperature o patuloy na pag-init ng panahon na ang mga tao ay gumagamit ng aircon at

electric fan magdamag upang maibsan ang init na kanilang nararamdaman.

Ayon sa Power Distribution company, kahit di pa summer ay asahang tataas

ang bayarin dahil sagad-sagad din sa paggamit ng appliances para maalwan nagyong

matindi ang init.

https://news.abs-cbn.com/business/04/24/18/bayarin-sa-kuryente-tataas-kasabay-ng-

pagsipa-ng-konsumo

Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, ang dagdag singil sa

kuryente ay bunsod umano ng mataas na konsumo sa elektrisidad dulot ng tag-init.

Dagdag pa ni Zaldarriaga na tumaas din ang presyo ng kuryente dahil sa generation cost

at paglaki ng konsumo ng mga kostumer.

https://www.pressreader.com/P1/KwH-dagdag-singil-ng-Meralco

Ang kuryente ay nakakatulong sa ating pang-araw-araw na gawain, ngunit

kailangan rin nating maging matalino sa paggamit nito upang hindi tumaas an gating

bayarin.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang persipsyon ng mga konsyumer sa

pagtaas ng bayarin sa kuryente na nakaaapekto sa mga konsyumer.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay makakakalap ng

impormasyon na makakatulong sa mga konsyumer upang masolusyunan ang kanilang

problemang pangpinansyal sa bayarin sa kuryente.

C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito na may paksang “PERSIPSYON SA PAGTAAS NG

BAYARIN SA KURYENTE SA PILING KONSYUMER SA BARANGAY

ALFONSO XIII” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng

mga propayl ng mga mag-aaral o respondent.

1) Paglalahad ng mga propayl ng respondent

Pangalan : Baitang at Seksyon :

Edad : Katayuan sa buhay:

Kasarian:

2) Ano ang batayan sa pagtaas ng bayarin sa kuryente?

a) Dami ng appliances o devices

b) Hindi pag-unplug ng mga nakasaksak na devices


c) Dami ng populasyon sa loob ng bahay

d) Mataas na temperatura

e) Kakulangan ng suplay ng kuryente sa mga power distributor

D. HAYPOTESES

Alternatibo

May kaugnayan ang dami paggamit ng appliances o devices, hindi pag-unplug sa

mga nakasaksak na appliances, dami ng tao sa loob ng bahay, mataas na temperature, at

kakulanganng suplay ng kuryente sa mga power distributor sa pagtaas ng bayarin sa

kuryente.

E. SAKLAW AT DELIMITASYON

Itutuon lamang ang pag-aaral na ito ayon sa sumusunod:

Paksa. Ang pananaliksik na ito ay nauukol lamang sa persipsyon ng mga konsyumer sa

bayarin sa kuryente

Lugar. Sasakupin lamang ng pananaliksik na ito ang Mataas na Paaralan ng Quezon sa

Alfonso XIII, Quezon, Palawan


Respondente. Bibigyang pansin ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na

nagmula sa Grade XI- EIM block 1 at 2 na may tatlong babae (3) at dalawampu’t

pitong lalaki na may kabuuhang bilang na limampung (50) mag-aaral

Panahon. Ang pananaliksik na ito ay sinimulan gawin mula sa buwan ng Enero at

inaasahang matatapos sa buwan ng Pebrero taong kasalukuyan (2019)


F. BATAYANG KONSEPTWAL

MALAYANG BARYABOL PROSESO DI-MALAYANG BARYABOL

Negatibo: 1) I-unplug ang Pagtaas ng bayarin


mga kagamitang sa kuryente ng mga
1) kinakapos sa
gumagamit ng konsyumer
budget
kuryente na hindi
2) nababawasan ginagamit
ang nais
2) Bawasan ang
magpakabit ng
mga appliances o
kuryente
devices sa bahay
kung di
importanteng
Positibo:
gamitin
1) nakadaragdag
3) Gumamit ng
ng pondo sa
solar para
kooperatiba ng
makatipid sa
elektrisidad
kuryente
2)tumataas ang
4) Buksan ang mga
lokal na kita
bintana sa bahay
kung
nakararamdam ng
init

Nagkakaroon ng negatibo at positibong epekto ang pagtaas ng bayarin sa kuryente,

ilan ditto ay ang pagkapos ng badyet ng mga konsyumer dahil sa pagtaas ng singil sa
kuryente at maraming nababawas sa nais magpkabit ng kuryente dahil tumataas ang

bayariin dito

At nagkakaroon din ng positibong epekto ang pagtaas ng bayarin sa kuryente, ilan sa

mga ito ay nakadaragdag pondo sa kooperatiba ng elektrisidad na maaaring makatulong

sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng serbisyong elektrisisdad at tumataas ang kita ng

pamahalaang lokal dahil sa mga buwis na ibinabayad ng kooperatiba sa pamahalaan

Mayroong mga proseso upang maresolba ang pagtaas ng bayarin sa kuryente katulad

ng pagtanggal ng mga nakasaksak na mga kagamitan na komukonsumo ng elektrisidad,

huwag gamitin ang mga hindi importantemg mga kagamitan na komukonsumo ng

kuryente, buksan ang mga bintana kung nakararamdam ng init o mataas na temperature,

at maaaring gumamit ng solar upang lalong makatipid sa kuryenta dahil sa liwanag lang

ng araw ito kumukuha ng enerhiya.

G. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Para sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Quezon, ang resulta ng pag-aaral na

ito ay upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa dahilan at epekto ng

paglaki ng bayarin sa kuryente.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, ito ay inyong magiging gabay sa paggawa

ng pananaliksik na may kaugnay o kinalaman sa paksang ito at magkakaroon ng

kaalaman sa epekto at dahilan ng paglaki ng bayarin sa kuryente.


Para sa mga konsyumer, ang resulta ng pananaliksik na ito ay magkakaroon ng

kaalaman ang mga konsyumer sa pagtipid at para makaiwas sa paglaki ng kanilang

bayarin sa kuryente.

Para sa mga guro, maaari silang makakuha ng kaalaman sa pag-aaral na ito at maaari

nilang maging gabay sa kanilang mga mag-aaral.

H. KATUTURAN SA TALAKAYAN

Appliances. ay mga de-kuryenteng machine na tumutulong sa mga gawaing pambahay,

tulad pagluluto,paglilinis ,at pag-iimbak ng pagkain

( https://en.wikipedia.org/wiki/Home_appliances)

Demand. Ito ay naglalarawan sa dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng

isang tao o mamimili na may kaukulang presyo sa isang takdang panahon.

( https://ekonomiks.info/ano-ang-demand/ )

Devices. isang bagay, makina, o piraso ng kagamitan na ginawa para sa ilang espesyal na

layunin. Merriam-Webster Dictionary

Elektrisidad. ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa presensya

at daloy ng kargang kuryente at pangunahing pangangailangan.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Elektrisisdad)

Gadget. Isang maliit na makina o elektronikong aparato na may isang praktikal na

paggamit. . Merriam-Webster Dictionary


MERALCO. Ang Manila Electric Company, ay ang pinkamalaking tagapamahagi mg

kuryente sa Pilipinas

( https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Meralco/ )

Power Distribution Company. ay isang kompanya na nagbibigay serbisyo sa isang lugar

na nagpapadala at naghahatid ng suplay ng kuryente sa mga kabahayan o

pangkabuhayang establisyemento

( https://www.bounceenergy.com/faqs/pa/pa-power-choice/what-is-electric-distribution-

company )
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng pag-aaral at mga artikulo na

nakalap sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at pagresearch sa internet na may

kaugnayan sa napiling paksa na makakatulong upang laong mas maunawaan ang

ginawang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

A. Dayuhang Literatura

Ayon kay Faruqui (2014) , ipinakita na ang tugon ng mga kostumer sa mga presyo

na tumaas na mga presyo ay nakakatulong sa pagpapagana ng teknolohiya. Mas mataas

ang price responsiveness sa mas mainit na klima. Ang mga residential costumer ay mas

mahusay na tumugon sa mga dynamic na presyo kaysa sa komersyal at maliit na pang-

industriya na mga kostumer.

( https://www.researchgate.net/publication/311655383_A_literature_review_on_dynamic

_pricing_of_electricity )

Ayon kina Joskov and Wolfran (2012), ipahayag ang mga kontribusyon ni

Fredkahn, isang akademiko at isang regulador, noong dekada 1970, patungo sa

pagpromote ng mga patakaran sa pagpepresyo na nakabatay sa gastos, sa mga ipinag-

uutos ng mga serbisyo tulad ng kuryente. Inilalarawan nila ang mga oportunidad sa
pagpapa-implementa ng dynamic na pagpepresyo kasama ang kompetensya sa

pagbebenta ng buo sa merkado.

(https://www.researchgate.net/publication/311655383_A_literature_review_on_dynamic

_pricing_of_electricity)

a. Lokal na Literatura

Ang pagkonsumo ng elektrisidad ay tumataas sa bawat taon. Hindi lamang ang

pagdami ng populasyon na gumagamit ng kuryenta, sa pagtaas ng temperatura, ang

dahilan ng pagtaas ng konsumo,kundi ang makabagong teknolohiya ang isang dahilan

kung bakit tumataasang konsumo ng elektrisidad. Ang paggamit ng makabagong

teknolohiya ay nakakaapekto sa pagtaas ng bayarin sa kuryente.

(Eva Marie T. Nejar (2011). A review of the Energy Tax on Electric Power

Consumption, p12)

Habang may kakulangan ng kabuuang produksyon ng enerhiya sa Pilipinas,

walang indikasyon na ang mga presyo ng enerhiya ay apektado ng isang disequilibrium

sa demand at suplay ng kuryente dahil sa walang kakulangan sa kuryente, produksyon na

iminungkahi ng mga istadistika ng enerhiya. Ang pangangailangan para sa kuryente, lalo

na dahil ito ay nasa isang antas sa ibaba ng suplay ng kuryente, ay hindi makakaapekto sa

presyo ng enerhiya.

( Bienvido, S. Oplas Jr. (2015, August 13). The Philippine Electricity Market:

Monopoly and Competition)


Kaugnay na Pag-aaral

B. Dayuhang Pag-aaral

Ang bayarin sa kuryente ay ang pinakamahalagang instrument sa ugnayan sa

pagitan ng mga kostumer at mga nagsusuplay ng enerhiya. Ang bayarin na ito ay

nararapat na magbigay sa mga konyumer ng pangunahing impormasyon kasama ang

bilang ng nakonsumong enerhiya at halaga ng isang yunit upang matulungan silang

maunawaan ang paggamit at paggasta ng kuryente na nagreresulta sa pagbabago ng

pagkonsumo ng kuryente.

Aiming Zhou (May 2012). Comparative Analysis and Policy Study on Resedential

Electricity Bills in Selected ADB Member Countries

Batay sa Energy Information Administration sa ilalim ng pangangasiwa ng

Kagawaran ng Enerhiya ng Estados Unidos (2011), ang pagkonsumo ng kuryente

partikular sa buong Asia at Africa, ay lalago ng mabilis kasama ang pagpapaunlad ng

ekonomiya at pag-unti ng bilang ng kahirapan. Bilang isang pampublikong

pangangailangan sa mga konsyumer sa modernong lipunan, ang pagkonsumo ng kuryente

ay lumalaki ng mabilis kaysa sa pagkonsumo ng ibang uri ng komersyal na enerhiya na

may pinataas na kita ng lipunan.

Aiming Zhou (May 2012). Comparative Analysis and Policy Study on Resedential

Electricity Bills in Selected ADB Member Countries


b. Lokal na Pag-aaral

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang naghihirap, ngunit ang presyo ng

kuryente ditto ay kahalintulad sa mayamang bansa. Dito sa Asya, pangalawa lamang tayo

sa bansang Japan sa may pinakamataas na singil sa kuryente.

(https://philrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente-mula-sa-

perspektiba-ng-karapatang-pantao.pdf)

Ayon sa MERALCO, katulad rin sa mga nakaraang sitwasyon kapag madalas ang

pagnipis ng suplay ng kuryente ay nagkakaroon ng pagtaas ng kuryente sa merkado at

idinagdag ng MERALCO, na bababa na ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan

sa pagpasok ng tag-ulan dahil sa malamig na panahon.

(Radyo La Verdad (July 5, 2011). Kakulangan sa suplay, dahilan ng Pagtaas ng Singil sa

Kuryente ngayong buwan-MERALCO)

Dahil sa dami ng gumagamit ng kuryente sa paglobo ng populasyon at sa pagtaas

ng demand ng kuryente at dahan-dahan na itong tumataas ang singil sa kuryente.

Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balasican na maitatwa

ang kahalagahan ng kuryente sa lipunang Pilipino sapagkat mahalaga ang papel nito sa

pagbabawas ng kahirapan at pagpapaunlad ng bansa.

Maliwaag din sap ag-unlad ng bansa, tiyak na tataas din ang pangangailangan ng

enerhiya at magpapanatili lamang ng kaunlaran nito kung makakatiyak na may

maaasahan at murang kuryente sa ibang bansa.

( Michael Jay P. Pepito. Alternatibong Pagkukunan ng Enerhiya para sa Solusyon ng

Pambansang Kakulangan sa Kuryente)


KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa katuparan ng pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay nakapaglahad ng maaaring

disenyo, lugar ng pag-aaral, respondante, instrumentong gagamitan ng datos at

pamamaraang gagawin ng mananaliksik.

A. Pamamaraan ng Pag-aaral

Sa paraan ng pag-aaral na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang paraang

kwalitatibo at gumamit ang mga mananaliksik ng internet, aklat, at sarbey kwestyomet o

checklist upang makalikom ng impormasyon patungkol sa persipsyon ng mga konsyumer

sa bayarin sa kuryente

B. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraan g diskriptibo ang disenyong ginamit sa isinagawang pag-aaral.

Nais ilarawan ng mga mananaliksik ang pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa

kursong Elctrical Installation Maintenance hinggil sa persipsyon ng mga konsyumer sa

bayarin sa kuryente sa paraan ng sarbey kwestyuner o checklist.


C. Instrumento sa Pagkuuha ng Datos

Upang mapadali ang pananaliksik ng mga mananaliksik, ay gumagamit ang mga

mananaliksik ng mga talatanungan o sarbey kwestyuner na ibinahagi sa mga mag-aaral

ng Mataas na Paaralan ng Quezon partikulay sa Senior High sa seksyong Grade XI- EIM

Block 1 at Block 2 upang makakalap ng impormasyon sa kinahaharap na problema sa

pinansyal ng mga konsyumer dulot ng paglaki ng bayarin sa kuryente.

D. Pagkuha ng Respondente

Pagtutuunan ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Grade XI-EIM BLK. 1 at 2

at pipili lamang ng limampung (50) mag-aaral sa EIM BLK.1 at 2 sa paraang Random

Sampling

E. Kaganapan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gaganapin sa Mataas na Paaralan ng Quezon , kung saan

sasakupin ang mga mag-aaral ng Grade XI- EIM BLK. 1 at 2

F. Paraan ng Pagkolekta ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay maglalaan ng panahon sa pagbibigay ng mga sarbey

kwestyoner sa mga mag-aaral upang malaman kung ano ang kanilang persipsyon sa

pagtaas ng bayarin sa kuryente


G. Paraan sa Pag-aanalisa ng Datos

Gamit ang deskriptibong pag-aanalisa ng mga datos, susuriin ang mga nakuhang

datos mula sa mga respondent. Ang resulta sa sarbey kwestyuner o checklist ay

aanalisahin upang makapagbigay tugon sa haypoteses at makabuo ng konklusyon sa pag-

aaral

H. Daloy ng Pag-aaral

Naisagawa ang pag-aaral na ito ayon sa sumusunod na prosesong ginawa:

1. Ang mga mananaliksik ay gumawa at nag-isip ng paksa

2. Ang napiling paksa ay inaprobahan ng kanilang tagapayo sa asignaturang Pagbasa

at Pagsuri sa iba’t ibang teksto at pananaliksik

3. Inatasan ng tagapayo ang mga mananaliksik na gumawa ng iba’t ibang bahagi ng

pananaliksik na ito tulad ng pasasalamat, paghahandog, at sinimulan na rin ang

pangunahing kabanata.

4. Ang mga mananaliksik ay muling inatasan simulant na gumawa ng pangalawang

kabanata sa paraang pagsaliksik sa mga aklat, internet, at iba pa.

5. Sinimulan na rin gawin ang kabanta 3 kasabay ng pagsagawa ng sarbey

kwestyuner at pagbibigay nito sa mga

You might also like