You are on page 1of 26

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mhalaya S. Broqueza
Editor: Aileen L. Francisco
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit:
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Editha O. Peregrino, Division SHS Focal Person
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Pagbati muli sa iyo, ginigiliw kong mag-aaral! Mahusay,ikinagagalak ko ang
patuloy na tagumpay mo sa pagsasakatuparan ng bawat bahagi ng mga modyul.

Ikaw ngayon ay nasa Ikalawang Markahan na inaasahan ko bilang iyong guro ay mas
lalo mong paghusayan pa ang mga gawain at mga pagsasanay na inihanda para sa’yo.
Handa ka na ba na alamin ang bagong karunungan para sa araling ito ?

Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman ukol sa Sitwasyong Pangwika sa


Pilipinas mula sa mga nakaraang napag-aralan mo. Asahan mong mas lalawak pa ang
iyong mga matututunan kaugnay ng paksang ito. Handa ka na ba? Sa palagay ko nga,
kaya naman magsimula ka na!

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang


Pilipino. F11PB-IIg-97

2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang


pananaliksik. F11PU-IIg-88

3. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-


ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. F11WG-IIh-89

4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang


kultural at panlipunan sa bansa. F11EP-IIij-35

1
Bago natin tuluyang tahakin ang panibagong aralin sa modyul na ito,
muli nating subukin ang iyong kakayahan. Sagutan nang buong-husay ang
sumusunod.

Gawain- PILI NA!

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pahayag at tukuyin ang tamang
sagot. Pumili sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

___________________1. Tinatawag din itong riserts at makaagham na pagkuha at


pangangalap ng mga tala upang masubok ang isang teorya nang sa gayon ay malutas
ang isang suliranin.
___________________2. Bawat hakbang ay nakaplano. Walang puwang ang mga
gawaing likhang-isip at mga panghuhula. Maingat na pinipili at nililinang ang mga
pahayag na batay sa mga nakalap na datos.
___________________3. Ang mga patotoo at ang validity ng sulating pananaliksik ay
nakasalalay sa mga ihaharap na materyales bilang pagkilala sa gawain
___________________4. Tumutukoy ito sa sinusunod na batayan o proseso sa pagsulat,
at nakakaiwas sa mga maling pahayag.

___________________5. Ang pagpili mismo nito ang nagpapatunay ng oryentasyon ng


mananaliksik.

Pananaliksik Sistematiko Kontrolado Dokumentado Paksa

Sitwasyong Pangwika sa
Aralin Pilipinas
1 (Kakayahang Pangwika sa
Kulturang Pilipino)

Mahusay! Muli mo na namang ginalingan ang pagsagot sa paunang gawain.


Naniniwala akong mas paghuhusayan mo pa sa mga susunod na gawain. Kailangan
mo lang talagang maniwala na kaya mo at magagawa mo.

Sa modyul na ito, bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na tulad mo na


magsuri ng abstrak ng mga natapos na pag-aaral at pananaliksik hinggil sa wika at
mga aspektong nagpapaangat sa ating kultura.

2
Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na pagkuha at pangangalap ng
mga tala upang masubok ang isang teorya, nang sa gayon ay malutas ang isang
suliranin. Dito ay lubos na kailangan ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng
mga kinakailangang datos upang matiyak na matatanggap ang mga impormasyon o
datos na nalikom upang mapatotohanan ang teoryang nais malaman o patunayan sa
pananaliksik.

Mas mainam na balikan muna natin ang nakaraang aralin na tinalakay sa


modyul 6, nang sa gayon ay higit na masukat ang iyong mga kaalaman.

Gawain- BIGYANG-KAHULUGAN
Panuto: Subukin ang iyong kakayahan. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang
salitang nagging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong pananalita batay sa iyong
pagkaunawa sa bawat isa.

1. komunikasyon

2. verbal na komunikasyon

3. di-verbal na komunikasyon

4. kakayahang pragmatik

5. kakayahang istratedyik

Mga Tala para sa Guro

Naaalala mo pa ba yung panahon na nagsisimula ka pa lang? Akala mo hindi


mo kaya, iniisip mo na sumuko o umayaw ka na lang. Pero tingnan mo naman,
ngayon ay nasa dulo ka na ng asignaturang ito. Tunay nga na walang imposible
sa isang taong masigasig. Higit sa lahat, walang hindi kaya kapag Diyos ang
kasama!
Laging manalangin at huwag basta-basta susuko. Bago ka umayaw, isipin
mo muna kung anong dahilan at inspirasyon mo kung bakit mo ginusto ang
isang bagay. Maging matibay at huwag na huwag panghihinaan ng loob!

3
Alam kong sabik ka na sa pag-aaral at pagsusuri ng bagong aralin.
Ngunit bago ‘yan, hahayaan ko munang maisakatuparan mo ang gawain na ito.
Gawain- HANAP!

Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na mga salita sa ibinigay na Word


Search. Hanapin at piliin din ang mga kahulugan nito sa susunod na kahon.

1. Pananaliksik 4. Interpretasyon
2. Paksa 5. Mananaliksik

3. Metodolohiya 6. Wika

A. Tumutukoy sa midyum ng pakikipag-ugnayan na gagamitin sa pananaliksik.


Ito rin ang nagpapatatag sa oryentasyon sa nasabing pananaliksik.

B. Ang pagpili nito ay nagpapatunay ng oryentasyon ng mananaliksik. Ito ang


bubuo sa isang mahusay na pananaliksik.

C. Pagtuklas ito ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa isang


suliranin
D. Ang batayan ng pagsusuri nito ay krusyal sa kabuluhan ng pananaliksik.

4
E. Tumutukoy ito sa kung sino ang gagawa ng pananaliksik.

F. Tinatawag din itong pamamaraan ng pananaliksik. Maaari din itong


kuwalitatibo at kuwantitatibo

> Sa iyong palagay, handa ka na bang manaliksik at bumuo ng isang sulating


pananaliksik? ________________________________Maglahad ng mga paliwanag sa iyong
sagot.
- __________________________________________________________________________________

- __________________________________________________________________________________

- __________________________________________________________________________________
Binabati kita! Batid kong pinaghusayan mo nang husto sa simula pa lang
ng modyul na ito. Ngayon ay maglaan ka na nang sapat na oras at atensyon sa
pagbasa at pagsusuri ng paksang-aralin para sa linggong ito.

PANANALIKSIK
(Mga Kahulugan at Katangian
at Layunin)
➢ Ang pananaliksik ay isang pang-akademikong gawain. Ito ay maaaring
pang-indibidwal at panggrupong gawain na nangangailangan ng
ibayong kasanayan, tiyaga, sipag at disiplina.
➢ Tinatawag din itong riserts at makaagham na pagkuha at pangangalap
ng mga tala upang masubok ang isang teorya nang sa gayon ay malutas
ang isang suliranin.
➢ Pagtuklas ito ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at paglutas sa
isang suliranin. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga
ideya, konsepto, bagay, isyu, tao at iba pang nais bigyang-linaw,
patunayan o pasubalian.
➢ Ayong kay Good, ang pananaliksik ay isang “maingat, mapanuri,
disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng
suliranin na itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.
➢ Ayon kay Parel, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o
pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang
katanungan ng pananaliksik.
➢ Ayon kay Treece at Truce, ang pananaliksik ay pagtatangkang
makakuha ng kalutasan sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito’y
paglilikom ng mga datos sa isang mahigpit at kontroladong kalagayan
sa layuning makapaghinuha o makapagliwanag.
Mga Kategorya:

5
▪ Maingat dahil kinakailangan ang wastong paghanay ng mga
ideya. Ang mga salitang gagamitin ay pili ayon sa hinihingi ng
paksa.
▪ Masusi dahil bawat detalye, datos, pahayag o katwiran ay
nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng anumang
pasya.
▪ Sistematiko dahil may sinusunod na batayan o proseso sa
pagsulat. Nakakaiwass sa mga maling pahayag.
▪ Mapanuri dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang,
sinusuri at tinataya.
▪ Tiyak dahil kailangang patunayan ang mga nosyon, palagay,
haka-haka o paniniwala sa paraang sigurado o
mapagbabatayan.
▪ Kontrolado dahil bawat hakbang ay nakaplano. Walang
puwang ang mga gawaing likhang-isip at mga panghuhula.
Maingat na pinipili at nililinang ang mga pahayag na batay sa
mga nakalap na datos. Kaya ang konklusyon at
rekomendasyon ay batay rin sa mga natuklasan.
Katangian
Ang pananaliksik tulad ng nabanggit na ay isang kursong akademiko
at nangangailangan ng ibayong paghahanda upang maisagawa nang maayos,
sistematiko at epektibo ang hinaharap na kalutasan sa isang suliranin o paksa. Upang
maisakatuparan ang hangaring ito, ang pananaliksik ay kinakailangang:
➢ Obhektibo- Ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta-bastang
pinagsasama-samang mga binuod na akda o pinagdugtong-dugtong na
pahayag mula sa nakalap na impormasyon. Bagkus ito’y mga nakalap
na kaalaman at datos na isinaayos at inorganisa sa isang makaagham
na pamamaraan na ang bawat hakbang ay nakaplano. Ang mga
interpretasyon o pagpapakahulugan ay binabatay sa paghahanay,
pagtataya at pagsusuri ng mga datos na nakalap.
➢ Mayaman sa mga ginagamit na datos- Hindi kailangang makuntento sa
isa o dalawang sanggunian. Bigyang-kasiyahan ang gawang
pananaliksik sa tulong ng mga nagpapanaligang mga impormasyon.
Lahat ng mga posibleng pagkunan, maging ito man ay nakasulat sa
wikang banyaga ay tanggapin kung mga datos ay nakatutulong nang
Malaki para magamit sa pananaliksik.
➢ Angkop na pamamaraan o metodolohiya- Ang tagumpay ng isang
pananaliksik ay nakasalalay sa ginagamit na pamamaraan o
metodolohiya. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ang particular na
instrumenting ginamit na makatutulong sa ikahuhusay sa sulating
pananaliksik.
➢ Dokumentado- Ang mga patotoo at ang validity ng sulating
pananaliksik ay nakasalalay sa mga ihaharap na materyales bilang
pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

6
➢ Sumusunod sa tamang proseso ng pagsulat- Ang sistematikong
pananaliksik ay dumaraan sa masalimuot na yugto ng pagsulat.
- Nagsisimula sa pagtukoy ng suliranin
- Pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na teorya
- Pangangalap ng mga datos
- Pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos
- Pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyon
➢ Masuri o Kritikal – Magiging balido lamang ang isang pananaliksik
kung ang mga inilahad na ideya ay mapapanaligan at mapatotohanan
sa tulong ng mga ginamit na mga datos.
Layunin
Sa tulong ng mga gawaing pananaliksik, higit na lumalawak ang
kakayahan at kasanayan ng tao upang magamit ang kanyang mga natutuhan sa isang
makabuluhang pag-aaral.
Higit sa ano pa man, ang gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa
mga mag-aaral na:
1. makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto at
impormasyon
2. makapagbigay ng bagong interpretasyon o
pagpapakahulugan sa dati nang ideya
3. makapagpalinaw sa isang usapin o isyung
pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang
solusyon sa problema
4. makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga
mapapanaligang material o dokumento hinggit sa mga
paksang nangangailangan ng paglilinaw at
5. makapagbigay ng mga ideya o suhestiyon batay sa
historikal na perpektibo para sa isang pangyayari o
senaryo. Halimbawa, ang pagtalakay sa ibubunga ng
pagbabago ng sistema ng pamahalaan. Kailangang
ilahad ang maaaring ibunga kung sakaling magpalit ng
porma ng gobyerno mula sa presidensyal tungo sa
parlimentaryo or bise bersa.

Mga Tungkulin at Responsibilidad ng


Mananaliksik

▪ Pagkamatiyaga
▪ Pagkamaparaan
▪ Pagkamasistema sa gawain

7
▪ Pagkamaingat
▪ Pagkamapanuri o kritikal
▪ Pagkamatapat
▪ Maging Responsable

Oryentasyong Pilipino sa
Pananaliksik
Ang pananaliksik ay nabibigyan ng kabuluhan, kulay at buhay kung
naiaangkop sa pekulyaridad at mga kultura, at ng mga sosyal at
heograpikal, ekonomiko, ideyolohikal at sikolohikal na katangian ng
bansang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Dito naitatag ang
tinatawag ng oryentasyon ng pananaliksik.
Paano nga ba naipapakita o napapatunayan ang oryentasyong
Pilipino?

Maaari mong makita ito sa pamamagitan ng:


(1) paksa
(2) pamamaraan
(3) interpretasyon, perspektiba, pananaw
(4) mananaliksik (kung sino ang gagawa ng pananaliksik)
(5) tagatanggap (para kanino ang pananaliksik)
(6) wika ng pananaliksik

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating


Pananaliksik

1. Pagpili ng Mabuting Paksa


- Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik. May masusing
pag-unawa dapat sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro.
- Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang
isang sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at
dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin.
Naririto ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago
tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:
▪ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang
pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?

8
▪ Angkop, makabuluhan, at napapanahon baa ng paksang ito? Magiging
kapaki-pakinabang baa ng magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa
particular sa mga kaklase ko?
▪ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
▪ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa
amin?
▪ Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng
impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na nga ang


pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka nang magpatuloy sa ikalawang
hakbang ng pananaliksik.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
Kapag napagpasiyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag ng
tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay o
magbibigay direksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
▪ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?> Layunin kong maglahad ng
impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
▪ Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang baa ng makababasa ng sinulat
ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng
aking mga mambabasa?
▪ Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang
kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag
ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
- Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga
sanggunian. Maaari ding makakuha ng mga impormasyon mula sa internet. Maging
maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa Internet sapagkat
maraming impormasyon mula rito ang kaduda-duda o minsan ay walang
katotohanan.
- Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat,
artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang material na
ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyograpiya para sa bawat
sanggunian. Ito’y maaaring isang 3” x 5” na index card na kakikitaan ng sumusunod
na mga impormasyon:
▪ Pangalan ng awtor
▪ Pamagat ng kanyang isinulat
▪ Impormasyon ukol sa pagkakalathala
- mga nalimbag
- lugar at taon ng pagkakalimbag

9
- pamagat ng aklat
▪ Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa pansamantalang bibliyograpiya ay


magagamit, subalit mahalaga pa ring kunin ang lahat ng makikitang may kaugnayan
sa paksa sapagkat maaaring sa panahon ng pagsusulat ay makatulong ito sa iyo at
hindi ka na kailangang maghagilap ng iyong gagamitin dahil alam mon a kung saan
mo ito mahahanap.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
- Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay
direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong material
pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng
bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking
- Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at
tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin.
- Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index
card na mas Malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa
bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas malaking card. Ang bawat card ay
ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring
magdagdag pa ng ibang card. Maaaring gamitin ang pormat sa ibaba para sa iyong
mga tala:

Tiyak na paksang hango sa Pangalan ng awtor


iyong balangkas Pamagat ng aklat
Pahina

Isulat dito ang iyong tala.

Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala: ang tuwirang sinipi, hawig, at
buod.
▪ Tuwirang sinipi
▪ Buod
▪ Hawig
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
- Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin
ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa
pagsulat ng iyong borador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft

10
- Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong borador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik
ay dapat magkaroon ng introduksyon na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan
sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan ng pinalawig o nalamnan nang
bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng buod
ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang
gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang
panggramatika; pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan.
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
- I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto
sa iyong borador. Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda
na rin ang paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag
kalilimutang magbigay ng pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa
pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:


➢ Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin
ang mga aklat, pahayagan, web site, at iba pa.
➢ Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
➢ Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng pagsulat
nito. Kung ang napiling estilo ay American Psychological Association
(APA), maaaring sundan ang sumusunod na pattern para maisulat ang
mga ginamit na sanggunian.
Para sa mga Aklat
➢ Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat.
Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapagpalimbag
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
➢ Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat
ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #),
pahina #.
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet
➢ Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento.”
Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa
buong web address simula sa http://.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
- Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-
type na ito gamit ang pormal na ibinigay ng iyong guro.

11
Prosesong Tanong:
1. Ano ang sulating pananaliksik? Bakit mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang
mag-aaral sa pananaliksik at sa pagsulat ng sulating pananaliksik?
2. Bakit mahalagang maging interesado ka sa paksang iyong susulatin?
3. Bakit mahalagang malinaw sa iyo ang layunin ng iyong gagawin at batid mo kung
sino ang iyong magiging mga mambabasa?
4. Bakit mahalagang maiangkop ang susulatin sa uri ng iyong magiging mambabasa?
5. Ano-ano ang maaaring gawin upang higit na maging organisado ang pangangalap
ng tala o note taking?

Tiwala ako na binasa at sinuri mo nang may kahusayan ang ating paksang-aralin.
Alam ko rin na hindi ka na makapaghintay sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang gawain
sa bahaging ito.

Gawain 1 Sagutin Natin!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat
sa linya ang salitang Tama at ang Mali kung hindi wasto ang pahayag.

________________1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa


pagbibigay ng direksiyon sa pagsasaayos ng mga ideya at sa pagsulat.

________________2. Borador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro.

________________3. “Hawig” ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang


mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

________________4. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating


pananaliksik.

________________5. Isa sa mahahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng


sulating pananaliksik ay ang pagpili ng paksang magiging interesado at kakayanin ng
susulat.

________________6. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat


ng mga ginamit na sanggunian sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.

________________7. Kapag gumamit ang manunulat ng “tuwirang sinipi” sa


pangangalap ng tala ay pinaiikli lamang niya ang bersiyon ng isang mas mahabang
teksto.

________________8. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang


pagsulat.

12
________________9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon
ng mahusay na introduksiyon at katawan subalit hindi na mahalaga ang
kongklusyon.

________________10. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o


inaasahang mambabasa ng isusulat.

Gawain 2- Buoin Natin!

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang sulating


pananaliksik na tinalakay sa araling ito. Isulat sa mga kahon ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

1. 2. 3. 4.

5.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Makabuluhang
Sulating Pananaliksik

10. 9. 8. 6.

Gawain 3- Salik-Suri (Saliksikin at Suriin)

Panuto: Gamit ang internet ay magsaliksik sa Google o ano mang web site ng isang
pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino. Basahing mabuti ang papel
pananaliksik at magkaroon ng pagsusuri dito gamit ang mga tanong na ibinigay.

1. Paksa

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Layunin

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Abstrak ( buod ng pag-aaral/papel pananaliksik)

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

13
4. Suliranin

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

5. Mga Natuklasan

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

6. Kongklusyon

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

7. Rekomendasyon

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Malayo-layo na nga ang iyong narating. Parang kailan lang nang


magsimula ka sa pag-iisip at pagtuklas sa modyul na ito. Ngayon ay patunayan mong
kayang-kaya mong ipamalas ang iyong mga natutunan sa aralin na tinalakay.

Gawain 1 Pagsulat
Mula sa salitang pananaliksik, bumuo ka ngayon ng mga konseptong
makatutulong sa iyo upang lubusang maunawaan ang kahalagahan nito sa pag-aaral
at sa hinaharap na mga hamon ng kasalukuyang kurikulum. Tingnan ang unang
halimbawang ginawa.
Konsepto Paliwanag
P Pagiging Sa paglalahad ng mga datos batay sa resulta ng pananaliksik,
obhetibo kailangang walang pinapanigan ang mananaliksik.
A
N
A
N
A
L
I
K
S
I
K

14
Natitiyak kong nakahanda ka na sa mas malawakang gawain, na kung saan
higit mong magagamit ang iyong mga natuklasan sa aralin ng modyul na ito. Galingan
mo!

Gawain- MAGAGAWA NATIN!


Ikaw ay isang mananaliksik mula sa National Commission for Culture and the Arts
(NCAA). Naatasan ka ng inyong pinunong magsaliksik at bumuo ng sulating
pananaliksik tungkol sa paksang may kaugnayan sa penomenang kultural at
panlipunan sa ating bansa. Ang iyong gagawin ay isasama sa iba pang mga sulating
nakalathala sa web site ng NCCA. Makatutulong ang mga sulating ito upang higit na
mapahalagahan ng mga Pilipino an gating kultura at iba pang pagkakakilanlang
panlipunan at pambansa. Gumamit ka ng angkop na mga salita at pangungusap
upang mapag-ugnay-ugnay mo ang mga ideya sa isang susulatin.
Maaari kang pumili ng isa sa mga paksang nakalahad sa ibaba subalit maaari din
namang ikaw ay mag-isip-isip ng kaugnay na paksang ihihingi mo muna ng pahintulot
o pang-aproba ng inyong pinuno bago mo simulang gawin.
➢ “Manlilikha ng Bayan” sa inyong sariling bayan o pamayanan. Ayon sa
R.A. 7355, “ang manlilikha ng bayan ay mga mamamayang nakabubuo
ng mga tradisyonal na sining na naiiba at maituturing na tunay na
tatak-Pilipino. Ang kakayahan ng tao o mga taong ito ay katangi-tangi
at may mataas na antas ng teknikal at artistikong kahusayang naipasa
rin niya sa kasalukuyang henerasyon ng mga mamamayan sa kanyang
pamayanan nang may kaparehong antas ng teknikal at artistikong
kakayahan.”
➢ Uri ng Pamumuhay at Kasaysayan ng mga Pamayanang Malapit sa mga
Katubigan sa Ating Bansa na maaaring ilahok sa “Dagat ug
Kinabuhi/Maritime Cultures, Spaces, and Networks sa Siliman
University, Dumaguete City.”
➢ Mga natatanging kultura sa inyong sariling bayan, lalawigan, o rehiyon
na hindi makikita saanmang bahagi ng bansa
➢ Mga instrumenting pangmusikang natatangi sa inyong lugar
➢ Mga pagkaing natatangi sa inyong lugar na may potensiyal na
maipagbili sa ibang lugar upang mapagkakitaan
➢ Magagandang lugar sa inyong pamayanan o lalawigan na hindi pa
naipakikilala sa mga turista subalit may potensiyal na maging tourist
spot

15
Mahusay! Sa punto namang ito ay tingnan natin ang dami at lalim ng
iyong natutunan. Sagutan nang buong-husay ang sumusunod.
Pagtataya 7. May Pagpipilian
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Anong hakbang ng pananaliksik ang nagpapahayag na magsaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik?
A. Pagpili ng Mabuting Paksa
B. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
2. Ang tuwirang sinipi, hawig, at buod ay ang tatlong uri ng..
A. Tala o Note Taking C. Borador
B. Balangkas D. Tesis
3. Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
A. Pangangalap ng Tala o Note Taking
B. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
C. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
D. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
4-6 Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng ____________
na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang
______________ na babasahan ng pinalawig na o nalamnan nang bahagi ng iyong
balangkas, at ang iyong ________________ na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga
natuklasan sa iyong pananaliksik.
A. introduksiyon, katawan, kongklusiyon C. aral, buod, reaksyon
B. ugnayan, kaisahan, katapatan D. kaayusan, linaw, pananaw
7. Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
A. Pagpili ng Mabuting Paksa
B. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
8. Bakit kailangang maging mapanuri ang isang mananaliksik?
A. dahil mas magiging kapaki-pakinabang ang isang pananaliksik kapag
mapanuri ang mananaliksik
B. dahil kinakailangang maging sensitibo ng mananaliksik sa papel na kanyang
gagawin
C. dahil ang bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, sinusuri at tinataya
D. dahil mas magiging makatotohanan ang pananaliksik kapag mapanuri ang
mananaliksik

16
9. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong
pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon para sa
kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.
A. Gleason B. Treece at Truce C. Parel D. Good
10-11. Ang pananaliksik ay _____________ ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon
at paglutas sa isang _____________.
A. pagbasa, hamon C. pagtanggap, paghahanap
B. pagtuklas, suliranin D. pagsulat, kabiguan
12. Ang pananaliksik ay isang _____________ gawain.
A. pang-akademikong C. pangkalahatang
B. panlibangang D. pansariling
13-15 Sa pagbuo ng Pahayag ng Tesis, kung napagpasiyahan na ang __________,
bumuo na ng pahayag ng __________. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing ____________.
A. bibliyograpiya, burador, pananaliksik
B. pananaliksik, paksa, tesis
C. burador, nilalaman, paksa
D. paksa, tesis, pananaliksik

Tiyak na walang pagsidlan ang iyong kasiyahan matapos mong masagutan


ang iba’t ibang gawaing ibinigay sa iyo. Binabati kita sa iyong tagumpay. Kaugnay
nito, nais kong malaman ang iyong saloobin patungkol sa paksang-tinalakay. Tapusin
mo na ang huling gawain para sa linggong ito.

Gawain- Pagsulat ng Dyornal


Sa iyong palagay, alin sa mga hakbang o bahagi ng pagsulat ng sulating
pananaliksik ang pinakamahirap isagawa? Paano kaya ito mapadadali? Maglahad ng
mga paraan.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

17
18
Sanggunian

Dayag, Alma M. (2016). Pinagyamang Pluma sa Komunikasyon sa Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
Victoria, Vasil A. (2020). Orgulyo- Sanayang Aklat sa Filipino SHS (Batay sa MELC
2020). Camarines Sur.
Alcaraz, Cid (2016) Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School.
Quezon City. Educational Resources Corporation
Marquez, Servillano T. (2017) Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon city. Sibs Publishing House, Inc.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like