You are on page 1of 20

ORIENTAL MINDORO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Populasyon ng Mas Nakararaming Kasarian na Biktima ng Bullying


sa Grade 7 Science Technology and Engineering Program ng
Oriental Mindoro National High School

Pag-aaral Ipinasa sa Bahagyang Katuparan ng Mga Kinakailangan sa


Pagbasa at Pagsulat

Ipinasa kay:

Jannet de Guzman

Ipinasa ni:

Rosa Venna L Laudencia

Xhiane Nicole Predella

Natasha Nicole Ron

Trisha Tumalad

Angelo Rei Mape

Rechel Hoco
Chapter 1:

Background of the Study

Introduksyon

Ang pambubully ay isa pa din sa mga pangunahing isyu na


itinuturing ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon kay Sonie Santos,
ang bilang ng mga kaso ng pangbubully ay nadagdagan mula sa 5,
236 noong 2013 hanggang 6, 363 sa taong 2014. Ipinapaalala ng
DepEd sa lahat ng kanilang nasasakupang pampubliko at pribadong
kinderdarten, elementarya at sekundaryong paaralan na lalong
ipakita ang kahalagahan sa pagpapatupad ng mga anti-bullying
policy. Sa kabila nito, ang pangbubully ay malimit pa rin na
nararanasan sa karamihang paaralan at nagbibigay diin dito ang
serye ng mga krimen patungkol sa pambubully na nangyari nitong
nakaraang taon. Katulad ng kumalat na video ng isang mag-aaral
ng Ateneo de Manila online na mariing ipinakikita ang pambubully
niya sa kanyang mga kamag-aral (Rappler, 2018). Dagdag pa dito
ang magkasunod na pagkamatay ng dalawang mag aaral na labing
isang taong gulang dahil sa pambubugbog ng kanyang mga kalaro at
labing siyam na taong gulang na namatay dahil din sa pambubugbog
ng kanyang kamag- aral mula sa Pangasinan (PhilStar, 2019).

Patunay lamang ang mga isyu na ito na hindi pa din ganoon


katibay ang pundasyon ng pag- iimplementa ng mga batas na
nakaayon sa pagpoprotekta sa mga mag-aaral laban sa bullying at
ang mga aplikasyon at paraan ng paaralan upang lutasin ang mga
ganitong problema.

Sa pamamagitan ng tatlong uri ng aktwal na pangbubully na


maaring maranasan ng isang studyante. Pisikal na pananakot na
kinabibilangan ng direkta at sinasadyang pag-atake tulag ng
panununtok, paninipa, pananabunot at iba pa. Verbal na
pambubully na nagpapahayag ng pang-aapi, pananakot o mga
salitang maaring nakakapagpababa ng halaga ng isang tao tulad ng
panglalait, panguulit, etc. Relational na pambubully na
nakakaranas ang mga biktima ng social seclusion mula sa kanyang
mga kaklase dahil sa mga ipinalaganap na kasinungalingan at
kamalian patungkol sa kanya (Sanapo, 2017) at Cyberbullying kung
saan nagbabahagi ng mga negatibo,, nakasasakit at di
makatotohanang mga bagay patungkol sa biktima na nangyayari sa
pamamagitan ng text, social media o sa kahit anong online site.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman kung may
korelasyon sa pagitan ng kasarian at kasidhian kung paano ang
mga estudyante ay napipinsala sa paaralan ng bullying (physical,
verbal, relational, cyber).

Ang mga mananaliksik ay naglalayong alamin ang pagkakaiba


ng nararanasan ng mga kababaihan at kalalakihan kaakibat sa
bullying at bigyang kamalayan at tulungan ang mga guro, guidance
counselor, at iba pang tagapayo ng mga mag-aaral sa pagkakaibang
ito upang mas mapaunlad pa nila ang pagpapatnubay at pagpapabuti
sa kanilang pamamaraan at mga aksyong pandisiplina sa mga kaso
ng pang-aapi na nakatuon sa Grade 7 (STEP) Science Technology
Engineering Program ng Oriental Mindoro National High School
(OMNHS).

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang koneksyon


ng kasarian sa kasidhian ng pambubully na kanilang nararanasan
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang ito:

1. Mayroon bang pagkakaiba sa lawak ng bullying sa pagitan ng


lalake at babae sa mga sumusunod:
a. Pisikal Bullying
b. Verbal Bullying
c. Relational Bullying
d. Cyber Bullying

Legal na Basehan

Ang pananaliksik na ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod


na teorya na magpapatibay dito.

Ayon kay Herbert Blumer (1969) sa teorya niyang Symbolic


Interactionism, malaki ang kinalaman ng personal na interaksyon
sa ikinikilos ng isang indibidwal na nakakaapekto sa kasarian
hanggang sa pakikitungo sa iba. Sa ilang kaso ng bullying,
maaring mailapat ang pilosopiyang ito. Ang kalalakihan at
kababaihan ay may magkaibang estado sa bullying. Ang mga lalaki,
bilang mas dominante ay nasa mas biolenteng pamamaraan pagdating
sa bullying dahil ang kalalakihan ay kadalasang dumedepende sa
pisikal na argumento upang mapunan ang pangangailangan na
maresolba ang problema. Sa kabilang palad, ang mga babae ay nasa
berbal at emosyonal na paraan sa pambubully. idinadaan sa
panununya at pagbibitaw ng mapanakit na salita tungo sa kanilang
biktima.

Sa pag-aaral naman ni Albert Bandura (1977) na Social


Learning Theory ay binubuo ng mga bata ang kanilang sariling
pag-uugali sa pamamagitan ng pag-obserba at pagsunod sa mga
modelong kanilang kinaaakmaan sa kapaligiran katulad ng pagiging
babae at lalaki. At batay sa kung paano tumugon ang mga tao sa
paligid ng bata alinman sa pagbibigay ng gantimpala o
kaparusahan ang tutukoy kung ang bata ay magpapatuloy o hihinto
sa pag-uugali na ito. Kaugnay sa pambubully, ang mga bata ay may
iba’t ibang paraan sa pagkilos batay sa kani-kanilang natutunan
mula sa kapaligiran at sa gantimpalang nakukuha sa pambubully sa
pangingibabaw at pamamahala kaysa sa kanilang biktima na lalong
minumungkahe silang gawin itong higit pa.

Kaugnay dito ang Dominance Theory naman nila Felicia Pratto


at Andrew Stewart (1999), ay tumutukoy sa halaga ng hierarkiyang
sosyal sa lipunan na kinasanayan na nang isang tao sa pagtrato
nila sa iba na maaring dahilan kung bakit ang kanilang pag-iisip
ay sila ang mas nakakalamang at mas may kalayaan na gawin ang
kahit anong gusto nila sa kabila ng maaring masamang epekto nito
sa ibang tao.

Conceptual Framework

Ang conceptual framework na ito ang magiging instrumento ng


mga mananaliksik upang maisakatupara ang layunin na tukuyin ang
relasyon ng kasarian (babae at lalaki) sa kasidhian na
nararanasang bullying (pisikal, verbal, relational,
cyberbullying) ng Grade 7 (STEP).

Babae Lalake
Pisikal Pisikal
Verbal Verbal
Relational Relational
Cyberbullying Cyberbullying
Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang magiging kahalagahan ng pananaliksik na ito sa


pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag- aaral, guro, guidance
councelor at mga sangay ng paaralan na naglalayong protektahan
ang mga mag-aaral patungkol sa pambubuly upang matimbang ang
kanikanilang pangangailangan sa pagbigay solusyon sa kanilang
nararanasan. Mapagbabasehan din ito upang gumawa ng mas angkop
na stratehiya upang wakasan ang pambubully sa mga paaralan.

Layunin ng Pag- aaral

Sa panahong nagiging normal na sa mga kabataan ang


pambubuyo ay mahalagang malinang ang layuning matukoy ang bilang
ng mas nakararaming kasarian na studyante ng Grade 7 (STEP) na
biktima ng pambubuyo, kung sa paanong magkaibang paraan sila
nabibiktima at kasidhian ng kanilang nararanasan base sa
kanilang kasarian.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksikk na ito ay tumutukoy sa bilang ng mga mag-


aaral na nabibiktima ng bullying. Nakapaloob dito ang
pagkukumpara ng karanasan ng babae at lalaki na biktima sa
pisikal, mental, relational at cyber na bullying. Ang pag- aaral
na ito ay nililimitahan lamang sa mga piling mag- aaral ng Grade
7 (STEP) ng (OMNHS) na magsisilbing respondent ng survey.

Depinisyon ng Termenolohiya

Kasarian- kategoryang tumutukoy sa tao alinman sa babae o


lalaki

Bullying/ Pambubuyo- kilos o gawain ng isang tao na maaring


makasakit sa emosyonal, pisikal, at sosyal na katayuan ng
iba.

Physical Bullying- pananakit sa pisikal na pamamaraan

Verbal Bullying- pambubuyo gamit ang pananalita

Relational Bullying- pagpapakalat ng panglalait sa biktima


upang ihiwalay sa mga tao.
Cyberbullying- pambubuyo sa pamamagitan elektronikong
paraan.
Chapter 2:

Kaugnay na Literatura

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga kaugnay na


literature ng pinagbasehan at pinaunlad ang pag aaral na ito.

Unang dahilan ng pagkakaroon ng bullying ay ang pagkakaiba-


iba ng kasarian lalo na sa mga paaralan, ayon sa ibang
pananaliksik at pag aaral mas nabibiktima nito ay ang mga lalaki
kaysa sa mga babae (Berger, 2007; Caravita, Gini & Pozolli;
Cosma & Baban, 2013; Jansen et al., 2012; Khamis 2015; Siann,
Callaghan, Glissov, Lockhart & Rawson, 2006; Slva et al., 2013;
Tayli, 2013, Wang et al., 2015). Ilan sa mga uri ng pambubuyo na
kinahaharap ng mga estudyante ay ang pananakit sa pisikal,
emosyonal o di kaya naman ay berbal. (Berger, 2007 Wang,
Iannotti & Nansel, 2009) ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay
masasabi itong bullying dahil ayon kay Olweus, (2012) ito ay
masasabi lang na isang uri nang bullying pag ito ay masyadong
bayolente at nakakasakit. Ang panunukso sa magkaibang kasarian
ay maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng depresyon ng isang
estudyante, o di kaya naman ay maaring bumaba ang tiwala at
tingin sa kanilang sarili (Mitchell, Ybarra& Finkelhor, 2007).

Sa iba’t ibang tungkulin ng mga bata na nararansan ayon sa


kanilang kasarian sa loob ng bahay at sa lipunan sa pang araw-
araw na buhay mahalaga na bigyang pansin ang kanilang mga
pagkakaiba upang matukoy kung ano ang nagpapalaganap ng
karahasan sa kanilang isipan na humuhubog ng bullying sa isang
paaralan. Ang mga isyu sa kasarian ay nagpapakita ng malakas na
koneksyon sa pambubully dahil ang mga variable na ito ay
maiuugnay sa damdamin, pagkakatanggap ng nararamdaman ng isang
tao. Ang lalaki ay malinaw na mas biktima ng bullying sa
kabuuan, kadalasan ay nakararanas sila ng pisikal na pang-aapi
at insulto samantalang ang mga babae ay nakararanas ng hindi
tuwiran at hindi mas agresibong uri ng pananakot.(Sanapo M. S.
2017). Ang kasarian ay isang salik na malaki ang kontribusyon sa
bullying ngunit hindi nabibigyan ng gaaanong pansin. Isa sa mga
aksyon na iniugnay sa pambu-bully ay ang sexual harassment. Ang
mga guro na nakakasaksi ng mga panunuya na may kinalaman sa
oryentasyong sekswal ay hindi kadalasang inilalagay ang kanilang
kamay sa loob ng sitwasyon at pinipili na lamang na hindi
makialam. Sa kabila nito, may mga batas na layong protektahan
ang mga biktima ng bullying at maaring makitaan ng mga kapansin
pansing pagbabago at makabuluhang benepisyo sa mga biktima ng
bullying (Sanders,2013). Malaking parte ng pagkatao ng isang
indibidwal ang maaring maapektuhan ng pambubulas. Ang pambubuyo
o “bullying” ay isinasagawa sa iba’t ibang paraan tulad ng
pisikal na pananakit, pananakot, pangbabastos at iba pa na
maaring magsimula sa kahit anong edad at nagpapatuloy sa high
school. Ito ay maaring mandawit ng isang biktima, isang grupo o
personalidad na alam ng “bully” na mas mahina sa kanya. Malaki
ang pagkakaiba ng panunnuya ng babae sa lalaki. Mas madaling
matunton kung ang isang lalaki ay nambubuyo o nagbabanta sa iba
dahil sa agrsibo at direkta nitong paraan at kadalasang ang
lalaki ay nambubully ng pantay sa parehong babae at lalaki.
Samantalang ang babae naman ay gumagamit ng mas di direktang
paraan ng pang-aapi katulad ng karahasan sa emosyon at madalas
nilang biktima ay kapwa nila babae. (Middle Earth, 2013).

Dagdag dito, Ayon sa pananaliksik ng Prevnet (2013)


magkakaiba ang babae at lalaki ng nararanasan pagdating sa
usaping pambubulas (biktima at nambubulas). Mas madalas
makaranas ng pambubulas ang babae (pisikal at emosyonal) liban
sa lalaki. Madalas o mas marami ang bilang ng mga lalaking
nambubulas sa pisikal at sekswal na panliligalig.
Ang mga batang babae ay nag-ulat na biktima ng pang-aapi kaysa
sa mga lalaki. Pero ang mga lalaki madalas ay biktima ng pisikal
na pambubulas. Ang paglutas sa pambubulas ay kailangang
nakapokus sa lahat ng aspekto at uri ng pambubulas at
kinakailangang maging sensitibo sa pagtingin sa kasarian.

Sa pag aaral naman ni Silva, Peria, Oliveira (2014) may mas


mataas na pursyento ang mga kalalakihang kabataan na nambubuyo o
biktima ng pambubuyo na may 20.1% kaysa sa mga kababaihang
kabataan na mayroon lamang 8.2%. Ayon dito, karaniwang ang
pisikal na pambubuyo, gaya ng pananakit at pang aabusong pisikal
ang nararanasan ng mga kabataang lalaki samantalang pambubuyong
berbal naman ang madalas na nararanasan ng mga kabataang babae.
Karaniwang nangyayari pa ang pang aabuso mismo sa paaralan kung
saan dito sila natututong makisalamuha sa iba ngunit madalas
lamang mauwi sa karahasan ang dapat ay kanilang kalayaang
magpahayag. Tinutukoy ng literaturang ito na mas agresibo ang
mga kalalakihan sa pambubuyo kumpara sa mga kababaihan.
Ang mga natuklasan ng kasalukuyang pag-aaral naman ni
Baker (2010) ay nagmumungkahi na ang mga batang babae ay hindi
ganoong nakikibahagi sa mas peligrosong paggamit sa internet
kaysa sa mga lalaki. Ang mga resultang ito ay nagpapahiwatig na
ang mga batang babae at lalaki ay may iba't ibang pananaw ng
peligrosong paggamit sa internet at marahil na ang mga batang
babae ay mas maingat sa mga gumagamit ng internet. Ang
pinakamalaking pagkakaiba ng kasarian para sa parehong cyber-
victimization at cyberbullying ay natagpuan para sa tradisyunal
na mga bullies. Para sa mga babaeng estudyante, walang
makabuluhang pagkakaiba sa cyberbullying o pambibiktima
tradisyunal na pang-aapi. Ang mga batang babae ay mas malamang
na makisali sa cyberbullying bilang isang cybervictim.
Gayunpaman, ang mga estudyanteng lalaki na nag-ulat na isang
tradisyunal na panunuya ay mas malamang na mag-ulat ng mga
karanasan ng cyberbullying. Kaya, ang kasarian ng mga estudyante
ay dapat isaalang-alang kapag sinusuri ang relasyon sa pagitan
ng tradi-tional bullying at cyberbullying.

Ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng isang pagmamasid sa


iba't ibang mga paaralan. Tiningnan nila ang kapaligiran sa
klase sa pamamagitan ng pagsunod sa mga estudyante. Maliwanag na
ang mga batang babae ay mas malamang na gumawa ng isang maling
sinabi na pahayag, pagbubukod, at mga alingawngaw. (Ingunn
Eriksen at Selma Therese Lyng) Ang mga lalaki ay mas direktang
nilulutas nila ang kanilang mga problema sa sandaling hindi nila
tulad ng mga batang babae na nakikipag-ugnayan sa di-tuwirang
pagpapakahulugan. Ngunit napagtanto nila (ang mga mananaliksik)
na naranasan nila kung ano ang sinabi ni Eriksen "isang sandali
ng eureka" ng isang sandali ng biglaang pagtuklas o pananaw,
natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga lalaki ay nagsasagawa
ng direktang at di-tuwirang pag-aalipin na hindi tulad ng mga
batang babae. Ang mga bading ay bukas sa parehong uri ng pang-
aapi (Eriksen)
Chapter 3: Methodology

Tatalakayin sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik,


mga kalahok, mga instrumento, pagtatasa ng datos, at statistical
na pagtrato sa mga datos ng papel na pananaliksik.

Disenyo sa Pananaliksik

Bilang disenyo ng pananaliksik na itinuturing bilang


blueprint, mapa o balangkas ng mananaliksik upang makuha ang
wasto at naaangkop na mga sagot sa mga katanungan ng
pananaliksik na binuo (Politl and Hungler 1995) ang pag-aaral na
ito ay gumamit ng quantitative bilang disenyo ng pananaliksik na
nangangailangan ng sistematikong pagsisiyasat ng mga nangyayari
sa pamamagitan ng pag-iipon ng maaring makuhang datos at
pagsasagawa ng mga estatistika, matematikal o komputasyonal na
pamamaraan sa malaking bilang ng mga respondents (Bhat, 2013).

Partikular, ang pag-aaral na ito ay gumamit ng


correlational design upang tuklasin ang kaugnayan sa pagitan ng
dalawang variable na kasarian at ang intensity ng mga karanasan
sa pang-aapi ng mga mag-aaral.

Research Participants

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sampong babae at


sampong lalaking mag-aaral na may kabuuang dalwampu(20) mula sa
Grade 7 (STEP) ng OMNHS na nahahati sa tatlong section Faraday,
Mendeleev, Pascal at Hawks upang makakuha ng balidatong datos na
pagbabasehan ng resulta ng pag- aaral na ito.

Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa mga mag-


aaral na may permiso sa subject teachers na kasalukuyang
nangangasiwa sa mga studyante. Ang survey ay mabuting pinag-
isipan upang hindi makaramdam ng pag-aalinlangan o takot ang mga
mag-aaral na sagutin ang mga tanong na nakalakip dito.

Research Instrument

Sa pananaliksik na ito ang survey ang pinaka-akmang


instrumento upang matukoy ang mas malaking bilang ng mga mag-
aaral na nakararanas ng pambubully sa paaralan na kinaaangkupan
ng mga epektibo at angkop na mga tanong. Sa paraang ito,
nabibigyan ng maluwag, mas direkta at mas mabilis na interaksyon
ang mga tagatugon at mananaliksik sa pagkalap ng mga
kinakailangang impormasyon at datos (Borg & Gall 1983).

Sampling Technique

Ang probability sampling ay ginamit para sa pagpili ng mga


kalahok sa pag-aaral na ito partikular na ang simple random na
sampling na tinukoy bilang isang pamamaraan ng sampling na
nagbibigay ng pantay at random na halaga ng pagkakataon sa isang
homogenous na populasyon na pipiliin na gawin ang bawat miyembro
ng populasyon ng isang posibleng target bilang isang sumasagot
sa pag-aaral at sinadya upang maging isang walang pinapanigan na
representasyon ng isang grupo (StudyandExam, 2018) kung saan ang
Grade 7 STEM ay kumakatawan sa populasyon ng pag-aaral.

Statistical Tool

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Pie Graph bilang


statistical treatment upang matukoy ang asosasyon na umiiral sa
pagitan ng dalawang mga variable na ang independent variable na
Panmbubully na nakategorya bilang pisikal, berbal, relational,
cyber at ang dependent variable na kasarian na nauuri bilang
lalaki at babae sa lawak o ang intensity na nararanasan ng mga
mag-aaral sa pambubully na makikita sa pamamagitan ng
paghahambing ng mga naobserbahang na pattern ng mga respondent
sa bawat tanong na nakalaan sa survey.
Chapter 4:

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng datos na natipon


mula sa Grade 7 STEM ng OMNHS tungkol sa kasidhian ng kanilang
karanasan sa pananakot batay sa kani-kanilang mga kasarian at
tinutukoy ang proseso at ang mga natuklasan ng pag-aaral na
ginawa.

Direksyon: Lagyan ng check ang box na aakma sa iyong sagot.

Male

Palagi Madalas Paminsan Hindi


minsan kailanman
1. Nakararanas ako ng marahas na pambubully
sa aking kamag- aral katulad ng
panununtok, paninipa, pambubugbog
2. Nakararamdam ako ng pisikal na pananakit
galling sa aking mga kaklase tulad ng
pangungurit, panunulak, pantatakid.
3. Ako ay nakararanas ng verbal na
pangbubully katulad ng name calling, pang-
iinsulto at mga masasakit napahayag mula
sa aking mga kaklase.
4. Nakararanas ako na mapag-usapan ng
masama sa skwelahan.
5. Nakararanas ako na hindi pansinin o social
exclusion sa mga kamag-aral ko.
6. Nakakakita ako ng masasakit na mga
komento online patungkol sa akin.
7. Nakararanas ako ng pagbabanta sa social
media.

Results:
Resulta ng survey para sa mga kalalakihan

Q1: Nakararanas ako ng marahas na pambubully sa aking mga kamag-


aral katulad ng panununtok, paninipa, pambubugbog.
Hindi Palagi
Kailanman 9%
18%

Paminsan Madalas
minsan 37%
36%

Q2:

Hindi Sales Palagi


Kailanman 0%
10%

Madalas
Minsan 50%
40%

Q3:
Hindi
Kailanman
Sales Palagi
10%
12%

Minsan
19%
Madalas
59%

Q4
Palagi
Sales 0% Madalas
Hindi 0%
Kailanman
15%

Minsan
85%

Q5

Palagi
Sales Madalas
0% 0%
Hindi
Kailanman
23%

Minsan
77%

Q6

Palagi
Sales
Madalas
0% 0%

Hindi Minsan
Kailanman 45%
55%
Q7

Sales Madalas
Palagi
0% 0%

Minsan
Hindi
45%
Kailanman
55%

BABAE:

Q1

Hindi
Kailanman
Sales Palagi
0%
17% Madalas
14%

Minsan
69%
Q2

Hindi Sales
Kailanman Palagi
11% 0%

Madalas
27%

Minsan
62%

Q3

Hindi Sales
Kailanman
11%

Palagi
18%
Madalas
9%

Minsan
62%
Q4

Hindi Sales Palagi


0%
Kailanman
13%

Madalas
22%

Minsan
65%

Q5

Hindi
Sales Palagi
0%
Kailanman
13%

Minsan Madalas
33% 54%
Q6

Sales
Palagi Madalas
0% 0%

Hindi
Kailanman
38% Minsan
62%

Q7
Palagi Sales
0% Madalas
0%

Minsan
Hindi 45%
Kailanman
55%

You might also like