You are on page 1of 11

KABANATA I:

ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

A. ANG PANIMULA O INTODUKSYON

Bullying ? Ano nga ba ang Bullying ? Ang pambubulas o kilala sa ingles na bullying ay

isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong, o

agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon

(sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at

kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong

kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at

maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi,

relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan.Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o

lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng

pangmamaton ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "puntirya" o ang "pinupukol

Sa panahon ngayon maraming tao lalo na ang kabataan ang nabubuhay sa maling mundo,

nakakasalamuha ng mga mapanghusgang mga tao. Ang pambubully o pangbubulas ay may

malaking epekto sa mga kabataang biktima ng pambubully. Maaaring ito ang magiging sanhi ng

kanilang depresyon, na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay. At dahil dito nawalan sila ng

karapatang mabuhay ng matiwasay at malaya, malayang makisalamuha sa kapwa nila kabataan,

malayang gawin ang gusti nila na walang nadidikta at nangingielam.Para silang mga hayop na

nakakulong sa hawla, na walang karapatang maging masaya, hindi na sila makawala sa maling

mundong ginagalawan mismo, na puno ng panghuhusga at panglalait ng mga tao.Sa panahon

ngayon dapat hindi na nila nararanasan sa murang edad, dapat sila ay nakaranas ng aruga at
pagmamahal ng magulang at mga nakakasalamuha nila.Sa mga nambubully marahil ay dahil dito

sa kanilang mga karanasan sa buhay, nagagawa nilang mambully dahil iyon mismo ay ginagawa

sa kanila

Maraming ibat-ibang uri ng pambubulas una ay ang pasalitang pambubulas. Ang

pasalitang pambubulas o pagsusulat ng masamang salita laban sa isang tao. Kasama rito anmg

pangangantyaw, pangungutya, panunukso panlalait, pang aasar, paninigaw, pagmumura, pang

iinsulto, pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba pa. Sa nabangit na pag aaral ng PLAN

Philippines, ang pangungutya at panunukso ang pinakapangunahin sa nararanasan ng mga mag

aaral sa pilipinas. Pangalawa ay ang Sosyal na pambubulas. Ito ay may layuning sirain ang

reputasyong at ang pakikipag ugnayan sa ibang tao. Kasama rito ang hindi pagtanggap sa isang

tao o sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon, panghihikayat sa ibang mag aaral

na huwag makipagkaibigan sa isang particular na indibidwal o pangkat, pagkakalat ng tsimis

pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakakarami at iba pa. pangatlo ay ang pisikal na

pambubulas. Ito ay isang pisikal na pananakit sa indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang

mga pag-aari. Kasama rito ang panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot o ang biglang

pag alis ng upuan habang nakatalikod upang matumba ang nakaupo. Kabilang din dito ang

pagkuha at pagsira sa gamit o pagpapakita ng magagandang senyas ng kamay.

Bakit nambubulas ang isang tao ? marami rin ang posibleng dahilan. Isa ditto ay ang

pagkainggit. Maaari ding gustong magpasikat o magmayabang. Posibleng dahilan din ang

pagkakaroon ng magulong pamilya. Maaaring sa bahay ay nakikita niyang nag aaway ang

kanyang mga magulang at naisipan niya itong gayahin at gawin sa kanyang kaklase
B. LAYUNIN NG PAG AARAL

Ang layunin ng pag aaral na ito ay alamin kung ano nga ba ang epekto ng pambubulas ng

mga estudyante sa kapwa estudyante ng mga mag aaral ng Data Center College of the

Philippines. Layunin din nito na alamin kung ano ang dahilan ng pambubulas ng isang studyante.

Layunin din nitong ipaalam sa mga estudyante ang mga dahilan salikod ng pambubuli sa

pananaw ng mga biktima nito, pag alam sa uri ng pambubuli na kanilangnaranasan, at pati rin

ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa pag laban dito.

SULIRANIN:

1. Ano ang epektong naidudulot ng pambubully sa aspetong:

1.1 Pisikal?

1.2 Emosyonal?

1.3 Sosyal?

2. Anong klaseng pambubully ang kanilang nararanasan?

3. Ano ang dahilan bakit sila nambubully ?

4. Ano ang ginagawa ng biktima upang ito ay malabanan?

B. KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral - Ang mga mananaliksik ay buong pusong nainiwala na ang pag-aaral

na ito ay napakahalaga. Ito ang magsisilbing payak na kaalaman na maaaring magamit ng


mga mag aaral upang lalo pang mapaunlad mapagtibay ang intensiyong pigilan ang

pambubully.

Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin sa kanilang mga

estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang

pamaraan nga kanilang pag-aaral at para maturoan ang mga studyante na nambubully. At

para rin matukoy ng mga guro ang saloobin ng mga mag-aaral

Sa mga magulang – ang magulang na bilang unang guro ng kanilang mga anak.upang

madisiplina nila ang kanilang mga anak at maturuan kung ano ang tama at mali.

Sa paaralan- ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pag papaunlad at pagpapatupad ng

patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubulas

Sa pamahalaan- nakakatulong ang pag-aaral na ito upanag malaman ang bawat hinaing

at paghihirap na nararanasang pambubully upang magkarooon ng mas matibay na batas

Mga mananaliksik – makakatulong ang pag-aaral na ito para maging gabay at

sangunian sa mga isasagawang kaugnay ng pananaliksik.


D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambubulas na nararanasan ng mga mag-

aaral. Sakop nito ang epekto ng pisikal, emosyonal at sosyal.

Ang pag aaral na ito ay nilimitahan sa mga piling mag aaral ng Data Center College of

the Philippines. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay

pinakamainam na magkaroon ng pag aaral na ganito upang masagot ang mga katanungan at

makapagbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa epekto ng pisikal at emosyonal na

pambubully o pambubuso.

E. KAHULUGAN NG TERMINOLOHIYA

 Pambubulas- pag apak sa katauhan ng isang tao at paghusga sa kanila sa pamamagitan

ng nakakasakit na paraan

 Pisikal na pambubulas- isang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at

paninira na kanyang mga pag aari

 Pasalitang pambubulas – ito ay pambubulas sa pamamaraang pasalita.

 Sosyal at Relasyonal na Pambubulas- siraan ng pakikipag ugnayan ng tao sa isat-isa

 Pangungutya- ginagawang kakatawanan ang isang tao sa harap ng iba.

 Paninipa - ito ay isang uri ng pananaakit gamit ang paa

 Pamilya - ito ay binubuo ng nanay tatay at mga anak.

 Away – alitan ng dalawang tao na may galit sa isat isa

 Depresyon – ito ay kahulugan ng panghihina ng loob na para bang gusto mo ng mamatay

 Pagpapakamatay – ito ang nakikita ng mga tao upang taposin na ang kanilang mga

problema
KABANATA II:

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga ibat ibang literature ng pag aaral

mula sa local at internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

KAUGNAYAN NG LITERATURA

Maraming nangyayaring bullying sa mga paaralan at hindi na ito nalalaman ng mga

magulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo naming

nagpapatuloy ang bullying. Mga bullying na humahantong sa pananakit gaya nang ginawa ng

ateneo junior high school student sa kanyang classmate na nakunan ng video at pinagmulan ng

outrage. (https://www.philstar.com)

Ang bullying ay ang pananakit o panloloko sa kapwa na nakakapagdulot ng kakaibang

depresyon sa tao.ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon”

talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng pilipinas. Ayon dito maraming dahilan

kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maraming nabubully dahil sa kakulangang

pinansyal, pisikal na kaayusan, at pisikal na kapansanan. Bunsod nito, maraming kabataan ang

katutuwaan siya at gagawan ng panloloko. Sa kabilang banda. Ayon sa pananaliksik ni Ted

Failon, marami naming nambubully ang isang tao dahil inggit, galit o kaya’y impluwensiyaa ng

barkada

Ang pang-aapi ay isang gawa na paulit ulit na agresibo sa pag uugali upang sadyang

saktan ang isang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makuha ng isang indibidwal ng

kapangyarihan na makakahigit sa iba (Simmons, 2003)


Mula sa papel na pananaliksik ni Ryan L. Castro na pinamagatang “Sanhi at Epekto ng

Pambubulas o Bullying sa Pisikal, Mental at Behavioral ng Kalagayan ng mga Mag-aaral na

nakakaranas sa unang taon ng EAMNHS”. Ayon sa isang nowergian na mananaliksik na si Dan

Olweus, kapag ang isang tao ay nagsimulang mang-api, hindi niya na ito kayang tigilan.

Gagawin at gagawin niya pa rin ito kahit anong pigil mo sa kaniya. Magiging parte na ito ng

kanyang mga kagawian. Natuklasan niya na mayroon palang malaking epekto ng pambubully sa

mental, behavioral, at pisikal sa mga estudyanteng nag aaral. Isa sa mga suliranin niya sa

kaniyang pag aaral ay ano ang nagyayari sa isang estudyanteng binubully.

Isang surbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa ni Miguel-Baquilod na kawani ng

Kagawaran ng Kalusugan ng mga sekondaryang mag-aaral. Kabilang sa nasabing surbey ay ang

kaharasan laban sa kabataan. Naipakita sa surbey na halos kalahati ng mga respondente ay

sangkot sa pisikal na pang-aaway at ang mga sophomore ay mas nasasangkot at nabibiktima

kaysa sa mga “junior’s o seniors”. One third ng mga mag aaral ay nabully na nang higit pa sa

isang beses sa loob ng isang buwan, at halos 3 sa 10 mga nabiktima ay nabully nang pisikal.

Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mga kalalakihan sa mga ganitong uri ng

karahasan kumpara sa mga kababaihan.

Maraming mga siyentipiko na ang pag aaral ng paksang ito at isa na rito sina (Crick &

Grotpeter, 1995; Espelage & Swearer, 2003; Olwues, 1993). Ayon sa kanila maraming nananakit

o nang aapi na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ay nakakabuti o hindi. Ang epekto ng

bullying sa biktima ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental o emosyonal

ng tao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, na nakakaapekto sa pag-aaral nito (Bond at al.,

2008; Espelage & Swearer, 2003;Olweus, 1993; Stockdale et al., 2002)


Batayang teoritikal

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological system” isinasaad na

ang isang mag aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunan kapaligiran na kinabibilangan ng

kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag ugnayan

ang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan maaring maging salik ito ng

pag-uugali ng isang indibiduwal particular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang

paglilinaw, ang mga “social system” na nabangit ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na

makaiimpluwensiya sa mga mag aaral at lugar na kung saan ang bata ay isangaktibong kalahok,

tulad sa tahanan at paaralan, at iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di- tuwirang

epekto sa mga bata.

Sa isang artikulo naman sa onalynna pahayagan na “Balita.net”, isang bata ang naiulat na

namatay dahil sa pambubully ng mga kamag-aral. Ayon ditto, napikon umano ang siyam na

taong gulang na bata matapos itong asarin ng 12 kamag aral niya at nauwi ito sa matinding pag-

aaway laban sa 2 kamag aral niya sa bakuran ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur.

Namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kaya ’t

dinala ito sa pagamutan matapos ang tatlong araw at ditoy nasawi ang bata sa cardiac arrest.

(Taboy,2013) (http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/)

Mula naman sa isang literatura na titulong “Bullying and Harassment at School”, kung

saan isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagomg isyu sa mga mag-aaral at

paaralan. Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay kadalasang nagaganap

sa mga paaralan, nagiging banta ito sa mga mag-aaral at ang paniniwalang ang Bullying ay isang
“development stage” na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito (Ros, 2002, p107).

(http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-09.pdf).

Kaugnay na Pag-aaral

Isang pag-aaral naman ang isinagawa ng ahensyag Plan Philippines noong 2008 ukol sa

bullying sa Pilipinas na pinamagatang “Toward a Child-Friendly School Environment: A

Baseline Study on Violence Againts Children in School”. May tatlong (3) layunin ang kanilang

pag-aaral. Una, mailarawan ang isyung mga karahasan sa mg paaralan mula sa persepsyon ng

mga bata, magulang, paaralan at ang mga kawani nito sa mga piling lugar sa bansa. Pangalawa,

matukoy ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa mga piling lugar. At

pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisya at programa sa mga paaralan laban sa mga

karahasan upang maging “child-friendly” ang mga paaralan. Ayon sa Plan Philippines, “ang

bullying ay isang karaniwang “behavior” na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas,

ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong

paaralan (2008)”. Ayon sap ag-aaral na ito sa 58 na pampublikong eskwelahan, ang mga ‘peers’

mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng iba’t-ibang uri ng karahasan sa kapwa estudyante.

Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata

sa grade1 hanggang grade3 ay nagiging biktima nito at 67 porsyento naman ng mga bata sa

grade4 hanggang grade6. Sa highschool, 65 porsyento ng mga estudyante ay nagiging biktima

narin ng pangungutya ay pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang nagiging

mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sap ag-aaral.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraan ng pananaliksik upang matugunan ang

lahat ng mga pangangailangan sa pag-aaral gayudin ang mga instrumentong ginamit at ang

pamamaraan sa pagtipon ng mga datos.

A. Disenyo ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng Pisikal, Sosyal at Emosyonal

Pambubulas. kung ano ang epekto nito sa mga mag-aaral

You might also like