You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Radyo, Telebisyon at Nabasang
Pahayag sa blog, social media post
at iba pa

MELC:
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga
napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa
radyo at telebisyon. (F11PN – IIa – 88)

 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang


pahayag mula sa mga blog, social media posts at iba pa.
(F11PB – IIa – 96)

Inihanda ni:
CATHERINE T. ANTONIO
Guro II
Cadararatan National High School
Filipino – Ikalabin-Isang Baitang
Ikalawang Markahan – Mga Sitwasyong Pangwika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine T. Antonio
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Arnel S. Bandiola
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos
Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Radyo, Telebisyon at Nabasang
Pahayag sa blog, social media post
at iba pa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino Modyul para sa araling Sitwasyong Pangwika sa Radyo,
Telebisyon, Social Media at iba pa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino Modyul para sa araling Sitwasyong Pangwika sa radio,
telebisyon at mga nabasang pahayag sa blog, social media at iba pa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

iii
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga sitwasyong pangwika sa radio,


telebisyon, blog, social media post at iba pa

Naglalayon din ang Modyul na matukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa
mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa radio at telebisyon
at paggamit ng wika sa nabasang pahayag sa mga blog, social media post at iba pa.

Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahalagahan at


kabuluhan ng mga pangwikang paraan na may kaugnayan sa mass media na
maaari nating mapakinggan mula sa mga panayam at balita sa radio at telebisyon
at mga nababasang pahayag mula sa blog, social media post at iba pa.
Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo
ng kaalaman tungkol sa mga sitwasyong pangwika sa radio, telebisyon at social
media.
Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na sasagutan nang sa
gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin:

 Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


 Sitwasyong Pangwika sa Radyo
 Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang


pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
(F11PN – IIa – 88)

2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula


sa mga blog, social media posts at iba pa. (F11PB – IIa – 96)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin!

1
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan?


A. Radio C. Pahayagan
B. Internet D. Telebisyon
2. Ano ang tawag sa pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag?
A. Code mixing C. Translation
B. Code switching D. Giving meaning
3. Anong wika ang pangunahin o nangungunang ginagamit sa radio at telebisyon?
A. Ingles C. Iloko
B. Filipino D. Lahat ng nabanggit

4. Ano ang tawag sa pinaghalong “web” at “log”?


A. Tik tok C. Vlog
B. Blog D. Youtube

5. Anong bansang tinaguriang Social Media of the World?


A. Korea C. USA
B. Philippines D. Thailand

6-10. Piliin kung anong uri ng blog ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
A. Fashion Blog
B. Vlog
C. Personal Blog
D. News Blog
E. Humor Blog

2
1. Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay
naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy at Liz Uy sa
mga nagpapatakbo ng ganitong blog.
2. Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay.
Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang ng
mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang mga blog na
ito – kahit ano ay pwede.
3. Nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng mga bagong
balita sa mga mambabasa. Isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger mula sa
ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maari na ring isama
rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports at
teknolohiya.
4. Naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga
mambabasa. Maganda anfg may ganitong uri ng blog upag mas lumabas ang galing
ng bloggerna makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa. Pinakasikat na
marahil si Professional Hecker sa mga humor blogger ditto sa Pilipias. Ngunit hindi
lamang sila nagpapatawa, gusto rin nllang maimulat tayo sa katotohanan gamit
ang kanilang alam na paraan.
5. Ito ay kilala rin bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o
kung anumang personal na gawain.

Binabati kita! Natutuwa ako at nasagutan mo nang maayos ang paunang


pagtataya. At dahil diyan, magpatuloy ka na sa susunod pang mga gawain.

Aralin MGA SITWASYONG


PANGWIKA SA RADYO,
TELEBISYON AT SOCIAL

3
1 MEDIA

Balikan

Gawain 1: Sanhi o Bunga ng Nakaraan?


Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangyayari at tiyakin kung ano ang
naging sanhi o ano ang ibinunga nito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay


nagmula sa tatlong malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano
ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika?

A. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.


B. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
C. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
2. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at
pagbasa-ang baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila
ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila dito?

A. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto


nilang buwagin ang simbolo ng pagkakaisa ng mga ito.

B. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila


magkakauna- waan kung ito ang gagamitin.

C. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip
nilang makahahadlang ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa


pakikipag-usap sa mga mamamayan. Ano ang sanhi nito?

A. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapapalaganap nila ang


pananalampalataya kung wikang nauunawaan ng mga katutubo
ang gagamitin.

B. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang


katutubo kaysa sa kanilang wika.

C. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong


matuto ng bagong wika.

4. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng


Kristiyanismo. Ano ang ibinunga nito?

4
A. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin
upang makipag-ugnayan sila sa mga katutubo.

B. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga


wikang katutubo.

C. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng


wikang Espanyol

5. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “isang bansa, isang diwa"?


A. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa
ang Tagalog.

B. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag - aralan ang wikang


Espanyol.

C. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi


upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Mga Tala para sa Guro

Ang mga Gawain sa modyul na ito ay kinalailangan nang


masinsinang pang-unawa para masagutan mo ito nang
maayos at tama.

Tuklasin

Gawain 2: Media Ngayon!

5
Panuto: Suriin ang salita o mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ng
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung angkop ito at ekis (X)
naman kung hindi.
1. Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang Broadcast Media.
2. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili ang
telebisyon.
3. Maaaring manood din ng mga balita sa teleradyo.
4. Isang mekanismo ng pagbabago at pag-unlad ng kulturang Pilipino ang
Social Media.
5. Mayaman sa impormasyon ang anumang balita.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti.


SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa


kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
 Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para
marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal na channel.
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang
Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show,
news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.
 Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-
milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan
sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO


 Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit
kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipagusap.

6
 Mapapansing marami sa mga tagapagsalita sa radyo ang gumagamit ng
pagpapalit-koda (code-switching )- pagsasama-sama ng dalawa o mahigit
pang makabuluhang pahayag na nabibilang sa dalawang sistema ng wika o
paghahalong-koda (Code-mixing)- may nahahalo o naisisingit na salita mula
sa ibang wika labas sa naitakdang dalawang pangunahing sistema ng wika.
 Ang pagpapalit-koda at paghahalong-koda ay nagsasangkot ng dalawa o
higit pang wika. - Ang koda ay tumutukoy sa wikang ginagamit. Maaaring
ang mga wikang ginagamit na pinaghahalo o pinagpapalit ay Ingles, Filipino,
mga katutubong wika ng mga tagapakinig, at mga ibang banyagang wikang
nalalaman ng tagapagsalita. - Sa radyo, wika ang pinakainstrumento para
magawa nito ang tungkuling makapaghatid ng balita, aliw, at impormasyon
sa tao.
 Alalahaning sa pamamagitan lamang ng pakikinig natatanggap ng mga
tagatanggap (addresee) ang mensahe ng tagahatid (addreser) mula sa radyo.

Ang dalawang midyum na ito (radyo at telebisyon) ang


pinakamaimpluwensuyang instrumento sa pagpapakilala sa mga wika at sa mga
pagbabagong nangyayari sa mga ito. Sa kasalukuyan, ang sitwasyong pangwika sa
radio at telebisyon ay masasabing naiiba kumpara sa mga nakaraang panahon.
Ang mga pagbabagong ito ay isang pagpapatunay na ang wika ay buhay,
nagbabago, at umuunlad.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Ranasuyriya (2015), malaki ang naging
pagbabago ng paggamit ng wika ng mga nagtatrabaho sa industriya ng radio at
telebisyon. Ang radyo at telebisyon ay may malaking papel sa buhay ng mga tao.
Ang nagagawa ng mga ito para sa pagbabago ng kanilang buhay ay isang
katotohanan an hindi pwedeng ipagkaila.
Ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon ay bahagi na ng buhay ng
mga tao. may mga nakikinig sa radyo o nanonood ng telebisyon para mapagaan
ang kanilang nararamdaman mula sa mabigat na pagtatrabaho, para maaliw, para
malaman ang nangyayari sa lipunan, para hindi, antukin at iba pa. kailangang
sapat ang kanilang kaalaman at pang-unawa sa wika, berbal o di-berbal na
ginagamit. Nangangailangan ang tagapakinig o tagapanood ng antas ng
karunungan sa wika na ginagamit para sa epektibong pang-unawa sa ipinaaabot
na mensahe.
Gayunpaman, resposabilidad ng media na maunawaan ang mga tagapakinig at
tagapanood sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Kung
ang kani-kanilang mga media ay hindi nagbibigay ng ayon sa kanilang
kagustuhan, magkakaroon ng posibilidad na sila ay maghahanap ng ibang paraan
ng media.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET


 Binago ng social media ang pamamaraan ng pamumuhay ng milyon-milyong
Pilipino
 Tinaguriang Social Media of the World ang Pilipinas
 44.2 milyon (44%) mula sa 100.8 milyon na populasyon ng Pilipinas ang
aktibong account sa iba't ibang social media sites
 30 milyon (30%) ay may aktibong social media accounts (wearesocial.com,
2015)
 Malawak ang impluwensya ng social media sa mga Pilipino

7
 Social media - internet-based applications na ginawa batay sa Web 2.0;
naging posible ang pagkontrol at kontribusyon ng mga gumagamit ng
internet
 Pamamaraan ng interaksyon pagitan ng mga tao
 Web publishing tools - tumatanggap ng ambag mula sa iba't ibang
gumagamit nito na hindi naman propesyonal sa larangan ng kompyuter
 Facebook, Twitter, Instagram, Foursquare, Tinder, atbp. - nagbabahagi ng
kaalaman at maging daluyan ng diskurso
 Ang wika ng Internet ay Ingles, ngunit dahil sa paglaganap ng web
publishing tools, iba't ibang wika na rin ang nakapasok
 Napakaaktibo ng mga Pilipino sa larangang ito, kaya lumaganap ang
paggamit ng Filipino sa Internet
 Iba't ibang estilo ng paggamit ng wika ang lumaganap sa pamamagitan ng
Internet

BLOG
Ito ay pinaghalong termino ng "web" at "log".

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na
"talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan.
Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito,
sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na
blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang
isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.
Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa
ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary
(talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging
interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga
taong nagbasa ng isang partikular na blog. Karamihan sa mga blog ay binubuo
lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman
sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika
(MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog
na sobrang ikli.
Ang salitang weblog ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong
Disyembre 17, 1997. Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro
ni Peter Merholz noong Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga
pinakaimportanteng bahagi ng journalism ang blogging.
Ang sumusunod ay ilan sa napakaraming uri ng blog. Dumami nang
tuluyan ang mga uri ng blog dahil sa Kalayaan ng mga blogger na mamili at
gumawa ng sarili nilang tema para sa kanilang mga blog.
1. Fashion Blog- Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may
ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo

8
ng fashion o pananamit. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy at
Liz Uy sa mga nagpapatakbo ng ganitong blog.
2. Personal Blog -Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang
buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi
lang ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang mga
blog na ito – kahit ano ay pwede.
3. News Blog- Ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi
ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger
mula sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maari na
ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports
at teknolohiya.
4. Humor Blog-Naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o
makapagpaaliw ng mga mambabasa. Maganda anfg may ganitong uri ng blog upag
mas lumabas ang galing ng bloggerna makuha ang kiliti at emosyon ng mga
mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional Hecker sa mga humor blogger
ditto sa Pilipias. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nllang maimulat
tayo sa katotohanan gamit ang kanilang alam na paraan.
5. Photo Blog- Ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga
typographies. Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan ang mga photo
blog, Isa na marahil sa pinakasikat na pinagkukunan at pinagmumulan ng
nasabing blog ang Tumblr. Hndi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa
rin ang Tumblr dahil bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang
talent ng mga makabagong kabataan sa paggawa ng iba’t-ibang litrato na
karaniwan ay naglalaman ng mga mesahe.
6.Food Blog- Ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay
magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap at kakaibang
mga pagkain.
7. Vlog-Ito ay kilala rin bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video
mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay,
eksperimento, o kung anumang personal na Gawain.
8. Educational Blog- Nakatutulong ang mga ganitong blog upang malinawan ang
mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami
ng mga blogger na ay mabubuting mga puso upang ipaliwanag nang malinaw ang
mga aralin. Kabilang na rito ang blog site na AccountingCoach.com
9. Micro Blog- Ito ay maliliit na mga paksa o content ukol sa makabagong bagay
tulad ng bagong paksa, larawan at video. Mga mahahalagang pangyayari tulad ng
mga concert at mga palabas halibawa ng microblog ay twitter, Facebook at iba pa.
10. Aggregated Blog-Ito ay uri ng blog na ang mambabasa ay nakatuon o ang focus
ay pagbabasa pamang pero hindi masyadong nakuha ang mahahalagang content o
paksa.
11. Reverse Blog- Isang uri ng blog na lahat ay puwedeng magsulat o mag-
contribute ukol sa isang paksa halimbawa sa web forum.

9
IRESPONSABLENG PAGGAMIT NG INTERNET
 Kapansin-pansin ang iresponsable, hindi makatwiran at hindi maingat na
pagbigay ng mga komento at pahayag na walang sapat na batayan at
pananaliksik
 Walang pamamaraan ng pagpupulis sa katumpakan ng mga impormasyong
nakikita sa mga social media sites
 Naglipana ang mali-maling impormasyong nakabatay sa makitid na
pananaw ng ilan.

CYBERBULLYING

 Ang paggamit ng Internet para mangapi ng ibang tao, katulad ng


pagpapadala ng mga mensahe ng nananakot o nagbabanta.
 Ito ay makakaapekto sa dignidad ng isang tao at pwede ito maging sanhi ng
malubhang trauma.
 Ipinasa sa Pilipinas ang Anti Cyber-Bullying Act of 2015.
 Ito ay nagbabawal ng iba't ibang uri ng pang-aapi na gamit ang Internet.

Pagyamanin

Gawain 3.1: Anong icon ito?


Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na icons, isulat ang katawagan ng mga ito
sa sagutang papel.

1. 6.

2. 7.

10
3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain 3.2: Balitang Radyo!


Panuto: Basahin ang isang halimbawang komentaryong panradyo. Suriin ang
nilalaman nito at ang sitwasyong pangwikang ginamit.
Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Kahandaan
Tuwing May Kalamidad sa Ating Bansa
Dwight Ganzon: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DXSB, narito muli ang inyong
mga tagapag-balita, ang inyong abang lingkod, Dwight Ganzon at Iggy Mendiola sa
programang Komento Mo, Punto ko.
Iggy Mendiola: Magandang umaga po sa inyong lahat!
Dwight Ganzon: Magandang umaga, Partner!
Iggy Mendiola: Partner, napapanahon ngayon ang isyung pag-uusapan natin
kaugnay ng kahandaan tuwing may kalamidad sa ating bansa. Alam naman natin
ang idinulot ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol na pawang nangyari noong
2013 sa parteng Kabisayaan.
Dwight Ganzon: Oo nga, Partner. Isang napakagandang hakbang ito ng
pamahalaan nang sa ganoon, maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian, lalo na
ang pagkasawi ng maraming buhay.
Iggy Mendiola: Tama ka riyan. Huwag lamang itong mabahiran ng politika, tiyak na
malaking tulong ito sa ating mga kababayan na laging nakararanas ng bagyo,
lindol, at pagbaha.

11
Dwight Ganzon: Alam mo, Partner, kapag nagkaroon ng political will ang mga
namumuno sa ating pamahalaan mula sa pinakamaliit na sangay patungo sa
pinakatamataas, tiyak na magtatagumpay ang anumang plano para sa kapakanan
ng mamamayan.
Iggy Mendiola: Dapat matuto na ang pamahalaan sa mga naranasang kalamidad.
Hanggang ngayon nahihirapang makabangon ang mga nasalanta o naapektuhan
ng nasabing kalamidad. Lahat gustong maging bida para sumikat. At alam mo na,
para sa susunod na halalan mabangong-mabango ang pangalan nila.
Dwight Ganzon: Hay, buhay Pinoy! Sana hindi pansarili lamang ang iniisip ng mga
politikong iyan, tunay at tapat na paglilingkod ang itumbas sa mga bumoto sa
kanila. Sayang at tapos na ang ating oras.
Iggy Mendiola/Dwight Ganzon: Hanggang sa muli po…
Dwight Ganzon: Komento Mo...
Iggy Mendiola: Punto ko.

Ilahad ang ginawang pagsusuri sa nilalaman at batayang sitwasyong pangwika.


Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Isaisip

Gawain 4: Anong masasabi Mo?


Panuto: Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa Internet at Social Media, sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sang-ayon ka bang lumaganap na ang paggamit ng Internet sa buong mundo?


Bigyang katuwiran ang sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Malaki ba ang naitutulong ng Internet at mga social networking site sa


pagpapaunlad ng edukasyon sa kasalukuyan? Sa paanong paraan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Ano ang Blog? Ano-ano ang mga uri nito?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang Facebook sa pagkatuto at pag-aaral ng kabataang


Pilipino?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Ano ang panganib na maaaring maidulot sa paggamit ng mga social networking


site?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
Isagawa

Gwain 5: Blog Ko, Surrin Mo!


Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng blog na nasa internet. Suriin ang
paggamit ng wika. Gawing batayan ang kahon sa pagsagot.

May Pag-asa Pa Ba?

Ang mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mahihirap ay lalong


humihirap. Iyan ang nangyayari sa ating bansa. Hindi ito kataka-taka
dahil hanggang ngayon ay marami pa ring “corrupt” na opisyal sa
gobyerno.

Hindi rin nagbabayad ng tamang buwis ang karamihan ng ating


mamamayan kaya kulang ang pondo ng gobyerno para sa mga proyekto.

Sapagkat hindi sapat ang kinikita ng ilang Pilipino ay napilitan silang


mangibang bansa. Sila ay tinatawag na OFWs. Malaki ang natutulong
nila sa ekonomiya ng bansa dahil nagpapadala sila ng pera sa mga
kaanak sa bansa. Palibhasa may dumarating na pera, ang ibang kaanak
ng OFW ay hindi naghahanap-buhay. Nagpapakasarap sila sa buhay
habang nagbabanat ng buto ang mga OFWs kaya masasabi kong
katamaran ay isa ring dahilan kung bakit hindi tayo umaasenso.

Ang kakulangan ng disiplina ay isa ring dahilan kung bakit naghihirap


ang Pilipinas. Nagkakalat ang mga basura sa lansagan pati sa dagat.
Ang gobyerno ay kailangan pang maglaan ng pondo para hinisin ang
mga kalat.

Dahil kulang ang pondo ng gobyerno ay napilitan itong manghiram sa


ibang bansa kaya malaki na ang utang ng ating bansa.

Gusto ko makita ang araw na makaahon ang ating bansa sa kahirapan.


https://jgo15xs.wordpress.com/best-works/filipino/filipino-blog-entry-5/

14
PAGSUSURI SA ISANG BLOG

Pangalan ng Blogger

Uri ng Blog

Paksa

Layunin

Paraan ng Paggamit
ng Wika

Kulturang Pilipino
na Nakapaloob

15
Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan?


A. Radio C. Pahayagan
B. Internet D. Telebisyon
2. Ano ang tawag sa pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag?
A. Code mixing C. Translation
B. Code switching D. Giving meaning
3. Anong wika ang pangunahin o nangungunang ginagamit sa radio at telebisyon?
A. Ingles C. Iloko
B. Filipino D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang tawag sa pinaghalong “web” at “log”?
A. Tik tok C. Vlog
B. Blog D. Youtube
5. Anong bansang tinaguriang Social Media of the World?
A. Korea C. USA
B. Philippines D. Thailand

6-10. Piliin kung anong uri ng blog ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
A. Fashion Blog
B. Vlog
C. Personal Blog
D. News Blog
E. Humor Blog

16
1. Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay
naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy at Liz Uy sa
mga nagpapatakbo ng ganitong blog.
2. Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay.
Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang ng
mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang mga blog na
ito – kahit ano ay pwede.
3. Nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng mga bagong
balita sa mga mambabasa. Isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger mula sa
ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maari na ring isama
rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports at
teknolohiya.
4. Naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga
mambabasa. Maganda anfg may ganitong uri ng blog upag mas lumabas ang galing
ng bloggerna makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa. Pinakasikat na
marahil si Professional Hecker sa mga humor blogger ditto sa Pilipias. Ngunit hindi
lamang sila nagpapatawa, gusto rin nllang maimulat tayo sa katotohanan gamit
ang kanilang alam na paraan.
5. Ito ay kilala rin bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o
kung anumang personal na gawain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang account sa facebook, Instagram o twitter, magbigay ng mga


dapat gawin tungkol sa responsableng paggamit ng social media upang magkaroon
karagdagang kaalaman ang mga taong makakabasa nito.
1.
2.
3.
4.
5.

17
Susi sa Pagwawasto

Paunang/Pangwakas Pagtataya Balikan


1. D 1. B
2. B 2. C
3. B 3. A
4. B 4. B
5. B 5. C
6. A
7. B Tuklasin
8. C 1. /
9. D 2. /
10.E 3. /
4. /

Isaisip 5. /
1. Tiktok
2. Youtube
3. Messenger
4. Google Drive
5. Twitter
6. Yahoo
7. Google Chrome
8. Tinder
9. Instagram
10.Facebook

18
Sanggunian

 Dayag, Alma T. at Mary Grace G. del Rosario. 2017. Pinayamang Pluma:


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon
Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
 Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pannaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal
Group, Inc.
 CO/RO Self-Learning Module

 https://etech511ckp20172018.wordpress.com/2017/08/15/first-
blog-post/
 https://www.coursehero.com/file/62225215/MODYUL-4MGA-
SITWASYONG-PANGWIKA-SA-PILIPIN-ASdocx/

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos


Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-
2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like