You are on page 1of 36

Balik-Tanaw

(Elicit)
Sa tulong ng istratehiyang Think-Pair-Share, Ipabahagi
sa mga mag-aaral ang kanilang tugon sa mga
kaugnay na tanong sa ibaba.

1. Mayroon ka bang natatandaang mga linya sa


patalastas na tumatak sa iyong isipan at humikayat
sa iyong bumili ng produkto?
2. Masasabi mo bang naging epektibo ang paraan
ng panghihikayat kaya’t tumatak ito sa iyong isipan
at humikayat sa iyong bumili?
Lusong-
Kaalaman
(Engage)
“Ang mahusay maghabi
ng mga salita ay hindi
mahihirapang
manghikayat ng
madla.”
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:

1. Nakapagbibigay-reaksiyon sa
mga tekstong persuweysib na
laganap sa komunidad

2. Nakasasusulat ng halimbawa
ng uri ng tekstong tinalakay
Gaod-
Kaisipan/Explore
(Pagbasa ng Teksto)
Pangkatang Gawain
Layag-Diwa
(Explain)
ROUND TABLE
DISCUSSION
TEKSTONG PERSWEYSIV
TEKSTONG PERSWEYSIV

Tekstong Persuweysib – uri ng tekstong naglalayong


manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
- Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon
sa manunulat hinggil sa isang isyu.
- Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal at walang batayang
magpahayag ng mga personal at walang batayang
opinyon ng isang manunulat.
TEKSTONG PERSWEYSIV

Tatlong Paraan ng Panghihikayat o


Pangungumbinsi:

1.Ethos – tumutukoy sa kredibilidad ng isang


manunulat.
2.Pathos – tumutukoy sa gamit ng emosyon o
damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
3.Logos – tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa.
TEKSTONG PERSWEYSIV

Ang tekstong persuweysib ay naglalaman ng mga sumusunod:

 Malalim na pananaliksik: kailangang alam ng manunulat ang


pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng
pananaliksik tungkol dito.
 Kaalaman sa posibleng paniniwala ng mga mambabasa:
kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong
persuweysib sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at
paniniwala tungkol sa isang isyu.
 Malalim na pagkakaunawa sa dalawang panig ng isyu: ito ay
upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga
mambabasa.
Lambat-
Likha/Elaborate
(Pangkatang
Gawain)
Gamit ang maikling bondpaper,
bumuo ng isang poster ng
patalastas ng inyong produkto o
pelikulang ipalalabas. Tiyaking
makaaakit ito sa mga taong
tangkilikin o panoorin. (PT#8)
Pagtatanghal ng
bawat Pangkat
(Laang Oras sa
bawat Pangkat - 2
minuto)
Paglalapat
• Bilang isang mambabasa
at manunulat, bakit
mahalagang pag-aralan
ang tekstong persweysiv?
Paglalahat
(Pangkatang
Gawain – WW#7)
• Sa tulong ng istratehiyang TEXT
MESSAGE, bumuo ang bawat
pangkat ng text message na hindi
lalagpas sa 160 characters na
naglalaman sa mahahalagang
puntos na inyong natutuhan sa
pagtalakay sa aralin.
Salok-
Dunong/Evaluate
(Pangkatang
Gawain –PT#9)
Bumuo ng video-patalastas ng
inyong kurso at paaralang
kinabibilangan. Tiyaking aakit ito sa
mga mag-aaral na papasok pa
lamang sa SHS sa susunod na taong
panuruan.
Pagkamalikhain
Kaugnayan sa Paksa
Pagganap/Performance
Dating sa madla

Pagpupuntos:
(5) Napakahusay (2) Di- gaanong mahusay
(4) Mahusay (1) Sadyang di-mahusay
(3) Katamtaman
Daong-Kamalayan
(Extend)
Indibidwal na Gawain –
WW#8
•Sumulat ng journal ukol sa tanong
na ito: Sa ano-anong pagkakataon
magagamit ang kakayahan nating
sumulat ng tekstong persweysib?
Masasabi mo bang makabuluhan
ito? Ipaliwanag ang sagot.
(Indibidwal na Gawain)

You might also like