You are on page 1of 4

KONSEPTONG PAPEL

Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral mula sa


Grade 11 ng Caloocan City Science High School

Mga Miyembro:

Aquino, Allein Faith P.

Cumbe, Miguel Alfonso

Mariveles, Jorge Nicole

XI-Baryon

Ipapasa kay:

Gng. Genefe Roxas

Marso 2019
RATIONALE

Ang cyberbullying ay ang pagmamaton sa pamamagitan ng paggamit ng interest at iba

pang kaugnay na teknolohiya para sa sadya at paulit-ulit na makasakit sa kapwa tao. Marami ang

maaaring magig epekto nito sa isang tao o kabataan. Halimbawa nito ay insecurities, pagbaba ng

self-confidence, pagiging malungkot, at ang pinakamalala ay ang pagkitil ng buhay. Kaya ang

pangunahing layunin ay bigyang kaalaman ang mga mababasa tungkol sa isyung cyberbullying.

Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga epekto nito sa mga estudyante at mabigyang ideya ang

mga mababasa kung gaano kalaganap ang cyberbullying.

Ayon kay Bill Besev, ang katawagang “cyberbullying” ay binigyang kahulugan bilang

“paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at pang-komunikasyon para suportahan ang

sinasadya at paulit-ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit

ng tao.” Kinalaunan, ang cyberbullying ay itinuring na naglalayong manakit o magpahiya ng

kapwa sa pamamagitan ng internet, teleponong secular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o

mga larawan.

Ang cyberbullying ay may malubhang epekto sa estudyante na maaaring magsanhi ng

pangmatagalan sa mga biktima at nananakot. Ito ay mahalagang ihinto at makakuha ng tulong sa

mga tao na kasangkot. Ayon sa batas na Anti-Bullying Act of 2012, layon nito na maging

pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkakaroon ng mga

polisya upang mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully

sa kanya-kanyang institusyon.
Ang resulta ng pag-aaral ay makabuluhan sa mga taong nagmamalasakit sa mga biktima.

Bukod dito, ang resulta ay magsisilbing gabay upang masugpo ang nambully, malaman ang

dahilan kung bakit ito ginagawa, at matulungan ang batang nakaranas nito.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon at kongkretong datos

ukol sa epekto ng cyberbullying sa mga estudyante mula sa Senior High School ng Caloocan City

Science High School. Bibigyan nito ng higit na pansin ang mga taong direktang naapektuhan ng

nasabing usapin. Walang anumang eksperimento ang magaganap at manggagaling lamang ang

mga datos mula sa sarbey na ipapakalat sa mga napiling kalahok.

LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layuning bigyan ng kaalaman ang mga

mambabasa tungkol sa cyberbullying, sa pamamagitan ng pag-alam ng mga posibleng epekto ng

nasabing gawain sa mga estudyante. Bukod pa rito, nais ng mga mananaliksik na mabigyang ideya

ang mga mambabasa kung gaano kalaganap ang gawaing ito. Mula sa mga makakalap na datos,

tutuklasin ang mga posibleng dahilan kung bakit nangyayari ang cyberbullying at nais ding

mabigyan ito ng solusyon upang patuloy nang bumaba ang porsiyento ng mga nabibiktima. Sa

makabagong teknolohiyang ginagalawan ngayon, naging daan ang internet upang

makapagbigay ng mga mapanuksong komento, makapagbato ng mga hindi kanais nais na

salita, o anumang aksyong pinapanira sa kapwa. Hindi alam ng karamihan na ang gawaing ito

ay may katumbas na epekto sa mga nakararanas ng cyberbullying. Bukod sa naaapektuhan nito

ang pangkaisipang kalusugan ng isang mag-aaral, nakaaapekto ito sa kaniyang pag-aaral.

Maaaring bumaba ang mga grado at magkaroon ng inaktibong partisipasyon sa loob ng silid-
aralan. Kapag hindi nasolusyunan ang cyberbullying, maaaring humantong ito sa pagkakaroon

ng depresyon at kalaunay pagkitil ng sariling buhay.

METODOLOHIYA

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng sarbey sa mga estudyante

mula sa grade 11 Senior High School ng Caloocan City Science High School patungkol sa epekto

ng cyberbullying bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na

isasagawa.

Ang sarbey ay naglalaman ng mga katanungan ukol sa karanasan ng mga kalahok ukol sa

cyberbullying, na siyang tutugon tungkol sa layunin ng nasabing paksa.

INAASAHANG OUTPUT O RESULTA

Inaasahan ng pananaliksik na ito na makabuo ng 25 pahinang output na tumutugon sa

layunin ng papel na ito. Inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon

na maaaring magamit ng piling paaralan o iba pang paaralan na nag-nanais na magsasagawa ng

pananaliksik ukol sa epekto ng cyberbullying sa isang mag-aaral.

You might also like