You are on page 1of 24

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Paglinang ng Kakayahang
Komunikatibo (Ikalawang Bahagi)

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang
Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aira Janel A. Nuñez/ Wendy G. Pescante/ Mhalaya S. Broqueza
Editor: Aileen L. Francisco
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit:
Tagalapat: Aira Janel A. Nuñez
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Editha O. Peregrino, Division SHS Focal Person
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Paglinang ng Kakayahang
Komunikatibo (Ikalawang Bahagi)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang Bahagi).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino – Senior High School ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paglinang ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang Bahagi).

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Kumusta mag-aaral! Binabati kita at napagtagumpayan mo na ang mga nakaraang
aralin. Halika at simulan natin ang bagong paksa na tatalakayin sa modyul na ito.

Sa mga nakaraang modyul aytinulungan kang linangin ang iyong kakayahan


sa pagpili ng mga angkop na salita upang maging tama ang iyong paglalahad ng mga
nais mong ipahayag.

Sa modyul na ito, ay ipagpapatuloy natin ang paglinang ng iyong kakayang


komunikatibo partikular na sa paghihinuha ng layunin ng isang kausap batay sa
paggamit at paraan ng pagsasalita. Ito ay mga kakayahang komunikatibo na
magpapaunlad sa iyong kasanayan sa paggamit ng wika.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at


paraan ng pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba' t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba't ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
(F11EP-IIf-34)

1
Sa pagsusulit na ito, makikita mo kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul.
Tayo na’t subukin ang iyong kaalaman. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Gawain 1. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Ginamit


A. Suriin at ibigay ang kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat
bilang ayon sa pagkakagamit ng salita. Piliin sa sumunod na kahon ang
kahulugan ng salita sa bawat bilang.
reklamo pamilihan
problema gumugulat

maghirap mawalan ng gana

__________1. Bakit ba naman linggo-linggo ay bumubulaga sa atin ang tila tulo sa


gripo na tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

__________2. Daing ng ilang mamamayan ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng


produktong petrolyo.
__________3. Dapat na ang pamahalaan ay mag-isip ng mga solusyon upang ang
kanyang mamamayan hindi kumahig isang tuka.

__________4. Mag-isip ng mga alternatibong pamaraan na makatutulong upang


mabigyan ng solusyon ang krisis na ito.

__________5. Sa pandaigdigang mercado, napakataas ng presyo ng langis.

B. Bigyang pagpapakahulugan ang mga pahayag.

1. Pilipinas! Mapalad ka sa muling pagsilang. Ang panahon ng


kababalaghan ay hindi pa lumilipas.
Pagbibigay-kahulugan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Wow ha! Shining shimmering splendid!


Pagbibigay-kahulugan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2
3. Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
Pagbibigay-kahulugan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Kahit kalian hindi na kita paaasahin. Itaga mo iyan sa bato.


Pagbibigay-kahulugan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Lintik lang ang walang ganti.


Pagbibigay-kahulugan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3
Aralin
Paglinang sa Iba’t ibang
1 Paggamit ng Wika
Ang wika ay siyang puso ng komunikasyon. At dahil sa ito nga ang tulay na
ginagamit upang makipagtalastasan sa iba’t ibang tao ay lumalago o napapayaman
ang wika at isa sa mga yumayamang aspeto ng wika ay ang kahulugan. Ang
simpleng kataga na “isulong natin ang ating Karapatan” ay maaaring magkaroon ng
iba’t ibang karagdagang kahulugan batay sa iba’t ibang aspeto labas sa istruktura
ng pangungusap. .

May mga mensahe na minsan ipinapaabot pero hindi batay sa mga salita.
Minsan, ang mensahe ay napapadala sa kalidad ng pagsasalita o di kaya sa kilos o
galaw. Sa iyong pakikipagtalastasan, hindi lamang ang sinasabi ang iyong binabasa,
kundi pati na rin ang ibang bagay na hindi nakapaloob sa mga salita.

Halika na at linangin ang kakayahang mabigyang-kahulugan ang mga


mensaheng ipinararating ng kausap. Pagsikapang maisagawa ang mga gawain
inihanda para sa iyo.

Mga Tala para sa Guro


Kakayahang Komunikatibo

Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Ang wika ang
sentro sa lahat ng ating Gawain, higit sa anupaman, ito ang kaibahan natin
sa lahat ng bagay na nilikha sa mundo. Ang pagkakaroon ng wika ang isang
katangiang ikinaiiba ng tao sa hayop. Hindi magiging normal ang ating
pagkilos kung wala ito. Wika ang pangunahing instrumento na nagbubuklod
sa tao hindi lamang sa pakikipagkomunikasyon kundi maging sa pagkilala ng
kultura ng iba’t ibang lipunan.

(Marquez, Jr. 2017)

4
Buuin ang pag-unawa ng pamahalaan hinggil sa pag-iwas sa sunog sa panahon
ng Pasko sa pamamagitan ng pagpili ng naan,gkop na salita o parirala mula sa
mga nasa loob ng kahon.

tangkilikin narito masira ginagamit kuhanin


humawak mag-handle ito na nga magliyab pinapaandar

IWAS-SUNOG SA PANAHON NG PASKO

Ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mamamaya upang


makaiwas sa sunog:

● Mag-ingat sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at __________ lamang


ang may mga marka ng Philippine Standards (PS) at Import Commodity
Clearance (ICC).
● Suriin ang __________ na Christmas lights at siguruhing walang sira o
damagesa mga kable nito.
● Iwasang mag-overload ng electrical outlets. Kadalasang ang mga outlet ay
may kakayahan lamang na _________ ng hanggang tatlong appliances.
Tandaan, kapaga ng kable ng kuryente ay mainit, ito ay overloaded na at
maaaring magdulot ng kapahamakan.
● Gumamit ng mga non-flammable o hindi madaling __________ na dekorasyon
at ilayo rin ang mga ito sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon

Sa pagpapatuloy natin, halika at tuklasin natin ang iba mo pang kasanayan.

Gawain 1.Pagsasaayos

Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng mga pahayag na


nagtataglay ng pagkamagalang. Isulat ang sagot sa patlang sa ibaba ng bawat
bilang.

5
1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang programa.
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Sara mo nga ang pinto.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Gusto kong malaman ang opinyon mo rito.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Pasok ako sa bahay mo ha.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

6. Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

7. Kunin mo ang aking relo.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

8. Tumayo na kayo para sa pag-awit ng Lupang Hinirang.


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

9. Ayos lang ba na ikaw ang mamuno ng panalangin.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10. Pwede nang kumain


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6
Sa bahagaing ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon

Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng


salita sa anyong pasalita at/o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, kakilala, pakikipagtalakayan
sa klase at paglahok sa mga usapan sa seminar at kumperensya. Pasulat naman
itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blog post, pagbuo ng
manifesto at bukas na liham, at iba pa.

Isa pang uri ng komunikasyon ang di-berbal na komunikasyon. Ayon sa mga


pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga
taong napapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan, tinatayang 70 porsyento ng
isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element (Maggay
2002). Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod:

1. Kinesika (kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito


ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng kamay, at tindig ng
katawan.
2. Proksemika (proxemics) – tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-
usap. Ang oras ay maaaring maging pormal gaya ng isinasaad ng relo, o
impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng mga terminong
“ngayon na”, “sa lalong madaling panahon” at “mamaya na”. Ang distansya
naman ay nagbabago rin depende sa natamong ugnayan sa kausap.
Kapansin-pansin ang mga bagong magkakilala ay may mas malaking
distansya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – itinuturing na isa sa pinakaunang anyo
ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o
pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. Halimbawa nito ay pagapik
sa balikat o pagyakap sa kausap.
4. Paralanguage – tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
5. Katahimikan o Kawalang-Kibo – lubhang makahulugan na karaniwang
ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o dili kaya ay
magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng
kaayusan nito. Mahihinuha ang intension ng kausap batay sa kung saang
lugar niya nais makipag-usap.

7
Mga Kagawiang Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino

Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang


pangkomunikasyon ng mga tagpagsalita ng wikag pinag-aralan. Sa pamamagitan
nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay
maaaring lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at paggalang sa
kausap.

Sa pag-aaral nag kultura at komunikasyon na isinagawa ni maggay (2002),


kanyang binigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang nabab Pilipino.
Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahagihan ng mga kahulugan at kahit sa
pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito s akung papapano natin itinuturing
ang kawalang-kibo o katahimikan bilang malalim nap ag-iisip at kung gayon ay
lubhang makahulugan.

Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod


ng kulturang pang-komunikasyon. Ito ay isang katutubong pamamaraan ng
papapahayag na di tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa
pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng mga
himaton; o ng mga berbal na palatandaan na kaakibat nito. Maaaring ang
pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal o kumbinasyon nito. Kadalasang ginagawa
ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao.

Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Mayday 2002):

1. Mga salitang tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya

a. Pahaging – isang mensaheng sinadyang magmintis at pinapaalingawngaw


lamang sa paligid.
b. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan ng
bahagya ang kinauukulan nito.

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang
mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:

a. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob,


hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
b. Pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang
at iba pang mensaheng nakakasakit sa mga nakakarinig na kunwari ay
labas sa usapan.

8
3. Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama:

a. Paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao o maging ng espiritu, sa


pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog,
pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto,
kaluskos at iba.
b. Papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensyon na
kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalido
sa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit at iba pang
kalabisang kumukuha ng pansin.

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay


napatatamaan siya:

a. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na


karaninwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring
may masaktan: “Dahan-dahan at baka makasagasa ka.”
b. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at
umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit
na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng
nakikinig sa pagsasabing: “H’wag mo akong paandaran”.

Mga Prosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng berbal at di-berbal na komunikasyon?

2. Isa-isahin ng mga salitang nagpapahiwatig ayon kay Mayday 2002 at


ipaliwanag ang nilalaman nito.

3. Paano mahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga


salita at paraan ng pagsasalita.
4. Bakit nagkakaroon ng paghihinuha sa layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng mag salita at paraan ng pagsasalita.
5. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman mo ang gamit ng Kakayahang
Komunikatibo sa paraan ng Komunikasyon? Ipaliwanag.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay


ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Ang mga nailahad ay katangian ng Kakayahang Komunikatibo sa paraan ng


Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon at mga pahiwatig na salita ayon kay Mayday
2002 ay may malaking papel na ginagampanan lalo na sa paraan ng komunikasyon
upang maging mabisa ang paglalahad mo ng iyong kaisipan at lubos mong
maunawaan ang nais ipahiwatig ng iyong kausap.

9
Ngayong nabatid mo na ang lahat ng mga impormasyong dapat mong
maunawaan sa araling ito, Halina’t sagutin mo ang mga mahahalagang tanong sa
bahaging ito ng modyul.

Gawain 1: Pagtatapat

Panuto:Tukuyin sa HANAY B ang mga pahiwatig ayon kay Mayday 2002 ang
isinasaad na kahulugan na nasa HANAY A Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Malawakang ginagamit upang maiparating ang a. padaplis


Naisasaloob hindi ng kausap kundi ng sinumang
nakikinig sa paligid.
2. Isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon b. papansin
Na kadalasang naipapahauag sa pamamagitan ng
Pagtatampo o sobra-sobrang pangungulit at iba pang c. parinig
Kakayahang kumukuha ng pansin.
3. Salitang nagpapahiwatig ng sinadyang magmintis o d. paramdam
alingangaw sa paligid.
4. Ipinaaabot ng isang tao sa pamamagitan ng mga e. pasaring
Ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog o
Pagbabagsak ng mga kasangkapan.
5. Pahiwatig na sadyang lihis sa layuning matamaan ng f. pahaging
bahagya ang kinauukulan nito.

Gawain 2: Sight Memorization

Panuto: Ibigay ang ideya/kaalaman tungkol sa mga sumusunod na pangungusap


tungkol sa Komunikasyon na Di-berbal :Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot
at isulatsa sagutang papel.

PROKSEMIKAPANDAMA
PARALANGUAGE KAPALIGIRAN
KATAHIMIKAN KINESIKA

1. Makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang


sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.

2. Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng kamay, at


tindig ng katawan.

3. Tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito.


Mahihinuha ang intension ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-
usap.

10
4. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi
magandang karanasan. Halimbawa nito ay pagapik sa balikat o pagyakap sa kausap.

5. Di-berbal na komunikasyo na tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng


pagsasalita.

GAWAIN 3: Hinuha’y Itala

Gamit ang mga kakayahang pangkomunikatibo iyong natutuhan, maghinuha kung


ano ang layunin ng kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita.

1. “Sige, pumunta ka sa bahay namin para magkita tayo. Para makita mo kung ano
ang hinahanap mo at nang matahimik ka na”

Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________

2. “Noong una akong kumatok sa inyong pusi, ang sabi ko. Gusto kong ipagpatuloy
ang mga simulain ni FPJ” Senadora Grace Poe

Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________

3. “Haluin mo lang nang maigi, tapos kung sa tingin mong okay na, kumuha ka ng
isang kutsara dun sa hinalo mo tapos bilugin mo. Bola-bolahin mo. Gaya ng ginawa
mo sa akin. Paikot-ikutin mo sa mga palad mo. Ipagulong mo sa asukal. Paglaruan
mo kung gusto mo tutal diyan ka naman magaling eh.” – Isang netizen

Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________

4. “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple
choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan
kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi batay sa kung tama o
mali ang sagot, kundi batay sa kung ano ang kabuluhan ang mga naisulat o wala.
Allowed ang erasures.” – Bob Ong (ABNKKBSNPLAko?)

Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________

5. “Malabo na talaga ang mga mata ko. Maaari ba akong makahingi sa iyo kahit
konting pagtingin?” – Senadora Miriam Defensor Santiago (Stupid is Forever)

Layunin ng nagsasalita: __________________________________________________________

11
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Mahusay ang ipinakikita mong sigasig upang matutuhan at maunawaan ang


mga aralin sa modyul na ito. May mga ilang mahalagang konsepto lang akong gusto
kong baunin mo. Bilang paglalagom ng iyong mga natutuhan ay iyong sagutin ang
“Mapa ng Konsepto” na nasa ibaba. Ito ay tumutukoy sa Kakayahang
Komunikatibo at mahalagang kaisipang iyong natutuhan sa aralin.

Gawain 4: Mapa ng Konsepto

Panuto: Sagutin ang IRF sheet. Punan lamang ang unang hanay ng iyong sagot sa
tanong. Tandaan ang magiging tugon yamang maaaring mabago ang mga ito habang
pinag-aaralan ang paksa.

Ano ang iyong hinuha hinggil sa mga Kakayahang Komunikatibo na


Berbal at Di-berbal na Komunikasyon
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Pinal na Tugon Ayon sa Natutunan (Final)

12
Ngayong nalagom mo na ang lahat ng iyong natutuhan sa araling ito.
Subukan naman nating isagawa ang iyong naunawaan sa bahaging ito ng iyong
paglalakbay. Basahing mabuti ang gawain na nasa ibaba Suriin itong mabuti batay
sa iyong natutuhan sa modyul na ito.

Gawain 5: Sulat-Suri

Panuto: Bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika


ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. Maaaring pumili ng isang
grupong sosyal o kultural na makikita sa pagsasaliksik gamit ang social media at
doon ituon ang iyong gagawing sanaysay.

Mga Mungkahing Paksa:

1. Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language.

2. Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles kaysa sa wikang


Filipino.

3. Ang pagkakaroon ng Mother Tongue Based-Multilingual Education sa bansa.

Magaling! Wala na akong masabi sa’yo. Higit pa nating tingnan ang dami at
lalim ng iyong natutunan. Sagutan nang buong-husay ang sumusunod.

Pagtataya 6. May Pagpipilian


Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. “Sadyang kaybuti ng kalooban ni kagawad, malayong-malayo sa mga
kasamahan niya sa barangay.” Anong kagawian ang ginamit sa
pangungusap?
a. Paramdam c. Parinig
b. Sagasaan d. Paandaran

13
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang paramdam?
a. Buti pa yung toyo may ka-partner na suka. E ako, hanggang kailan ako
aasa na maging “tayo”?
b. Hindi naman kasi mangyayari ang ganito sa bansa, kung may mga tapat
lamang na politiko an gating bayan!
c. Napipikon ka? Naaapektuhan ka? Bakit? Siguro kasi alam mo sa sarili mo
na may pagkukulang ka rin e ‘no?
d. Umaasa pa rin ako na bukas-makalawa ay muli kaming magtatagpo.

3-5 . Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong


________________sa __________________ sa mga taong napapaloob sa sariling
____________.
a. Paralanguage, pakikisalamuha, bayan
b. berbal, pakikilahok, lipunan
c. pandama, pagpapahayag, bansa
d. di-berbal, pakikipag-usap, kultura

6. Ang _________________________ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng


salita sa anyong pasalita at/o pasulat man.
a. berbal na komunikasyon
b. di-berbal na komunikasyon
c. kinesika
d. proksemika

7. Lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at


paghandaan ang sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob
ang anyong ito ng di-berbal na komunikasyon.
a. Pandama c. Paralanguage
b. Katahimikan o Kawalang- kibo d. Kapaligiran

8-10. Ang ______________ ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng


kulturang pang-komunikasyon. Ito ay isang katutubong pamamaraan ng
__________________ na di tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan
sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na _______________ ng
mga himaton; o ng mga berbal na palatandaan na kaakibat nito.
a. pahaging, komunikasyon, pakikibaka
b. pahiwatig, pagpapahayag, pagbabasa
c. paghihinuha, pakikipagtalastasan, pagsulat
d. parinig, pakikipag-ugnayan, pagbigkas

11. Tumutukoy ito sa oras at distansya sa pakikipag-usap.


a. Kinesika c. Proksemika
b. Pandama d. Paralanguage

12-14 Maaaring ang __________________________ ay ____________, di-berbal


o kumbinasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang
sa damdamin at dangal ng isang _____________.
a. pahayag, malaya, lipunan
b. wika, pormal, bansa
c. komunikasyon, kinesika, indibidwal
d. pagpapahiwatig, berbal, tao

14
15. Tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
a. Kinesika c. Proksemika
b. Pandama d. Paralanguage

Nakatutuwa naman! Malapit ka na ngang matapos sa modyul na ito. Bilang


pangwakas na gawain, isakatuparan mo ang sumusunod. Tiyak na madali lamang
ito para sa’yo.

Gawain- Likhain Mo Na!

Pagsulat

Mangalap ka ng mga sitwasyong nagpapakita ng kakayahang komunikatibo


sa paggamit ng wikang Filipino sa sumusunod na mga pook o lugar. Gawin sa
talahanayan sa ibaba.

Lingguwistiko Sosyolingguwistiko Diskorsal Istratedyik


Tahanan
Simbahan
Pamilihan
Paaralan

15
16
Subukin Pagyamanin Tayahin
gumugulat Gawain 1: C
reklamo 1. C A
maghanap 2. B 3-5 D
problema 3. F 6. A
4. D 7. B
pamilihan
5. A 8-10 B
Balikan 11. C
Gawain 2: 12-14 D
tangkilikin 1. Katahimikan 15. D
ginagamit 2. Kinesika
mag-handle 3. Kapaligiran
magliyab 4. Pandama
5. Paralanguage
Tuklasin- MP
Gawain 3:
Suriin- (prosesong Malayang sagot dahil ito ay
tanong)- MP batay sa hinuha ng mag-
aaral.
MP
Sanggunian
Taylan, Dolores R. et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila.

Marquez, Servillano T. (2017). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Sibs Publishing House Inc. Quezon City.

Jocson, Magdalena O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Vibal Group Inc. Quezon City.

Rosario, A. D. (2016). PINAGYAMANG PLUMA, Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Gonzales, E. S., & DALL. (2019). FILIPINO 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Golden Cronica Publishing, Inc. .

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like