You are on page 1of 26

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pag unlad ng mga teknolohiya ay kasabay na din ang pagbabago ng mga

kabataan sa kanilang mga pag-uugali na nakukuha nila sa kanilang paligid o sa

kanilang mga nakikita katulad na lamang sa mga programa sa telebisyon, radyo at sa

social media na may malaki talagang impak sa kanila dahil halos lahat na ng kabataan

ang gumagamit nito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng masamang ugali ng mga

kabataan ngayon.Isa ito mga nagiging rason upang sila ay makasakit ng kapwa

kabataan.Dahil sa gantong kalagayan dito na pumapasok ang salitang bullying. Ang

bullying o pambubulas ay paraan ng pananakit sa kapwa at may iba’t ibang uri ayon sa

Anti-bullying campaign ng VIII-I mayroong pasalitang pambubulas na ang ibig sabihin

ay, pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao.Kasama rito ang

pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,

pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming tao, at iba pa.

Sosyal na pambubulas ay ang ibig sabihin ay may layuning sirain ang reputasyong at

ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao at pisikal na pambubulas na pananakit sa isang

indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari ngunit sa pag aaral na ito

ang bibigyang diin ay ang pasalitang pambubulas o diskriminasyon gamit ang berbal o

pasalita na mas nakakabahala dahil sa panahon ngayon ang mga kabataan ay

masyado nang tinatamasa ang kanilang kalayaan sa pagsasalita na hindi nila alam na

mayroon na pala silang nasasaktan.Ayon sa pag-aaral ng UNESCO institute for statistic

(2018) na mayroong 32% na mga lalaki ang nakakaranas ng diskriminasyon sa buong

1
mundo at ayon naman kay Sonnie (2018), mayroong 21% na kaso na nangyayaring

diskrimisnayon sa mga paaralan sa Pilipinas na napakalaking porsyento ng mga

nakakaranas ng diskriminasyon na kung kahit saan mo tignan ay ito ay nakakabahala

sa simpleng salita na sinasabi maaaring isang pagkatao ang sinira na nagiging dahilan

pa upang bumababa ang kompiyansa o bilid sa sarili dahil naapektohan na sila sa mga

salita na naririnig nila o sinasabi sa kanila.

2
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano ang epekto ng

diskriminasyong berbal sa mga kabataang nakararanas nito sa kung paano nababago

ang emosyon ng isang tao.Tumulong na magbigay ng bago at dagdag kaalaman kung

paano malalaman kung ang isang tao ay nakararanas ng diskriminasyong berbal at

kung anu-ano ang mga maaring gawin ng isang indibidwal sa mga taong nakararanas

nito gaya na lamang ng mga magulang,guro,kaibigan o ng iba pang tao.Ang mga

katanungang nanghihingi ng kasagutan na magmumula sa mga taong nakararanas o

nakaranas na nito.

Sa pag-aaral na ito ay nag-lalayon na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1.Anu-ano ang mga rason kung bakit nararanasan ang diskriminasyong berbal ng

bawat kabataan?

2Paano naaapektuhan ng paberbal na diskriminasyon ang sarili?

3.Ano ang mga posibleng gawin ng isang indibidwal upang matulungan ang mga taong

nakararanas nito o maging ang sarili?

3
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag aaral na ito ay patungkol sa epekto ng diskriminasyong berbal sa mga

kabataan at pagbibigay ng mga dagdag impormasyon kung ano ng ba ang

diskriminasyong berbal at kung gaano karami na mga kabataan na nakakaranas nito

upang maaksyunan dahil ang problema na ito ay sinasabi lang na napakaliit at kung

magsasaliksik ay makikita na ito ay hindi lamang basta basta dahil maari itong makasira

ng pagkatao ng isang indibidwal na nakakaranas nito.

Ang magiging resulta ng pag aaral na ito ay maaring makatulong sa mga tao na

nakapaligid sa biktima ng diskriminasyong berbal, bukod pa sa magiging resulta nito ay

magbibigay ng dagdag impormasyon upang masugpo ang problema na ito at

matulungan ang nakakaranas nito.

Mahalaga din ang pag aaral na ito sa mga taong sumusunod:

Mga guro, makakatulong ang pag matutulungan aaral na ito upang mabigyan ng

bagong impormasyon upang malaman nila kung ang kanilang estudyante ba ay

nakakaranas ng diskriminasyong berbal at kung paano niya ito masososlusyunan..

Mga mag aaral, magkakaroon ng kaalaman ang mga mag aaral na ang bagay na ito ay

hindi dapat gawin dahil hindi ito nararapat at nang maiiw

asan

4
Mga magulang, magkakaroon ng pansin sa kanilang mga anak at mabigyan sila ng

karandagang impormasyon kung paano nila matutulungan ang kanilang anak na

nakakaranas nito at upang maayos ang bilib sa sarili na nasira.

Mga mananaliksik, kasama rin ang mga mananaliksik dahil sila ang inaasahan na

makatulong sa iba pang mananaliksik at magbigay ng mga impormasyon upang

matulungan ang mga susunod na mga mananaliksik.

Mga mambabasa, inaasahan sa mga mambabasa na pagkatapos nilang mabasa ang

aralin o tisis na ito ay makapulot sila ng kaalaman na ang diskriminasyong berbal ay

hindi dapat gawin dahil ito ay mali o masama.

5
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga bagay na kaugnay lamag.Ito

ay nakatuon sa ibat-ibang epekto ng diskriminasyong berbal sa emosyon ng mga taong

nakararanas nito.Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ito nararanasan ng nawat

kabataan at kung anu-ano nga ba ang mga posible at magandang paraan na maaaring

gawin ng mga taong nakararanas nito at ng mga taong nakapaligid sa mga taong

naaapektuhan nito.Ipinapakita din sa pag-aaral na ito kung paano nagbabago ang

emosyon ng isang indibidwal kapag sila ay natanggap ng mga masasakit na salita mula

sa ibat-ibang tao sa pamamagitan ng mga katanungan na ipapasagot sa mga piling

Senior High School na estudyante ng World Citi Colleges Antipolo (WCC) na may edad

na labing-anim hanggang labing-siyam na taong gulang lamang upang nang sa ganon

ay malaman ang kani-kanilang mga persepsyon patungkol sa isinasagawang pag-aaral

na ito.Sa maikling paglalahad,ang iba pang aspeto na hindi kaugnay sa pag-aaral na ito

ay hindi kabilang sa pagbuo ng pananaliksik na ito.

6
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang higit na mas maunawaan ang mga paliwanag at pinapahayag ng pag aaral na ito,

binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita na ginamit sa pag-aaral na ito.

Diskriminasyon- pagtrato sa isang tao sa hindi patas at pantay na pamamaraan dahil sa

mga taglay nitong pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan ng mga

tao.

Berbal- paraan ng pakikipag-komunikasyon na ginagamitan ng wika upang

maipahayag ang nais ibahaging impormasyon o kaalaman sa pamagitan ng pagbigkas

o pasulat na pamamaraan.

Emosyon- anumang nararamdaman ng isang tao gaya ng kasiyahan, kalungkutan,

kabiguan at iba pa.

Kabataan- tumutukoy sa pangkalahatang mga bata na nakatira sa isang lupain. Ito ay

maaaring tumukoy din sa mge menor de edad.

Problema- bagay na talagang nagpapalungkot; nagpapabagabag; napapaisip ng

malalim ng isang tao. Ito ay isang suliranin na dapat na solusyunan.

Masugpo- Mapigil/mapigilan, maputol.

Mananaliksik- isang tao na kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon at

mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.

7
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

BANYAGANG LITERATURA

Ayon sa BullyingUK napakaraming mga kabataan ang nakakaranas ng pang

iinsulto sa pangaraw-araw na pamumuhay sa paaralan man o maging sa kanilang

kanilang komunidadAng ganitong kaso ay walang pinipili na edad at ang nakakaranas

nito ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang sarili lalong lalo na sa

kanilang emosyonal na pakiramdam, ang mga taong nakakaranas nito ay hindi

mahahalata dahil makikita kanilang panlabas ay maayos lang sila pero sa kanilang

kalooban ay sobrang bagsak o mababa na ang tingin sa kanilang mga sarili.Katulad na

lang ng sa simpleng bagay na ang nagiging tingin nila o nararamdaman nila ay sobrang

laki na ng ibig sabihin nito sa kanila kahit sa ibang tao ay wala lang ito.Kung kaya’t sa

berbal na diskriminasyon ay mayroon talagang napakalaking impak sa pagkawala ng

bilib sa sarili. Ayon din sa pag aaral na ito may mga bagay na maaring maging solusyon

ng ganitong problema, kapag nakakaranas na nito ay wag matatakot na magsabi sa

mga nakakatanda para matulungan ka,hu wag mong iisipin na mahina ka kapag ginawa

mo iyon.Kung sa paaralan naman nakakaranas wag na wag magdadalawang isip na

magsumbong o magsabi sa guro o sa mga tao na alam mo makakatulong sa iyo

katulad ng guidance councilor dahil hindi sila mag dadalawang isip na gumawa ng

aksyon sa iyong sumbong para ito ay matigil. Ang pangalawang magandang solusyon

ay ang magsabi sa magulang o sa kahit kaninong parte ng pamilya na alam mong

makakatulong sa iyo sapagkat ang pamilya ay mayroong malaking parte na magbibigay

sa iyo ng suporta sa emosyon sapagkat importante ay mayroong malalabasan o

8
masabihan ng sama ng loob upang gumaan ang kalooban. Pangatlong solusyon ay

huwag mo na silang pansinin sa mga sinasabi nila dahil ang mga tao na nangbubully ay

titigil na sila kapag alam na nila na walang pake yong taong kanilang iniinsulto at titigil

na sila.

Hindi pang karaniwan na ang mga tao ay nakakaranas ng diskriminasyong

berbal,maaaring tawagin ka sa ibang pangalan o pang-insulto sa isang punto sa

kanilang buhay.Ayon sa salawikain na nag sasabi na kung ano ang iniisip niya sa

kanyang puso, gayon din siya, na ang ibig sabihin kung ano iniisip niya ay sumasalamin

sa kung sino siya sa pamamagitan ng paraan ng kanyang pananalita at sa mga bagay

na kanyang ginagawasa.Anumang tinatawag ng ibang pangalan o ininsulto ay maaaring

magkaroon ng epekto sa kabutihan ng isang tao ayon sa Family Lives (2014). Walang

pinipiling edad ang paberbal na diskriminasyon sa ibang tao mapabata man ito, binata,

dalaga, o kaya'y matanda ay maaaring maapektuhan ang kanilang emosyon dahil sila

ay nasasaktan.Hindi sila robot upang hindi makaramdam ng masakit na salita o

tinatawag sa ibang pangalan.Kagaya na lamang ng mga salitang panget, mataba,

pandak, baboy, unggoy at kung ano-ano pang ibang katawagan.Ang isang taong

inaalipin sa ganitong pamamaraan ay maaaring makaramdam ng maraming iba't-ibang

uri ng damdamin.Kadalasan ang isang tao ay nagpapanggap na mabuti sila sa labas na

anyo ngunit sa loob nila ay maaaring pakiramdam nila'y napakababa o napakasakit.

Maaaring hindi nila nais ipakita sa iba dahil ayaw nilang mag isip ang iba na big deal ito

na wala namang patutunguhan o hindi kaya't maaaring mag biro at marahil sila ay mag

aalala na baka itoý lumaki at magkasamaan pa.

9
Ayon kay Jovana Daljevic (2014), ang berbal na diskriminasyon ay isa sa mga uri

ng diskriminasyon na nangyayari kadalasan sa mga paaralan na maaaring maranasan

ito mapa lalaki man o mapababae ngunit ang kadalasan na nakakaranas nito ay mga

babae dahil mas mahina ito kaysa sa mga lalaki.Ang berbal na diskriminasyon ay ang

pasalita na pananakit sa kapwa at ito ay ang pinakamahirap na makita at mapigilan

sapagkat ito ay pasalita at hindi napapansin ng ibang tao na nakakasakit na sila sa mga

kanilang pinagsasabi o kaya naman hindi napapansin ng ibang tao na may nangyayari

ng diskriminasyon dahil ang mas alam nila na diskriminasyon ay may nakasali na

pananakit o pisikal na pang aabuso,mayroong napakalaking epekto nito sa mga

kabataan na nakakaranas ng berbal na diskriminasyon nariyan na pumapasok ang

pagliban sa pagpasok sa paaralan at ang malala pa nito ay ang pagtigil sa pag aaral,

pagkawala sa interes sa mga bata na gusto niya talaga , pagkakaroon ng ibang interes

sa ibang bagay, habit, style na gusto, kulay ng balat, may kapansanan rin halimbawa

lamang ng mga bagay na ginagawan ng isyu para makasira sa ibang tao.Pero

maraming tao na nagsasabi na napakababaw lang ng ganitong isyu dahil salita lang

naman ang ginagamit ngunit ang hindi sila alam hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang

mararamdaman sa sinasabi nila.Katulad ng sa iba ay mababaw lang iyon ngunit sa iba

naman ay napakamakahulugan na iyon.

Ayon kay Marcia (2019),sa tuwing mayroong taong nakakaranas ng berbal na

diskriminasyon ito rin ang nagiging dahilan na mawalan sila ng bilib sa kanilang mga

sarili na nagiging dahilan para mawalan sila ng lakas ng loob para makisalamuha sa

ibang tao o makipagkomunikasyon at mas pipiliin nalang nilang mag isa.

10
LOKAL NA LITERATURA

Ayon kina Besa et,al na sa kanilang pag aaral patungkol sa diskriminasyong

berbal na mayroong layunin na malaman ang kung ano ano nga ba ang epekto nito sa

mga high school studyante na nakakaranas ng ganitong diskriminasyon.Dahil sa

napakalaking kaso ng pangbubully na nangyayari sa mga paaralan kada taon lalong

lalo na ang kaso sa berbal na diskriminasyon. Ang diskriminasyong berbal ay paggamit

ng mga masasakit na salita o paninira sa ibang tao.Mayroong iba't ibang uri ng berbal

bullying ito ay ang pang iinsulto, pang iinsulto at pagiging rasista,ang mga uri nito ay

napakadaling gawin pero napakalaki ng impak sa mga tao na nakakaranas nito.

Maaring ang maging epekto nito sa kanila ay ang pagkakaroon ng pagkawala ng tiwala

sa sarili,depresyon,pagkakaroon ng pakiramdam na sobrang lungkot at pagkabalisa at

ang pinakamalala pa nito ang mga bagay na kung saan sila may interes ay mawawala

na sila ng pake doon o unting unti nila mararamdaman na wala na silang halaga.

Ang diskriminasyong berbal ay isa sa mga problema na hinaharap ng mga

kabataan sa panahong ito.Ito ay uri ng pambubully o pambubulas na pasalita.Ito rin ay

panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw, pag-mumura, pang iinsulto, pag papahiya

sa harap ng maraming tao.Ito ay walang pinipiling kasarian ayon sa isang manunulat ng

Aral mula sa likha ko (2017) dahil kadalasang biktima nito ay ang mga matataba,

mapapayat,bakla,tomboy at iba pa.Lahat maaaring maging bully,karaniwan ding maging

biktima ay ang mga kabataang alam nilang mas mahina at alam nilang walang kalaban

laban sa kanila o kaya'y mas mababa ang estado sa lipunan. Maaaring nangyayari ang

diskriminasyong berbal sa paaralan, pribado o publikong opisina, sa loob ng tahanan at

sa komunidad. Kahit na kayo ay malapit sa isa't-isa kung kayo'y nag kukutyaan, nag tsi-

11
tsismisan sa kapwa ay isa din itong diskriminasyong berbal o pambubully kahit na

kayo'y nag bibiruan lamang ngunit hindi mo alam na nasasaktan ang isa sa inyo dahil

sa iyong sinabi sa kapwa.Isa sa biktima ng diskriminasyong berbal ay si Xander Ford,

maraming nagungutya sa kanya dahil sa kontrobersyal na nag paretoke siya sa

kanyang mukha at dahil rin sa kanyang pagiging mayabang. Ayon kay Beatrice Marie

(2017) Nag kakaroon ng bully sa isang lugar dahil sa hindi kaaya-ayang nakikita sa

kanyang paningin. Maaaring nalaman ng bully na ang kanyang biktima ay may

problema sa pamilya halimbawa kapg walang ama o kaya ina o di kaya'y siya'y ampon

at iba pa.Kaya nila ito ginagawa dahil wala silang nagagawa sa kanilang buhay,

maaaring kulang sila sa pansin kaya gumagawa sila ng paaraan upang gawing

miserable ang buhay ng isang tao o mag-aaral.Sa mga pelikula sa telebisyon madalas

nating nakikita ang pang-aapi, pangungutya, pag mumura sa kawawang bida, ngunit sa

bandang huli nag tatagumpay ang biktima ng pang-aapi at malalagay sa kawawang

sitwasyon ang nang-aapi. Ngunit hindi isang pelikula ang nangyayari sa loob at labas

ng paaralan at nakakalungkot isipin na hindi rin ligtas ang mga estudyanteng biktima ng

pangungutya sa loob ng paaralan. Kaya karamihan sa mga biktima ng diskriminasyong

paberbal ay nagpapatiwakal dahil hindi nila kinakaya ang kanilang mga naririnig na mga

masasamang salitang kanilang natatanggap mula sa mga naninira sa kanila.

Ayon sa Conquer Bullying, ang berbal na pambubulas ay isang uri ng pasalita na

pananakit sa iyong kapwa.Kadalasan na nagaganap ito ay sa mga paaralan,ang mga

halimbawa nito ay ang name calling at pang aasar.Halimbawa nito ay ang pang-aasar

sa mga bagay na mayroon kang pagkakaiba sa kanila katulad na ikaw ay mataba o

kaya naman ay mayroon kang kapansanan.Ang mga taong gumagawa nito o mga

12
kabataan na gumagawa nito ay mga taong walang disiplina sa sarili,puro papansin lang

ang alam at laging laman ng guidance kapag mayroon kang nakakasalamuha na

ganitong mga tao.Dapat ihanda dapat lagi ang sarili dapat maging matapang at

nakakaranas naman ng berbal na pambubulas,huwag matatakot na magsabi sa iyong

guro kung hindi man niya ito malutas dumiretso na agad sa inyong prinsipal ngunit

kapag wala talaga silang aksyon, wag kang magdadalawang isip na magsabi sa DepEd

at sigurado na gagawa sila ng aksyon sa problema na ito.Huwag matakot magsalita

upang ang epidemyang ito ay malutas o mapuksa at huwag lagging mag isa para

maiwasan ang mabully makisalamuha at makipagkaibigan at kung may nakikita na

binubully huwag matakot na ito ay tulungan dahil ang tulong na iyong ginawa ay

mayroong napakalaking tulong sa kaniyang kinabukasan.Maging isang tagapamuksa

ng epidemyang ito sabi nga ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag asa ng bayan.”

Maraming kabataan ang nakakaranas ng berbal na diskriminasyon kada taon na

ang resulta ay lubhang nakakabahala.Maraming kabataan ang na kung magsalita sa

kanilang kapwa ay grabe.Ang pamamaraan ng kanilang pananalita ay may halong

pambabanta lalo na sa mga taong hindi matapang at may mahiang kalooban na kapag

hindi sinunod ang kanilang kagustuhan ay sisiraan sa ibang tao na nagiging sanhi ng

pagbabago ng pag-uugali ng isang tao dahil sa mga taong sumisira ng kanilang

pagkatao Marcia (2016).

13
KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALISIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib-analitik bilang disenyo sa

pagsasagawa ng pananaliksik sapagkat ito ay naglalayong malaman ang mga epekto

ng diskriminasyong berbal sa tiwala sa sarili ng isang indibidwal. Ang mga mananaliksik

ay nagdisenyo ng mga talatanungan upang ipasagot sa mga respondent sa pag-aaral

na ito.

RESPONDENTE

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng World

Citi Colleges Antipolo na nasa ika-11 na baitang.Gumamit ang mga mananaliksik ng

random sampling kung saan ay pumili ng mga mag-aaral na kabilang sa ibat-ibang

antas na silang magsisilbing respondente sa mga katanungang ilalapat ng mga

mananaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pangangalap ng mga kinakailangang impormasyon sa pag-aaral na ito ay

naisagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng mga talatanungan sa mga respondente.

Sarbey-kwestyuner ang ginamit sa pagkalap ng mga impormasyon upang malaman ang

ibat-ibang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa paksang nabanggit.

14
TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga nakalap na datos sa pag-aaral na ito ay mula sa mga nakuhang mga

kasagutan sa mga talatanungang ibinigay sa isinagawang sarbey ay itinally upang

malaman ang eksaktong mga bilang basis a kanilang mga persepsyon.Ang mga

nakuhang resulta ay pinagsama at ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga

tumugon.Ang mga ito ay isinalarawan gamit ang grap upang mas madaling maunawaan

ng mga mambabasa ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik.

1.Alam mo ba ang diskriminasyong berbal?


1.1

40

30

20

10

0
Oo Hindi

Base sa bar graph na ito ay maraming kabataan ang may alam o kaalaman kung

ano nga ba ang diskriminasyong berbal. Ibig sabihin ay alam nila kung sila ay

nagbibitaw ng mga paberbal na diskriminasyon o kung sila ay nakararanas nito.

15
2.Isa ka ba sa mga nakaranas ng diskriminasyong berbal?
1.2

25
20
15
10
5
0
Oo Hindi

Sa bar graph na ito ay nagpapakita na mas maraming kabataan ang

nakararanas ng diskriminasyong berbal ngunit sa kabilang banda,may iilan rin namang

hindi pa naranasan ang paberbal na diskriminasyon.

3.Masakit ba ang mabitawan ka ng mga masasakit na salita?


1.3

30
25
20
15
10
5
0
Oo Hindi Hindi
Masyado

Sa bar graph na ito nagpapakita na talaga namang masakit ang mabitawan ng

mga masasakit na salita samantalang mayroon din namang nagsasabi na hindi sila

nasaktan nito na nakadepende sa kung paano ito tatanggapin ng mga kabataang

nakararanas nito.

16
4.Lubos ka na bang naapektuhan ng paberbal na diskriminasyon?
1.4

20
15
10
5
0
Oo Hindi Hindi
Masyado

Sa bar graph na ito nagpapakita na marami na talagang nakatanggap ng mga

masasakit na salita na lubos na nakaapekto sa bawat kabataan.Ngunit may mga bata

ring hindi ito lubos na nakaapekto na siguro ay nakadepende sa kanilang pamamaraan

upang hindi maapektuhan ng mga salitang ito.

5.Sino na ang mga taong nagbitaw na sayo ng paberbal na diskriminasyon?


1.5

20

15

10

0
Pamilya Kamag-aral Kaibigan Lahat ng
nabanggit

Base sa bar graph na ito ay karaniwang rason kung bakit nakatatanggap ang

isang indibidwal ng diskriminasyong berbal ay ang mga pamilya, kamag-aral at kaibigan

at maaari rin namang lahat ng nabanggit.

17
6.Ano ang dahilan kung bakit ka o ang isang tao ay nasasabihan ng diskriminasyong
berbal?
1.6

14
12
10
8
6
4
2
0
Pisikal na Pag-uugali Lahat ng
Kaanyuan nabanggit

Base naman sa bar graph na ito, ang mga dahilan kung bakit nakatatanggap ang

isang tao ng paberbal na diskriminasyon ay nakabatay sa pisikal na kaanyuan, pag-

uugali o maaaring pareho ito.

7.Ano ang iyong maaaring maramdaman o ng ibang tao kapag ikaw o sila ay nakaranas
ng diskriminasyong berbal?
1.7

16
14
12
10
8
6
4
2
0
Malungkot Mabigo Maasar Lahat ng
nabanggit

Sa bar graph naman na ito nagpapakita na dahil sa mga natatanggap na salitang

diskriminasyon, maaaring maging malungkot at mabigo ang isang indibidwal kapag sila

ay nilalait ng pasalita o maaaring halo ang dalawang emosyon na ito.

18
8.Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay nasaktan ng paberbal?
1.8

18
16
14
12
10
8
6
4
2
0
Isasaayos ang mga Mas ipagmamalaki Lahat ng
maling pag-uugali ang pisikal na nabanggit
na nakikita ng kaanyuan.
ibang tao.

Sa bar graph naman na ito nagsasabi ng mga mungkahing solusyon kapag ang

isang tao ay naapektuhan ng diskriminasyong berbal sa pamamagitan ng pag-sasaayos

ng pag-uugali, mas ipagmamalaki ang pisikal na kaanyuan o maaaring lahat ng ito.

9.Sa iyong palagay, ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang diskriminasyong

berbal?

1.9

25
20
15
10
5
0
Maging Isaalang-alang Itatak sa isipan Lahat ng
sensitibo sa ang salitang na walang tao nabanggit
mga pananalita. respeto. ang perpekto.

Sa bar graph naman na ito inilalahad ang mga maaaring gawin ng isang

indibidwal upang maiwasan ang diskriminasyong berbal sa pamamagitan ng pagiging

19
sensitibo sa pananalita, iisaalang-alang ang salitang respeto,itatatak sa isipan na

walang taong perpekto o maaaring sa pamamagitan ng lahat ng ito

10.Bilang isang indibidwal, ano ang maaari ming gawin kapag ang isang tao ay
nakakaranas ng diskriminasyong berbal?
2.0

25
20
15
10
5
0
Pagaanin ang Iparamdam na Magkaroon ng Lahat ng
kanilang sila ay mahalaga. masinsinang pag- nabanggit
kalooban. uusap.

Base naman sa bar graph na ito ay ang isang indibidwal ay maaaring

makatulong sa mga taong nakararanas ng diskriminasyong berbal sa pamamagitan ng

pagpapagaan sa kanilang kalooban,pagpaparamdam na sila ay mahalaga,pagkakaroon

ng masinsinang pag-uusap o maaaring sa pamamagitan ng lahat ng ito.

20
LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay nag-umpisa sa layunin ng mga mananalisksik na

malaman ang epekto ng diskriminasyong berbal sa emosyon ng mga kabataang

nakararanas nito.Nagsimula ang mga mananaliksik na mangalap ng mga impormasyon

at ideya upang madagdagan ang mga kaalaman patungkol sa paksang nabanggit.Ang

mga mananaliksik ay pumili ng mga pamamaraan ng pananaliksik sa pagkuha ng mga

datos na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kwestyuner na binuo upang masagot

ang katanungan sa pag-aaral na ito,pagkatapos ay ibinahagi ito sa sampung

estudyante sa bawat napiling strand upang sagutan ang mga kwestyuner.Prinesenta sa

pamamagitan ng bar graph base sa mga kasagutang nagmula sa mga piling estudyante

at talaga naming lumabas kung ano nga ba ang mga epekto ng diskriminasyong berbal

sa bawat kabataang nakararanas nito.Nasagawa ang kongklusyon at nalaman ng mga

mananaliksik at ang mga maaaring maging rekomendasyon base sa naging resulta ng

isinagawang pag-aaral na ito.

21
KONGKLUSYON

Batay sa mga datos na nakalap at inilahad, ang mga mananaliksik ay nagkaroon

at humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

A. Maraming mga kabataan ang nakararanas ng diskriminasyong berbal.

B. Ang mabitawan ng diskriminasyong pasalita ay nakaaapekto sa emosyon ng

bawat tao.

C. Ang diskriminasyong berbal ay nagmumula sa ibat-ibang tao.

D. Ang mga dahilan kung bakit nakararanas ang isang tao ng paberbal na

diskriminasyon ay dahil sa pisikal na kaanyuan o sa paraan ng pag-uugali.

E. Nakadepende sa tao ang pagkakaroon ng diskriminasyong berbal at kung paano

nila ito tatanggapin.

F. Upang maiwasan ang diskriminasyong berbal ay ang pagiging sensitibo sa

anumang bagay.

G. Ang diskriminasyong berbal ay mayroong napakalaking epekto sa mga taong

nakararanas nito.

H. Ang mga taong nakararanas nito ay may mahinang loob para ipagtanggol ang

kani-kanilang mga sarili sa mga taong nangdidiskrimina sa kanila.

I. Sa mga taong nakararanas nito ay maaaring mayroong kakaiba sa kanila o

mayroong bagay na kainggit-inggit sa kanila.

J. Sa mga tao naman na gumagawa nito ay sa tingin ng mga mananaliksik ay

nakararamdam sila ng inggit o kaya ay sila ay kulang sa disiplina at gabay ng

mga magulang.

22
K. Sa mga magulang naman na may anak na nakararanas nito ay maaaring may

kakulangan pagdating sa komunikasyon upang malaman kung may anumang

problema sa paaralan.

L. Ang solusyon sa problemang ito ay nasa kamay ng bawat tao.

23
REKOMENDASYON

Base sa mga impormasyong nakalap, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng

mga sumusunod na rekomendasyon:

A. Ang paaralan ay dapat bigyan ng pansin ang mga mag-aaral ng sapat na

proteksyon at konsultasyon upang mabigyan ang bawat mag-aaral ng

maayos at magandang daloy ng pag-aaral.

B. Isa ang mga guro sa mga dapat magbigay ng gabay sa mga mag-aaral

upang maiwasan ang pang-didiskrimina at bilang pangalawang magulang

ay dapat magkaroon ng masinsinang komunikasyon kung kinakailangan

ang mga mag-aaral.

C. Ang mga magulang ay ang mas malaking tulong sa mga kabataan na

nakararanas ng diskriminasyong berbal,nararapat lamang na magkaroon

ng sapat na komunikasyon sa loob ng tahanan upang malaman ang mga

pangyayari sa buhay ng kanilang mga anak at kung sakaling mayroong

problema ay agad silang matulungan kung ano ang maaaring gawin

upang masolusyunan ang particular na problema.

D. Para sa mga taong nakararanas ng diskriminasyong berbal ay kailangang

matutunan kung paano magkaroon ng malakas na kalooban upang

ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa mabuting pamamaraan.

E. Para naman sa mga taong nangdidiskrimina sa anumang pamamaraan ay

dapat agad itigil at maging responsible sa lahat ng mga bagay dahil hindi

nila alam na maaari itong magdulot ng anumang bagay na hindi kaaya-

aya sa kanilang kapwa.

24
F. Para naman sa mga mananaliksik, sana sila ay hindi tumigil sa kanilang

mga ginagawa upang ang mga tao ay patuloy na madagdagan ang

kaalaman tungkol sa ibat-ibang bagay at lahat ng mga pinoproblema ay

mabigyan ng solusyon.

25
MGA SANGGUNIAN

https://asksonnie.info/statistics-bullying-cases-up-by-21-in-philippine-schools/

https://prezi.com/osrz4stdzmdq/mga-sanhi-at-epekto-ng-pambubulas-o-bullying-sa-p/

https://www.ditchthelabel.org/research-papers/the-annual-bullying-survey-2017/

https://www.scribd.com/document/364257640/221701251-Pananaliksik-Sa-Bullying-docx

https://www.coursehero.com/file/28543261/KABANATA-II-1docx/

https://www.academia.edu/31952594/Kabanata_I

https://brainly.ph/question/457723

26

You might also like