You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito yung tungkol sa cyberbullying. Ang cyberbullying ay isang


uri ng pambubully na nangyayari kapag ang isang tao ay nagkakalat o nagpapadala ng
mensahe na nagbabanta o kaya’y nakakasira ng reputasyon ng kapwa nilang tao. Ito ay
kadalasang ginagawa upang ipahiya ang isang tao at maging miserable ito. Nangyayari
ang cyberbullying dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, at ng internet.

Kalakip ng pag-aaral na ito ay ang pagkakaroon ng maas malawak na


kaalaman tungkol sa cyberbullying. Maitatalakay din ang iba’t ibang epekto ng
cyberbullying sa sa mga taong nabiktima nito. Kasama na rin ang mga dapat gawin
kapag ang isang tao ay nakararanas ng cyberbullying, at kung paano malalampasan
ang karanasang ito.

Ang metodong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng mga


mananaliksik mula sa iba’t ibang sanggunian. Ang unang sangguniang pinagkuhanan
ay ang Google Tends, na kung saan ang may isang ulat sa kung saang bansa
laganap ang cyberbullying. Ang sunod namang sanggunian ay ang
stopcyberbullying.org, na kung saan ito ay nagsagawa ng sarbey tungkol sa mga
taong sangkot sa cyberbullying. At ang panghuli ay kung saan nagsagawa ng
interbyu sa isang biktima ng cyberbullying.

Ayon sa resulta ng ulat mula Google Trends, ang Pilipinas ay ika-apat na


bansa na kung saan laganap ang cyberbullying. Sa stopcyberbullying.org naman ay
mayroong mga taong huminto sa pagbully, may ibang nag-offline at iba pa. Sa
interbyu naman ay ipinayo ng biktima na malalampasan ang karanasan na ito sa
pamamagitan ng pananalig sa Diyos, at pagbangon sa sarili sa tulong ng mga taong
may malasakit.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mambabasa kung ano ang


cyberbullying, ano ang epekto nito sa tao at paano ito malalampasan ng isang tao.
Masasabin rin na ang cyberbullying ay tunay ngang mayroong masamang epekto sa
isang tao at kailangang itigil na ito sapagkat ito ay nakakasakit ng damdamin ng
ibang tao.

You might also like