You are on page 1of 1

Kabag

Isinulat ni Gladys Joy Edang – Amodan

May mga araw talaga na mahirap ilabas ang dapat na ilabas. Minsan puro hangin,
minsan may laman. Normal na sa akin ang ganitong pakiramdam. Ngunit, isang araw
ay sumakit ang aking tiyan na iba sa normal kong nararamdaman. May kasama itong
pagsakit ng ng puson at madalas pa ay humihilab. Agad akong nagtungo sa aming
banyo nagbabakasakaling ito ay lumabas. Ngunit kahit ang pag-utot ay hindi ko
nagawa.

Nabahala ako at naisip ko na baka mayroon akong sakit kaya’t sumangguni ako kay
google upang tingnan ang mga sintomas na aking nararamdaman at mabigyan ng
kasagutan. At sa aking pananaliksik ay aking natuklasan at nagdulot ng kaba ang
resulta na aking nakita. Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na botika at agad na
umuwi matapos bilhin ang aking kailangan. Uminom ako ng tubig bago magtungo sa
banyo na may kaba parin sa dibdib.

Inilabas ko ang aking binili at agad na ipinatak ang likido na magbibigay kasagutan sa
aking tanong. Matapos ang isang minuto ay hindi ko malaman kung nagiging dalawa ba
ang aking paningin o sadyng dalawa ang linya na aking nakikita. Ang kaba sa dibdib ay
napalitan ng pagkaguklat at saya na naging dahilan upang hindi ko maiwasang hindi
mapaluha. Dalawang pulang linya ang kumukumpirma, na ako ay isang ganap ng ina.

Nakakatuwang isipin na ang akala kong sama ng loob na dapat ilabas ay isa palang
biyaya na kaloob ng may kapal.

You might also like