You are on page 1of 5

MENU NG

PAGKAIN
PAGSULAT NG MENU
Ang pagsulat ng menu o
paglalarawan sa pagkain ay itinuturing
na isa rin sa mga anyo ng
komunikasyong teknikal. Higit na
kasanayan sa pagsulat ang inaasahan
dito lalo na’t sinusukat hindi lamang
ang kahusayang teknikal, bagkus ay
ang pagiging malikhain din.
1. Hitsura- layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa
litrato upang masigurong pipiliin ng tagatangkilik
ang pagkain na kanyang nakita. Inaasahan dito ang
pagiging kakaiba ng kulay o presentasyon ng
pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan ito.
2. Tekstura- ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng
pagkain na nakikita sa menu at kung gaano
kaartistiko ang pagkakahain upang mas maging
kapana-panabik ito sa mga tagatangkilik.
3. Lasa- ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit
binabalik- balikan ng mga tagatangkilik ang
produkto. Sa menu, inaasahang mailalarawan kung
ano ang lasa ng pagkaing nakikita nila bago pa man
bumili ang mga tao.
TANDAAN:
Sa pagbibigay- deskripsyon ng pagkain
lalo’t kung ikaw ay maaatasang lumikha ng
menu, siguraduhing mahusay at detalyado
mong mailalarawan kung ano ang hitsura,
tekstura, at lasa nito. Ang tanging
batatyang prinsipyo ukol dito ay magpokus
sa panlahat na konsepto ng iyong inihahain
sa pamamagitan ng pagtalakay sa lasa at
amoy nito upang maakit ang kakain.
MGA GABAY SA
PAGSULAT NG MENU
1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat
sa artipisyal na sahog.
2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita.
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay.
4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan.
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na
bumabatay sa imahe ng restawran.
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.

You might also like