You are on page 1of 3

KABANATA II

MGA KAUGNAY NG PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa bawat buhay ng isang estudyante may pagkakataon makakaranas siya ng pang-aapi. Maaari itong
maging pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internetna pang-aapi.Ang pang-aapi ay isang gawa ng
paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upang sadyang saktan ang ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay
ginagawa upang makakuha ang isang indibidwal ng kapangyarihan na makakahigit sa iba.Ayon sa isang
Norwegian na mananaliksik na si Dan Olweus, kapag ang isang tao ay nagsimulang mang-aapi, hindi na
niya ito pigilan. Gagawin at gagawin parin niya ito kahit anong pilit mong pigil sa kanya. Magiging parte
na ito sa kanyang mga nakagawian.Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay
isanguri ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa at pisikal.
Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit tulad ng sikolohikal na
pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapiay maaaring mangyari sa ano mang konteksto
kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa isa

t isa. Kabilang na ditto ang paaralan, simbahan, pinagtatrabahuan, sa kapitbahay at maging sa bahay. Ang
pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng mga bansa. Isa sa pinakamatibay
na halimbawa ay angnangyari noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ayon sa
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay
parating nang-aapi sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ayisang mababang uri na lahi at nararapat
lang na maging alila nila.Ang mga makabagong kagamitan tulad ng cellphone, telepono o kompyuter
aypwede na rin magamit sa pang-aapi.Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga
serye ng pang-aapi sa internet at ito ay tinawag nilang

Cyber-bullying

. Ayon sa kanila, ang cyber-bullying ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng kompyuter, cellphone,
teleponoo iba pang mga aparato na ginagamit upang makapadala ng mga post, ng mga tet o mga imahe
na nakakapanakit ng kalooban ng ibang tao o masira at mapahiya ang tao.Ang cyber-bullying ay
maaaring maging simple hangga

t patuloy na magpadala ng e-mail sa isang taong may sinabi na gusto nilang walang karagdagan makipag-
ugnayan sa nagpadala, ngunit maaari ding isama ang pagbabanta, sekswal na pangungusap, nakakasira
etiketa (ibig sabihin, hate speech), pinagtutulungan ang mga biktima sapamamagitan ng paggawa ng mga
ito ang paksa ng panlilibak sa forums, at pag-post ng huwad na pahayag bilang katunayan na naglalayong
sa kahihiyan.Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay sinaDr. Alison
Maddock isang pediatrician at Dr. Lorna Price isa ring pediatrician ng Morriston Hospital sa United
Kingdom. At ayon sa kanila: A.) Maraming nananakit na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ba ay
nakakabuti o nakakasama. B.) Ang

Bullying o Pang-aapi

ay nagiging daan upang umabot sap unto na magpapakamatay ang taong inaapi. C.) Mas maraming lalaki
kaysa sa babae ang nadidisgrasya o nauuwi sa pisikal na sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang mga bata ang
mas naapektuhan sa ganitong uri ng gawain.Samakatuwid, ilang mga psychologist o sikolohista ang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pang-aapi o bullying. Sabi nila, ang mga epekto ng pang-
aabuso ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental o emosyonal ngtao tulad ng
pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na makakaapekto sa pag-aaralnito. Lalong-lalo na ngayon, na ang
ating bansa ay wala pang batas na magbibigay ng kaukulang parusa sa mga taong nang-aapi.Ayon sa mga
security agents ng Seattle Public Schools, isang paaralang sa Washington, USA, kadalasang biktima ng
pang-aapi ayang mga estudyanteng karaniwang matatakutin, mahiyain, maingat at maramdamin,
maaaring di mapalagay at hirap na makapag-isip, medaling sumuko sa nang-aapi, sobrahan ang kilos,
maaari na wala o kakaunti ang kaibigan sa paaralan, may mababang pagpapahalaga sa sarili, may
pinangangalagaang katayuan sa silid-aralan, iba ang lahi, kultura, relihiyon, kapansanan, kasarian,
kakaibang pagkilos. Ngunit maaari ring walang dahilan.Ayon sa artikulong ginawa nina Susan P. Limber at
Maury M. Nation, may mga nagdaang pananaliksik na naisagawa sa United States at pati na rin sa ibang
bansa na

nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaaring porma ng karahasan para sa mga
kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naapektuhan ng pang-aapi kundi pati na rin ang klima sa
loob ng paaralan at hindi man direkta ngunit maaariring maaprktuhan ang abilidad ng isang estudyante
na matuto hanggang sa kanilang pinakamahusay na abilidad.Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at
Sweden, kasama ang iba pang mananaliksik sa Australia, Canada, England, Ireland at United States, ay
nagsimulang galugarin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa mga paaralan ng
kabataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng kaukulang atensyon mula sa mga duro,
magulang at mga kabataan para maiwasan ang ganitong karahasan sadalawang dahilan. Una, ang
paglaganap ng kaso ng pang-aapi at ang pinsala na naidulot nito ay lubhang isinasawalang bahala ng mga
kabataan at nga mga matatanda. Dapat gumawa ng mga stratihiya upang tumaas ang kamalayan ng mga
kabataan at mga magulang hinggil sa koneksyon ng pang-aapi at sa iba pang karahasan na nagaganap sa
paligid.Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang humahantong sa parehong pangyayari gaya ng away at
gulo, pwede rin itong humantong sa pagkagulo sa ng kaisipan ng tao.Maraming mga ginawang
pananaliksik ukol sa pang-aapi ngunit karamihan dito ay tungkol lamang sa kung ano ang pang-aapi at
mga anyo nito. Hindi masyadong natalakay ang epekto nito sa paraan ng pamumuhay ng mga
estudyante. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay isang panimula na maaaring tularan, sundan at
ipagpatuloy ng ibang mga mananaliksik.

You might also like