You are on page 1of 5

PAARALAN

Senior High School Department


School Year 2018-2019

TEACHING GUIDE IN FILIPINO

NILALAMAN: SITWASYONG PANGWIKA SA MASS MEDIA

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan nang may masusing pagsaalang-alang ang mga linggwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyong ng paggamit ng wika dito.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.

BEYOND PERFORMANCE STANDARD:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
KP1: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggan pahayag mula sa panayam at balita panayam at balita sa radio at
telebisyon.
KP2: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social media post at iba pa.
KP3: Nasusuri at naisaalang-alang ang mga lingwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.
KP4: Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit ng wika.

DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: 1. Nasusuri ang iba’t ibang wikang ginamit sa midya.
2. Nakasusulat ng isang hambing suri sa mga wikang ginamit ng iba’t ibang midya.

BEYOND LEARNING COMPETENCY:

CULMINATING PERFORMANCE STANDARD:


POWER STANDARD:
KAGAMITAN: Sangguniang aklat, PowerPoint Presentation

SANGGUNIAN: Quipper
Mayos, N.,Gutierrez, J.,&Tica-a,P.,Ang Kagamitang Panturo sa Filipino. Cabanatuan City:Jimcy Publishing House.
PAMAMARAAN ESTRATEHIYA SA PAGKATUTO
Panalangin
PANIMULA
Pagbati sa klase

Pag-tsek ng kalinisan

Pag-tsek ng liban sa klase

Paglalahad ng pamantayan, inaasahang pagganap, kasanayang pampagkatuto at iba pa

“HIMIG MO’Y MAY NAKALAANG SAGOT”


PAGGANYAK Ipapanood sa klase ang music video na pinamagatang “Tres Maria-Wika.” Pagkatapos nito ay magkakaroon ng malayang talakayan.
https://www.youtube.com/watch?v=yR17YzP4JMc
Mga gabay na tanong
1. Tungkol saan ang paksang tinalakay sa pinanood na music video?
2. Ano-ano ang mga isyung pangwika at pangkultura ang lumabas sa inyong pinanood?
3. Ano ang kasalukuyan kalagayan ng wika at kulturang Pilipino?
“PANGKATANG GAWAIN SA PAMAMAGITAN NG BRAINSTROMING”
PAGTALAKAY Papangkatin ang klase sa apat na grupo para talakayin ang Kahulugan, Pinagmulan,Tungkulin at ang mga sitwasyon pangwika sa ng
mass media.
Bubunot ang mga mag-aaral sa mahiwagang kahon ng kulay na kanilang napupusuan mula sa mahiwagang kahon , ang ibat ibang
kulay ng papel na ito ay nagtataglay ng iba’t ibang paksang pang mass media
DILAW-Kahulugan ,Pinagmulan at Tungkulin ng mass media
ASUL-Broadcast, Telebisyon,radyo
PULA-Print:dyaryo,Magasin, billboard at libro
BERDE -new age media: Cellphone at internet

Iproseso ng guro ang talakayan.


Ipakikilala ang larong Mouthful of Ideas at Bakya ni Neneng na may kasamang Picture Analysis
PAGSASANAY
Ipapasa ang maliit na bakya habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang siyang sasagot sa tanong/
bugtong sa mga napapanahong isyu sa media. Kung ang sagot sa tanong ay pelikula, radio, facebook,pick up lines ,hugot lines at marami pang
iba ,kukunin ng mag-aaral ang larawan sa loob ng bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong o mga sitwasyong na nakadikit sa likod ng
larawan
P1. Ano ang mga paksang nasasalamin sa larawan?
P2. Ano- ano ang wika na ginamit sa larawan?
P3. Ano- ano ang pakinabang ng wikang ginamit sa larawan na makatutulong sa lipunan?
P4. Sa kasalukuyan, talamak na ang iba’t ibang hugot lines sa social media, paano mapapaganda ang nilalaman ng bawat linya ?
P5.Paano nagiging malikhain ang wika habang ginagamit ang midya partikular sa pagbabalita?
P6 Paano nakabuo ng lingguwistikong komunidad ang mga gumagamit ng cellphone?

Magsaliksik ng mga artikulo mula sa pahayagan, magazine o kaya ay magdownload ng video na nagpapakita ng kahalagahan ng Mass Media sa
PAGPAPAYAMAN kultura at lipunang Pilipino.

Gabay na tanong:
 Ano-ano ang impluwensya ng Mass media sa kultura at lipunang Pilipino?
 Bilang isang estudyante ng makabagong panahon, paano makakatulong ang mass media sa pagpapaunlad ng wika?

PAGSULAT NG SANAYSAY
PAGTATAYA Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa impluwensiya ng mass media sa pagkakabuo ng lingguwistikong komunidad. Ipaliwanag ang positibo at
negatibong epekto ng mass media sa pag-unlad ng wikang Filipino.

Pamantayan Sa Pagsulat Ng Sanaysay


Pamantayan Mas mababa kaysa Kailangan pa ng Magaling Napakahusay Marka
inaasahan pagsasanay
(3 puntos) (5 puntos) (8 puntos) (10 puntos)
Kalidad ng Kulag na kulang ang May iilang detalye Maraming detalye Puno ng tamang detalye at
kaalaman nilalaman at walang lamang; may ibang ang isinaad;may isa maayos na
kaayusan ang bahagi na o dalawang ipinahayag,inilarawan ,at
pagkakabuo ng kinakilangan pa ng konsepto na hindi ipinaliwanag ang paksa
sanaysay kaukulang lubusang ayon sa kahingian
impormasyon at naipaliwanag ayon
ibayong paliwanag sa hinihingi
ayon sa kahilingan
Tiyaga/pagsisikap Tinapos ang Gawain Tinapos ang Gawain Tinapos ang Gawain Tinapos ang isang
para lamang ngunit hindi sinikap na may kasiya- napakagandang Gawain na
maipasa sa guro na lalo pang siyang resulta,may may masidhing pagsisikap
mapaganda pagsisikap na lalo na maging natatangi ito
pa itong pagandahin
Kasanayan/husay Hindi naipapakita Nagpapakita ng May angking husay Nagpapakita ng husay at
ang pagnanais na pagnanais na sa paggawa; galling sa paggawa;may
mapaghusay ang mapaghusay ang kailangan pa ng sapat na kaalaman o
isinumeteng Gawain paggawa kaunting pagsasanay pagsasanay
Panahon ng Paggawa Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng sanysayn
sanaysay sa loob ng sanaysay sa loob ng sanaysay sa bago pa ang itinakdang
dalawang linggo isang linggo itinakdang petsa ng petsa ng pagpasa
matapos ang matapos ang pagpasa
itinakdangg petsa ng itinakdang petsa ng
pagpapasa pagpapasa

PERFORMANCE TASK:
LITERAL TRANSFER:

Inihanda nina:

Kristina O. Martin (DIVINE WORD COLLEGE OF LAOAG)


Roselyn G. Mata (IGAMA COLLEGES FOUNDATION, INC.)
Ginarille G. Pala-og (CORDILLERA CAREER DEVELOPMENT COLLEGE)
Nikki S. Consebido (OUR LADY OF GUADALUPE ACADEMY SEVILLA)
Lovely E. Piamonte (SAN QUINTIN HIGH SCHOOL EDUCATIONAL FOUNDATION INC.)
Jingkie Kriza F. Ragus (PINILI INSTITUTE)
John Patrick C. Manangan (PERPETUAL HELP COLLEGE OF PANGASINAN)
Elena V. Patayan (ZARATAN EDUCATIONAL INSTITUTE, INC.)

You might also like