You are on page 1of 4

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

NILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay nakasusunod sa
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN pamantayan ng pagsulat ng masinop na
pananaliksik
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng
PAMANTAYANG PAGGANAP kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit,
metodo, at etika ng pananaliksik
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik
KASANAYANG PAMPAGKATUTO sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika sa pananaliksik
PAMAMAHAGI NG ORAS 120 minuto

BALANGKAS:
1. PANIMULA: Paglalahad ng pamantayan sa pagganap, kasanayang pampagkatuto, mga
tunguhin ng aralin, at pagbabalik-aral (5 minuto)
1. PAGGANYAK: Obserbasyon
2. INSTRUKSYON: Discovery approach at talakayan
3. PAGSASANAY: paggawa ng FLOW CHART
4. PAGPAPAYAMAN: (pangkatang gawain)pagbuo ng paksa
5. PAGTATAYA: Pagsasagawa ng pananaliksik
MGA KAGAMITAN:
LCD Projector, laptop, blackboard,
MGA SANGGUNIAN:
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik, Reyes,A. C., et al, Diwa
Publishing

PAMAMARAAN:
A. Panimula
Paglalahad, pagpapaliwanag at paghihimay sa mga pamanatayang pagganap at
kasanayang pampagkatuto o ang tunguhin ng aralin.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na
pananaliksik.

PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino
batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

Pagbabalik aral tungkol sa kahulugan at kahagahan ng pananaliksik.

 Focus na tanong
 Gaano kahalaga ang isang paksa sa isang pananaliksik?
 Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso sa paggawa ng
isang bagay?

B. Pagganyak
Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pag-oobserba
palalayuin muna ng guro ang mga mag-aaral sa kani-kanilang upuan. Maaaring
patayuin o paupuin sila sa isang lugar sa silid o sa labas ng silid kung saan ay
makikita silang bagay na kanilang maoobserbahan. Pagkatapos ay ilalarawan nila ang
mga ito.

1. Paglalahad ng tanong na maaring iugnay sa talakayan

C. Instruksyon
Paggamit ng discovery approach
1. Ipakikita ng guro ang ilang litrato ng mga bagay na na makatutulong sa pagpili
ng paksa sa gagawaing pananaliksik. Hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin kung
paano nakatutulong ang mga ito sa pagpili ng paksa.
2. Paglalahad ng general to specific na mga paksa gamit ang flow chart
D. Pagsasanay
Gamit ang flow chart bumuo ng isang tiyak na paksa.

E. Pagpapayaman
1. Hahatiin ang klase sa bawat pares at magpupunta sa silid-aklatan upang humanap
ng mga halimbawang pananaliksik at susuriin ang layunin, metodo, lagom,
konklusyon, rekomendasyon, atbp. Isusulat ito sa isang short bond paper at iuulat
ng bawat pares sa klase.

2. Bumuo ng paksa sa pananaliksik,ayon sa inyong kinabibilangang stand,


siguraduhing magkakaroon na isaalang-alang ang ilang suhesyon sa pagpili ng
paksa.
F. Pagtataya

Isa kayong pangkat ng mga propesyonal na mananaliksik na nakapaglalathala na ng


mga pag-aaral sa mga iginagalang na dyornal at nakapagbasa na ng mga papel sa mga
komprehensiya. Samantala, isang kompanya ang naglaan ng pondo upang tustusan
ang isang pananaliksik. Nais ninyong magkaroon ng kolaborasyon at pagpasa ng
konseptong papel sa nasabing kompanya upang makakuha ng pondo.
Bilang paunang mga hakbang, inaasahan sa inyo ang mga sumusunod:
 Kailangan ninyong pumili ng paksa ng gagawing pag-aaral. (Dapat itong ibatay sa
larangan o track na kinabibilangan.)
 Kapag may paksa na, magbasa ng halimbawang pananaliksik na naisulat dito.
Suriin ang layunin ng pag-aaral, metodo, gamit at mga konsiderasyong etikal.
Isaalang-alang ang mga ito sa pagtiyak ng tiyak na paksang pag-aaralan.
 Bumuo ng kompletong pamagat para sa panukalang saliksik. Ilagay ito sa bond
paper. Gumuhit din ng isang flow chart na nagpapakita ng pagbuo ng pamagat
mula sa isang malawak na paksa tungo sa espisiko na syang inyong gagawin.
Sumulat din ng isang-talatang sanaysay na nagpapaliwanag ng inyong napiling
paksa.
 Tatayain ang awtput ayon sa
 kabuluhan ng panukalang paksa
 husay ng pagkakapaliwanag
 kawastuhang panggramatika
 potensyal na ambag sa target na industriya o larangan

Inihanda nina:
Banzon, Michelle L.
Payumo, Adeline R.
Mellemena, Jonie A.
Peneyra,Jeannete Christie T.
Paz, Josephine B.
Abogado, Mae Veryl S.

You might also like