You are on page 1of 17

TEKSTONG

PERSUWEYSIB
Gawain 1
ANG TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Ang tekstong persuweysib ay ang tekstong
naglalayong makapangumbisi o makapanghikayat
sa tagapakinig, manonood o mambabasa. Ito rin ay
pagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita
upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng
tekstong ito ay subhetibo kung saan nakabatay ang
manunulat sa kanyang mga ideya.
Layunin ng isang tekstong persuweysib ang
manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang
takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang
punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama.
Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Tatlong Elemento at Paraan ng
Panghihikayat
Ayon kay Aristotle, may tatlong
elemento ang panghihikayat. Ito ang
Ethos, Pathos at Logos.
1. Ethos
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may
malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi
sila mahikayat na maniwala rito.
Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang
magkaroon ng kredibilidad. Dapat na maisulat
nang malinaw at wasto ang teksto upang
lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang
sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng
sanggunian ay maaaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad.
Halimbawa

Ang isang Artistang


nanghihikayat ng mga
turista upang bisitahin ang
isang isla sa Pilipinas
2. Pathos
Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin
upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay
Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Ang
paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mambabasa ay isang epektibong paraan upang
makumbinsi sila.
Halimbawa

Ang pagsasalaysay ng isang


kwentong nakaantig ng puso tulad
ng galit o awa ay isang mabisang
paraan upang mahikayat silang
pumanig sa manunulat.
3. Logos
Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon at
datos na kanyang inilatag ang kaniyang
pananaw o punto na siyang dapat paniwalaan.
Halimbawa

Ang isang taong nanghihikayat


na bumili ng kanilang sabon
dahil ang sabon na iyon ay
makakaputi.
Gawain 2
Ang mga mag-aaraal ay susulat ng
maikling talumpati na hihikayat sa mga
kabataang botante na sila ang karapat-
dapat na iboto sa darating na SK
election.
Pamantayan Puntos
Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng 10
isipan ng mga botante. Malinaw ito at hindi maligoy.
Siguradong makahihikayat ito dahil ginagamitan ng lahat ng
paraan ng panghihikayat
Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng 8
isipan ng mga botante. Makahihikayat ito dahil ginamitan ng
ilang paraan ng panghihikayat.
Ang isinulat na talumpati, bagama’t naglalayong 6
makapagpabago ng isipan ng mga botante, ay maligoy at hindi
gaanong malinaw. Maaaring makahikayat ito dahil
ginagamitan ng isang paraan ng panghihikayat.
Hindi malinaw ang layunin ng isinulat na talumpati. Maligoy 5
at hindi gumagamit ng paraan ng panghihikayat.
Maikling Pasulit
Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama
at M naman kung ito ay mali.
1.Isa sa mga layunin ng tekstong persuweysib ay
ang manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan
ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa.
2.Ang Pathos ay tumutukoy sa emosyon ng
mambabasa o tagapakinig.
3.Ang Ethos ay tumutukoy sa opinion o lohikal na
pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita.
4.Karaniwang obhetibo ang tono ng tekstong
persuweysib.
5.Ang Logos ay tumutukoy sa kredibilidad ng
manunulat.
Takdang Aralin

Sumulat ng isang patalastas


na naglalayong
manghikayat sa madla na
bumili sa iyong produkto.

You might also like