You are on page 1of 13

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino 11

ANNA ROSE B. BATAUSA


Guro
Layunin:
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga
mag-aaral ang sumusunod;

 Naipapaliwanag ang layunin ng kakayahang


pangkomunikatibo;
 Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap
ayon sa konteksto ng paksa; at
 Nagagamit ang wastong gramatikal ng wika sa
pagpapahayag.
 
Pansinin ang larawang makikita sa
ibaba.
Pangungusap ko! Hulaan mo! – Sa larong ito isasadula ng
piling mag-aaral ang binasang pangungusap at pagkatapos
isabuhay ito at huhulaan ng bawat grupo. 5 puntos ang bawat
tamang sagot.
 Ako ay naglalaba sa ilog kahapon.
 Siya ay kumakanta habang sumasayaw sa entablado.
 Naglalaro ng basketball ang bata.
 Tumatakbo patungo sa simbahan ang isang dalaga.
 Lumipad ang lobo ni Marigin.
 Umakyat sa puno ng mangga ang magkaibigang Miko at
Donna.
Pagtalakay sa sumusunod:

Layunin ng Kakayahang pangkomunikatibo


Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga
tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamikt ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay
nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo at hindi na lang basta kakayahang
lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang
komyuniketor.
-Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng
paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin. Sa pag-aaral din niya
ipinakilala ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo na nakakaapekto nang
malaki sa mundo ng lingguwistika. Bahagi ng gusto niyang malaman ay kung paano
nagkakaiba ang wika ng mga ito sa iba’t ibang kultura.
Kakayahang lingguwistiko/gramatikal sa Wikang
Filipino
Kakayahang lingguwistika o gramatikal ay isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat
isaalang-alang ng mga komyuniketor dahil ito ang pangunahing pokus upang ang bawat
salitang inilabas sa bibig ng tagapagsalita ay mauunawaan ng lubos ng tagapakinig.
Matatawag na isang mabisang komyuniketor ang tao kung mahusay siya sa kakayahang
gramatikal pagkat alam niya kung paano laruin ang mga salitang kanyang binibitawan. Sa
kakayahang ito ay dapat ding bihasa tayo sa pag-unawa at paggamit sa kasanayang
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, leksikon, gayundin ang tuntuning pang-ortogrpiya.

“ Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita


Marapat ding maunawaan at magamit nito nang tama ang wika”
Silid-aralan ang daan tungo sa paglinang ng
kakayahang pangkomunikatibo ng mga Pilipino

 Dito nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika.


 Nasusukat kasi ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang
tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa at makagamit ng tamang
salita o wika sa angkop na pagkakataon lalo na sa mga pormal na okasyong hindi
sila sinanay.
 Nararapat lang na ang pagkatuto ng wika ay dapat ituro ng maigi sa silid-aralan
pagkat ditto maiangat ang isang indibidwal mula sa pagkilala sa gramatika upang
mapalawig, maiugnay at magamit sa aktuwal na sitwasyon, sa tunay na buhay
lalo na sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan sa kapwa.
 Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na
partisipasyon ng mga-aaral sa gawaing lilinang sa makrong kasanayan tulad ng
pagsasalita, pagbasa, pakikinig at pagsulat.
 Ayon kay Cantal-Pagkalinawan (2010), isang propesor sa Hawaii, ang mahusay
na klasrum pangwika ay yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at
estudyante, at estudyante sa kapwa niya estudyante. Ang guro ay nagsisilbing
tagapatnubay/facilitator lamang sa iba’t ibang Gawain sa klasrum at ang mga
estudyante ay siyang aktibong nakikilahok sa iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon. Dapat pantay-pantay silang makilahok dito nang sa gayon
ay malinang ang kani-kanilang kakayahan lalo na sa pagsasalita.

Bakit mahalagang hindi lang basta makapagsalita kundi


magamit ang tamang salita at may tama ring gramatikal kapag
nakikipag-usap tayo sa iba?
Panuto: Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at
telebisyon. Palitan ng mas angkop na salita o pangungusap ang nakikita mong
pagkakamali panggramatikal sa mga ito.

 Host: Isa kang tunay na bayani! Biro mo, na-save mo lahat ng taong ‘yan sa sunog.
Ano’ng ginawa mo?
Bisita: Presence of mind lang. Nung nakita ko ang sunogan, kinuha ko agad ang fly
extinguisher.
1. Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
 Host: Why are you such a big fan of Angel Locsin?
Bisita: Kasi, ang giling-giling niya talaga!
2. Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
 
Panuto: Matutukoy mo ba kung may mali o wala sa sumusunod na mga pangungusap?
Bilugan ang titik na katapat ng makikita mong mali. Kung walang mali ay bilugan mo
ang titik D.
 
1.Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang kabataang tulad mo. Walang mali.
A B C D
2.Marami ang naniniwala sa kakayahan ng mga kabataang Pilipino. Walang mali.
A B C D
3. Ikaw pa rin ang magulang ko kahit anong mangyari. Walang mali.
A B C D
4. Si Nena ay mamalengke kahapon ng umaga. Walang mali.
A B C D
5. Magkaisa tayo para lang sa layunin.Walang mali.
A B C D
 
Sagot:

1. D 2. D 3. D 4. B 5. C
 Takdang Aralin (Assignment)

Sumipi o gumupit ng isang artikulo sa magasin o


pahayagang nakasulat sa wikang Filipino. Basahin at suriin
ang kawastuan sa gramatika ng mga pahayag ayon sa
itinakda ng 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa ng
Komisyon sa Wikang Filipino na tinatalakay sa aralin.
Maraming Salamat sa inyong
Pakikinig! God Bless!!!!!

You might also like